Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 528 Registered Marriage Certificate

Share

Kabanata 528 Registered Marriage Certificate

last update Last Updated: 2026-01-14 16:51:10
Hindi agad sumagot si Iris.

Nakatitig lang siya kay Daryl, nakatayo sa harap niya sa tabing-dagat, may araw na sumasalamin sa buhok nito at dagat na kumikislap sa likuran. Ano ba ang nararamdaman mo sa akin?

Isang tanong na parang simple pero biglang naging mabigat.

“Bakit ka biglang seryoso?” sabay tawa niya. “Nasa honeymoon tayo, bawal ang emotional masyado, dapat happy lang.”

Napangiti si Daryl, pero may kung anong damdamin na mababasa sa mga mata nito.

“Okay,” sabi nito. “I won’t pressure yo
Maria Bonifacia

From the bottom of my heart, thank you so much for reading and believing in my stories. You make this journey meaningful. Love you all!

| 31
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Abangan po!Thank you so much po.
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thank you so much po.
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 565 The Breakup Script

    “Daryl…” nasakal ang boses ni Iris. “Makinig ka. Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Hindi biro ang malagay ka sa panganib. I worry a lot.”Tumingin si Daryl sa kanya, ’yung tingin na hindi lang sakit, kundi takot. Takot na mawala siya.“Hindi ako papayag,” paos nitong sabi. “Hindi ako papayag na maghiwalay tayo, Iris.”Huminga siya nang malalim. Gusto niyang sumigaw at sabihing para dito kung bakit niya gustong makipaghiwalay. Gusto niyang yakapin ito.Napapikit si Iris. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito, isang haplos na parang paalam.“Tumingin ka sa’kin,” utos ni Daryl, malambot pero firm. Itinaas nito ang baba niya gamit ang hinlalaki.“Secret separation,” patuloy nito, “Walang tayong ibang choice. “Kung kailangan nating magmukhang hiwalay para tumigil ang mga tatay natin… gagawin natin.”Nanlaki ang mata niya. “Daryl--”“Pero may rules,” mabilis nitong dagdag, parang takot na umatras siya. “Clear. Straight. No confusion.”Huminga s

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 564 Fake Breakup

    “Iris,” ani Daryl, tumingin sa kanya, “she’s Althea Montalban. A friend.”Ngumiti si Iris. “Nice to meet you.”“Same,” sagot ni Althea, pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa braso ni Daryl. “You’re lucky. Daryl is… special. Mabait, gwapo, at tagapagmana pa ng Lim Group of Companies.”Ngumiti lang siya.Pero hindi siya mapakali. Ang dami niyang tanong.Ito ba ang gusto ni Victor para kay Daryl? Kaya nito dinala? Mukhang kumikilos na ito para paghiwalayin sila.Nag-kwentuhan ang mga ito. Paminsan-minsan at isinasali siya ni Daryl sa usapan.Ilang minuto pa, umalis na si Althea. May sinabi pa itong get well soon, at isang huling hawak sa balikat ni Daryl.May kinuhang maliit na box si Victor.“Anak…” mahina nitong tawag.Umangat ang tingin ni Daryl. “Dad…” Parang kinakapa pa rin ng dila nito ang salita.Lumapit si Victor, awkward ang galaw. Hindi umupo agad at iniabot ang box.“May… maliit lang akong ibibigay sa’yo,” sabi nito, parang nahihiya. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mo. Hind

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 563 The Missing Piece

    Nakatitig siya kay Victor Lim, sa lalaking tinawag niyang sir at mentor… tapos ngayon, biglang ama pala niya. Tila hindi maproseso ng utak niya.At sa gilid, si Nanay Lily, umiiyak na parang pinipiga ang puso, parang may matagal nang sugat na ngayon lang binuksan.“Daryl…” nanginginig ang boses ni Nanay Lily. “Anak… patawad…”Hindi agad nakapagsalita si Daryl. Parang pinipili niya kung anong emosyon ang uunahin, galit? sakit? pagkalito?“Kung totoo ’to…” paos niyang sabi, halos bulong lang, “bakit ngayon lang?”Huminga si Victor nang malalim. Sa unang pagkakataon, hindi ito mukhang business titan. Mukha itong lalaking may regrets na mas mabigat pa sa pangalan nito.“Dahil hindi ko alam,” sagot ni Victor, diretsong tumama. “Pinaglayo kami. Pinutol ang contact. Dinala ako sa ibang bansa na parang… tinanggal ako sa sarili kong buhay. Lily never reached me. I never got a chance. Nalaman ko lang ng umuwi ako at makita kita sa isang event. At nagpaimbestiga ako.”Napapikit si Nanay Lily, tu

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 562 Father and Son

    “Mom…” nanginginig si Iris. “Kung ganun… kaya ba ni Victor na magplano ng masama laban sa pamilya natin?”Tumingin si Donya Ester sa kanya, matagal. Sa titig na iyon, may halong pagtataka.“Bakit mo naman siya pinaghihinalaan?”Napalunok si Iris. Pumasok sa isip niya ang baril sa beywang ni Victor at ang kotse nito sa shooting range, at ang pagsasabi nitong iwan niya si Daryl.Pero hindi niya masabi ang lahat. Ayaw niyang magdagdag ng alalahanin sa kanyang ina, lalo na at ngayon lang ito nagsalita tungkol sa mga bagay na matagal nang nakakandado.“Magkakaibigan kami noon,” sabi ni Donya Ester, dahan-dahan. “At mabait siya. Gentleman. Tahimik pero may prinsipyo.” Napabuntong-hininga siya. “Pero… nagbabago ang tao, Iris. Kapag nasaktan, kapag napahiya, kapag nawalan… may mga taong nagiging iba.”Nanginig ang dibdib ni Iris. Hindi dahil sa takot lang, kundi dahil sa dami ng posibleng katotohanan.Ngumiti siya. “Naisip ko lang po,” sagot niya, maingat. “Pero malamang nagkakamali po ako.”

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 561 Faded Photos

    Huminga si Victor nang malalim. Tumingin muna ito kay Nanay Lily na nakatayo sa gilid, hawak ang thermos, nanginginig ang kamay.Parang may pakiusap sa mga mata ng lalaki, parang may warning din.Tapos bumalik ang tingin ni Victor kay Daryl.“Daryl a-an--”“Sir!” biglang singit ng nurse na lumapit, may hawak na clipboard. “Mr. Ramos, kailangan po namin kayong ibalik sa room for tests. May orders po si doctor, CBC at repeat monitoring. Please.”Napatigil sina Victor Daryl. Pati si Nanay Lily, napapikit na parang may humatak sa dibdib niya.“Ngayon na ba?” paos na tanong ni Daryl.“Opo, sir. May emergency surgery po si dok kaya nagmamadali sa rounds. Pasensya na po.”Humigpit ang panga ni Victor.Tinulungan ng nurse si Daryl bumalik sa room.“Sir Victor,” sabi ni Daryl, pilit magalang kahit litong-lito. “Ano pong sasabihin n’yo kanina?”“Later,” sabi nito. “Pagkatapos ng tests.”Nagkatinginan si Nanay Lily at Victor na naiwan sa hallway.“Sabihin na natin,” ani Victor, mababa pero may b

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 560 Same Blood Type

    Nagtama ang paningin nila Iris at Victor Lim. Nanlamig ang palad niya.At doon niya nabasa ang galit.Hindi yung galit na sumisigaw. Yung galit na tahimik, pero kaya kang lunurin.“Sir Victor, buti po at nadalaw kayo para makapagpasalamat ako ng personal.”Napansin ni Iris ang nakasukbit sa beywang nito.Isang baril.Parang biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung tama ang hinala niya o paranoid lang siya, paano kung si Victor Lim ang nasa likod ng death threat?“Kumusta na ang lagay mo?” tanong ni Victor kay Daryl.“Mas okay na po,” sagot nito. “Salamat po ulit sa donation. Kundi po dahil sa dugo ninyo, baka wala na ako ngayon. Baka hindi ko na kasama si Iris.”Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda. “Mabuti at okay ka na.”Dumulas ang tingin ni Iris sa baril ulit. Parang gusto niyang tanungin, pero natuyo ang lalamunan niya.Kung si Victor… tatay ni Daryl… bakit parang hindi alam ni Daryl?Bakit Sir Victor pa rin ang tawag nito?Bakit ang tono nito parang mentor lang kaus

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status