LOGINPlease support, Secret Affair with my Hot Ninong, highly recommended po. Maraming salamat po sa pagtangkilik sa lahat ng books ko!
Tahimik ang gabi sa ospital.Mahina ang ilaw sa private room ni Daryl, sapat lang para makita ni Iris ang mahinahong pag-angat-baba ng dibdib nito habang mahimbing ang tulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may kumot sa balikat, hawak ang cellphone pero mas nakatutok ang mga mata niya kay Daryl.Tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Nanay Lily.Agad niyang sinagot ang video call.“Iris,” bungad ng matandang babae, bakas ang pag-aalala sa mukha. Sa likod nito, nakasilip si Lola Celia, may hawak na rosaryo. “Kumusta ka na, anak? Diyos ko, nakita namin sa balita ang nangyari.”“Okay na po ako, Nay,” agad na sabi ni Iris, pilit na kalmado. “Nasa ospital lang kami. Safe naman po.”“Si Daryl? Kumusta? Hindi namin makontak,” tanong ni Lola Celia, lumalapit sa camera.Inilapit ni Iris ang phone, ipinakita ang natutulog na binata. May benda ang braso.“Eto po,” mahina niyang sabi. “Nagpapahinga. Tulog po.”Napabuntong-hininga si Nanay Lily. “Salamat sa Diyos at safe kayong dalawa.”Nagising
“Okay ka lang?” unang tanong ni Daryl, hindi alintana ang pinsala sa sarili.Tumango si Iris, umiiyak. “Kung hindi ka humarang baka--”Hindi na niya tinapos. Paano kung sa mukha niya sumaboy ang asido?Dumating ang ambulansya. Humahangos si Lucas, nanginginig sa galit ng lapitan ang kapatid.Tiningnan nito ang paso sa braso ni Daryl, saka ang basag na bote sa sahig. Nagtagis ang kanyang bagang.Yumakap siya kay Daryl, mahigpit, walang pakialam sa mga matang nakatingin.Agad silang ipinasok sa ambulansya.Tahimik ang private room sa ospital. Naupo si Iris sa gilid ng kama ni Daryl, hawak ang maliit na tray ng cotton at gamot. Maingat niyang hinila pababa ang manggas ng polo nito. Bumungad ang pamumula at paso sa braso, may benda na ang iba, pero may parte pang kailangang linisin.“Masakit ba?” tanong niya.Umiling si Daryl, pilit ang ngiti. “Kayang tiisin. Malayo sa bituka.”“Don’t lie,” aniyang seryoso, sabay dampi ng cotton sa balat. Napasinghap si Daryl, pero hindi umangal. Si Iris a
Tahimik ang room ni Iris.May nakalatag na mga papel sa mesa at may dalawang ballpen.“Rule number one,” seryosong sabi ni Iris, naka-cross ang braso habang nakatingin kay Daryl. “Separate rooms.”Tumango si Daryl agad. “Okay.”“Rule number two,” tuloy niya, parang abogado sa korte. “Walang hahawak. Kahit kamay.”“Okay,” sagot ulit niya, walang reklamo.“Rule number three,”“Wait,” napatawa si Daryl. “Ikaw ang nag-propose ng kasal pero parang ang dami mong rules, napaka-strict.”Napatingin si Iris kay Daryl, bahagyang namula. “I just want everything clear.”“Biro lang,” anang binatang ngumiti. “Masusunod ang lahat ng gusto mo.”Napatingin siya sa lalaki. Bakit parang mas nagiging gwapo si Daryl sa paningin niya? Parang may kumalabit sa dibdib niya, pero mabilis niyang inawat ang sarili.“Rule number four,” balik-seryoso niya. “Public appearances kapag kailangan. With sweet gestures at holding hands sa harap ng media kung kailangan.”“Noted.”“Rule number five,” dagdag pa niya, “walang
Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huwag mong pilitin sa ayaw niya,” anang Don. “Baka magmatigas siya. At higit sa lahat huwag na huwag mo siyang sasaktan. Nag-iisa kong anak na babae ‘yan. At pinagkakatiwalaan kita.”“Don Apollo, trust me. Akong bahala.”Tahimik si Don Apollo sandali.“Gagamitin natin ang argumento ng seguridad,” dagdag ni Harvey. “Public image. Board confidence. Protection. Matalino si Iris. She won’t risk everything para lang sa lalaking wala namang pangalan.”“May punto ka. Papayag siya sa gusto ko,” sabi ni Don Apollo.Tumango si Harvey. “She will.”Hindi gumalaw si Iris hanggang marinig niyang magsara ang pinto ng kwarto at nagpaalam si Harvey.Nanatili siyang nakapikit. Kalamado ang paghinga. Parang mahim
Mabilis na hinila ni Daryl si Iris palapit, ibinalot ang braso sa kanya, tinakpan ang ulo niya.“Iris,” sigaw niya sa gitna ng ingay, “look at me.”Tumingin siya, takot, pero buo.“Nandito lang ako,” sabi ni Daryl, halos pabulong. “Hindi kita bibitawan.”Biglang umuga ng malakas ang eroplano.Parang hinigop pababa ang lahat.Hinigpitan ni Daryl ang yakap.At sa labas ng bintana, papalapit ang lupa,Masyadong mabilis para pigilan.Biglang bumagsak ang katahimikan sa loob ng private jet.Kasunod noon, isang malakas na kalabog. Parang may nagbanggaan sa harapan. Umuga ang eroplano, mas malakas kaysa kanina. May tunog ng metal na humahampas sa metal, at isang sigaw na tuluyang naputol.“Iris,” mariing tawag ni Daryl, sabay tumayo kahit halos mawalan ng balanse. “Stay seated.”Hindi na siya naghintay ng sagot. Tumakbo siya papunta sa cockpit, hinila ang emergency latch. Bumungad ang eksenang hindi niya kailanman inakalang makikita, ang piloto, tila wala ng buhay, nakasubsob sa gilid ng upu
Hindi agad sinagot ni Don Apollo ang tanong ni Iris.Sa halip, humarap ito nang tuluyan, malamig ang mga mata, matigas ang panga, parang matagal nang may hinahawakang galit na ngayon lang piniling ilabas.“Bakit?” ulit nito, may halong pangungutya. “May gusto ka ba sa kanya?”Nanigas si Iris.“Siya lang ang alam kong parang lintang kumakapit sa’yo,” dagdag ng ama, mas mababa ang boses pero mas tumatama, “para sa pangalan at kayamanan mo.”Parang may humampas sa dibdib niya.“Dad,” mariin niyang sabi, nanginginig pero matatag, “hindi ganyang klase ng tao si Daryl.”Napatawa si Don Apollo. “Lahat ng lalaki may motibo.”“Hindi siya,” giit ni Iris. “Kung may isang taong hindi humingi ng kahit ano mula sa akin, siya ‘yon. Huwag naman sana ninyo siyang husgahan.”“Iris! I can’t believe na nilalapastangan mo ako dahil sa walang kwentang lalaki!” ani Don Apollo na tumaas ang boses.Mabigat pa ang hangin sa veranda.Bago pa makapagsalita ulit ang alinman sa kanila, may munting yabag na papalapi







