Share

Kabanata 24 Her Confession

last update Last Updated: 2025-08-05 15:52:35

Tahimik ang buong silid. Walang nagtatangkang magbigay ng negatibong reaksyon.

“Ngayon, kung magkaanak kayo, lahat ng shares ay ililipat sa inyong anak. Sa ganitong paraan, mananatili sa dugo ng pamilya Alvarado ang Megawide Corporation.”

Napatitig si Mira kay Kyle. Hindi maipinta ang reaksyon nito, tila nagulat ngunit pilit ikinukubli ang damdamin sa desisyon ng lolo.

Sa harap ng lahat, tinapik ni Lolo Mario ang mesa at ngumiti.

“Simula ngayon, Kyle at Mira, kayong dalawa ang magiging puso ng Megawide. Gamitin ninyo ito sa tama. Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa.”

Napasulyap siya kay Don Renato na nagtagis ang bagang.

Natapos ang meeting at naiwan sila ni Kyle. Nanlalamig pa din ang kanyang katawan. Kasunod ng shocking na anunsyo ni Lolo Mario, hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi niya inasahan, ni hindi niya hinangad na mapasakamay niya ang kalahati ng Megawide Corporation. Ni hindi sumagi sa isip niya.

“Ang galing mo, Mira,” ani Kyle.

Napatingin siya sa lalaki,
Maria Bonifacia

Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap sa bagong aklat ko na kasali sa competition. I really appreciate your comments, gifts, at gems!

| 6
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Sana po ay nagustuhan ninyo ang ating kwento. Maraming salamat po sa pagsubaybay!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 28 Unforgettable Birthday

    Napatitig si Mira kay Lolo Mario, ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niya ang sagot sa tanong. Hindi siya maaaring magkamali.“Opo, Lolo… mahal ko po si Kyle. Hindi po dahil sa yaman niya o sa gandang lalaki. Basta po, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nakahanda po akong gawin ang lahat para sa kanya. Gusto ko po na palagi siyang masaya.”Tumingin siya sa kanyang mga kamay na kanina pa niya pinaglalaruan, at sa kanyang mga mata, unti-unting namuo ang luha.Hinawakan ni Lolo Mario ang kanyang kamay, mahigpit at may pang-unawa.“Iyan ang dahilan kung bakit ikaw ang pinili ko. Tunay ang pagmamahal mo. Naiintindihan mo siya. Tinatanggap mo kung sino siya. Hindi madaling pakisamahan ang apo ko. Nagkaroon siya ng trauma ng makita sa mismong kama ng magulang niya ang kanyang ama na may kasamang ibang babae. Nakita niya ang matinding away at pagmamakaawa ni Aurora sa kanyang ama. Nakita din niya ng magtangkang mag-suicide ang ina niya dahil sa pag-iwan ni Renato. Ta

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 27 Love and Trust

    Pagpasok nila Mira at Kyle sa Megawide tower ay tahimik silang sumakay sa elevator, magkatabi, kapwa may bakas pa ng ngiti sa labi dahil sa naganap kanina kahit late na sila.Napatingin siya sa screen ng cellphone ni Kyle nang biglang tumunog ito. Tumatawag si Sofie.Parang isang malamig na hangin ang dumaan sa pagitan nila. Napasinghap siya, habang si Kyle ay lumuwang ang ngiti sa labi. Mabilis na sinagot ng lalaki ang tawag, at ni hindi na siya tinignan man lang. Tila inalis pa nito ang bara sa lalamunan bago sagutin ang tawag.“Hello?”Tumango-tango si Kyle habang nakikinig. Ilang segundong katahimikan.“Sige. Mag-uusap tayo. Just send a message kapag may date na ang flight mo. Susunduin kita sa airport,” masayang sabi nito.Pagkababa ng tawag, hindi man lang ito lumingon sa kanya. Nang bumukas ang elevator, mabilis ang hakbang nito papunta sa opisina.Naiwan siyang tahimik sa hallway. Parang sumikip ang mundo. Kanina lang ay parang may pag-asa na sila. Kanina lang ay ramdam niya a

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 26 Intense Morning

    Sa isang iglap, itinulak ni Mira ang sarili kay Kyle, marahan at parang hinihingi ng puso ang pahintulot hanggang sa dumampi ang kanyang mga labi sa labi ng binata.Isang segundo… dalawa…Pero sa halip na sagutin ang halik, nanatiling tila estatwa si Kyle.Hanggang sa dahan-dahang nanlambot ang katawan niya. At bago pa man siya makapag-isip ng susunod na gagawin, napasubsob na siya sa matipunong dibdib ng lalaki. Huminga siya ng malalim, at bago pa man makapagsalita, ang epekto ng alak, pagod, at bigat ng damdamin ay biglang bumalot sa kanya. At tuluyan siyang nakatulog.Kinabukasan. Maliwanag na ang paligid. Mabango ang amoy ng kape. At higit sa lahat, ramdam niya agad ang malambot at malinis na sapin ng kama. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at agad napansing nakasuot siya ng isang maluwag na white shirt na pamilyar ang amoy. Shirt ni Kyle!Napabalikwas siya ng bangon, hinawakan ang laylayan ng t-shirt. Napatingin sa paligid. Wala ang binata sa silid. Pilit niyang inaalala ang na

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 25 Seducing the CEO

    Nag-angat ng tingin si Mira. Namumula ang kanyang pisngi, hindi lang dahil sa alak kundi dahil sa pagkalantad ng sarili niyang damdamin. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, pero hindi na niya pinigilan ang pagtulo nito."Mahal kita, Kyle," mahina niyang pagtatapat halos hindi lumabas sa bibig niya.Napapikit ang binata. Para bang hindi nito alam kung anong gagawin sa narinig. Tila hindi ito handa sa pagtatapat na iyon.“Shut up! Lasing ka kaya kung ano ano ang sinasabi mo.”"Si-simula pa lang, crush na kita, unang kita ko palang sa’yo. Lalong nahulog ang loob ko sa’yo ng makasama kita araw-araw. Kahit inuubos mo ang pasensya ko,” aniyang nabubulol.“Kasama ba ito sa plano mo? Nasa iyo na ang fifty percent ang share. Ngayon naman gusto mong ma-secure ang posisyon bilang Mrs. Alvarado. Masyado kang ambisyosa.”"Hindi mo kailangang maniwala sa sinasabi ko. Gusto ko lang malamang mong mahal kita,” aniyang tumalikod at mabilis na naglakad hanggang sa matapilok."Aray…"Napaigtad siya

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 24 Her Confession

    Tahimik ang buong silid. Walang nagtatangkang magbigay ng negatibong reaksyon.“Ngayon, kung magkaanak kayo, lahat ng shares ay ililipat sa inyong anak. Sa ganitong paraan, mananatili sa dugo ng pamilya Alvarado ang Megawide Corporation.”Napatitig si Mira kay Kyle. Hindi maipinta ang reaksyon nito, tila nagulat ngunit pilit ikinukubli ang damdamin sa desisyon ng lolo.Sa harap ng lahat, tinapik ni Lolo Mario ang mesa at ngumiti.“Simula ngayon, Kyle at Mira, kayong dalawa ang magiging puso ng Megawide. Gamitin ninyo ito sa tama. Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa.”Napasulyap siya kay Don Renato na nagtagis ang bagang.Natapos ang meeting at naiwan sila ni Kyle. Nanlalamig pa din ang kanyang katawan. Kasunod ng shocking na anunsyo ni Lolo Mario, hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi niya inasahan, ni hindi niya hinangad na mapasakamay niya ang kalahati ng Megawide Corporation. Ni hindi sumagi sa isip niya.“Ang galing mo, Mira,” ani Kyle.Napatingin siya sa lalaki,

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 23 The Majority Shareholder

    Hapon na ng makabalik sila Mira at Kyle sa mansyon matapos ang team building. Pagkababa pa lang nila sa kotse, bumungad na agad ang kaway ni Lolo Mario.Nasa veranda ito at may hawak na dyaryo na nagbabasa ng headline tungkol sa Megawide. Tumayo ito agad nang makita sila."Ay naku, ayan na ang lovebirds! Kumusta ang team building? May pictures ba kayong dalawa? Patingin bilis."Napakamot si Kyle habang nakangiti siya. Inabot nila ang pasalubong na isang basket na may lamang kung ano-anong pwede mabili sa lugar."Aba’y salamat sa pasalubong! Narinig ko na, napakaganda ng feedback sa team building. At ang apo ko, syempre, mahusay mamuno. Lalo pang umangat ang Megawide ng hawakan mo."Ngumiti si Kyle at tinapik ang balikat niya."Hindi ko magagawa lahat 'yon kung wala ang mahal kong asawa."“Totoo ‘yan, behind every successful man, there is a woman. Dapat kayong magtulungan talaga.”Biglang bumukas ang front door. Dumating si Don Renato at Calyx, may bitbit na imported wine at prutas."D

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status