Dear readers, your continued support is the reason my stories come to life. Thank you so much lalo na po sa gems na inyong ibinibigay. Godbless po!
Nanatiling kalmado ang mukha ni Mira sa sinabi ni Jenny.“Alam mo, tigilan mo na ang pakikinig sa tsismis. Huwag na nating pakialaman ang private life ng boss natin.”Parang may mabigat na batong dumagan sa dibdib niya. At mas lalo niyang sinelyuhan ang pasya, iiwas na siya kay Kyle.“Ina-update lang kita, baka wala kang alam na pinagtataksilan ka na ng boss natin.”“Sige na, mamaya na natin ituloy ang kwentuhan,” taboy niya sa kaibigan.Tila gusto niyang hilahin ang oras. Bumaba siya sa canteen dalawang minuto bago ang breaktime. Kadalasan, hinihintay muna niyang lumabas si Kyle bago siya bumaba para kumain. Baka kasi bigla itong may ipautos o kailanganin siya.Pero ngayon, sinadya niyang hindi ito makita. Siya ang unang nakarating sa canteen at agad pumuwesto sa pinakadulong mesa. Tahimik siyang kumakain, nakayuko, at hinahayaan lang na malunod sa ingay ng mga kutsara, tinidor, at mahihinang tawanan ng ibang empleyado.Habang iniikot niya ang kutsara sa sinigang, napaisip siya, dat
Nanahimik si Kyle sa sinabi ni Mira. “I hope you don’t misunderstand what you heard.”“Alam ko naman, ang katotohanang nadinig ko kaya lubos kong nauunawaan. Huwag kang mag-alala.”Tila may sasabihin pa ang boss ngunit nagdatingan na ang mga kasama nila sa meeting.Umupo si Mira sa kabilang dulo ng mahabang mesa, malayo kay Kyle kaysa sa dati.Sanay ito na nasa tabi niya, nakahanda palagi ang laptop at mga dokumento, ngunit ngayon ay nasa pagitan nila ang dalawang executive na tila naging pader ng distansya.Habang nagsasalita si Kyle sa harap, ibinibigay niya ang mga kailangan nitong file papunta sa katabing executive para ito ang mag-abot sa CEO. Walang direktang eye contact, walang tipid na ngiti, wala man lang bahid ng dating magaan nilang samahan.“Mira, please, puwede bang ilabas mo ‘yong chart sa screen?” tanong ni Kyle.“Yes, Sir.” Walang pagbabago ang boses niya, formal at walang lambing. Ipinakita niya ang chart sa screen at agad bumalik sa tahimik na pagsusulat ng minutes.
Agad sinagot ni Mira ang tawag mula kay Lolo Mario.“Lolo, kumusta po?” tanong niyang medyo nag-aalala. Ilang araw na niya itong sinusubukang kontakin.“Mira…” mahina at mabagal ang tinig ng matanda. “Pasensya na kung ngayon lang ako nakatawag. Nabasa ko ang pangangamusta mo.”“Lolo, nasaan po kayo? Pupuntahan ko po kayo. May gusto po akong sabihin.”“Apo, makinig kang mabuti. Sa’yo ko lang ito sasabihin. Huwag mo na lang munang mabanggit sa kanila at ayokong mag-alala sila lalo si Kyle.”Kumabog ang dibdib niya.“May… may sakit ako sa puso. Kasalukuyan akong lumalaban. Huwag kang mag-alala at ginagawa ko ang lahat para mabuhay,” pagpapatuloy ng matanda.Natigilan siya. “Lolo Mario… bakit hindi po kayo nagsabi agad? Pupuntahan ko po kayo.”“’Wag mo na akong alalahanin, apo. Pero may hiling ako sa’yo na sana ay pagbigyan mo. Hindi ko sigurado kung magiging matagumpay ang operasyon. Kaya ayoko mang sabihin ngunit baka ito ang aking huling habilin.”“Lolo Mario, huwag po kayong magsalita
Tumunog ang cellphone ni Mira, isang notification ng incoming video call mula kay Jenny. Mabilis niyang pinunasan ang mga mata, inayos ang buhok, at pinilit magpinta ng ngiti sa labi bago pindutin ang accept.“Bes, kumusta ka na? Balita namin naospital ka,” bati agad ni Jenny na may bakas ng pag-aalala sa mukha.“Okay lang,” kasinungalingang sagot niya, pilit pinapakalma ang tinig.“Sus, palagi ka namang okay kahit hindi. Ano na nga ba ‘yun title nung series, it’s okay not to be okay. Minsan hindi masamang umamin o magsabi na hindi ka okay. Sa limang taong pagiging magkaibigan natin, palagi kang okay.”“Dami mong alam, bes. Okay lang ako.”Huminga nang malalim si Jenny bago magsalita, para bang nag-iingat sa ibabalita.“Mira, huwag ka sanang mabibigla, ha? Pero narinig ko at nakita ng dalawang mata ko… si Sofie ang pumalit muna sa’yo bilang assistant ni Kyle. Pansamantala lang naman siguro habang nagpapagaling ka.”Parang biglang may kumurot sa puso niya. Ramdam niya ang biglang init
“Ano ’yang nasa paa mo?” tanong ni Kyle na lumapit.Napaatras si Mira sa tono nito. Bago pa siya makasagot, bumaba si Sebastian at inalalayan siya palabas ng kotse.“Nasa ospital siya. Nalapnos ang paa dahil sa aksidente sa restaurant. Kasama ka pero hindi mo alam? Nagsampa ako ng reklamo sa restaurant.”Kumunot ang noo ni Kyle, kita ang gulat at kung hindi siya nagkakamali ay inis.“At bakit hindi mo sinabi sa akin?” anitong nagtagis ang bagang.“Nauna mong dalahin sa ospital si Sofie. Ayokong istorbohin ka.”Saglit na nanahimik si Kyle, pero halata sa mga mata nito na kumulo ang dugo. Lumipat ang tingin nito kay Sebastian.“Next time, hindi mo na kailangang ihatid si Mira. May driver akong kayang gawin ‘yan.”“Gusto ko lang siguraduhinng ligtas siyang makakauwi. Mahalaga sa akin si Mira.”Nagpalitan ng titig ang dalawa. Tila may plano pang magsuntukan. Napabuntong-hininga siya at piniling pumasok na sa loob, ayaw nang marinig ang susunod pang usapan ng dalawa.Pagpasok niya sa guest
Napalunok si Mira. Alam niyang delikado ang tanong. Nahirapan siyang sagutin kahit alam naman niya ang kasagutan.Hindi pa rin naaalis ang titig ni Kyle sa kanya. Ramdam niya ang bigat ng tanong na nakabitin sa ere. Pero ayaw naman niyang masyadong magmukhang kaawa-awa.“Siguro nga, nahuhulog na ang loob ko kay Sebastian. Madami siyang magagandang katangian.”Biglang nagdilim ang mukha ni Kyle.“So, may gusto ka sa lalaking ‘yon?”Natahimik siya.“Sa tingin mo mas higit si Tuazon kesa sa akin?”“Teka, bakit ang init ng ulo mo? Tsaka eh ano naman kung magkagusto ako kay Seb. Hindi ba at makikipagbalikan ka na kay Sofie?”“Basahin mo ang kasunduang pinirmahan mo. Page 3, last part na pinakaimportante sa lahat. Bawal kang makipagrelasyon sa iba.”Hindi pa nga niya binabasa ang kasunduan.“Hindi pa naman ako nakikipagrelasyon, nagkakagusto pa lang. Knowing Seb. Tiyak na makakapaghintay siya hanggang makalaya ako sa’yo,” bwelta niya.Bahagyang nag-igting ang panga ni Kyle. Lalo lang uminit