ログインHe was born to inherit an empire built from blood, power, and fear. Atlas Severino was never a man who believed in love. Cold, ruthless, and untouchable, he was raised to become the next ruler of the Severino empire — a man who controlled everything around him and allowed no one to control him. At thirty years old, Atlas had everything a man could ask for: wealth, influence, and a future already planned. Until one night changed everything. Because ten years before that scandal, there was already someone who had been watching him from afar. Anastasia Montenegro. The innocent daughter of Asmodeus Montenegro. Since she was young, she had admired him. Anastasia saw the man behind the ruthless reputation. To her, Atlas was not just the future head of the empire… He was the first man she ever loved. But Atlas never saw her that way. To him, Anastasia was only the little girl who followed him around.. So when Atlas prepared to marry someone else, Anastasia refused to lose him. Driven by years of hidden feelings and desperation, she created a plan that would change both their lives forever. A setup. A lie. One unforgettable night. A single mistake that became a scandal powerful enough to shake two families. And before Atlas could stop it, he found himself trapped in a marriage he never wanted. Now Anastasia wears his ring. She carries his name. But Atlas makes one thing clear — she may be his wife, but she will never have his heart. He promises to make her regret the lie that brought them together. But what happens when the innocent wife he swore to hate becomes the only person capable of reaching the heart he buried long ago?
もっと見るThird's POV..
"S-Sigurado ka bang mabisa talaga 'to, Ellise?" tanong ni Anastasia sa kaibigan niya, halatang may kaba sa boses.
"Syempre! Makakatulog nang mahimbing si Atlas dahil dito," nakangising sagot ni Ellise habang kumikindat. Itinaas niya ang hawak na pampatulog na siya mismo ang nagbigay kay Anastasia.
Bahagyang napalunok si Anastasia habang tinitingnan iyon. Kahit alam niyang kailangan niya itong gawin, hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa magiging resulta.
"Ngayon, ang tanong..." bahagyang tumagilid ang ulo ni Ellise, may mapaglarong ngisi sa labi. "Paano mo naman mapapainom kay Atlas 'yan?"
Napatingin si Anastasia sa maliit na bote na hawak niya, habang pilit na iniisip kung paano niya maisasagawa ang plano.
"May bonding sila ni Kuya Elijah sa mansion ni Atlas," dagdag ni Ellise, sabay lapit sa kanya. "Gusto mo, tulungan kita?"
Nag-alinlangan si Anastasia. Alam niyang delikado ang gagawin niya, pero sa isip niya, ito na lang ang pagkakataon para makuha ang gusto niya.
Tumahimik muna si Anastasia ng ilang sandali bago marahang tumango.
"Ayain natin si Arabella. Magpunta tayo sa kanila at tumambay," mungkahi ni Ellise.
"Papayag kaya si Ara?" tanong ni Anastasia, may bahid ng pag-aalala sa kanyang tinig.
"Papayag 'yon... ako na ang bahala," sagot ni Ellise na may nakakalokong ngiti sa labi. Puno ng kumpiyansa ang boses niya, na para bang sigurado siyang maaayos niya ang lahat.
Maya-maya, bahagyang napabuntong-hininga si Ellise bago muling nagsalita. May halong pagtataka ang kanyang tinig.
"Haissst... sigurado ka na ba talaga kay Atlas? Alam mo namang may fiancée na siya... ikakasal na sila."
Tumingin si Anastasia kay Ellise, mariin ang mga mata at puno ng determinasyon.
"Kaya nga gagawin ko 'to—para mapigilan 'yon," sagot niya.
Matatag ang kanyang tinig, walang bahid ng pag-aalinlangan, kahit alam niyang maaaring magbago ang lahat pagkatapos ng gagawin niyang hakbang.
Malungkot na napayuko si Ellise, saka dahan-dahang tumingin muli sa kaibigan.
"Pagkatapos ng plano mo... siguradong ipapakasal ka ng Daddy mo kay Atlas."
Tahimik lang na tumango si Anastasia. Wala siyang sinabi, pero malinaw sa mukha niya ang matinding determinasyon na walang makakapigil sa kanya.
Dumating ang araw ng bonding ng magkakaibigan sa mansion nina Azrael. Maingay ang buong veranda, puno ng tawanan at kwentuhan habang nagsasaya ang grupo. Kumakalat sa paligid ang amoy ng alak, tanda ng kanilang kaswal na pagtitipon.
"Umalis ka rito. Puro lalaki kami dito, Ellise!" mariing sabi ni Elijah habang nakakunot ang noo, halatang naiirita sa presensya ng kapatid.
"Ano naman, Kuya?" sagot ni Ellise na may halong pang-aasar.
Imbes na sumunod, lalo pa siyang nang-asar. Walang pakialam siyang lumapit at umupo sa tabi ni Atlas, may nakangiting ekspresyon na tila sinasadya niyang inisin ang kapatid..
"Hi, Kuya Atlas," bati ni Ellise, may halong pang-aasar at lambing sa tono.
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ni Atlas bago muling ibinaling ang atensyon sa hawak niyang alak.
Maya-maya, nagsimula na ang kanilang inuman. Unti-unting tinamaan si Atlas habang ang iba naman ay abala sa tawanan at kwentuhan. Sa gitna ng ingay, lihim na nagkatinginan sina Zamaria at Arabella—pareho silang kasabwat ni Ellise sa kanyang plano.
Habang walang nakakapansin, dahan-dahang kinuha ni Ellise ang basong inihanda niya at iniabot iyon kay Atlas.
"Para sa'yo 'to, Kuya. Cheers!" nakangiti niyang sabi habang itinataas ang sarili niyang baso.
Bahagyang kumunot ang noo ni Atlas, tila nagtataka sa biglang pagbibigay nito. Ilang segundo siyang tumingin sa baso bago muling tumingin kay Ellise.
Pero kalaunan, nagkibit-balikat na lamang siya, sanay na sa kalokohan ng dalaga.
"Cheers," mahina niyang sagot bago ininom ang laman ng baso.
Ngunit bago pa tuluyang matapos ang tagpo, biglang hinablot ni Ellijah ang braso ni Ellise.
"Sabi nang huwag kayo dito!" mariin niyang sabi, puno ng inis at pagtataka kung ano ba'ng ginagawa ng mga babae ro'n.
"Fine. Aalis na kami," sabi ni Ellise matapos niyang masigurong nainom ni Atlas ang alak. Mabilis siyang tumayo at naglakad palayo, sabay kumpas ng kamay bilang senyas sa mga kasabwat niya.
Makalipas ang ilang sandali, napansin ng lahat na unti-unting natahimik si Atlas. Hindi na siya gaanong nakikisabay sa tawanan, at tila bumigat ang bawat kilos niya.
"May kukunin lang ako sa kwarto," sabi niya bago dahan-dahang tumayo.
Naglakad siya papunta sa silid habang pilit pinipigilan ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa kanyang katawan. Pagpasok niya roon, napailing siya at hinawakan ang ulo.
"Anong nangyayari sa'kin..." mahina niyang bulong.
Ngunit bago pa niya maunawaan ang nararamdaman niya, tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan. Bumagsak siya sa kama at nawalan ng malay.
Ilang sandali pa ang lumipas bago marahang umikot ang doorknob. Dahan-dahang bumukas ang p***o, at pumasok si Anastasia nang tahimik, para bang natatakot na magising ang lalaki sa bawat hakbang niya.
Isinara niya ang p***o sa likod niya nang dahan-dahan. Huminga siya nang malalim, pinipilit patahimikin ang mabilis na tibok ng puso. Bakas sa mukha niya ang kaba, ang pag-aalinlangan… pero may determination din.
Matagal na niyang pinag-isipan ito. Matagal na niyang hinanda ang sarili para sa gabing ito.
Nilapitan niya si Atlas nang dahan-dahan. Nakahiga ito sa kama, walang malay dahil sa nainum nitong pampatulog. Tinitigan niya ito nang matagal. Ang mga mata niya ay dumaan sa mukha nito, sa malapad na balikat, sa mga braso… hanggang sa dibdib.
Nilunok niya ang sariling laway.
Ito na. Ito na ang plano.
Kung hindi niya ito gagawin ngayon, baka hindi na niya magawa. Alam niyang mahirap makuha ang pansin ni Atlas sa normal na paraan.
Alam niyang kailangan niyang maging agresibo… kailangan niyang gamitin ang katawan niya. Kailangan niyang gawin ang bagay na ito, kahit gaano pa siya kinakabahan.
Dahan-dahan niyang hinubad ang damit. Una ang itaas, pagkatapos ang pantalon. Tinira niya lang ang underwear. Nang matapos, nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kama, hubad halos, pinagmamasdan ang lalaki.
Lumapit siya. Umupo sa gilid ng kama, saka dahan-dahang pinilit alisin ang suot ni Atlas. Unang hinubad ang damit, pagkatapos ang pantalon. Nang tuluyang maalis ang mga ito, sandaling natulala si Anastasia.
Namula ang mga pisngi niya. Hindi niya inasahan… pero iba pa rin ang epekto nang makita niya mismo ito. Ang kakisigan ni Atlas ay mas matindi sa malapit. Mga linyang galing sa ehersisyo, mga kalamnan na tila hinulma. Nanatili siyang nakatitig nang ilang segundo, naninigas ang lalamunan.
Agad niyang inayos ang higa nito. Dahan-dahang inayos ang unan, saka ang katawan ni Atlas para mas maginhawa. Pagkatapos, dahan-dahan siyang sumiksik sa tabi nito. Pinilit niyang magkasya ang katawan niya sa tabi ng mas malaking katawan ng lalaki. Nakadikit ang dibdib niya sa braso nito, ang hininga niya’y mainit sa balat nito.
Kabado pa rin siya. Nanginginig pa ang mga daliri. Pero sa isip niya, paulit-ulit ang iisang bagay..
Ito lang ang paraan.
Ito lang ang paraan para makuha si Atlas.
At handa siyang gawin ang lahat.
Kinabukasan...
Isang malakas na tili ni Sienna ang umalingawngaw sa buong mansion.
Mabilis siyang lumapit sa kama ng anak..
“Atlas!” sigaw niya, tinig na nanginginig sa gulat at galit. Agad niyang nilapitan ang anak at yugyog nang yugyog.
“Atlas, gising! Ano’ng nangyari dito?!”
Nagising si Atlas nang biglaan. Nanlalabo ang paningin, sabog ang isip. Parang may mabigat na panaginip na biglang naputol. Tumingin siya sa ina, pagkatapos ay sa tabi niya—at doon niya nakita si Anastasia.
Kasunod niyang bumangon ang dalaga. Nakayuko ang ulo, nanginginig ang buong katawan, mahigpit ang kapit sa kumot na tinatakpan ang hubad niyang katawan. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya kayang tingnan ang sinuman sa mata.
“Fuck… what happened?” garalgal na tanong ni Atlas, habol ang hininga. Hinawakan niya ang ulo, para bang may bigat na pumipisil sa ulo niya..
Tumingin siya sa sarili hubad. Tumingin ulit kay Anastasia. Nagsimulang mabuo ang mga piraso sa isip niya, pero hindi pa rin niya lubos na maintindihan.
Biglang bumukas nang malakas ang p***o.
Si Azrael.
Galit na galit ang mukha. Nanginginig ang panga sa inis ng makita ang ayos nila. Pagkakita niya sa anak na lalaki at kay Anastasia sa iisang kama parehong kalahating hubad, parehong gulo ang itsura hindi na siya nagdalawang-isip.
Isang malakas, mabilis na suntok ang dumapo sa panga ni Atlas.
Tumagilid ang ulo ng binata. Narinig ang malakas na “thud” nang tumama ang kama sa likod niya. Napadaing siya sa sakit.
“Azrael, tama na!” sigaw ni Sienna, agad na niyakap ang asawa mula sa likod at pinipigil ang susunod na suntok.
“Tama na! Hindi ito ang solusyon!”
Nanatiling nanginginig si Azrael. Huminga siya nang malalim, pero hindi nawala ang apoy sa mga mata.
Tumingin siya kay Anastasia, matalas, malamig, at puno ng galit, hindi para dito kundi para sa katarantaduhan ng anak niya..
Ang dalaga ay lalo pang nanginginig. Naiiyak na, pero pinipilit pigilan ang luha.
Maya-maya, mariin at mababa ang tinig ni Azrael habang diretso ang tingin kay Anastasia.
“Call your parents,” sabi niya.
“Now.”
Takot na sumunod si Anastasia. Nagbihis nang tahimik, hindi makatingin kanino man.
Si Atlas naman ay tulalang nakaupo, hawak pa rin ang panga na nasuntok, pero pilit parin niyang inaalala kung ano ang nangyari.
"What happened...?" bulong niya, puno ng pagkalito.
Hindi sumagot si Anastasia - tumulo na lang ang luha niya, habang nanginginig ang mga kamay.
Mabilis namang dumating sina Asmodeus at Zamara, kasama ang bunso nilang anak na si Alejandro, halos 30 minutes lang ang pagitan ng tawagan ito ni Anastasia. Ramdam ang bigat ng tensyon habang bumukas ang p***o ng mansion - malamig ang hangin, mabigat ang bawat hakbang.
Seryoso ang mukha ni Asmodeus, tila nag-aalab ang mga mata sa galit. Deretso siyang pumasok, walang sinasabi, nakatutok ang tingin kay Atlas na noon ay tahimik lang at gulong-gulo pa rin sa nangyari.
"Asmodeus, sandali lang-" mabilis na sabi ni Zamara, sabay abot sa braso ng asawa bago pa ito makalapit.
"Hayaan mo munang maipaliwanag ang lahat," mariin niyang bulong, pilit pinapakalma ang asawa.
Ngunit nananatiling matigas ang panga ni Asmodeus, mabigat ang paghinga.
"Anong paliwanag pa ang kailangan, Zamara? Ginalaw niya ang anak natin!" mariing sabi niya, bakas ang paninikip ng dibdib sa sobrang galit at takot para sa anak.
Tahimik lang na nakayuko si Anastasia, hindi makatingin sa mga magulang. Si Atlas naman ay tila nakapako sa kinauupuan, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.
"Magpapakasal kayo. Bukas din, Atlas."
Malamig at matigas ang tinig ni Azrael habang nakatitig nang diretso sa anak.
Napakurap si Atlas, halos hindi makapaniwala sa narinig.
"What?" mahina niyang tanong, pilit hinahanap ang paliwanag sa mukha ng ama.
Ngunit nanatiling walang emosyon si Azrael.
"You heard me. Bukas. Wala nang usapan."
Tahimik ang lahat. Si Sienna, bagama't halatang nag-aalala, ay hindi na rin nagsalita.
Si Asmodeus, tahimik lang na nakamasid, habang si Zamara ay pilit pinapakalma si Anastasia na ngayon ay patuloy pa ring umiiyak.
Humakbang si Atlas palapit.
"Dad, hindi ko nga alam kung anong nangyari-"
Ngunit agad siyang pinutol ni Azrael.
"Pananagutan mo siya atlas."
"I don't like her.."
Malamig na sabi ni Atlas, seryoso at walang mababakas na kahit anong emosyon..
"Mom, Dad...You can't force me to marry someone I don't want to..."
Mariing kumuyom ang kamao ni Azrael, bakas sa mukha ang matinding galit at pagkadismaya.
Sa isang tabi, umiiyak si Anastasia, nakayuko, mahigpit na nakayakap sa ama niyang gusto ng sugurin si atlas-
handang gawin ang lahat, basta huwag lang masaktan si Atlas.
"Daddy, please!" halos pasigaw na pakiusap ni Anastasia,
nang tangkaing kumawala sa mahigpit niyang pagkakayakap.
Ngunit bago pa man siya makagalaw,
isang malakas na suntok ang dumapo sa panga ni Atlas.
Napasinghap ang lahat.
"You son of a bitch!" singhal ni Azrael,
ang boses nito ay umalingawngaw sa buong mansyon.
"Papakasalan mo si Anastasia-sa ayaw at sa gusto mo!"
At sa huling linyang iyon,
Parang mas lalong naging matigas si atlas
"No!"
Mabilis na balik-sigaw ni Atlas sa ama, putok man ang labi, nangingibabaw pa rin ang mapanuyang ngiti sa kanyang mukha isang ngiting lalong nakakainsulto kay Anastasia.
“it's not my fault if… something happens between us..."
Malamig, puno ng panghahamon ang boses niya.
Napahinto ang lahat.
Nanginginig si Anastasia, habang dahan-dahang napaiyak si Zamara.
Biglang napaatras si Asmodeus, agad na napahawak sa mesa - halatang gustong suntukin si Atlas, pero bago pa man ito makagalaw, mahigpit siyang hinawakan ni Anastasia at Zamara,
Pinipigilan na huwag masaktan si Atlas.
Ang hangin sa paligid ay mabigat,
at sa bawat tibok ng puso ni Anastasia,
ramdam niya ang sakit ng mga salitang iyon mas matalim pa sa anumang suntok.
“Totoo bang may nangyari?” tanong ni Atlas, tinig na magulo pa pero unti-unting umaangat ang galit. Tumingin siya diretso kay Anastasia.
“Bakit wala akong maalala? Anastasia… anong ginawa mo?”
“A-Atl—” sabit ni Anastasia, pero agad siyang naputol.
Si Atlas ay nangingisi. Hindi yung normal na ngisi may halong pang-iinsulto, may paghamak. Tumingin siya sa kanya mula ulo hanggang paa, saka muli sa mga mata.
“Ulitin natin,” sabi niya nang mariin, tinig na mababa pero sadyang bastos.
“Hindi ko man lang kasi na-enjoy… kasi wala talaga akong maalala. Parang sayang lang, ‘di ba? Gusto ko naman sanang maalala kung paano ka umungol o kung gaano ka kasikip.”
Biglang sumigaw si Sienna, namumula ang buong mukha sa galit at kahihiyan.
“Atlas!”
Bahagyang tumabingi ang ulo ni Atlas sa sampal ng ina, pero agad din itong humarap ulit kay Anastasia. May mapanuksong ngisi pa rin sa labi—ngising sadyang nakakainsulto para sa isang babae na katatapos lang gisingin sa kama niya.
Hindi na nakapagtimpi si Asmodeus.
Mabilis niyang binunot ang baril at itinutok diretso kay Atlas.
“Putangina ka ha!” galit na sigaw niya, nanginginig ang kamay sa inis.
“Daddy!!” takot na takot na sigaw ni Anastasia. Agad niyang niyakap ang ama mula sa likod, pilit na pinipigilan ang braso nito.
“Daddy, huwag! Please!”
Sa kabilang panig, malamig ang tinig ni Azrael. Unti-unti niyang inilabas ang sarili niyang baril at itinutok kay Asmodeus.
“Asmodeus… ibaba mo ‘yang baril mo.”
“Binabastos ng anak mo ang anak ko, Azrael!” gigil na tugon ni Asmodeus, hindi ibinababa ang baril.
“Ibaba. Mo. Ang. Baril. Mo,” mariing ulit ni Azrael, hindi rin umaatras.
Mabilis na lumapit sina Zamara at Sienna. Niyakap nila ang kani-kanilang asawa, pilit na pinipigil ang dalawang lalaking handang magpaputok.
“Ano ba kayo?!” sigaw ni Sienna, habang mahigpit ang kapit kay Azrael.
“Hindi ito mareresolba kung pati kayo mag-aaway!”
Sa gitna ng kaguluhan, si Anastasia ay napayuko na lang. Nanginginig ang buong katawan. Takot. At sa isip niya, unti-unting bumabalik ang bigat ng ginawa niya kagabi ang setup na inakala niyang solusyon, pero ngayon ay unti-unting sumisira sa lahat.
THIRD POV... Dumating ang araw ng kasal isang engrandeng selebrasyon para sa panganay na anak nina Azrael at Asmodues. Pagkatapos ng seremonya, ang reception ay ginanap sa isang luxury hotel na pagmamay-ari ni Atlas mismo.Ngunit sa bawat galaw ng mga bisita, isang bagay ang sumasakit sa kanyang puso ni isang sulyap, hindi man lang siya tinitignan ni Atlas. Parang invisible siya, parang wala sa eksena ang kanyang presensya. Ang bawat ngiti niya kay Atlas ay walang tugon, bawat titig niya ay wala itong pakialam.Suot ang kanyang eleganteng gown, tumayo si Anastasia at dahan-dahang lumapit sa kanyang ama.Nararamdaman niya ang bigat ng kanyang sariling kawalan. Napansin niya ang titig ng ama kay Atlas matindi, Marahil ay napansin din ng kanyang ama ang pag-iwas ni Atlas sa kanya,."Daddy..." mahina at pilit na masiglang tawag ni Anastasia, habang sinusubukan ipako ang ngiti sa labi.Lumingon si Asmodues, at sa kanyang mga mata ay may bahid ng lungkot parang may bigat na hindi maipaliwa
Tahimik na nagsusuklay si Anastasia, ang mga mata niya nakatuon sa salamin, ngunit halata ang kaba sa kanyang mga mata nang pumasok ang ama sa kwarto.“Daddy…” nakangiting bati niya, ngunit may bahid ng hiya at pag-aalala sa tinig.“How’s my baby girl?” Malambing ngunit may lungkot na nakatago sa mga mata ni Asmodeus.“Hindi na ako bata, Dad,” nakangiting sagot ni Anastasia, pilit pinapantay ang kanyang tono sa ngiti.Tipid itong ngumiti at tumango saka umupo sa tabi ni anastasia“Ang Tito mo, si Azrael, tumawag kanina sa akin…” Napayuko si Anastasia, ang dibdib niya bahagyang bumagal sa kaba.“Pumayag na daw si Atlas sa kasal.”Mabilis na tumingin si Anastasia sa kanyang ama. Ang puso niya ay sabik at takot na sabay—hindi niya alam kung matutuwa o matatakot sa balita.“Gusto mo ba talaga siya, anak?” May bahid ng lungkot at pag-aalala sa boses ni Asmodeus, habang pinipilit niyang itago ang sarili niyang emosyon.Marahang tumango si Anastasia, ang mga labi niya bahagyang nanginginig.
Third Person POV.. “D-Daddy… tama na po,” naluluhang pakiusap ni Anastasia habang mahigpit na hinahawakan ang braso ng ama. Nanginginig ang buong katawan niya. Ang mga luha ay walang tigil na dumadaloy pababa sa pisngi. “let's go home…. please dad…”Dahil sa nanginginig at desperadong tinig ng anak, unti-unting bumagal ang mabigat na paghinga ni Asmodeus. Nanatili pa rin siyang nakatayo nang tuwid, pero ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa baril ay unti-unting lumuwag. Mariin niyang tinitigan si Atlas nang matagal tila sinusukat kung gaano kalaki ang galit na nararamdaman niya bago dahan-dahang ibinaba ang baril.Ganoon din ang ginawa ni Azrael. Ibinaba niya ang sarili niyang baril na nakatutok kay Asmodeus, pero hindi nawala ang tensyon sa balikat niya. Nanatiling magkaharap ang dalawang ama, parehong handang magpatayan kanina lang.. Tahimik ang buong silid. Tanging ang hikbi ni Anastasia ang naririnig, at ang mabagal, mabigat na paghinga ng mga lalaki.Sa huli, niyakap n
Third's POV.. "S-Sigurado ka bang mabisa talaga 'to, Ellise?" tanong ni Anastasia sa kaibigan niya, halatang may kaba sa boses."Syempre! Makakatulog nang mahimbing si Atlas dahil dito," nakangising sagot ni Ellise habang kumikindat. Itinaas niya ang hawak na pampatulog na siya mismo ang nagbigay kay Anastasia.Bahagyang napalunok si Anastasia habang tinitingnan iyon. Kahit alam niyang kailangan niya itong gawin, hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa magiging resulta."Ngayon, ang tanong..." bahagyang tumagilid ang ulo ni Ellise, may mapaglarong ngisi sa labi. "Paano mo naman mapapainom kay Atlas 'yan?"Napatingin si Anastasia sa maliit na bote na hawak niya, habang pilit na iniisip kung paano niya maisasagawa ang plano."May bonding sila ni Kuya Elijah sa mansion ni Atlas," dagdag ni Ellise, sabay lapit sa kanya. "Gusto mo, tulungan kita?"Nag-alinlangan si Anastasia. Alam niyang delikado ang gagawin niya, pero sa isip niya, ito na lang ang pagkakataon para makuha ang gusto niya.T






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.