Maraming salamat po sa pagsubaybay, sa comments, gifts, at gems na inyong ibinibigay. Godbless po!
“Wow, akala ko concern, lalaitin lang pala ako,” singhal si Jenny sa nadinig, umusok ang ilong sa sinabi ni Sebastian. Napatingin siya sa boss, na nakatingin din sa kanya na may pilyong ngiti sa labi.“Ikaw naman, hindi na mabiro, joke lang ‘yun para mapatawa ka.”“Boss, huwag ka ng magbiro, hindi ko bet ang jokes mo.”Pagdating nila sa bahay, agad na bumungad ang malakas na tawanan at amoy ng gin mula sa harap ng kanilang maliit na bahay.Nalaglag ang panga niya, nag-uumapaw ang galit sa dibdib. Habang siya ay halos mabaliw kakahanap kay Angela, eto ang ama, nagkikipagnuman!“Pa!” halos pasigaw niyang tawag. “Anong ginagawa ninyo?!”“Uy, Jenny!” bati ni Papa Elias, namumungay ang mata. “Tama-tama, may bisita nga pala tayo! Mga kaibigan, ipinapakilala ko sa inyo ang pogi at mayaman kong manugang.”Nanlaki ang mata ni Jenny, lalo na nang iabot pa ng ama ang isang baso ng gin kay Sebastian. “Shot ka muna, anak.”Halos lamunin ng hiya si Jenny. “Pa! Tigilan ninyo nga ‘yan!”“Isang shot l
Napahinto si Jenny, nagulat sa sinabi ni Sebastian. “Boss… alam kong busy kayo. Ako na lang po.”“Maging praktikal ka. Mas mabilis kung may sasakyan at may katulong ka sa paghahanap.”Pinikit niya ang mga mata, nag-isip sandali. Alam niyang tama ang sinasabi nito, pero nahihiya siya. “Hindi po ba malaking abala sa inyo kung sasama po kayo?”“Actually, tinatamad nga akong mgtrabaho ngayon. Tulungan kitang hanapin ang kapatid mo.”“Sige po. Salamat… sa tulong.” Hindi na nagtanong pa si Sebastian. Tumungo sila sa kotse. Habang umaandar sila palabas ng bahay, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, pagkabahala sa kapatid at ang presensya ni Sebastian sa tabi niya.Nakarating sila sa probinsya makalipas ang dalawang oras na byahe. Maliit lang ang kanilang bahay, bagama’t luma ang mga gamit, malinis naman ito. Nagulat pa ang kanyang pamilya dahil may kasama siya.“Boss, ito po si Carlo, ang bunso kong kapatid,” mabilis niyang pagpapakilala. “Si Mama Luisa at si Papa Elias naman po ang mga
Tila barado ang lalamunan ni Jenny. Pinilit niyang ngumiti. “Ah… may inayos lang po ako sa apartment, boss.”Tumibok nang malakas ang puso niya, ramdam ang tensyon sa pagitan nila.Nanatiling naghihintay ng sagot sa pangalawang tanong si Sebastian. Napakagat siya sa labi bago sumagot.“Kaibigan ko ‘yung naghatid sa akin. Hindi sinasadyang nagkita kami. Tumulong lang siyang magligpit ng gamit.”Lalong tumalim ang tingin ni Sebastian. Hindi ito nagsalita agad, ngunit ang katahimikan ay mas nakakabingi kaysa sigaw.Nakapako ang tingin nito sa kanya.“Interesting,” anito sa malamig na boses. “Sa akin, lagi kang tumatanggi. Ayaw mong sumabay, ayaw mong magpahatid… pero sa ibang lalaki, walang problema?”Napasinghap siya, halos mawalan ng boses.Lumapit pa si Sebastian, halos magkalapit na ang kanilang mukha. “Bakit, Jenny? Mas pinagkakatiwalaan mo ba sila kaysa sa akin? Kanina, si Jacob, ngayon naman isang angkas rider ang sinamahan mo.”“Hindi namamasada si Andrei, anak siya ng may-ari ng
Bumaba si Andrei mula sa motor, at tumingin kay Jenny na parang hindi makapaniwala sa nakikita. “Jenny… Ikaw ba ‘yan?”Hindi makagalaw si Jenny, halos tumalon ang puso sa kinalalagyan. Ang dami ng damdaming lumalabas, kalituhan, hiya, at kaunting takot. Madumi siya, sira ang ilang gamit sa paligid, at ngayon ay kaharap ang unang pag-ibig niya. At baka galit pa din ito.“Ah… Andrei,” bahagyang nanginginig ang boses niya, “Eh… anong ginagawa mo dito?”Ngumiti si Andrei, pero may halong kaba. “Naimbitahan ako sa binyag ng anak ni Sandro, naalala mo, classmate natin dati? Taga-kabilang street sila umuupa.”Napayuko siya at marahang tumango.“Anong nangyari? Dito ka ba nakatira?”“Oo, tinangay ng hangin ang bubong. Sige, baka maabutan ka pa ng ulan.”Pinagmasdan niya ito. Mukhang mas asensado na ang kanyang first love. Anak ito ng contractor, dati pa itong mayaman.“Grabe ka naman sa akin. Ngayon lang tayo nagkita after so many years tapos itataboy mo lang ako,” anitong himig nagbibiro.“N
“Good evening po Sir Sebastian,” bati ni Jacob. Tumango lang ang CEO.Halata ang tensyon sa mesa. Pinipilit ni Jacob na gawing kaswal ang usapan, pero kapansin-pansin ang bahagyang pamumula ng tenga at pilit na tawa nito. Samantalang si Sebastian, tahimik lang.Naiipit si Jenny sa pagitan ng dalawa, hindi malaman kung saan titingin. Ano ba nangyayari sa boss niya?Dumating ang pagkain nila, mainit na Korean ramen, lumpiang shanghai, at fruit cake. Nagpasalamat si Jenny sa waiter at agad na kinuha ang chopsticks. Pilit siyang ngumiti at nagsalita para basagin ang tensyon.“Boss, gusto ninyo po ba? Para umorder na rin ako para sa inyo.”Umiling lang si Sebastian, nakapikit sandali na para bang wala siyang gana. Akala niya tapos na ang usapan.“Patikim, subuan mo ako.”Nalaglag halos ang chopstick na hawak niya. “Ha?! Ano po?!”Tumingin si Sebastian ng diretso, malamig pero malinaw. “Sabi ko, subuan mo ako.”Nagimbal si Jenny, lalo na at sa gilid ng kanyang mata ay napansin niya ang ilang
Napatigil si Jenny, humigpit ang hawak sa tasa.“Madami talagang ambisyosa,” patuloy ni Emma, kinuha ang bote ng creamer at bahagya siyang tinabig. “Sa dami nang nagtangkang makalapit kay Sir Sebastian, walang nakakaabot sa level ng special treatment. Bukod tanging ikaw lang! Mukhang gumagamit ka ng illegal na teknik para mapalapit sa CEO!”Napakagat-labi siya pigil na pigil ang sarili. Kailangan niyang kumalma at huwag patulan ang HR manager.“Kay bago bago mo, gusto mo agad umangat!”Ngunit hindi na rin siya nakatiis. “Isa ka po ba sa nagtangkang lumapit dahil gusto ding umangat pero hindi napansin?” Mahina pero diretso ang boses niya.“Matapang ka ah! Piliin mo ang binabangga mo!”“Ms. Emma, wala po akong ginagawang masama, nagmagandang loob lang si Sir Sebastian na ihatid ako dahil maulan kagabi.”“Ah gano’n ba?” sarkastikong tugon ni Emma, sabay irap na parang hindi kumbinsido. “Well… sana nga.” Lumapit ito at idinikit ang labi sa tasa ng kape bago sumulyap muli sa kanya.“Kasi al