Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 22 Sweetest Husband

Share

Kabanata 22 Sweetest Husband

last update Huling Na-update: 2025-08-05 09:40:48
Nanlamig ang katawan ni Mira. Hindi niya kinakaya ang palabas nilang dalawa ni Kyle sa harap ng nakapadaming audience.

"Woooohhh!!!" sigawan ng lahat.

Tumayo si Kyle mula sa bean bag nila, hawak ang kanyang kamay, at ngumiti sa lahat.

Tumango siya sa acoustic guitarist ng bandang naka-standby. Tumugtog ang kilalang intro ng classic love song, “Can’t Help Falling in Love.” At nagsimulang kumanta ang CEO na may ginintuang tinig.

Tahimik ang paligid. Walang kumukurap. Ang tinig nito ay malamig pero damang-dama, malalim at puno ng lambing. Lahat ay tila nahipnotismo, kabilang siya.

Ngunit siya ay nanatiling tahimik. Nakatingin siya kay Kyle, hindi dahil sa kilig kundi sa gulo sa kanyang dibdib. Habang umaawit ito, habang binibigkas ang bawat salita na tila patama sa kanya, pinapaalalahanin niya ng sarili. Hindi siya dapat magpadala. Hindi ito totoo. Isa lang itong palabas.

Pagkatapos ng kanta, palakpakan ang lahat. May hiyawan, may tilian. Tumango lang si Kyle sa kanila, saka bumalik sa ta
Maria Bonifacia

Maraming salamat po sa pagbabasa ng lahat ng mga libro ko. Kayo po ang aking inspirasyon sa pagsulat. Godbless po!

| 99+
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Jaynica Laurente
sasaktan n'yan c mira pag nagkita na uli sila ni Sofie
goodnovel comment avatar
Julivieve Regalado Pacin
Sana iniwan nlang siya ni Mira at Kay Sebastian nlang siya, halos binaboy at ininsulto na Pagkatawo niya
goodnovel comment avatar
Anne Perlada
Writer Sabihin mong may happy ending too nasasaktan nadin akooo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 492 The Price of Choice

    “Iris, ikaw lang ang iniisip namin, ang kinabukasan mo. Papunta ka pa lang pabalik na kami kaya makinig ka sa amin,” ani Donya Ester.“Mom, Dad,” mahinahon niyang sabi, pero may diin ang bawat salita, “hayaan ninyo po akong mamili sa taong gusto kong makasama habangbuhay.”Nagkatinginan ang mag-asawa.“Nakita ninyo naman po ang nangyari kay Kuya Lucas,” dugtong niya, mas tumitibay ang boses. “Pinilit ninyo siyang magpakasal sa hindi niya mahal. At halos masira ang buong buhay niya. Buti na lang nagkita sila ulit ni Maya.”Napabuntong-hininga si Donya Ester. “Iris, sabi mo si Harvey pala ang matagal mo nang hinihintay. So bakit bigla kang nagdadalawang-isip ngayon?” malumanay pero may halong pagtataka. “Huwag mong sabihin dahil kay Daryl?”Salit siyang natigilan dahil hindi niya alam ang sagot.Umiling si Donya Ester. “Mabait at matalinong si Daryl, yes. Pero hindi kayo bagay. Sa mundong ginagalawan mo, dapat lead provider ang lalaki sa relasyon. Alam naman nating ikaw ang mas mayaman.

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 491 Waiting for Love

    Biglang tumunog ang cellphone ni Iris.“Wait lang tumatawag si Daddy.”Saglit siyang nag-alinlangan, pero sinagot niya.“Hello, dad,” mahinahon niyang sabi. Tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ng ama. Hindi siya sumagot nang mahaba."Dad, mamaya na lang po tayo mag-usap.” Binaba na niya ang tawag.Bumaling siya kay Daryl. “Ano na nga ang sasabihin mo?”“Next time na lang,” sabi ni Daryl, mahina. “Sa ibang araw.”May kumurot sa dibdib ni Iris.Tumango siya. “Okay… next time.”Tahimik ang mansyon nang gabing iyon, pero hindi matahimik ang isip ni Iris.Nakahiga siya sa kama, nakapatay ang ilaw, nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksena kanina, nahiya lang siyang kulitin si Dary kung ano ang gusto nitong sabihin. Huminga siya nang malalim.At doon tumunog ang phone niya.“Musta? Just checking. Goodnight,” chat ni Daryl.Isang simpleng mensahe. Pero parang may humaplos sa dibdib niya.Napangiti si Iris bago pa niya mapigilan ang sarili.“Okay lang ako. Sa

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 490 Against All Odds

    Nagising si Iris na nakahiga sa sofa sa loob ng sala ng mansyon. May makapal na kumot na maingat na nakabalot sa kanya, at ang unang bumungad sa kanya ay isang pamilyar na amoy, woody, clean, at warm.Amoy ni Daryl.Napadilat siya agad. Umangat ang ulo niya, mabilis na naghanap ang mga mata sa paligid.Wala ito pero nakakumot pala sa kanya ang jacket nito.Tahimik ang buong mansyon, maliban sa mahinang ugong ng aircon. Dahan-dahan siyang bumangon, bahagyang sumasakit ang ulo, bakas pa rin ang epekto ng alak kagabi.Sa maliit na side table sa tabi ng sofa, may nakapatong na baso ng tubig, gamot, at isang maliit na papel, nakatupi nang maayos.Kinuha niya iyon.Handwritten.“Kapag masakit ang ulo mo, inumin mo ang gamot. Magpahinga ka muna.”Nanikip ang dibdib niya.Na-touch siya sa ganoong klaseng pag-aalaga, ‘yung tahimik, walang hinihinging kapalit.“Daryl…” mahina niyang bulong sa sarili.Hindi pa man siya tuluyang nakaka-recover, bumukas ang pinto ng mansyon.At pumasok si Don Apoll

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 489 Hidden Love

    Nanatiling nakatayo sa ulan si Daryl, hawak ang payong na wala nang silbi.Habang pasakay siya sa loob ng kotse, naramdaman niyang bumigat ang dibdib niya. Isinara niya ang pinto, umupo sa driver’s seat, at matagal na nakatitig lang sa manibela.Napatingin si Candice sa kanya mula sa passenger seat. Nakahalukipkip, may halong biro pero may lambing ang boses.“May problema ba?”Umiling si Daryl. Pilit ang ngiti.“Wala naman.”Tumaas ang kilay ni Candice. “Talaga? Tara na nga, shot puno na ’yan. Mukhang brokenhearted ka simula nung dumating si Harvey.”“Hindi ah,” mabilis na depensa niya.Napangiti si Candice, parang matagal nang alam ang sagot. “Hay naku, Daryl. Halata naman kaya huwag ka ng magdeny.”Nanlaki ang mata ng binata. “Ha? Halata ang alin?”“Na may gusto ka kay Iris,” diretso nitong sabi.Parang may kumalabog sa dibdib niya. “Paano mo nalaman?”Tumawa si Candice, saka tumingin sa harap. “Obvious. Kapag kasama mo siya, nag-iiba ka. Ang mga mata mo… kay Iris lang talaga nakatut

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO    Kabanata 488 Follow Your Heart

    Pero napahinto si Daryl.Ngumiti na lang siya, pilit upang itago ang damdamin.“Wala,” sabi niya. “Hindi importante.”"Eto naman, pag-iisipin pa ako. Ano ba sasabihin mo? Huwag kang mahiya. Kailangan mo ba ng funding or investor sa bagong negosyo mo?”“Iris, kapag kailangan ko ng tulong, magsasabi ako agad. For now, okay naman ang lahat.”“Eh ano nga ba ang sasabihin mo?”“Actually, nakalimutan ko nga kung ano ang sasabihin ko,” aniyang sinabayan ng tawa.Nagpatuloy sila sa paglalakad sa loob ng park.Hindi na itinuloy ni Daryl ang sasabihin niya kanina. Pinili niyang itago sa puso ang damdaming muntik nang kumawala. Iris deserve the best. At mas bagay ito kay Harvey. Matagal na niyang minamahal si Iris mula sa malayo. Marahil, hanggang doon na lamang.Tahimik ang gabi. May iilang streetlights na nagbibigay ng dilaw na liwanag sa daanan. May mga batang tumatawa sa malayo, may magkasintahang magkahawak-kamay.“Maganda ang gabi,” sabi ni Iris, pilit binabasag ang katahimikan.“Oo,” sago

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 487 Cutting the Contract

    “Dad, anong ginagawa ninyo dito?” nagtatakang tanong ni Iris.“Hinahanap ka talaga namin ni Daryl, yayain ka namin para sa family dinner ng mga Tan.”Napatingin siya kay Daryl.“Don Apollo, mauuna na po ako. Goodnigh, hon,” ani Daryl. Muntik siyang matumba ng halikan siya sa pisngi ng binata. Aba, tumatapang ito.Tumalikod ito at siya naman ay hinila na ng ama.“Iris,” malamig ang tono ng ama, nakaupo sa kotse. “Ire-reassign ko si Daryl. Temporary lang. Hindi na siya dapat laging nasa tabi mo.”Nanigas ang balikat niya.“Reassign?” ulit niya. “Dad, hindi puwedeng basta --”“Puwede,” putol ni Don Apollo. “At gagawin ko.”Tahimik si Iris, pero sa loob niya, may kumukulong galit.“Kung aalisin mo siya sa kumpanya,” mariin niyang sabi, “ipinakita ninyo lang sa tao ang pagiging matapobre ninyo. Matalino at magaling si Daryl kaya baka idemanda pa niya kayo.”Hindi na siya nagsalita pa. Pinagmasdan ang mga ilaw sa labas ng sasakyan.***Kinabukasan, pagpasok niya ng opisima, nakita niya si D

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status