Thank you for letting my characters have a place in your heart. I am forever thankful for your support.
Pagdating ni Jenny sa bahay, katahimikan ang sumalubong sa kanya. Tanging amoy ng bagong lutong pagkain ang pumuno sa hangin. Paglapit niya sa dining area, nandoon si Sebastian, nakaupo at may hawak na baso ng tubig.“May pagkain sa mesa,” malamig nitong sabi, halos hindi siya tinitingnan.Napahinto siya at napatingin sa mesa, inihaw na manok, sinigang na hipon, at mainit na kanin. Kumalam ang tiyan niya. Kanina pa siya hindi kumakain, pero may parte sa kanya na gusto na lang umakyat at matulog nang walang dinner.“Bakit nga ba ako magpapaapekto?” sabi niya sa sarili. Mas mabuti nang mamatay na ang tsismis tungkol sa kanila. Mas tahimik ang buhay niya sa Tuazon Group kapag walang nagtatanong.Umupo siya sa dulo ng mesa, medyo malayo kay Sebastian. “Salamat,” maikli niyang sabi.Hindi sumagot si Sebastian, pero kinuha ang pitsel at nilagyan ng tubig ang baso niya. Tumango siya bilang pasasalamat at sinimulan nang kumain. Nang malasahan ang sabaw, hindi niya mapigilang mapabulong. “Ang
“I’m here to see Sebastian. I don’t need an appointment,” nakangiting sabi ng babae, parang close ito sa CEO.Tiningnan niya muna ang visitor log. “Ma’am, wala po kayong appointment. Busy po si Sir Sebastian ngayon.”Nag-angat ng kilay ang babae at tumawa nang malumanay, pero may yabang. “Oh, he’ll see me. Just tell him Vicky is here.”Napakunot ang noo niya. Vicky? Hindi niya kilala. “Ma’am, kahit po--”Pero bago pa siya matapos, dumiretso na si Vicky sa pintuan ng opisina ni Sebastian. “Sandali lang po! Bawal po pumasok ng walang paalam!” habol niya, pero hindi siya pinansin nito.Pagbukas ng pinto, nakita niyang nag-angat ng tingin si Sebastian mula sa ginagawa at nakangiti.“Vicky,” bati ni Sebastian. “It’s been a while.” Tumayo at nagyakap ang dalawa.Napatigil siya sa pinto. Tumingin sa kanya si Sebastian.“Jenny, leave us,” malamig na utos nito.Parang may kumurot sa dibdib niya. Napalunok siya bago bumitiw ng mahina. “Okay, boss.” At dahan-dahan siyang umatras at isinara ang p
Parang napako si Jenny sa pagkakahiga. “G-Good morning, boss!” mabilis niyang sambit, pilit na ngumiti kahit nanlalaki ang mata.Tahimik lang ito, nakatitig pa rin sa kanya, saka mabagal na umupo. “Jenny…”“Boss?”“Nakatulog ka sa braso ko kagabi,” kalmadong sabi nito, sabay ngiti nang bahagya. “At hindi mo binitiwan kahit umiikot ka sa kama. Napakalikot mo pala matulog.”Agad siyang tumalon pababa ng kama. “B-baka nananaginip ka lang, boss!”Narinig niya ang tawa ni Sebastian. Tumayo ito at pumasok sa banyo.Habang inaayos niya ang kumot, narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napalingon siya sa salamin sa dingding at halos mahulog ang panga niya.Salamin lang pala ang dingding ng shower! Kita niya nang buo si Sebastian, nakatalikod at nasa ilalim ng agos ng tubig. Makinis, matambok ang puwet, at ang likod nitong parang hinulma.“Diyos ko po…” bulong niya, napayakap sa sarili. “Bakit gawa sa salamin ang banyo?!”Nanuyo ang lalamunan niya habang tinititigan ang tanawing hin
Pagpasok nila sa kwarto, natigilan si Jenny. Maliit lang ang silid, malamig dahil sa aircon, at iisang kama lang ang nakalatag. Wala man lang sofa o kahit ekstrang upuan.Napalunok siya. “Boss… wala bang ibang option? As in, dito talaga tayo matutulog?”Tahimik na inilapag ni Sebastian ang susi sa mesa at tiningnan ang paligid. “Looks like it.”Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama, ramdam ang malambot na kutson. Pero agad siyang napatayo nang mapansin ang salamin sa dingding at isa pa sa mismong kisame.“B-boss… bakit may salamin sa ceiling?!” halos pabulong pero nanginginig ang boses niya. Nanlalaki ang mga mata habang tinuturo iyon.Napataas ang kilay ni Sebastian at may bahid ng ngisi sa labi. “Jenny, motel ‘to, hindi hotel. Alam mo naman kung anong usually ginagawa dito ng mga tao.”“Ha?! Pero bakit kailangan may salamin?” napasapo siya sa noo, pakiramdam niya ay lalong namumula ang pisngi niya.“Boss, pinapangunahan na kita, huwag kang magtatangkang gawan ako ng kahalayan,”
“Wow, akala ko concern, lalaitin lang pala ako,” singhal si Jenny sa nadinig, umusok ang ilong sa sinabi ni Sebastian. Napatingin siya sa boss, na nakatingin din sa kanya na may pilyong ngiti sa labi.“Ikaw naman, hindi na mabiro, joke lang ‘yun para mapatawa ka.”“Boss, huwag ka ng magbiro, hindi ko bet ang jokes mo.”Pagdating nila sa bahay, agad na bumungad ang malakas na tawanan at amoy ng gin mula sa harap ng kanilang maliit na bahay.Nalaglag ang panga niya, nag-uumapaw ang galit sa dibdib. Habang siya ay halos mabaliw kakahanap kay Angela, eto ang ama, nagkikipagnuman!“Pa!” halos pasigaw niyang tawag. “Anong ginagawa ninyo?!”“Uy, Jenny!” bati ni Papa Elias, namumungay ang mata. “Tama-tama, may bisita nga pala tayo! Mga kaibigan, ipinapakilala ko sa inyo ang pogi at mayaman kong manugang.”Nanlaki ang mata ni Jenny, lalo na nang iabot pa ng ama ang isang baso ng gin kay Sebastian. “Shot ka muna, anak.”Halos lamunin ng hiya si Jenny. “Pa! Tigilan ninyo nga ‘yan!”“Isang shot l
Napahinto si Jenny, nagulat sa sinabi ni Sebastian. “Boss… alam kong busy kayo. Ako na lang po.”“Maging praktikal ka. Mas mabilis kung may sasakyan at may katulong ka sa paghahanap.”Pinikit niya ang mga mata, nag-isip sandali. Alam niyang tama ang sinasabi nito, pero nahihiya siya. “Hindi po ba malaking abala sa inyo kung sasama po kayo?”“Actually, tinatamad nga akong mgtrabaho ngayon. Tulungan kitang hanapin ang kapatid mo.”“Sige po. Salamat… sa tulong.” Hindi na nagtanong pa si Sebastian. Tumungo sila sa kotse. Habang umaandar sila palabas ng bahay, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, pagkabahala sa kapatid at ang presensya ni Sebastian sa tabi niya.Nakarating sila sa probinsya makalipas ang dalawang oras na byahe. Maliit lang ang kanilang bahay, bagama’t luma ang mga gamit, malinis naman ito. Nagulat pa ang kanyang pamilya dahil may kasama siya.“Boss, ito po si Carlo, ang bunso kong kapatid,” mabilis niyang pagpapakilala. “Si Mama Luisa at si Papa Elias naman po ang mga