로그인Nag-chill si Daryl sa kalagitnaan ng gabi. Agad niyang sinalat ang noo nito. Mataas pa din ang lagnat.Kahit may kumot na, nanginginig pa rin ang katawan nito, bahagya ng umaalog ang balikat. Napansin iyon ni Iris agad. Mula sa kinauupuan niya sa gilid ng sofa, dahan-dahan itong tumabi, inalis ang sapatos, at hinila ang kumot palapit.Ipinatong lang ni Iris ang braso sa dibdib ni Daryl, sapat para mapag-init ang katawan nito. Niyakap niya ng mahigpit ang binata, parang natural na lang. Parang matagal na nilang ginagawa iyon. Hinaplos niya ang mukha nito.Ilang oras ang lumipas.Nagising si Daryl sa pakiramdam ng init ng katawang nakadikit sa kanya. Pagmulat nito ng mata, bumungad si Iris, mahimbing ang tulog, nakahilig ang ulo sa kanyang bisig, ang isang kamay ay nakapulupot sa beywang niya.Huminto ang mundo.Ang unang instinct ng binata, kabigin si Iris palapit.Marahan nitong inayos ang pagkakayakap, hinayaan ang ulo ng dalaga na mas umayos sa balikat nito. Isang kamay ang napunta
Nagpunta sila Iris at Elaine sa isang restaurant. Habang kumakain ay nagtanong si Elaine.“Kapag nawala si Daryl, anong mararamdaman mo?”Tahimik si Iris. Nakatitig lang siya sa juice sa harap niya.“Masaya ako kapag kasama siya,” amin niya sa huli. “Tiyak… malulungkot ako.”“Eh kung si Harvey ang mawala?”“Heto nga ang nakakapagtaka, I have no attachment kay Harvey. Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil sa tagal na ng panahon na lumipas. Baka nga nakakapit na lang ako sa ilusyon ng first love.”“Huwag kang magmadali. Take time to decide. Basta sundin mo kung ano ang nasa puso mo.”“Bes, kung ikaw ang tatanungin, sino ba ang bagay sa akin?”“Naku, huwag isang kagaya ko ang tanungin mo, alam mo namang maldita ako at after sa pera. Si Harvey ang pipiliin ko kung katayuan sa buhay ang titignan. Gusto mo ibigay mo sa akin ang isa kapag nakapili ka na,” anitong nakatawa.“Alam mo, people envy me. Pero kahit nasa akin na ang lahat, hindi ako lubusang masaya. I can’t live the life that I love
Naroon pa rin si Daryl sa loob ng warehouse nang tuluyang makaalis si Don Apollo. Ilang minuto siyang nanatiling nakatayo sa gitna ng pasilyo, nakatitig sa mga kahon ng sabon na para bang doon niya mahahanap ang sagot sa mga salitang iniwan ng matanda.Dating magkaibigan.Isang babaeng dahilan ng pagkasira.Hindi niya maiwasang isipin kung paanong ang nakaraan ng dalawang lalaking may kapangyarihan ay tila unti-unting sumasakal sa kasalukuyan niya.Hindi pa man tuluyang humuhupa ang ingay ng forklift sa labas ay may pumasok na staff at nagsabing may bisita siya.Paglingon niya, nakita niya si Mr. Victor Lim. Unang beses lang nitong magpunta.Simple lang ang suot, walang yabang, pero ramdam ang bigat ng presensya. Isang taong sanay pumasok sa kahit anong espasyo na parang pag-aari niya iyon, hindi dahil sa karapatan, kundi dahil sa kumpiyansa.“Daryl,” bati nito, may ngiting hindi pilit. “Kumusta? Mukhang busy ka.”“Opo, Sir,” magalang na sagot ni Daryl. “Pasensya na po at magulo.”“Hi
Tahimik ang gallery sa loob ng ilang segundo matapos bumagsak ang tanong ng reporter.“Sino ang inspirasyon ng paintings ninyo, Ms. Esguerra?”Ramdam ni Iris ang biglang pagbigat ng hangin. May mga nakatutok na camera. May mga matang naghihintay ng sagot. Ngunit hindi pa handa ang puso niya.Sa gilid ng paningin niya, naroon si Daryl.Hindi nagsasalita.Pero sapat na ang paraan ng pagtayo nito, tuwid, kalmado, upang mapanatag siyaHuminga siya nang malalim. Kailangan niyang pumili ng sagot na ligtas. Para sa media. Para sa pangalan ng mga magulang niya. Para sa kumpanya. Para sa gulong ayaw na niyang palalain.“Ang inspirasyon ko,” sabi niya, malinaw ang boses kahit nanginginig ang loob, “ay ang proseso ng paghilom. Ang pagharap sa mga alaala, masaya man o masakit, at ang tapang na magpatuloy.”May mga umiling. May nag-type sa cellphone. May hindi kontento.“May specific person po ba?” pilit pa rin ng reporter. “May koneksyon ba ito sa first love ninyo?”Sandaling tumingin si Iris kay
Dumating si Iris sa art room na may dalang dalawang paper bag ng pagkain. Amoy pa lang ng tinapay at kape, nakakagutom na. Nadatnan niyang nakaupo sa sofa si Daryl.“Good morning,” sabi ni Iris, pilit kaswal pero may ningning ang mata.Nagmamadaling tinakpan niya ang easel ng mapansing nakikita ito ni Daryl.Napakunot ang noo ng binata nang tinakpan niya ang painting.“Oh?” patay-malisyang tanong nitong tanong habang inaayos niya ang tela. “Bakit mo tinakpan? Ano ba’ng ipininta mo? Secret ba ‘yan?”Mabilis na hinawakan ni Iris ang kamay niya. “Wala,” sabi niya agad, medyo napatawa. “Tara na, kumain na tayo. Umorder ako ng breakfast. Kumain ka muna bago umalis. Malayo pa byahe mo.”Pinagmasdan siya ni Daryl saglit, may ngiting alam niyang may tinatago ang dalaga, pero hindi na siya nangulit. Umupo sila sa maliit na mesa, sabay nagkape.“By the way,” ani Iris, parang biglang naalala. “I want to invite you sa exhibition ko. Opening night na sa Friday.”Nanlaki ang mata ni Daryl. “Of cour
Tahimik ang paligid matapos ang halik.Pareho nakatayo sa ilalim ng streetlight sina Iris at Daryl, bahagyang magkahiwalay, pero ramdam pa rin ang init ng labi ng isa’t isa. Pareho silang hinihingal. Parehong napapatingin sa isa’t isa na parang nagtataka kung bakit ganoon kalakas ang tibok ng puso nila.“Teka,” hingal na sabi ni Iris, napapahawak sa dibdib niya. “Bakit ba tayo hinihingal at parang kinakapos ng hininga? Sa TV parang hindi naman ganito.”Napatawa si Daryl, sabay kamot sa batok. “Kaya nga eh. Baka mali ang ginagawa natin.”“Siguro,” ani Iris, kunwaring nag-iisip. “Practice pa?”Napangiti si Daryl, may halong kaba at kilig. “Oo. Para… makuha natin ang tamang paghalik.”“Okay,” sabi ni Iris agad, tapos biglang pumikit. “Sige.”“Wait,” natatawang sabi ni Daryl. “Ready ka na agad?”“Oo na nga,” sagot niya. “Practice lang ‘to, ‘di ba?”Lumapit si Daryl. Maingat. Hindi nagmamadali. Inilapat nito ang labi sa labi niya, mas dahan-dahan, mas banayad. Hindi sabay ang paggalaw nila







