Heto na po ang simula ng love story nila Jenny at Sebastian! Sana po ay magustuhan ninyo ang kanilang kwento. Maraming salamat po!
Namilog ang mata ni Jenny.“Boss, seryoso, wala ka talagang dahilan para manatili dito,” aniyang walang preno ang bibig. “Mainit, masikip, walang flat-screen TV, walang wine, wala kang—”“Pero may kape,” putol ni Sebastian, sabay higop muli ng 3-in-1.Napatulala siya. Ano ba ‘tong taong ‘to, parang hindi nauubusan ng dahilan?Bago pa siya makaisip ng susunod na pambara, biglang may kumatok sa pinto. Malakas, sunod-sunod, parang gigibain ang kahoy.Nagulat siya, halos madulas ang paa sa pagmamadali.“Sandali lang!” aniya bago lumapit sa pinto. Binuksan niya ng kaunti, sapat lang para sumilip.Nandoon si Mang Tommy, ang may-ari ng apartment, amoy sigarilyo at alak. Naramdaman agad ni Jenny na parang may sumipa sa sikmura niya, ilang buwan na nga pala siyang hindi nakakabayad ng upa.“Aba, Jenny,” madiin na sabi ni Mang Tommy, nakahalukipkip. “Alam mo bang mahigit tatlong buwan ka nang palyado sa renta? Puro pangako, wala namang bayad.”“Pasensya na po, Mang Tommy. Sa susunod na sweldo,
Isang maliit na sala na halos kasya lang ang lumang sofa at folding table. May kusinang halos kasing laki lang ng cabinet, at mga nakatambak na libro at papel sa gilid. Ang sahig, may ilang basahan para sumalo ng tumutulong tubig-ulan mula sa bubong. Nakakahiya at hindi pa siya nakakapaglinis ng bahay. Hindi naman kasi siya tumatanggap ng bisita.Napayuko siya, napapakamot sa batok. “Pasensya na po. Hindi ko inasahan na maliligaw kayo dito kaya madumi.”Tahimik lang si Sebastian. Nakaupo ito sa sira-sirang sofa, nakasandal, at parang walang nakikitang mali.Lalong nahulog ang balikat niya. Bakit pa ba ito pumasok sa loob?Napakagat-labi siya, hindi alam kung saan lulugar. Para maibsan ang kaba at hiya, mabilis siyang nagsalita, “Boss, baka gusto mo ng kape? May 3-in-1 ako diyan, medyo matamis pero okay na pampatanggal lamig.”Hindi agad sumagot si Sebastian. Nakatingin lang ito sa paligid, saka dahan-dahang bumaling sa kanya. “Jenny,” mahinahon nitong tanong, “ganito ba araw-araw ang
Nakatayo si Sebastian sa tabi ni Mira, hawak ang isang malaking itim na payong, seryoso ang mukha. At kung tama ang kutob niya lahat ng masama niyang sinabi, nadinig nito.“B-boss…” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang boses, hindi niya alam kung dahil sa lamig o sa takot.Saglit na katahimikan. Tanging tunog ng ulan ang pumapagitna sa kanila. Hanggang sa marinig niya ang mababang tinig ni Sebastian.“Interesting,” mahinang sabi nito, diretso ang tingin sa kanya. “So that’s what you really think of me.”Napakagat-labi siya.Hindi siya makagalaw. Hawak pa rin niya ang cellphone, si Mira sa kabilang linya, pero hindi na niya marinig ang boses nito sa lakas ng kabog ng puso niya.Tahimik lang si Sebastian habang nakatayo sa tabi niya, matatag na hawak ang payong. Walang imik, walang galit na lumalabas sa labi, pero ang katahimikan nito ang mas nakakakilabot.Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Para bang bawat patak ng ulan ay nagiging martilyo na tumatama sa dibdib niya. Hindi siy
Hindi makapaniwala si Jenny sa narinig. Halos hindi siya makahinga habang nakatitig kay Sebastian, na kalmado lang na nakaupo sa swivel chair nito.“Boss…” halos pabulong ang tinig niya, “huwag mong sabihing ako ang—” hindi niya maituloy ang sasabihin.Mapanukso ang ngiti ni Sebastian. “Ikaw, Jenny. Ikaw ang pinakamalapit. You’re always here, lagi kang available. Why spend a hundred thousand kung pwede namang libre?”Nanlaki ang mga mata niya. “Ano?! Libre?!” Halos mabitawan niya ang planner sa inis. “Boss, hindi ako kasama sa benefits package ng kumpanya! At lalong hindi ako… ganoong klase ng babae! Willing kang magbayad ng ibang babae tapos ako, libre?!”Nagtaas ng kamay si Sebastian. “Relax. Binibiro lang kita. Don’t flatter yourself.” Tumayo ito at lumapit sa bintana, nakatalikod habang nagsasalita. “Hindi kita type.”Napatigil si Jenny, natuliro. “Ano po?”“Hindi kita type,” ulit niya, kalmado pa rin ang tono. “Don’t worry. Even if you beg, I won’t touch you.”Namula ang pisngi
Kinagabihan, pag-uwi mula sa trabaho, agad dumiretso si Jenny sa kusina ng kanyang apartment. Binuksan niya ang kalan, inilabas ang harina, gatas, at kaunting mantika, mga simpleng sangkap at nagsimulang gumawa. Niluto niya ang paborito banana bread sa maliit na oven. Bukas na niya lulutuin ang turon na espesyal dahil may langka pa.Kinabukasan, bitbit niya ang isang malaking bag. Hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon ng mga kasamahan. Pero nang inalok niya…“Wow, Jenny! Ang sarap ng turon mo!” sabi ng isang staff mula accounting.“May banana bread ka pa ba? Tatlo na ang bibilhin ko! Uuwi ko sa anak ko ‘yung dalawa,” dagdag ng isa.Hindi nagtagal, ubos agad ang mga dala niya. Halos lahat ng empleyado ay nag-abang na kinabukasan. Sa unang pagkakataon, ramdam niyang may pag-asa siya, kahit maliit, kumikita siya mula sa sariling sikap.Ilang araw nang laging nauubos ang paninda niya bago magtanghalian. At tuwing binibilang niya ang perang kinita, nararamdaman niya ang kakaibang saya
Napakurap si Jenny. “Ano po?”“Dalawa pa,” ani Sebastian na muling bumalik sa binabasang kontrata, parang nag-uutos lang bumili ng kendi.Nanlaki ang mga mata niya. “Wait, akala ko po isang babae lang ang kailangan ninyo?”“You heard me right.” Sumandal si Sebastian sa swivel chair, naka-cross arms. “One woman won’t be enough. I want a different one every other day.”Halos malaglag ang panga niya. Hindi makapaniwala sa kamanyakan ng boss. Napakibit siya ng balikat at napalunok, pilit hinahabol ang normal na tono ng boses.“Per day? Boss, hindi po ba parang… sobra naman ’yon? Baka magkasakit kayo sa pagkuha ng bayarang babae.”Ngumiti si Sebastian, malamig at nakakaloko. “Hindi mo trabaho ang magtanong. Trabaho mo ang sumunod sa utos ko.”Napatitig siya ulit sa folder at muling nagbrowse.Hawak pa rin ni Jenny ang folder habang nakaupo sa harap ni Sebastian. Hindi na niya mapigilan ang sarili. “Alam mo, boss…” nagsimula siya, pilit pinapakalma ang boses, “kung ayaw mong gumastos ng gan