ANMELDENPara po sa mga bagong mambabasa, please read my other books in GoodNovel. 1. Secret Affair with my Hot Ninong – Ongoing (latest) 2. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 3. Love for Rent (1.3M views-Book1-7) - Completed 4. The CEO's Cold Ex-Wife - Ongoing 5. Unlove Me Not - Completed 6. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta!
“Head down pa rin si Baby B,” sabi ng doktor matapos tingnan ang ultrasound monitor. “Maayos ang tibok ng puso niya. Maaari nating ipagpatuloy ang vaginal delivery.”Nakahinga si Damon, ngunit hindi tuluyang nawala ang kaba sa dibdib niya.Nakahiga si Felicity na halos wala nang kulay ang mukha. Basa ng pawis ang buhok nito at mabigat ang paghinga. Ilang minuto pa lamang ang lumipas mula nang isilang ang anak nilang lalaki, ngunit kailangan nitong mag-ipon ng lakas para sa ikalawang sanggol.“Sandali lang,” hingal nito. “Pagod na ako.”“Bibigyan ka namin ng kaunting oras para makahinga,” paliwanag ng doktor. “Pero hindi tayo puwedeng maghintay nang matagal. Kailangan nating mailabas si baby girl habang maayos ang posisyon at tibok niya.”Tumango si Felicity bago ipinikit ang mga mata.Pinisil ni Damon ang kamay nito. “Nandito lang ako.”Mula sa kabilang bahagi ng delivery room, muling umiyak ang anak nilang lalaki.Napalingon si Damon sa infant warmer. Sinusuri ng pediatrician ang san
Parang may humigpit sa dibdib ni Damon sa sinabi ng doktor. Bago niya maitanong kung maaari siyang sumama, inilabas na ng mga nurse si Felicity mula sa examination room.Sinundan niya ng tingin ang kama hanggang sa magsara ang pinto.“Mr. Villanueva?”Napalingon siya sa nurse na may dalang disposable gown, cap, mask, at shoe covers.“Isuot ninyo po ang mga ito. Papapasukin namin kayo kapag handa na ang asawa ninyo.”Kinuha niya ang mga iyon. Ilang minuto siyang naghintay sa labas habang paulit-ulit na tumitingin sa pinto. Hindi niya malaman kung saan ilalagay ang kanyang mga kamay habang naghihintay ng balita tungkol kay Felicity.Nang dumating ang obstetrician, lumapit siya rito.“Doc, ligtas ba silang tatlo?”“Stable silang lahat. Head down si Baby A, kaya susubukan natin ang vaginal delivery. Patuloy nating imo-monitor si Baby B. Nakahanda rin ang operating team kung kailangan nating mag-C-section.”Napatingin siya sa pinto. “May posibilidad pa ring operahan siya?”“Standard precau
Tila tumigil ang lahat sa paligid ni Damon.“Ngayon?”“Hindi, next year.”“Fel, seryoso ako.” Lumuhod siya sa tabi nito. “Gaano katagal iyong sakit? May lumabas bang tubig o dugo? Nahihilo ka ba? Huminga ka. Sandali, ako yata ang kailangang huminga.”“Damon.”“Ano?”“Tumigil na iyong contraction.”Napatingin siya sa tiyan nito. “Wala na? Sigurado ka?”“Oo.”Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras. Eksaktong alas-otso dose. Itinala niya iyon bago tinawagan ang obstetrician ni Felicity.Habang ipinapaliwanag niya ang nangyari, hindi niya napigilang maglakad nang pabalik-balik sa veranda. Sinundan siya ng tingin ni Felicity mula sa upuan.“Isang contraction pa lamang?” tanong ng doktor.“Opo. Halos isang minuto siguro.”“May lumabas bang tubig o dugo?”“Wala po.”“Obserbahan muna ninyo. Itala ninyo ang tagal at pagitan ng bawat contraction. Kapag naging regular at mas malakas, o kapag pumutok ang panubigan niya, pumunta na kayo rito. Huwag kayong mag-panic.”“Opo, Doc.”Pagkababa
Sinagot ni Damon ang tawag ni Julian at inilagay sa speaker mode ang cellphone.“May update sa kaso ni Don Leandro,” bungad nito. “Nakausap ko ang abogado. Sapat na ang mga ebidensiyang hawak ng prosekusyon para maituloy ang kaso.”Napahigpit ang hawak ni Felicity sa kumot. “Kailangan ba naming humarap sa kanya?”“Hindi. Maliban na lang kung ipatawag kayo ng korte, wala kayong kailangang gawin. Tatawagan ko kayo kapag may bagong development.”“Salamat, Julian,” sabi ni Damon bago tinapos ang tawag.Ibinaba nito ang cellphone at bumaling sa kanya. “Okay ka lang?”Tumango si Felicity. Hindi man ganap na tapos ang kaso, sapat na sa kanyang malaman na hindi na nila kailangang muling harapin si Don Leandro. Para bang unti-unting nagsasara ang pintuan patungo sa pinakamadilim na bahagi ng kanilang buhay.At sa unang pagkakataon, malaya na silang tumingin sa hinaharap.Lumipas ang mga buwan kasabay ng patuloy na paglaki ng kambal sa kanyang tiyan.Sa bawat prenatal checkup, sinusuri ng dokto
Sabay nilang hinila ang mga hawakan.Sumilay ang asul na liwanag mula sa munting silid sa likod ng pinto ni Baby A. Sa gitna nito ay may isang pares ng maliliit na sapatos at karatulang may nakasulat na “Our Little Boy.”Mula sa kabilang pinto, kulay rosas na liwanag ang bumalot sa munting nursery. May maliit na headband sa ibabaw ng unan at karatulang “Our Little Girl.”Isang lalaki at isang babae.Napahawak si Felicity sa kanyang tiyan habang nagsisigawan sa tuwa ang kanilang pamilya. Naghalo ang tawanan at iyakan sa paligid niya, ngunit nanatili ang tingin niya kay Damon.Nakatayo pa rin ito sa harap ng unang pinto. Nakatitig ito sa asul na liwanag habang nangingilid ang mga luha.“Damon,” tawag niya.Doon lamang ito huminga nang malalim. Nilapitan siya nito, saka lumuhod sa harap niya. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa kanyang tiyan at hinalikan iyon.“Hello, little princess at little bodyguard,” bulong nito.Hinaplos ni Felicity ang buhok ng asawa. “Bakit iyong lalaki ang body
Sabay-sabay na tumayo ang mga bisita nang bumukas ang pinto ng reception hall.Pumasok sina Stefie at Prince bilang bagong kasal habang umaalingawngaw ang palakpakan. Nagniningning ang puting gown ni Stefie sa ilalim ng mga ilaw. Nakangiti rin si Prince sa tabi nito, maayos ang tuxedo at nakasuporta ang isang kamay sa baywang ng asawa.Perpekto silang tingnan.Ngunit nang maituon sa ibang direksiyon ang mga camera, ibinaba ni Prince ang kamay at lumayo nang kaunti.Napakunot ang noo ni Felicity.“Bakit?” bulong ni Damon sa tabi niya.“Wala.”Gayunman, araw iyon nina Stefie. Ayaw niyang sirain ang saya sa pamamagitan ng mga tanong na wala siyang karapatang itanong.Nagsimula ang programa sa first dance ng bagong kasal. Maayos ang bawat hakbang nina Stefie at Prince. Hindi sila nagkamali, ngunit para silang sumusunod sa bilang na matagal nang isinaulo. Wala ang init at lambing na karaniwang nakikita sa dalawang taong bagong kasal.Hinawakan ni Damon ang kamay niya sa ilalim ng mesa.“Ma







