LOGINPlease read my other books in GoodNovel. 1. The Billionaire’s Exclusive Maid – Ongoing (latest) 2. Secret Affair with my Hot Ninong – Ongoing 3. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 4. Love for Rent (1.3M views - Book 1-7) - Completed 5. The CEO's Cold Ex-Wife - Ongoing 6. Unlove Me Not - Completed 7. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta!
“Restricted ang lugar na ito,” sabi ni Fiona. “Paano ka nakapasok?”Hindi nawala ang ngiti ni Warren.“Your uncle gave me access. Pinapunta niya ako dito para tingnan kung may progress ang investigation.”Bahagyang tumigas ang panga ni Theo.Mula sa likod ng salamin, pinagmasdan niya ang lalaki. Hindi sapat ang sinabi nito para patunayang kasabwat ito ni Don Leandro. Pero malinaw na malapit sila.“Hindi ko kailangan ng bantay,” malamig na sagot ni Fiona.“Hindi ako bantay.” Napadako ang tingin ni Warren kay Thess. “Tinitignan ko lang kung maayos ang imbestigasyon.”Lumapit ito nang kaunti.“I’m having dinner with a few investors tonight. Sumama ka. Mas maganda kang kasama kaysa sa suspended assistant.”Bago pa makasagot si Theo, mabilis na sumingit si Fiona.“She’s unavailable.”Tumaas ang kilay ni Warren.“Bakit ikaw ang sumasagot para sa kanya?” Bumaling ito kay Theo. “Ano nga pala ang pangalan mo, Ms. Beautiful?”Bahagyang yumuko si Theo, pinanatiling banayad ang boses.“Thess po.”
Kinuha ni Fiona ang suspension notice at pinirmahan iyon nang walang pag-aalinlangan.Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang napalingon sa kanya si Theo. Bahagyang kumunot ang noo nito, tila naghihintay na tutulan niya ang desisyon ng board o punitin ang papel sa harap ni Shaira.Sa halip, mahinahon niyang iniabot ang dokumento sa kanyang sekretarya.“Sino po ang pansamantalang papalit kay Sir Theo?” tanong ni Shaira.“Makikilala mo siya bukas.”Nagtaka man, tumango lamang ito. “Sige po, Ma’am.”Pagkasara ng pinto, ilang segundo munang nanaig ang katahimikan sa opisina.“Pinirmahan mo lang?” tanong ni Theo.May bahagyang pagtatampo sa boses nito na ikinatuwa ni Fiona, kahit hindi niya ipinahalata.“Board decision ’yan. Hindi ko puwedeng balewalain. Lalo silang magagalit.”“So papayag kang mawala ako nang sampung araw? Paano ang imbestigasyon?”“Suspended ka bilang Theo Alarcon.” Kalmado niyang isinara ang folder. “Hindi ko sinabing titigil ang trabaho mo.”Nagsimulang magbag
Galing kay Angel ang mensahe.“Naipa-check ko na ang ipinadala mong kopya ng dating titulo at ang internal acquisition memorandum. Pareho ang parcel number. Nakasulat sa memo na tumanggi ang tatay mo sa final offer. Si Lorenzo Ayala ang nag-apruba ng compliance action. Malaking ebidensya ito.”Tinitigan niya ang dokumento. May mga tatak sa gilid, pirma sa ibaba, at mga salitang matagal na niyang hinanap.Original Registered Owner:Alexander AlarconStonebridge Trading Corporation, ang kumpanyang itinayo ng lolo niya, pinaunlad ng mga magulang niya, at kilala sa lugar bilang family business na patas mga empleyado at maliliit na contractor.Bata pa lang ay tumutulong na siya sa warehouse, nagbibilang ng stocks, sumasama sa delivery, at nakikinig sa ama niyang mangarap na balang araw ay siya ang mamamahala ng negosyo nila.Kaya nang makita niya ang Ayala Tower na nakatayo sa dating lupa nila, hindi maiwasan ang pagsiklab ng galit sa kanyang dibdib.Humigpit ang hawak niya sa cellphone.S
Dinampot ni Theo ang cellphone. Napansin ni Fiona na naiba ang reaksyon ng mukha nito.“What happened? Sino ‘yan?” tanong niya.Mabilis na ni-lock ni Theo ang cellphone, pero hindi nito naitago ang pagbabago sa mukha. Nawala ang lambot sa mga mata nito, napalitan ng malamig na tensiyong hindi niya maintindihan.“May message lang mula sa ApexLab,” sagot nito.“Good or bad?”“Konting issue lang. Bukas ko na aayusin.”Hindi kumbinsido si Fiona.Pero ayaw na niyang magtanong.Kinuha niya ang cellphone mula sa kamay nito at inilapag iyon nang nakataob sa mesa.“Hindi ka ba nahihirapan na pagsabayin ang negosyo at trabaho mo?”“Hindi naman. Kayang kaya ko. Don’t worry, okay?”“Then deal with it tomorrow,” sabi niya. “Tonight, you’re with me. Paano ba kita mapapasaya?”Hinaplos niya ang dibdib nito at binuksan ang unang dalawang butones ng polo shirt.“Inaakit mo ba ako, my boss-wife?”“Oo, wala namang masama, mag-asawa tayo.”Napatitig si Theo sa kanya.“Fiona, huwag mo akong simulan. Alam
“Masama ang kutob ko kay Uncle Leandro,” sabi ni Fiona.Hindi agad sumagot si Theo.Marahang hinaplos ng hinlalaki nito ang daliri niyang nakapatong sa palad nito.“Then trust that feeling,” sabi nito. “Pero huwag mo munang ipahalata.”Kumunot ang noo ni Fiona. “Ano ang ibig mong sabihin?”Bahagyang ngumiti si Theo.“Actually, hindi rin maganda ang kutob ko sa mukha niya.”“Sa mukha?”“Oo. Mukha siyang kontrabida sa pelikula.” Naging seryoso ang ekspresyon nito. “Tingnan mo na lang ang bigote. Walang inosenteng tao ang nag-aalaga ng ganoong bigote nang walang masamang balak.”Hindi napigilan ni Fiona ang maikling pagtawa.“Theo!”“What? Evidence-based observation.”“Hindi ebidensya ang bigote.”“Hindi pa. Pero suspicious.”Umiling siya, pero hindi nawala ang ngiti sa labi niya.Iyon ang kakaiba kay Theo. Kahit napapalibutan sila ng mga problemang tila walang katapusan, nagagawa nitong gawing mas magaan ang bigat sa dibdib niya.Hinila siya nito palapit.“Matulog ka na,” bulong ni Theo
Tumingala si Fiona.Napatingin ito sa kanya.Mas matagal kaysa karaniwan.Tinaas ni Theo ang isang kamay at marahang hinaplos ang pisngi niya.“Ipapakilala rin kita sa kanila. Soon.”Bago pa siya makapagtanong, yumuko ito at hinalikan siya.Marahan sa simula.Pero nang hawakan ni Fiona ang kuwelyo nito at hindi umatras, lumalim ang halik na kanilang pinagsaluhan.***Pagpasok nila sa silid, dumiretso si Fiona sa vanity table.Pagod na ang katawan niya, pero mas magulo ang isip niya sa dami ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon.Sinubukan niyang tanggalin ang necklace niya.Hindi niya maabot nang maayos ang maliit na clasp sa batok niya.“Theo.”“Hm?”Napatingin ito sa kanya sa salamin.“Help.”Lumapit si Theo sa likod niya.Tahimik itong tumayo roon, sapat para maramdaman niya ang init ng katawan nito. Marahang hinawi nito ang buhok niya sa isang balikat, saka hinawakan ang maliit na clasp.Nang dumampi ang mga daliri nito sa batok niya, kusang napahigpit ang hawak ni Fiona sa gilid
“Dad, maaga pa. Anong kailangan ninyo?” ani Sebastian na hindi maitago ang inis.“May kailangan akong sabihin, nagkausap kami ni Don Juan.”Humakbang si Sebastian palabas ng pinto at bahagyang isinara ito sa likod niya, para hindi makita ng ama si Jenny.“Makakapaghintay naman siguro ‘yan. Pag-usapa
Ipinagpatuloy ni Jenny ang pagpapaligo kay Sebastian na hindi niya matawag sa pangalan. Ayaw din naman niya itong tawaging Christian. Piniga niya ang bimpo at marahang pinunasan ang mukha nito, saka napatingin sa mga mata nitong laging nakatitig sa kanya. Mabilis na dinampian niya ito ng halik sa
Nagpalinga-linga si Jenny mula sa likod ng kotse, halos hindi makahinga. Napatingin siya sa labas ng bintana, nagsimula ng umulan ng malakas. Nakita niya si Sebastian na padating, hawak ang cellphone at mabilis na sumakay. Agad siyang nagtago sa likod. Hindi siya nito napansin.“Doctor, kumusta ang
Pinilit ni Jenny na huminga nang malalim, pilit niyang ikinubli ang nanginginig na kamay habang isinuksok ang envelope sa bag. Masyado pang magulo ang lahat, ang amnesia ni Sebastian, ang panganib na nasa paligid, at ngayon, ang pagbubuntis niya.“Jenny?” mahinang tawag ni Sebastian mula sa kama. Na







