Share

Kabanata 102 Evil Plan

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-25 07:24:13
Bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doktor. Agad tumayo si Kyle, halos matalisod sa pagmamadali.

“Doc… kumusta ang pasyente?” nanginginig ang boses niya, puno ng takot at pag-asa.

Bahagyang ngumiti ang doctor. “Stable na ang lagay niya. Sa pagsusuri, food poisoning ang sanhi ng matinding pananakit ng tiyan. Buti na lang at naagapan agad.”

Halos mapaupo siya sa sobrang ginhawa. Napahawak siya sa dibdib, tila nakahinga nang maluwag matapos ang napakatinding kaba. Salamat sa Diyos at ligtas si Mira.

“Salamat dok. Pwede ko na ba siyang makita?”

“Pwede na, pero kailangan pa niyang magpahinga at manatili rito hanggang makasiguro tayong tuluyang bumuti ang lagay niya,” paliwanag ng doktor.

Tumango siya, ngunit ang ginhawang naramdaman ay mabilis na napalitan ng nag-aalab na galit. Napakuyom ang kanyang kamao at mariing napamura.

“Kung sino man ang may kasalanan nito, pagbabayaran nila ang pananakit kay Mira.”

Eksaktong tumawag si Lucas.

“Bro, nakuha ko na ang impormasyon tungko
Maria Bonifacia

Every page you read and every word you cherish keeps the magic of storytelling alive. Thank you so much!

| 19
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (14)
goodnovel comment avatar
Wilrich Ella Belle
si calyx, kyle galaw galaw idispatya muna si tamara
goodnovel comment avatar
Rizza De Guzman - Paynor
Si Sebastian yung kasabwat panigurado.
goodnovel comment avatar
Annjoy Estrella
parang,,may Duda na Ako kung sino Ang kasabwat,,sana wag c Sebastian..huhu
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 168 The Jealous Assistant

    “I’m here to see Sebastian. I don’t need an appointment,” nakangiting sabi ng babae, parang close ito sa CEO.Tiningnan niya muna ang visitor log. “Ma’am, wala po kayong appointment. Busy po si Sir Sebastian ngayon.”Nag-angat ng kilay ang babae at tumawa nang malumanay, pero may yabang. “Oh, he’ll see me. Just tell him Vicky is here.”Napakunot ang noo niya. Vicky? Hindi niya kilala. “Ma’am, kahit po--”Pero bago pa siya matapos, dumiretso na si Vicky sa pintuan ng opisina ni Sebastian. “Sandali lang po! Bawal po pumasok ng walang paalam!” habol niya, pero hindi siya pinansin nito.Pagbukas ng pinto, nakita niyang nag-angat ng tingin si Sebastian mula sa ginagawa at nakangiti.“Vicky,” bati ni Sebastian. “It’s been a while.” Tumayo at nagyakap ang dalawa.Napatigil siya sa pinto. Tumingin sa kanya si Sebastian.“Jenny, leave us,” malamig na utos nito.Parang may kumurot sa dibdib niya. Napalunok siya bago bumitiw ng mahina. “Okay, boss.” At dahan-dahan siyang umatras at isinara ang p

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 167 Shocking Situation

    Parang napako si Jenny sa pagkakahiga. “G-Good morning, boss!” mabilis niyang sambit, pilit na ngumiti kahit nanlalaki ang mata.Tahimik lang ito, nakatitig pa rin sa kanya, saka mabagal na umupo. “Jenny…”“Boss?”“Nakatulog ka sa braso ko kagabi,” kalmadong sabi nito, sabay ngiti nang bahagya. “At hindi mo binitiwan kahit umiikot ka sa kama. Napakalikot mo pala matulog.”Agad siyang tumalon pababa ng kama. “B-baka nananaginip ka lang, boss!”Narinig niya ang tawa ni Sebastian. Tumayo ito at pumasok sa banyo.Habang inaayos niya ang kumot, narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napalingon siya sa salamin sa dingding at halos mahulog ang panga niya.Salamin lang pala ang dingding ng shower! Kita niya nang buo si Sebastian, nakatalikod at nasa ilalim ng agos ng tubig. Makinis, matambok ang puwet, at ang likod nitong parang hinulma.“Diyos ko po…” bulong niya, napayakap sa sarili. “Bakit gawa sa salamin ang banyo?!”Nanuyo ang lalamunan niya habang tinititigan ang tanawing hin

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 166 One Night Together

    Pagpasok nila sa kwarto, natigilan si Jenny. Maliit lang ang silid, malamig dahil sa aircon, at iisang kama lang ang nakalatag. Wala man lang sofa o kahit ekstrang upuan.Napalunok siya. “Boss… wala bang ibang option? As in, dito talaga tayo matutulog?”Tahimik na inilapag ni Sebastian ang susi sa mesa at tiningnan ang paligid. “Looks like it.”Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama, ramdam ang malambot na kutson. Pero agad siyang napatayo nang mapansin ang salamin sa dingding at isa pa sa mismong kisame.“B-boss… bakit may salamin sa ceiling?!” halos pabulong pero nanginginig ang boses niya. Nanlalaki ang mga mata habang tinuturo iyon.Napataas ang kilay ni Sebastian at may bahid ng ngisi sa labi. “Jenny, motel ‘to, hindi hotel. Alam mo naman kung anong usually ginagawa dito ng mga tao.”“Ha?! Pero bakit kailangan may salamin?” napasapo siya sa noo, pakiramdam niya ay lalong namumula ang pisngi niya.“Boss, pinapangunahan na kita, huwag kang magtatangkang gawan ako ng kahalayan,”

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 165 One Room

    “Wow, akala ko concern, lalaitin lang pala ako,” singhal si Jenny sa nadinig, umusok ang ilong sa sinabi ni Sebastian. Napatingin siya sa boss, na nakatingin din sa kanya na may pilyong ngiti sa labi.“Ikaw naman, hindi na mabiro, joke lang ‘yun para mapatawa ka.”“Boss, huwag ka ng magbiro, hindi ko bet ang jokes mo.”Pagdating nila sa bahay, agad na bumungad ang malakas na tawanan at amoy ng gin mula sa harap ng kanilang maliit na bahay.Nalaglag ang panga niya, nag-uumapaw ang galit sa dibdib. Habang siya ay halos mabaliw kakahanap kay Angela, eto ang ama, nagkikipagnuman!“Pa!” halos pasigaw niyang tawag. “Anong ginagawa ninyo?!”“Uy, Jenny!” bati ni Papa Elias, namumungay ang mata. “Tama-tama, may bisita nga pala tayo! Mga kaibigan, ipinapakilala ko sa inyo ang pogi at mayaman kong manugang.”Nanlaki ang mata ni Jenny, lalo na nang iabot pa ng ama ang isang baso ng gin kay Sebastian. “Shot ka muna, anak.”Halos lamunin ng hiya si Jenny. “Pa! Tigilan ninyo nga ‘yan!”“Isang shot l

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 164 Protective CEO

    Napahinto si Jenny, nagulat sa sinabi ni Sebastian. “Boss… alam kong busy kayo. Ako na lang po.”“Maging praktikal ka. Mas mabilis kung may sasakyan at may katulong ka sa paghahanap.”Pinikit niya ang mga mata, nag-isip sandali. Alam niyang tama ang sinasabi nito, pero nahihiya siya. “Hindi po ba malaking abala sa inyo kung sasama po kayo?”“Actually, tinatamad nga akong mgtrabaho ngayon. Tulungan kitang hanapin ang kapatid mo.”“Sige po. Salamat… sa tulong.” Hindi na nagtanong pa si Sebastian. Tumungo sila sa kotse. Habang umaandar sila palabas ng bahay, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, pagkabahala sa kapatid at ang presensya ni Sebastian sa tabi niya.Nakarating sila sa probinsya makalipas ang dalawang oras na byahe. Maliit lang ang kanilang bahay, bagama’t luma ang mga gamit, malinis naman ito. Nagulat pa ang kanyang pamilya dahil may kasama siya.“Boss, ito po si Carlo, ang bunso kong kapatid,” mabilis niyang pagpapakilala. “Si Mama Luisa at si Papa Elias naman po ang mga

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 163 Getting Too Personal

    Tila barado ang lalamunan ni Jenny. Pinilit niyang ngumiti. “Ah… may inayos lang po ako sa apartment, boss.”Tumibok nang malakas ang puso niya, ramdam ang tensyon sa pagitan nila.Nanatiling naghihintay ng sagot sa pangalawang tanong si Sebastian. Napakagat siya sa labi bago sumagot.“Kaibigan ko ‘yung naghatid sa akin. Hindi sinasadyang nagkita kami. Tumulong lang siyang magligpit ng gamit.”Lalong tumalim ang tingin ni Sebastian. Hindi ito nagsalita agad, ngunit ang katahimikan ay mas nakakabingi kaysa sigaw.Nakapako ang tingin nito sa kanya.“Interesting,” anito sa malamig na boses. “Sa akin, lagi kang tumatanggi. Ayaw mong sumabay, ayaw mong magpahatid… pero sa ibang lalaki, walang problema?”Napasinghap siya, halos mawalan ng boses.Lumapit pa si Sebastian, halos magkalapit na ang kanilang mukha. “Bakit, Jenny? Mas pinagkakatiwalaan mo ba sila kaysa sa akin? Kanina, si Jacob, ngayon naman isang angkas rider ang sinamahan mo.”“Hindi namamasada si Andrei, anak siya ng may-ari ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status