Your support is like a warm cup of coffee on a rainy day, comforting and inspiring. Thank you for reading!
Paglabas ni Mira ng conference room, pakiramdam niya ay wala nang hangin sa paligid. Mabigat ang bawat hakbang niya, para bang may nakadagan sa dibdib niya. Hindi siya dumiretso sa elevator papunta sa lobby, kundi pinindot niya ang pindutan patungo sa rooftop.Pagbukas ng pinto, sinalubong siya ng malamig na hangin. Dito, walang makakakita sa kanya. Mailalabas niya ang saloobin.Lumapit siya sa gilid, sumandal sa bakal na harang, at doon na bumigay ang kanina pa niya pinipigilan. Tumulo nang tuluyan ang luha niya, sunod-sunod, walang patid.Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang sakit at bigat ng dinadala.Ang mga salitang binitiwan ni Kyle ay paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya.Napaluhod siya sa sahig ng rooftop, walang pakialam kung madudumihan ang damit niya. Hinayaan niyang yakapin siya ng hangin at kalungkutan.Mula sa gilid ng rooftop, may marahang tunog ng sapatos na lumapit. Napalingon siya at nakita niya si Calyx, nakakunot ang noo na tila ba labis na nag-aalala.“Mi
“Kyle, huwag mong kunin ‘yan--”Pero huli na. Ibinato nito sa basurahan ang relo, walang kahit anong pag-aalinlangan.“You don’t need to wear anything from him again.”Kinuha nito ang isang relo sa box at inilagay sa pulsuhan niya.“Perfect. Sa akin naman ang isa, isuot mo sa akin.”Sinunod niya ang sinabi ng amo. Maganda ang relo pero hindi naman siya mahilig sa mamahaling alahas.Pagkatapos kumain ay niyaya siya nito sa conference room. Pinaupo siya ni Kyle sa leather chair sa harap ng mesa. Hindi ito agad nagsalita, pero ramdam niya ang bigat ng titig na nakapako sa kanya. Mukhang importante ang sasabihin nito dahil ayaw ipadinig sa naglagay ng wiretapping device ang sasabihin.“Mira… may aaminin ako sa’yo.”Kumunot ang noo niya, kumabog ang kanyang dibdib at tila hindi handa sa kung anumang sasabihin nito.“I lied about my feelings for you. Gusto kong mabawi ang fifty percent shares kaya kunwaring may gusto ako sa’yo.”Nanlaki ang mga mata niya. “Ha?!”Hindi siya nagulat sa inamin
Mabilis na nagpalakpakan ang mga tao sa dancefloor nang magsimulang tumugtog ang mas mabilis na beat.Napapadami na ng inom si Mira. Na-stress siya sa dalawang lalaki kaya panay ang tungga niya. Namumula na ang pisngi ni Sebastian sa alak at adrenaline, bigla itong tumayo mula sa upuan at ngumiti nang malapad sa kanya.“Halika na, Mira. Regalo mo na itong sayaw na ito sa akin. Wala ka nang kawala.”Bago pa siya makatanggi, marahan pero mariing hinila siya nito papunta sa gitna ng sayawan.Sa unang minuto, pilit siyang nakikipagsabayan, tumatawa lang para hindi mahalata ang kaba habang sumusulyap sa kinauupuan ni Kyle. Pero habang tumatagal, nagiging mas makulit si Sebastian, minsan sumasayaw nang malapit, minsan may bulong sa tenga niya na ramdam niya ang init ng hininga. Pero hindi naman ito dumidikit sa katawan niya. Kilala niya itong gentleman. Nangungulit lang talaga dahil lasing. Minsan ay napapakapit siya sa braso nito dahil sa pagkahilo.Mula sa gilid ng bar, nakatingin pa din
“Pumayag ako,” sagot ni Mira, diretso ang tingin kay Kyle.“Hindi lang dahil sa utang na loob sa pagtulong niya sa’yo… kundi dahil alam kong makakatulong talaga iyon sa school. Wala naman sigurong masama kung pumunta ako.”Ngumuso si Kyle, halatang hindi pa rin kumbinsido, pero wala nang nasabi. Niyakap na lamang siya ng mahigpit.Bahagya siyang lumayo at kinuha ang tablet at pag-check ng schedule ng boss for next week.“Mira,” tawag nito, mababa ang boses, “’Wag ka na sigurong pumunta sa birthday ni Sebastian.”Napalingon siya, kunot ang noo. “Bakit naman?”Umiling si Kyle, may halong iritasyon sa tinig. “Ayoko lang. Hindi ko gusto ’yung mga tingin niya sa’yo.”“Mabait si Sebastian. Gusto ko ding makatulong sa school kaya pagbigyan mo na ako.” Iniharap siya nito. “Huwag ka ng sumama.”“Sandali lang ‘yun. Ilang oras lang. Bilang kapalit na din ng pagliligtas niya sa’yo.”***Dumating ang araw ng selebrasyon. Mainit ang sikat ng araw nang makarating sila Mira at Sebastian sa lumang es
Pagbukas ng telebisyon, biglang umalingawngaw ang boses ng anchor.“Breaking news! Nasa hotel ngayon si Ms. Katrina Lopez, ang babaeng nasa larawan kasama umano si Kyle Alvarado kagabi. Live po tayong makikibalita mula sa aming reporter sa lugar.”Lumabas sa screen ang live feed, isang magulong lobby ng hotel na pinapalibutan ng media. Hawak ni Katrina ang panyo, nanginginig habang nakaupo sa harap ng mga mikropono. Sa likod nito, makikita ang banner ng press conference na halatang minadali.“Ms. Lopez,” tanong ng isang reporter, “kayo po ba ay biktima ng pananamantala ni Mr. Kyle Alvarado? Ang CEO ng Megawide Corporation? Totoo po bang nagkaroon ng pamimilit?”Umiwas ng tingin ang babae. Tila litong lito. Nagsimula ng umiyak. Lalong nagkislapan ang mga camera.“Ako po…” huminto ang babae, huminga nang malalim at muling umiyak.“Ms. Lopez, maaari mo bang idetalye sa amin kung paano napagsamantalahan ng CEO ng Megawide ang iyong kahinaan bilang babae?”“Ms. Lopez, totoo bang binabayara
Tumango si Mira at inabot ang folder. Mula sa ilalim ng mesa, marahang binuksan niya ang voice recorder ng cellphone.“Malaking eskandalo ‘to kapag nagkataon,” ani Calyx na nakangisi ng makita ang pirma.Tinanggap nito ang kontrata, mabilis itong sinuri. “Ito na ‘yon. Isa ‘to sa gawa-gawang ebidensya para patunayan ang anomalyang kunwaring ginagawa ni Kyle.”Habang nag-uusap sila, ramdam niya ang malakas na tibok ng puso dahil sa katotohanang bawat salitang nasasagap ng camera at recorder ay maaaring magligtas kay Kyle.Matalim ang tingin ni Calyx habang nakasandal sa upuan, hawak-hawak ang cellphone at tila nag-iisip.“Hindi ako papayag na patuloy na bumango ang pangalan ni Kyle. Kung kailangang wasakin siya sa media, gagawin ko. May bago akong plano,” mapanganib nitong sabi.Binuksan niya ang isang folder sa phone at itinapat kay Mira.Halos mapugto ang hininga siya nang makita ang larawan. Si Kyle, nakahiga sa kama, yakap ang isang babaeng hindi niya kilala, kapwa walang saplot at