Mag-log inDear readers, your continued support is the reason my stories come to life. Thank you so much for unlocking chapters. Mahal ko kayo!
Hindi na alam ni Cassandra kung paano siya nakauwi.Parang gumalaw lang ang katawan niya nang kusa. Bumaba ng elevator. Lumabas ng Silver Lining. Sumakay ng taxi.Pagdating niya sa bahay, ilang segundo siyang nanatiling nakatayo sa labas ng pinto.Dati, tahanan ang tawag niya rito.Pero ngayon, habang binubuksan niya ang pinto, parang iba na ang nakikita niya.Kasinungalingan pala ito.Hindi sila mahirap. Hindi kapos si Zion. Hindi pala ito lalaking kailangang magtipid, magtiis, at magtrabaho nang normal para mabuhay.Pinili nitong bigyan siya ng simpleng buhay para parusahan.Napangiti siya nang mapait.Ang sakit palang malaman na hindi ka naghihirap dahil sa sitwasyon.Naghihirap ka dahil pinili ng taong mahal mo na ilagay ka doon.Pumasok siya sa kwarto at kinuha ang maliit niyang maleta.Hindi siya nagmadali.Isa-isa niyang inayos ang mga damit na sa kanya talaga. Iyong mga dinala niya. Ilang blouse. Ilang dress. Ilang gamit na binili niya gamit ang sariling pera. Skin care. Makeu
Mabuti na lamang at nahawakan si Cassandra ng isang staff bago tuluyang bumagsak sa sahig ang kanyang katawan. Saglit lang siyang nawalan ng malay. Dinala siya sa clinic ng kumpanya.Napatayo siya ng mahimasmasan,“Ma’am, dahan-dahan po.” Mabilis na lumapit ang nurse na nakabantay sa kanya. Kinuha nito ang blood pressure niya.“Mababa po ang blood pressure ninyo baka kaya kayo nahihilo.”Hinawakan niya ang kanyang noo.“Pero ma’am, kailangan po kayong dalhin sa hospital for proper check-up.”Mabilis siyang umiling. “Hindi. Okay lang ako.”“Ma’am, hindi po okay. Nahimatay kayo. Mas safe kung--”“Hindi ako pupunta sa hospital.”Napahinto ang nurse sa tigas ng boses niya.Hindi siya galit sa nurse. Hindi rin siya takot sa ospital. Pero hindi iyon ang kailangan niya.Hindi gamot.Hindi dextrose.Hindi doctor.Ang kailangan niya ay sagot.At sa unang pagkakataon, ang mga sagot ay nasa loob mismo ng building na akala niya ordinaryong pinapasukan lang niya.“Ma’am, tatawag po ako ng kasama n
Napatingin si Cassandra sa labas ng bintana.“Nakahanda ako. Don’t worry about me, maldita ako sa tunay na buhay.”Napangiti lang si Zion.“Do you love him?”Napakurap siya.“Oo naman. Noon pa. Hanggang ngayon.”“If ever you need someone, I’m here for you.”“Salamat Neil, you’re a friend to me.”Kinabukasan, mas maaga kaysa karaniwan pumasok si Cassandra sa Silver Lining.Hindi dahil maayos ang tulog niya.Sa totoo lang, halos hindi siya nakatulog. Paulit-ulit lang siyang nakatitig sa kisame habang bumabalik sa isip niya ang mga resibo, ang drawer ni Zion, ang Mighty Security Agency, at ang biglang paglitaw ni Zion sa gate.Dagdag pa roon, hindi umuwi si Zion kagabi.“Hindi ako makakauwi ngayon. Lock mo mga pinto at bintana,” sabi nito sa chat.“Okay.”Hindi na siya nagtanong. Tiyak kasama nito si Chelsea.Hinihintay niya ang update ni Neil.Pagkaupo niya sa desk, agad niyang binuksan ang phone.Walang message.Tinawagan niya ito.Ringing.Walang sagot.Nag-message siya.“Neil, may na
Biglang nawala lahat ng inihandang tanong ni Cassandra.Ang tapang niya kanina, natunaw sa isang titig ni Zion.“Ha?” Napahawak siya sa strap ng bag niya. “May… may itatanong lang sana ako sa’yo.”“About what?”Tumingin siya sa paligid. Sa guard. Sa mga lalaking nakatingin sa kanila.Bigla siyang nataranta.“Pero sa bahay na lang pala,” mabilis niyang sabi. “Sige, baka maabala ko pa ang trabaho mo.”“Cass--”“Bye.”Halos tumakbo siya palayo. Nadinig pa niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.Hindi niya alam kung bakit siya nataranta. Nang makita niya si Zion doon, bigla siyang nahiya o natakot.Naglakad siya nang mabilis palabas ng compound. Sa sobrang bilis, halos hindi niya napansin na mali na pala ang direksiyon niya.Huminto lang siya nang habol na niya ang hininga.“Saan ba ako pupunta?” bulong niya sa sarili.Napahawak siya sa sentido.May Mighty Security Agency nga.Nakita niya mismo si Zion.Baka naman walang inililihim ang asawa.Pero biglang may pumasok sa isip niya.Humint
“Fiona!” tawag ni Cassandra.Huminto ito, pero hindi lumingon agad.Nanginginig na ang boses ni Cassandra. “May tinatago ba si Zion sa akin?”Dahan-dahang lumingon si Fiona.“Ikaw na mag-imbestiga. Huwag mo na akong tanungin.”“Fiona!”“Bye.”Iniwan siya nito sa pantry na hawak ang resibo, habang unti-unting lumalakas ang tibok ng puso niya.Biglang nagkabit-kabit sa isip niya ang mga bagay na dati hindi niya pinansin.Kung simpleng empleyado lang si Zion, saan ito kumukuha ng panggastos para kay Chelsea?Kahit noon pa, mamahalin ang mga gamit nito kaya nagulat siya nang itira siya sa maliit na apartment.Habang nakatitig siya sa resibo, isang mas nakakatakot na tanong ang umangat sa isip niya.“Sino ka ba talaga, Zion?”***Tulala si Cassandra nang umuwi siya sa bahay.Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. Hindi niya rin alam kung ilang beses siyang muntik bumangga sa mga taong nakakasalubong niya habang palabas ng building. Ang alam lang niya, nag-under time siya. Nagpaalam siy
Gabi na nang makauwi si Zion.Nadatnan nito si Cassandra sa sala, nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang envelope. Walang galit sa mukha niya. Pero sobrang kalmado niya na mas nakakatakot kaysa sigaw.“Cass,” tawag nito.Dahan-dahan itong tumingin sa kanya.“Walang asthma attack si Chelsea,” sabi niya.Natigilan ito.“May records ako. Normal ang vitals. No acute respiratory distress. Observation lang. Hindi emergency.”Dumilim ang mukha ni Zion. “Saan mo nakuha iyan?”“Does it matter?”“Yes.”Tumayo si Cassandra. “Mas importante ba kung paano ko nakuha kaysa sa laman?”“Cassandra, hindi mo kailangang gumawa ng kuwento dahil sa selos.”Parang may huminto sa loob niya.Hindi siya agad nakapagsalita.Pagkatapos, dahan-dahan siyang napangiti.Masakit. Durog ang puso niya.“Hindi ka naniniwala sa akin?”“Wala akong sinasabing ganyan.”“Pero iyon ang ibig mong sabihin.”“Cass, kilala kita. Gagawin mo ang lahat maitali mo lang ako.”Humigpit ang hawak niya sa envelope.“Kilala mo nga ba ako?” a
Nanlaki ang mata ni Iris.“Ha? Andito ako sa room mo… pero wala ka.”Naramdaman ni Iris na nanikip ang dibdib niya. Si Daryl, nakahiga sa kama, naka-close up ang camera, puro unan ang background. Nasa gilid si Iris, halos hindi humihinga, pilit pinipigil ang paggalaw.“Ah--” mabilis na sagot ni Dar
“Hhmm?” ani Daryl.“Salamat ulit.”Ngumiti ito sa dilim. “Anytime.”Sa labas, humampas ang alon sa pampang.Tahimik ang kwarto. Napansin niyang pumasok sa banyo si Daryl.Dinig niya ang alon at huni ng gabi. Pumapasok ang ilaw ng buwan sa malalaking bintana.Mula sa banyo, bumukas ang pinto.Napatin
Tahimik si Candice matapos ang huling banat ni Brent. Ilang segundo ring parang huminto ang oras sa pagitan nila, yung katahimikang mas maingay pa sa sigawan.“Warning ka diyan,” sabi ni Candice sa wakas, malamig ang boses pero nanginginig ang panga. “At anong gagawin mo sa akin? Tigilan mo ako. Nag
Tumango si Iris. Ramdam ang suporta ni DarylLumapit ang instructor, inayos ang stance niya, hindi in-depth, hindi technical, puro basic safety cues. Si Iris, nanginginig, pero hindi umatras.“Hey,” bulong ni Daryl, nandun sa tabi niya, kamay niya nakapatong sa likod ni Iris, support lang, hindi con







