LOGINDear readers, sa bawat pag-abang ninyo sa bagong chapter, ramdam ko ang suporta ninyo. Maraming salamat po!
Tumingin si Brent kila Mimi at Joseph, kalmado at may authority.“Close the door and knock next time.”“O--opo!” sagot ng dalawa, sabay atras at sara ng pinto.Parang gusto ni Candice na mabaon sa ilalim ng carpet.Tumayo mula sa lap ni Brent, namumula ang pisngi niya.“Nakakahiya,” pabulong niyang sabi.“Candice,” mahinang sabi ni Brent, “walang nakakahiya. May relasyon tayo.”Napalunok siya. “Pero nakakahiya at baka matsismis tayo.”But she didn’t mean it. Mainam na may ibang nakakakita para sa pagpikot niya kay Brent, hindi na mabigla lahat.***Day 2 ng seducing the CEO mission ni Candice. Pagpasok niya sa conference room, parang may humigop ng hangin sa paligid.Daring but classy ang suot niya, sleek dress na sakto sa katawan, elegante ang hiwa, at above the knee nang konti. Sapat para mapatingin ang lahat.May ilang staff na napakurap. May bumulong. May nagkunwaring nagbabasa ng agenda pero nakasilip sa kanya.Umupo si Candice sa tabi ng projector screen. Sinadya niyang i-cross
Kinabukasan, pagpasok ni Candice sa Timeless, hindi na siya naka-long sleeves at floor-length ang skirt.Sleeveless na at above the knee ang palda. Classy pa rin, pero daring enough para mapalingon ang mga tao. Isang tao lang naman ang gusto niyang lumingon.At pagdating niya sa lobby, ramdam niyang may mga matang sumusunod.May mga bulungan.May mabilis na sulyap.“Uy, si Ma’am Candice…”“Grabe, iba today…”“Parang… glow up?”Nakangiti siya habang naglalakad.Sa hallway, si Daryl ang una niyang nakasalubong.“Candice,” sabi ni Daryl, warm ang ngiti, pero halatang napansin ang pagbabago. “May bago sa’yo ngayon.”Natawa si Candice, parang natural lang. “Bago? Wala. Mainit lang, summer kaya medyo palit ng style.”“Bagay sa’yo. Ewan ko na lang kung hindi magdagdagan ang mga binabasted mo,” sabi ni Daryl.Napatitig siya kay Daryl. Yes, naging crush niya ito pero malayo sa feelings niya kay Brent. Ipinilig niya ang ulo. No. No. Kaya niyang patayin ang kung anumang feelings niya para sa CEO
“Nagpunta na dito si Daryl,” dugtong ni Cassandra, parang nagbibilang pa. “Twice.”Candice fought the urge to smile too wide.This time, natuwa siya sa stepsister.Kailangan ni Brent ng fuel para ituloy ang relasyon sa kanya. Kailangan hindi muna nito maisip na safe siyang iwan. Kailangan magpatuloy ang pag-aakala nitong may gusto siya kay Daryl.At nakita niya nga.Yung expression ni Brent, nag-freeze for a split second. Umigting ang panga. Tumalim ang mata.Then bumalik sa normal.Nagpatuloy ang kwentuhan sa sala.Nagpunta siya sa kusina para hatiin ang cake. Pero natulala na naman siya.Kapag nagpakasal na sila at nagkaanak, doon lang niya ito papakawalan.Ngunit paano?Bigla niyang narinig ang bulong ni Brent sa tabi niya.“I will erase all the memories of Daryl in your heart.”Nanlamig si Candice.Hindi siya kumurap.“Okay ka lang?” mahinang tanong ni Brent nang mapansin na tahimik siya.Humugot ng hangin si Candice. Pinilit niyang ayusin ang mukha, tinanggal ang bahid ng gulat a
Nanlaki ang mata ni Candice, pero pinigil niya ang reaksyon. Hindi dahil nahiya siya, kundi dahil alam niyang sinasadya ni Cassandra. Gusto nitong makita kung ano ang sasabihin ni Brent. Gusto nitong makahanap ng butas.Pero si Brent… hindi nagulat. Hindi rin nagmukhang na-corner.Sa halip, ngumiti lang ito nang kalmado, parang sanay humarap sa board meeting at mas sanay humarap sa mga taong mapanghusga.“Hindi pa ngayon,” sagot ni Brent, mahinahon, pero may diin. “Pero seryoso ako. At doon din ang tungo namin, tiyak. Gusto ko planado ang lahat to give Candice the best.”Parang may dumaan na malamig na hangin sa batok ni Candice.Hindi dahil sa takot.Kundi dahil… kahit siya, gusto nang maniwala.Napansin niya ang biglang pag-iba ng aura sa sala. Si Don Carlos, bahagyang tumuwid ang upo. Ngumiti si Leah na parang may nakitang pagkakataon.“Ay wow,” sabi ni Cassandra, kunwaring kinikilig. “Brent, just in case ma-bored ka sa kapatid ko, I’m available.”“Pasensya ka na, Brent, palabiro t
Sa isip ni Brent, bumalik ang imahe ni Candice.At yung halik na pinagsaluhan nila kagabi.Biglang bumigat ang hangin sa dibdib niya.“Bro?” tawag ni Jacob. “Hello? Narinig mo ba ‘ko?”“Bro, usap tayo mamaya. Dami lang emails na dumating baka may urgent.”Dahan-dahan lang niyang ibinaba ang cellphone.May pumasok na bagong message sa phone niya, message mula kay Candice. Nagpadala ito ng larawan nilang magkahawak-kamay at isa pang habang nagsasayaw.Agad niya itong pinusuan at nag-chat siya agad upang bumati. Pero bigla siyang nahulog sa malalim na pag-iisip kung paano kakalas kay Candice.May kurot sa dibdib niya. Guilt.“Shit,” bulong niya, saka hinimas ang batok.Kung may natitira pang konsensya, dapat tapusin niya ‘to ng mas maaga. Hindi na three months. Isa o dalawang buwan na lang.Pero biglang sumulpot ang isa pang problema. Yung lupa. Yung matagal nilang gustong bilhin. Pag-aari na pala ng mga Rosales. Kung magagalit si Candice, baka hindi niya makuha ang lupa.So, hindi pwede
“Hindi ako nagsinungaling o naglihim. You didn’t ask,” sabi ni Candice.Hindi siya nag-deny. Hindi rin siya nag-explain nang mahaba.“Sa totoo lang… akala ko walang halaga sa’yo ang katayuan ko sa buhay.”Brent flinched slightly. “Hindi sa ganoon…”“Paano ka naging business partner at employee sa Eternity Perfume kung ikaw ang may-ari ng Golden Holdings? Napakayaman ng Golden Holdings, hawak ninyo ang mga imprastraktura sa loob at labas ng bansa,” dagdag ni Brent.Huminga siya nang malalim. Saka siya nagsalita, kontrolado, pero may laman.“Pumasok ako sa Eternity Perfume dahil sa research ko,” paliwanag niya. “PhD. Malapit na ang defense ko next month.”Kumunot ang noo ni Brent. “PhD?”Tumango siya. “Gusto kong gumawa ng blueprint kung paano magtayo ng negosyo mula sa scratch. Walang nakakabit na pangalan ng mommy ko. Walang safety net. Yung totoong hirap. Ang matututunan ko ay ibabahagi ko sa iba.”Dumilim ang mata niya sandali nang banggitin ang dahilan.“Para sa Aurora Rosales Foun
“I’m here to see Sebastian. I don’t need an appointment,” nakangiting sabi ng babae, parang close ito sa CEO.Tiningnan niya muna ang visitor log. “Ma’am, wala po kayong appointment. Busy po si Sir Sebastian ngayon.”Nag-angat ng kilay ang babae at tumawa nang malumanay, pero may yabang. “Oh, he’ll
“Opo, bakit po? Sino kayo?!”“Hawak namin ang tatay mo. May utang siyang dalawang milyon. Kung gusto mo pang makita siyang buhay, bukas tatawagan kita kung saan mo dadalahin ang pera. Huwag na huwag kang magsusumbong kung ayaw mong lumutang sa ilog ang bangkay ng tatay mo!”"Anak, tulungan mo akooo
Umiikot ang paningin ni Jenny. Hinila siya ng isang estranghero sa isang kwarto. Para bang biglang uminit ang buong katawan niya at bumigat ang bawat hakbang. Ano ba ang hinalo ni Vicky sa alak? Para siyang natutuliro.“B-Bitiwan mo ‘ko…” halos bulong na ang boses niya at walang lakas.Itinulak siy
Malalim ang buntong-hininga ni Sebastian. “Hindi mo pa ba nakikita ang kumakalat na photos namin ni Vicky sa isang kwarto? Gusto kong malaman mo na wala akong matandaan masyado kagabi. I swear. Wala akong planong magpakasal kay Vicky.”Napasinghap siya. Parang sumikip lalo ang dibdib niya. Ngayon la







