Share

Kabanata 42 Too Much Love

last update Last Updated: 2025-08-09 14:26:32

Umaga pa lang, nakaupo na si Mira sa kanyang desk, maingat na nire-review ang final presentation para sa meeting mamaya. Gusto niyang siguraduhin na maayos ang lahat, lalo na kasama ang CEO at board members at unang beses niyang mag-pi-present sa meeting. Mainam itong training niya.

Pagkatapos ng ilang minuto, tinawag siya ni Sofie.

“Mira, naiwan ko ang laptop ko sa bahay. Pwede bang pahiram ng laptop mo sandali? Kailangan ko lang i-check yung format ng isang file para compatible sa projector natin,” anitong seryoso ang mukha.

Ilang araw ng mabait si Sofie. Baka nagbago na ito. At wala din naman siyang mapapalang awayin ang babaeng minamahal ni Kyle.

“Ah, sige. Sandali lang, i-save ko lang ‘tong ginagawa ko.”

Habang abala siya sa pag-aayos ng ibang papers sa mesa, mabilis na pinihit ni Sofie ang laptop palayo sa kanya, kumikilos nang tila nagta-type lang. Pero sa likod ng mabilis na paggalaw ng mga daliri nito, binubuksan na nito ang presentation file para mamaya.

Mabilis nitong binag
Maria Bonifacia

Dear lovely, please read my other books in GoodNovel. 1. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 2. Love for Rent (1.2M views-Book1-7) - Completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife- Ongoing 4. Unlove Me Not - Completed 5. The Ex-Convict Billionaire - Completed I am forever thankful!

| 10
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Fhyza Mei Sumakey
thanks sa update author! ang sakit!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Averlyn De Vera Salazar
update po ulet
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 54 Never Being Chosen

    Napalunok si Mira. Alam niyang delikado ang tanong. Nahirapan siyang sagutin kahit alam naman niya ang kasagutan.Hindi pa rin naaalis ang titig ni Kyle sa kanya. Ramdam niya ang bigat ng tanong na nakabitin sa ere. Pero ayaw naman niyang masyadong magmukhang kaawa-awa.“Siguro nga, nahuhulog na ang loob ko kay Sebastian. Madami siyang magagandang katangian.”Biglang nagdilim ang mukha ni Kyle.“So, may gusto ka sa lalaking ‘yon?”Natahimik siya.“Sa tingin mo mas higit si Tuazon kesa sa akin?”“Teka, bakit ang init ng ulo mo? Tsaka eh ano naman kung magkagusto ako kay Seb. Hindi ba at makikipagbalikan ka na kay Sofie?”“Basahin mo ang kasunduang pinirmahan mo. Page 3, last part na pinakaimportante sa lahat. Bawal kang makipagrelasyon sa iba.”Hindi pa nga niya binabasa ang kasunduan.“Hindi pa naman ako nakikipagrelasyon, nagkakagusto pa lang. Knowing Seb. Tiyak na makakapaghintay siya hanggang makalaya ako sa’yo,” bwelta niya.Bahagyang nag-igting ang panga ni Kyle. Lalo lang uminit

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 53 Failed Plan

    Paglabas ni Mira ng conference room, pakiramdam niya ay wala nang hangin sa paligid. Mabigat ang bawat hakbang niya, para bang may nakadagan sa dibdib niya. Hindi siya dumiretso sa elevator papunta sa lobby, kundi pinindot niya ang pindutan patungo sa rooftop.Pagbukas ng pinto, sinalubong siya ng malamig na hangin. Dito, walang makakakita sa kanya. Mailalabas niya ang saloobin.Lumapit siya sa gilid, sumandal sa bakal na harang, at doon na bumigay ang kanina pa niya pinipigilan. Tumulo nang tuluyan ang luha niya, sunod-sunod, walang patid.Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang sakit at bigat ng dinadala.Ang mga salitang binitiwan ni Kyle ay paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya.Napaluhod siya sa sahig ng rooftop, walang pakialam kung madudumihan ang damit niya. Hinayaan niyang yakapin siya ng hangin at kalungkutan.Mula sa gilid ng rooftop, may marahang tunog ng sapatos na lumapit. Napalingon siya at nakita niya si Calyx, nakakunot ang noo na tila ba labis na nag-aalala.“Mi

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 52 Wounded Heart

    “Kyle, huwag mong kunin ‘yan--”Pero huli na. Ibinato nito sa basurahan ang relo, walang kahit anong pag-aalinlangan.“You don’t need to wear anything from him again.”Kinuha nito ang isang relo sa box at inilagay sa pulsuhan niya.“Perfect. Sa akin naman ang isa, isuot mo sa akin.”Sinunod niya ang sinabi ng amo. Maganda ang relo pero hindi naman siya mahilig sa mamahaling alahas.Pagkatapos kumain ay niyaya siya nito sa conference room. Pinaupo siya ni Kyle sa leather chair sa harap ng mesa. Hindi ito agad nagsalita, pero ramdam niya ang bigat ng titig na nakapako sa kanya. Mukhang importante ang sasabihin nito dahil ayaw ipadinig sa naglagay ng wiretapping device ang sasabihin.“Mira… may aaminin ako sa’yo.”Kumunot ang noo niya, kumabog ang kanyang dibdib at tila hindi handa sa kung anumang sasabihin nito.“I lied about my feelings for you. Gusto kong mabawi ang fifty percent shares kaya kunwaring may gusto ako sa’yo.”Nanlaki ang mga mata niya. “Ha?!”Hindi siya nagulat sa inamin

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 51 Making Up for Sins

    Mabilis na nagpalakpakan ang mga tao sa dancefloor nang magsimulang tumugtog ang mas mabilis na beat.Napapadami na ng inom si Mira. Na-stress siya sa dalawang lalaki kaya panay ang tungga niya. Namumula na ang pisngi ni Sebastian sa alak at adrenaline, bigla itong tumayo mula sa upuan at ngumiti nang malapad sa kanya.“Halika na, Mira. Regalo mo na itong sayaw na ito sa akin. Wala ka nang kawala.”Bago pa siya makatanggi, marahan pero mariing hinila siya nito papunta sa gitna ng sayawan.Sa unang minuto, pilit siyang nakikipagsabayan, tumatawa lang para hindi mahalata ang kaba habang sumusulyap sa kinauupuan ni Kyle. Pero habang tumatagal, nagiging mas makulit si Sebastian, minsan sumasayaw nang malapit, minsan may bulong sa tenga niya na ramdam niya ang init ng hininga. Pero hindi naman ito dumidikit sa katawan niya. Kilala niya itong gentleman. Nangungulit lang talaga dahil lasing. Minsan ay napapakapit siya sa braso nito dahil sa pagkahilo.Mula sa gilid ng bar, nakatingin pa din

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 50 Charity Works

    “Pumayag ako,” sagot ni Mira, diretso ang tingin kay Kyle.“Hindi lang dahil sa utang na loob sa pagtulong niya sa’yo… kundi dahil alam kong makakatulong talaga iyon sa school. Wala naman sigurong masama kung pumunta ako.”Ngumuso si Kyle, halatang hindi pa rin kumbinsido, pero wala nang nasabi. Niyakap na lamang siya ng mahigpit.Bahagya siyang lumayo at kinuha ang tablet at pag-check ng schedule ng boss for next week.“Mira,” tawag nito, mababa ang boses, “’Wag ka na sigurong pumunta sa birthday ni Sebastian.”Napalingon siya, kunot ang noo. “Bakit naman?”Umiling si Kyle, may halong iritasyon sa tinig. “Ayoko lang. Hindi ko gusto ’yung mga tingin niya sa’yo.”“Mabait si Sebastian. Gusto ko ding makatulong sa school kaya pagbigyan mo na ako.” Iniharap siya nito. “Huwag ka ng sumama.”“Sandali lang ‘yun. Ilang oras lang. Bilang kapalit na din ng pagliligtas niya sa’yo.”***Dumating ang araw ng selebrasyon. Mainit ang sikat ng araw nang makarating sila Mira at Sebastian sa lumang es

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 49 The Scandal

    Pagbukas ng telebisyon, biglang umalingawngaw ang boses ng anchor.“Breaking news! Nasa hotel ngayon si Ms. Katrina Lopez, ang babaeng nasa larawan kasama umano si Kyle Alvarado kagabi. Live po tayong makikibalita mula sa aming reporter sa lugar.”Lumabas sa screen ang live feed, isang magulong lobby ng hotel na pinapalibutan ng media. Hawak ni Katrina ang panyo, nanginginig habang nakaupo sa harap ng mga mikropono. Sa likod nito, makikita ang banner ng press conference na halatang minadali.“Ms. Lopez,” tanong ng isang reporter, “kayo po ba ay biktima ng pananamantala ni Mr. Kyle Alvarado? Ang CEO ng Megawide Corporation? Totoo po bang nagkaroon ng pamimilit?”Umiwas ng tingin ang babae. Tila litong lito. Nagsimula ng umiyak. Lalong nagkislapan ang mga camera.“Ako po…” huminto ang babae, huminga nang malalim at muling umiyak.“Ms. Lopez, maaari mo bang idetalye sa amin kung paano napagsamantalahan ng CEO ng Megawide ang iyong kahinaan bilang babae?”“Ms. Lopez, totoo bang binabayara

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status