Mag-log inDear readers, ilang episodes na lamang po at magwawakas na ang love story nila Mira at Kyle. Pero huwag mag-alala, susunod na po ang kwento ng pag-ibig nila Jenny at Sebastian. Maraming salamat po!
Sumabog ang katahimikan ng hardin.“Itigil ang kasal!” sigaw ni Harvey, basag ang boses pero malakas ang loob.Nagtilian ang ilang bisita. Napalingon ang lahat. Ang officiant ay napaatras dahil sa komosyon, hindi alam kung ipagpapatuloy o hihinto.Humakbang si Harvey palapit sa gitna ng aisle, diretso ang tindig, nanginginig ang panga.“Bago ninyo isipin na masama akong tao dahil sa pagtutol ko sa kasal na ‘to,” sigaw niya, “nagkakamali kayo. Ako ay nagmamahal lang. At gusto kong protektahan si Iris!”Napatingin si Iris, nanginginig sa galit.“Harvey, tumigil ka na,” mariin niyang sabi.Pero hindi siya pinansin ng lalaki.“Don Apollo,” humarap ito sa matanda, “patawad po, pero tutol ako sa kasalang ito. Tutol ka din, hindi ba? Gusto lang din kitang tulungan. Alam ko kung bakit ayaw mong matuloy ang kasal na ito.”Naningkit ang mata ni Don Apollo. “Anong pinagsasabi mo, Harvey?”Bago pa makasagot, humakbang si Lucas, may kasunod na dalawang malalaking lalaki mula sa security.“Harvey,
Nag-angat ng tingin si Iris mula sa loob ng bridal tent. Nagtagpo ang mata nila ng ama.Tahimik ang Dahlia’s Garden habang naglalakad papasok.May bulungan. May mga matang palihim na nagmamasid.At doon sa gawing likod, hindi sa front row, umupo si Don Apollo.Hindi ito umalis.Pero hindi rin lumapit.Tahimik lang. Diretso ang likod. Nakatingin sa altar na parang sinusukat ang distansya, hindi lang ng mga upuan, kundi ng desisyong matagal niyang tinutulan.Kasunod nitong umupo si Harvey.Ilang sandali pa, may isa pang dumating.Si Candice. Umupo rin sa likuran, mag-isa. Nakatingin kay Daryl, may lungkot sa mata, pero walang hinanakit. Parang isang taong tanggap na ang hindi na kanya.Sa harap ng altar, nakatayo si Daryl.Naka-barong at gwapong gwapo. Pero nanginginig ang mga kamay na pilit ikinukubli sa likod.Dahil ilang sandali na lang ay lalakad papunta sa kanya si Iris, ang babaeng lihim na iniibig. Ni sa panaginip hindi niya inasahan na magpapakasal sila ni Iris.Sa loob ng brida
Nagdalawang-isip si Iris bago sagutin ang tumutunog na cellphone.Tumango si Daryl bilang pagpayag na sagutin niya kahit hindi niya tinatanong.Huminga siya nang malalim, tumayo at lumayo ng konti saka pinindot ang screen.“Hello? Anong kailangan mo Harvey?”Sa kabilang linya, may katahimikan muna, tapos isang hingang putol-putol. Parang pinipigilan ang iyak.“Iris…” basag ang boses ni Harvey. “Please… just listen.”Nanlamig ang mga daliri niya, pero hindi niya ibinaba ang tawag.“Nakikinig ako,” sagot niya, mahinahon.“I know it’s late,” mabilis na dugtong ni Harvey. “I know I messed up. Pero mahal kita. Mahal na mahal. Hindi mo pwedeng itapon ‘yon basta-basta. Ikaw ang first love ko na matagal ko ng hinahanap. At ako din ang first love mo, di ba?”Pumikit si Iris. Hindi dahil naaantig, kundi dahil nakakapagod.“Harvey,” sabi niya, mababa pero malinaw. “Hindi ko itinatapon ang kahit ano. Wala lang talagang tayo. Mga bata pa tayo that time. Marami ng nagbago.”“Pero pwede pa--” naputo
Bukas na ang kasal. Kabadong excited si Iris.Dapat puno ng anticipation at kilig ang araw.Pero para kay Iris, parang hinahabol sila ng gulo sa bawat oras. Daming aberya kung kailan bukas na ang kasal.“Ma’am Iris,” halos pabulong na sabi ng coordinator sa phone, nanginginig ang boses. “Yung cake supplier po… umatras.”Nanlamig ang batok niya. “Umatras? Bakit?”“Hindi po sinabi kung bakit.”Napapikit si Iris. “Okay. Sige, hahanap ako ng bago. Balikan kita mamaya. Salamat.”Hindi pa siya nakakahinga nang maluwag, sunod-sunod na ang pumasok na messages.Florist backed out.Sound system supplier unreachable.Host refuses to attend due to sickness.Pati catering umatras dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Nanlumo siya. Ayaw sana niyang isipin ngunit tila may nananabotahe sa kasal nila. Nagmessage siya sa group chat kung may kakilala ang mga kaibigan.Ilang minuto lang, may mga message na.“Relax. We got this, kayang kaya ‘yan,” chat ni Mira.Kasunod noon, halos sabay-sabay na ang tulong
“Ke masaya ka o hindi,” sabi ni Nanay Lily, hindi inaalis ang ngiti sa labi, “huwag mong idamay ang anak ko.”Natigilan si Donya Ester.“Ikaw ang pinili,” dagdag ni Nanay Lily. “Walang dahilan para magtanim ka ng galit sa puso.”Napangiti si Donya Ester. “Oo, ako ang pinili,” bulong niya. “Pero ikaw ang mahal noon hanggang ngayon.”“Anong bang sinasabi mo?” gulat na tanong ni Nanay Lily. “Matagal na panahon na ang lumipas. Matatanda na tayo. May sarili na tayong pamilya.”Tumikhim si Don Apollo, sinenyasan ang pagputol ng bulungan. Tumayo ito nang bahagya sa kinauupuan, ang tinig ay kontrolado ngunit malamig.“So ano ang dahilan at napasyal ang mga Ramos sa mansyon?”Huminga nang malalim si Nanay Lily. Tumayo siya, hawak ang maliit na handbag, diretso ang tindig kahit halatang kabado.“Don Apollo, una sa lahat ay nagpapasalamat kami sa pagpapaaral ninyo kay Daryl,” sabi niya, malinaw ang boses. “Tunay na hindi niya maaabot ang anumang narating niya kung wala ang tulong ninyo.”Sumunod
Tahimik ang gabi sa ospital.Mahina ang ilaw sa private room ni Daryl, sapat lang para makita ni Iris ang mahinahong pag-angat-baba ng dibdib nito habang mahimbing ang tulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may kumot sa balikat, hawak ang cellphone pero mas nakatutok ang mga mata niya kay Daryl.Tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Nanay Lily.Agad niyang sinagot ang video call.“Iris,” bungad ng matandang babae, bakas ang pag-aalala sa mukha. Sa likod nito, nakasilip si Lola Celia, may hawak na rosaryo. “Kumusta ka na, anak? Diyos ko, nakita namin sa balita ang nangyari.”“Okay na po ako, Nay,” agad na sabi ni Iris, pilit na kalmado. “Nasa ospital lang kami. Safe naman po.”“Si Daryl? Kumusta? Hindi namin makontak,” tanong ni Lola Celia, lumalapit sa camera.Inilapit ni Iris ang phone, ipinakita ang natutulog na binata. May benda ang braso.“Eto po,” mahina niyang sabi. “Nagpapahinga. Tulog po.”Napabuntong-hininga si Nanay Lily. “Salamat sa Diyos at safe kayong dalawa.”Nagising







