Share

Kabanata 150 Beyond Forever

last update Last Updated: 2025-09-06 18:18:15
Pagkatapos ng mensahe ni Jenny, muling tumahimik ang lahat nang kuhanin ni Kyle ang mikropono, hawak ang kamay ni Mira.

“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na dumalo at nakisaya sa amin ngayon. Napakaswerte namin ni Mira, dahil narito ang pamilya namin at mga kaibigan. Isang hindi malilimutang pangyayari sa buhay namin ang araw na ito. Napakasaya ko dahil kasama ko na ang babaeng pinangarap kong makapiling habang buhay.”

Tumitig ito kay Mira, puno ng pag-ibig ang mga mata. Malakas ang palakpakan ng mga bisita.

Inabot nito ang mic sa kanya.

“Gusto ko ring magpasalamat sa lahat. Sa mga magulang ko na nagmahal at gumabay sa akin, kay Lolo Mario, kay Don Renato, at sa lahat ng nandito. Sa totoo lang, hindi ko inakalang makakarating ako sa puntong ito, na may isang Kyle na handang mahalin ako sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan namin. Salamat sa inyong pagsama sa masayang araw na ito.”

Nagpalakpakan ulit ang mga tao. Kita sa LED screen ang mga mata niyang kumikislap
Maria Bonifacia

Maraming salamat po sa pagsama hanggang sa happy ending ng pag-iibigan nila Mira at Kyle. Bukas po ang simula ng Book 2: Jenny and Sebastian love story, another office romance sa pagitan ng CEO at kanyang assistant. Abangan!

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (113)
goodnovel comment avatar
Virginia Bayan
wow sarap basahin gad sia natapos🫶
goodnovel comment avatar
Rousse Inoncillo
kailan po ang book 2
goodnovel comment avatar
Alyza Marie Tinaya
Salamat author sa napakagandang kwento, pati ako nadala sa ganda nito. ano pong title ng kwento ni maya at lucas, ni seb at jenny?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 509 Not Me

    “Bakit napatawag ka?” sabi ni Iris.Sa loob ng bahay, nagpatuloy ang tawanan.Sa labas, unti-unting tumitigas ang desisyong hindi pa niya kayang pangalanan. Basta naiinis siya at magkasama sina Daryl at Candice.“Yes, Harvey,” ulit niya, mas malambing pa rin ang boses para ipadinig kay Daryl.Sa kabilang linya, parang agad nagbago ang tono ni Harvey, biglang mas kampante.“Akala ko busy ka. Pero I’m glad you answered. Missed your voice,” anitong may halong pag-angkin.Napapikit si Iris. Hindi siya sanay sa ganitong lambing mula kay Harvey, hindi nakakakilig. Mas nakakainis.“Harvey… kumakain lang ako, mamaya na lang,” sagot niya, iwas sa detalye.“Eat well, baby. I want to see you soon,” dugtong nito. “Public event this weekend. Gusto kitang makasama. Let them see us… together.”Tawa ang naging sagot niya ng makitang sumisilip si Daryl. “Sure,” kahit ayaw niya.Sa loob ng bahay, hindi sinasadyang narinig ni Daryl ang bahagyang tawa ni Iris. Hindi malinaw ang mga salita, pero sapat ang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 508 Pride and Jealousy

    Malalim ang iniisp ni Iris. Hindi siya dapat mauna, babae siya.Hanggang mag-uiwan na. Nakapatay na ang karamihan ng ilaw, desk lamp na lang ang bukas sa harap niya. Nakabukas ang chat box ni Daryl sa cellphone.Mahaba na sana ang naisusulat niya.“Daryl, pasensya na kung naging immature ako kagabi. Hindi ko dapat sinabi yung tungkol kay Harvey. Nasaktan ako pero mas nasaktan yata kita…”Huminto ang daliri niya.Binura niya ang isinulat.Sinubukan ulit.“Namimiss kita. Hindi ko alam kung saan ba ako nakalugar sa puso mo. Mahirap pala ang walang label.”Binura ulit.Napabuntong-hininga siya, napasandal sa upuan.Bakit siya ang mauunang magparamdam?Bakit parang siya ang naghahabol kahit wala namang label?Ipinatong niya ang cellphone sa mesa, nakabaligtad.Biglang tumunog ang notification.Napaigtad siya.“Musta ka? Kumain ka na ba?”Galing kay Daryl. Nanlaki ang mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinuha niya agad ang cellphone, tapos biglang ibinaba ulit.Hindi.Hin

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 507 No Label

    Nanikip ang dibdib ni Iris. Hindi niya narinig ang usapan, hindi niya alam ang dahilan, ang nakita lang niya ay ang yakap. At sapat na iyon para masaktan.Tahimik siyang tumayo. Kinuha ang bag. Ay umalis ng hindi nagpapaalam.Pagbalik ni Daryl, hinahanap niya si Iris.“Nay, nasaan po si Iris?”“Hindi ba at katabi mo kanina? Baka nagpunta sa banyo,” sabi ni Nanay Lily.Umikot ang paningin niya.Nakita niya itong palabas.“Iris!” sigaw niya at hinabol ito.Sa labas, malamig ang hangin. Tahimik ang kalsada.“Iris, wait! Bakit aalis ka na? May emergency ba? Ihahatid na kita,” habol ni Daryl.Huminto si Iris, pero hindi humarap.“Hindi mo kailangang magpaliwanag,” sabi niya, pilit matatag ang boses. “Gets ko na.”“Get mo na ang alin?” takang tanong ni Daryl. Lumapit ito, hinawakan ang braso niya. “Please, tumingin ka sa mga mata ko.”Huminga nang malalim si Iris at humarap sa binara, nangingilid ang luha.“Bumalik ka na kay Candice mo, nakakahiya sa kanya baka hinahanap ka na. Uuwi na ako!

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 506 Birthday Celebration

    Nagulat si Daryl nang makita sina Iris at Candice sa iisang shop.“Oh,” ani Daryl, bahagyang ngumiti. “Kayo pala. Anong ginagawa ninyo dito?”Sa loob-loob ni Iris, parang may alarm na tumunog. “Hello!” tangi niyang nasabi.Si Candice naman ay biglang nagkunwaring interesado sa display ng medyas na parang iyon ang pinakamahalagang bagay sa mundo.“Ah… errands lang,” sagot ni Iris, pilit kalmado. “Ikaw?”“May bibilhin lang,” sagot ni Daryl, walang bahid ng duda. Hindi man lang nito napansin ang mga paper bag na halos itinago ni Candice.Ngumiti si Candice at agad iniabot ang hawak niyang maliit na kahon. “By the way, Daryl. Advance happy birthday.”Umikot ang mata ni Iris. Akala ba niya surprise para kay Daryl? Talagang gusto nitong mauna sa pagbati.Natigilan si Daryl. “Ha? Paano mo nalaman?”“Secret,” sagot ni Candice, sabay kindat. “Buksan mo mamaya.”“Salamat,” aniya, halatang nagulat pero genuinely thankful. “Hindi mo naman kailangang mag-abala.”“Gusto ko, bagay sa’yo ‘yan. Parang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 505 Birthday Gift

    “Don Apollo, kapag hindi ako nakaligtas, pakisabi kay Iris na mahal ko siya. Matagal na. Noon pa.”“Magpokus ka sa kalsada! Hindi tayo mamatay dito!”singhal ni Don Apollo.Lumalakas ang ulan.Sa gitna ng madulas na kalsada, lumalangitngit ang gulong ng sasakyan habang pilit na kinokontrol ni Daryl ang manibela. Nawalan na ng silbi ang preno, walang kapit. Ang ilaw ng mga kasalubong na sasakyan ay parang mga kidlat na salit-salitang sumasalubong sa paningin nila.“Daryl!” napapikit si Don Apollo, mahigpit ang hawak sa armrest.“Huwag po kayong gagalaw,” mariing sabi ni Daryl, kalmado ang boses kahit ramdam ang tensyon. “Trust me.”Hindi siya sumigaw. Hindi rin nagpanic.Sa halip, binawasan niya ang bilis, inikot nang bahagya ang manibela para iwasan ang paparating na truck, saka ginamit ang engine brake. Isang maling galaw lang, at tapos na ang lahat. Hindi maaari. Magtatapat pa siya ng feelings niya kay Iris.Sa huling segundo, ibinangga niya ang sasakyan sa gilid ng bakod, kontrolado,

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 504 Love Confession

    “Sino nga ang nanakit sa’yo? Kasuhan mo ng physical injury,” ani Iris.“Wala, aksidente nga lang. Nabagsakan ako ng kahon. Huwag ka ng mag-alala,”Tumunog ang phone niya, tumatawag si Lucas. Lumayo siya ng konti kay Daryl.“Hello, bakit?” bungad niya.“Nasaan ka? Nasa Timeless ako.”“Nandito sa kumpanya ni Daryl.”“Edi nakita mo na ang mukha niya?”“Wait, ikaw ba ang nanuntok kay Daryl?”May sandaling katahimikan sa linya. Tapos isang mahinang tawa. Hindi rin guilty. Parang sinusukat lang ang reaksyon niya.“Bakit mo ginawa ‘yun?”“Wow,” ani Lucas. “May pagtatanggol na nagaganap?”Nanikip ang dibdib ni Iris. “Hindi ‘to biro. Bakit mo siya sinaktan?”“Relax, akala ko binuntis ka niya. Natural lang ‘yon.”“Natural?!” napataas ang boses ni Iris. “Hindi mo man lang tinanong. Sinuntok mo agad!”“Alam mo namang protective ako,” tugon ni Lucas, may halong tukso. “At… mukhang may feelings ka.”Huminga nang malalim si Iris, pilit pinapakalma ang sarili. “Hindi mo na uulitin ‘yon. Mangako ka.”“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status