MasukThank you very much for every moment you spent reading my stories. Your love and support keep me going.
“Sir…” ani Chelsea. “Hindi ko po kayo iniligtas para humingi ng kapalit.”“I know. That is why I’m doing it. Lahat ng hihilingin mo ay ibibigay ko.”Sa gilid, tahimik si Theo.Pagbalik nila sa sasakyan, hindi agad nagsalita si Zion. Nanatili siyang nakatingin sa labas habang umaandar ang sasakyan palayo sa baryo.“Sir,” maingat na sabi ni Theo.“What?”“Hindi sa nakikialam ako…”“Then don’t.”“…pero makikialam pa rin po ako.”Zion closed his eyes.“Kapag nalaman ito ni Mrs. Saavedra nang hindi galing sa inyo, masasaktan siya.”“Wala akong ginagawang masama.”“Opo,” sagot ni Theo. “Kaya mainam na ipagtapat na ninyo ang lahat kay Mrs. Saavedra.”Hindi sumagot si Zion.“Hahanap ako ng pagkakataon para sabihin sa kanya,” sabi niya.“Sir, with all due respect, minsan ang pagkakataon hindi hinahanap. Ginagawa.”Zion looked at him.Nang gabing iyon, pagdating ni Zion sa bahay, nadatnan niya si Cassandra sa sala.Hindi ito natutulog.Nakaupo ito sa sofa, may hawak na libro pero halatang hindi
Hindi na naghintay si Zion.Sa sandaling marinig niya mula kay Theo ang pangalan ni C. Rosales, parang may lumang sugat na muling binuksan sa dibdib niya. Ilang taon niyang hinabol ang clue na iyon. Ilang taon niyang itinago ang keychain na parang huling piraso ng alaala.At ngayon, may lead na sila.“Prepare the car,” malamig niyang utos.“Sir, may meeting ka pa in thirty minutes,” paalala ni Theo.“Cancel it.”“Lahat?”Tumingin si Zion sa kanya. “Yes.”Makalipas ang ilang minuto, nasa sasakyan na sila. Si Theo ang nasa passenger seat, abala sa pakikipag-usap sa bagong investigator na kinuha nila, si Gary. Tahimik lang si Zion sa likod, hawak sa loob ng bulsa ang maliit na keychain na ilang taon niyang tinago.Luma na iyon. Pero hindi niya kailanman itinapon.Dahil iyon lang ang natatanging pagkakakilanlan sa babaeng nagligtas sa kanya.O sa taong pinaniwalaan niyang dahilan kaya nabuhay pa siya. Kung may itinurong maganda ang kanyang ama, iyon ay ang pagtanaw ng utang na loob.Mahig
Halos mabilaukan si Theo sa sariling laway.May talent fee pala ang pag-cross-dress.Kanina, ang problema niya ay kung paano hindi matumba sa heels. Ngayon, kaharap niya si Chairman Daniel, ang ama ni Zion, ang lalaking may matang parang kayang bumili ng tao at itapon pagkatapos.Tahimik ang loob ng kotse.Sa tabi ni Theo, nakaupo si Chairman Daniel. Hindi ito sumigaw. Hindi nagbanta agad.“Magkano?” tanong nito.Napakurap si Theo. Muntik na niyang makalimutan na si Thess siya ngayong gabi.“Po?”“Magkano ang kailangan mo para layuan ang anak ko?”Pero dahil kinakabahan siya, isang amount ang lumabas sa bibig niya.“One hundred million po.”Tumigil ang hangin.Dahan-dahang bumaling si Chairman Daniel sa kanya.“What?”Nanginginig ang ngiti ni Theo. “Pesos po, hindi dollars.”“Hindi ka man lang nag-drama?” malamig na tanong ng matanda. “Wala man lang luha? Wala man lang palusot na mahal mo ang anak ko? Patunay lang na pera ang habol mo kay Zion.”Nasaktan si Theo.Hindi para sa sarili
“Bakit parang may sipon si Thess?” tanong ni Cassandra.Theo immediately coughed. “Paos ako. Allergies.”“Ah umuwi ka na Thess, baka mahawa pa kami.”“Ay hindi bakit mo papauwiin agad si Thess. Hindi pa nga kami nakakapag-usap.”Inaya ni Cassandra si Thess sa dining table. “Kumain muna tayo.”Sa dining table, mas malapit silang tatlo. Mas halata ang kaba ni Theo at mas halata ang pagpigil ni Zion ng tawa.Habang kumakain, nahulog ang tinidor ni Theo. Yumuko ito para pulutin, pero dahil sa bigat ng wig, bahagya iyong lumihis. Muntik nang makita ang tunay nitong buhok.Mabilis itong inayos ni Zion.Napatitig si Cassandra sa kanila. “Ang sweet ninyo.”Cassandra noticed everything.“Thess,” sabi nito, mas matamis ang boses kaysa kanina. “Kinakabahan ka ba?”“Hindi naman.”Theo glanced at Zion.Under the table, he reached for Cassandra’s hand.Nagulat ito. Sinubukan nitong hilahin ang kamay, pero hindi niya binitiwan. Hinaplos niya ang likod ng kamay nito gamit ang hinlalaki, slow and quie
“Siirrr!”“Kasalanan mo ’to. Tawag ka nang tawag. Hindi ba sabi ko, one call lang? Kapag hindi ko sinagot, busy ako. Naging si Thess ka tuloy.”“Sir, hindi ako si Thess!”“Tonight, you are.”“Sir, may dignity pa po ako.”“Bring it with your dress.”***Kinagabihan, eksaktong alas-siyete, tumunog ang doorbell.Nauna pang napatingin si Zion kay Cassandra bago siya tumingin sa pinto.Mula kanina pa ito tahimik. Mula nang sabihin niyang darating si Thess, halos hindi na ito kumibo. Nag-ayos ito ng hapag, naglabas ng juice, naglagay ng cookies sa maliit na plato, at inayos pa ang throw pillows sa sala. Kung titingnan ng iba, parang may bisita lang talaga silang inaasahan.Pero alam ni Zion.Hindi iyon simpleng paghahanda.Tahimik na tumayo si Cassandra. Nakasuot ito ng simpleng cream blouse at palda, maayos ang buhok, kalmado ang mukha. Pero sa paraan ng paghawak nito sa doorknob, alam ni Zion na hindi dapat maliitin ang katahimikan nito.Sumunod siya sa likod nito.Pagbukas ni Cassandra n
Hindi sinagot ni Zion ang tanong ni Cassandra.“Sino si Thess?” ulit nito, mas matalim ngayon.Imbes na sumagot, ipinasok ni Zion ang phone sa bulsa. Lumapit siya, inakbayan ito, at dahan-dahang hinila palapit sa kanya.“Umuwi na tayo.”“Zion…”“Gabi na. Malamig pa.” Mas hinigpitan niya ang akbay. “Baka magkasakit ka.”Naramdaman niyang nagmatigas ang katawan nito sa ilalim ng braso niya. Pero hindi ito kumawala. Naglakad silang magkatabi palabas ng basang sidewalk, ang ilaw ng poste ay kumikislap sa tubig sa kalsada. Hindi na nagtanong ang asawa.Kinabukasan, naunang gumising si Cassandra.Alas-sais pa lang ng umaga, naamoy na ni Zion ang nilulutong almusal mula sa kusina.Paglabas niya, nakita niya si Cassandra sa dining area, nakasuot ng simpleng blouse at palda, nakapusod ang buhok, at abala sa pag-aayos ng plato. May toasted bread, itlog, bacon, at kape. Simple lang. Pero may kung anong humaplos sa dibdib niya.“Good morning,” bati nito, mabilis ang tingin sa kanya bago umiwas. “
Habang tumatagal, unti-unti nang lumalakas ang ulan. Tumulo na ito sa kanilang buhok at mga balikat. Napatawa si Jenny sa pagitan ng halik at napayakap pa lalo kay Sebastian.“Naku, baka magkasakit ka pa! Tara na sa loob!” hila niya sa asawa.Ngunit sa halip na sumagot ay kinabig siya ulit nito upa
Nakatulala lamang si Jenny sa ibabaw ng kanyang mesa. Nakakalat pa ang ilang dokumento, mga kontrata, proposal, at ilang larawan ng mga event ng kumpanya.Sa gilid ng mesa, nakasabit pa rin ang ID niya na may nakasulat, Jenny Tuazon – CEO.Pumasok si Maya, bitbit ang dalawang kahon at may lungkot sa
Maganda ang sikat ng araw na pumapasok mula sa kurtina. Nakaupo si Sebastian sa gilid ng kama, nakasandal sa unan, habang si Jenny ay nagdala ng tray ng almusal.Tahimik muna silang kumain. Ramdam ni Jenny ang bigat sa dibdib niya. Habang sinusubuan niya ang asawa, paulit-ulit siyang lumulunok ng la
Tahimik ang buong bahay nang dumating si Sebastian. Pagpasok niya, hindi siya dumiretso sa sarili niyang kwarto. Ang mga paa niya, parang may sariling isip, dinala siya sa silid ni Jenny.Pagbukas niya ng pinto, naamoy niya agad ang pamilyar na halimuyak, ang bango ng lotion at shampoo ni Jenny.Nan







