Share

Kabanata 675 Too Many Exes

last update publish date: 2026-04-02 20:31:48
Napangiwi si Brent.

At sa hitsura nitong iyon, lalo lang siyang nainis.

“Love naman,” sabi nito. “It’s all in the past. Bago pa tayo magkakilala. Huwag ka nang magalit.”

“Ilan ba naging ex mo?” singhal niya.

“Wala namang seryoso doon,” sabi nito. “Mga fling lang. Ikaw lang ang seryoso.”

Tumahimik siya.

Dapat kinilig siya sa nadinig.

Dapat natuwa siya.

Pero imbes na ganoon, may kirot siyang naramdaman sa dibdib.

Dahil naalala niyang niloloko nga lang pala siya nito.

Na sa kabila ng sweet na asawa
Maria Bonifacia

Taos pusong pasasalamat po sa pagbabasa, comments, gifts, at gems! Godbless po!

| 31
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (17)
goodnovel comment avatar
rosana appe
oh no! haha inalok pa nga ng isang daang million ano ka ngaun brent? ano pera o annulment? haha mukhang bumaliktad yata ang mundo mo ngaun aa...dati tatay mo gumagawa nyan ngaun ikaw yung binabayaran haha
goodnovel comment avatar
rosana appe
panu ba yan panu mo yan susuyuin haha laro pa more
goodnovel comment avatar
rosana appe
agoy! bakit ba naman brent kahit saang sulok ng mundo my mga exex ka ayan tuloy nagselos na c candice
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1137 Screaming Her Feelings

    “Ikaw, gusto mo ba talagang maghiwalay tayo?”Nawala ang ngiti niya. Hindi niya kayang sabihing oo, ngunit natatakot din siyang umamin ng totoong nararamdaman. Kapag sinabi niyang ayaw niyang matapos ang kasal nila, para na rin niyang inilagay ang puso niya sa mga kamay nito. Mahirap na lalo at walang katiyakan ang relasyon nila.Kinuha niya ang tray at ipinasok iyon sa oven upang makaiwas. “Bake na natin, excited na ako kumain.”Habang naghihintay, umupo sila sa mataas na counter. Magkatabi sila, halos magkadikit ang mga tuhod.“Hindi ko pa gustong isipin ang paghihiwalay,” pag-amin niya. “Maaga pa naman. Marami pang puwedeng mangyari sa natitirang panahon ng kasal natin.”“Anim na buwan ang nakasulat sa kontrata,” sabi ni Damon. “Pero walang nakalagay na kailangan talaga nating maghiwalay kung gusto pa nating ituloy.”Napalingon siya rito, ngunit nanatiling tahimik si Damon. Ilang minuto silang naghihintay bago muling tumunog ang timer.Inilabas ni Damon ang tray gamit ang oven mitt

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1136 Until Forever

    “Hello, Julian. Make sure na importante ang dahilan kung bakit ka tumawag. Busy ako,” sabi ni Damon habang hinahapit si Felicity sa baywang.“Hindi mahanap ang truck,” ulat ni Julian sa kabilang linya. “Walang maliit na delivery truck na tugma sa partial plate, modelo, at kulay na ibinigay ninyo. Posibleng peke ang plaka, pinalitan ang ilang numero, o sadyang tinakpan ang tunay na plate number.”Nawala ang init sa mukha ni Felicity. Kanina lamang ay naghahalikan sila ni Damon sa gitna ng magulong kusina. Ngayon, bumalik sa isip niya ang truck na walang ilaw na lumabas mula sa service gate ng CocoLand.“Sigurado ka?” tanong ni Damon. Nakatukod ang isang kamay nito sa counter habang nakatingin sa cellphone.“Ilang beses naming sinuri. Walang lumabas na exact match. May ilang sasakyan na magkapareho ang unang mga letra at numero, pero hindi tugma ang uri at kulay.”“Sige. Salamat, Julian.”“Tawagan mo lang ako kung may balita ka.”Pagkaputol ng tawag, pinatay ni Damon ang screen at ibina

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1135 Like a Real Marriage

    Walang nagawa si Felicity kundi tanggapin na sasamahan siya ni Damon sa pagbalik niya sa Barangay Mabunga. Isang linggo pa naman bago iyon. Gagawa na lamang siya ng paraan upang makatakas dito.Kinaumagahan, init ang unang naramdaman niya bago pa niya tuluyang maidilat ang mga mata. Nakadikit ang likod niya sa dibdib ni Damon. Nakapulupot sa baywang niya ang braso nito, habang nakapatong sa hita niya ang isang binti nito.Hindi pala ito natulog sa sariling bahagi ng kama.Maingat siyang bumaling. Mahimbing pa rin ang asawa, walang bakas ng karaniwang kasungitan sa gwapong mukha nito. Bahagyang nakabuka ang mga labi at magulo ang buhok sa noo. Bumaba ang tingin niya sa braso nito. Litaw ang mga ugat mula kamay hanggang bisig.Maugat din ang ano nito.Nanlaki ang mga mata ni Felicity. Ano ba ang kalaswaang naiisip niya pagkagising?Sinubukan niyang alisin ang braso nito sa baywang niya, ngunit lalo lamang humigpit ang yakap ni Damon.“Thirty minutes, Fel,” ungol nito nang hindi dumidila

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1134 Keeping Her Safe

    Hindi ang caretaker ang nasa labas.Dalawa o marahil tatlong tao ang magkakasunod na yabag na narinig ni Felicity mula sa direksiyon ng service road. Huminto ang mga yabag hindi kalayuan sa tent.Buti na lang at wala ng apoy ang bonfire.May kumalansing na metal sa gitna ng katahimikan.Ang kadena sa gate.Bumangon si Damon at kinuha ang jacket nito. Bago tuluyang lumabas, yumuko ito sa kanya.“Dito ka lang. Huwag kang lalabas.”Hindi na nito hinintay ang sagot niya. Isinara nito ang tent at mabilis na naglakad patungo sa malaking puno malapit sa service road.Mula sa maliit na siwang ng tent, natanaw ni Felicity ang anino ng isang lalaki sa bukas na gate. May dalawa pang hugis na gumalaw sa dilim, ngunit natakpan ang mga iyon ng makakapal na halaman.Ano ang ginagawa ng mga iyon sa CocoLand sa ganitong oras?Dinampot niya ang cellphone at isinuot ang jacket. Hindi niya kayang manatili sa loob habang maaaring mapahamak si Damon. Yumuko siyang lumabas, ngunit ilang hakbang pa lamang an

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1133 She Had a Plan

    “Wala akong plano. Baka ikaw ang may ibang iniisip.” Ngumisi si Felicity at nagsalin ng lambanog.“Huwag mo akong pakitaan ng motibo at papatulan kita.”“Threat ba ’yan?”“Warning.”Iniabot niya kay Damon ang baso.Hindi ito tumanggi. Isang shot ang ininom nito, kasunod ang isa pa nang kulitin niya. Kaunti lamang ang inilalagay ni Felicity sa sariling baso habang palihim na dinadagdagan ang laman ng baso ng asawa.Kailangan niyang mapatulog ito upang makapasok siya sa CocoLand kasama ang caretaker. Kapag nagtagumpay ang plano niya, makakakuha siya ng ebidensiyang magpapatunay sa tunay na operasyon sa loob ng plantasyon.Nagkuwentuhan sila tungkol sa mga lugar na napuntahan nila. Ikinuwento niya ang unang camping trip niya noong bata pa siya, nang magdala siya ng maraming gamit kahit isang gabi lamang silang mananatili.Habang nag-uusap ay lumapit ang caretaker mula sa kubo. May dala itong flashlight at isang maliit na papel.“Sir, Ma’am, uuwi na po muna ako. Malapit lang naman ang baha

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1132 A Dangerous Camping Trip

    Hindi inalis ni Damon ang tingin sa lumang service road.Kinuha nito ang mapa mula sa caretaker at sinuri ang guhit na naghihiwalay sa farm at sa lupain ng CocoLand. Nagsimula ang daan sa bahagi ng farm na malapit sa kubo at nagtapos sa isang kalawangin at nakakandadong gate sa bakod.“Nasaan ang agent na nag-asikaso ng bentahan?” tanong ni Damon.Tinawag ni Donya Mercy ang agent na naghihintay malapit sa sasakyan. Lumapit ang lalaki at magalang na tumango.“Sino ang dating may-ari ng farm?” tanong ni Damon.Binanggit ng agent ang pangalan ng isang negosyanteng hindi pamilyar kay Felicity.“Bakit may service road na nagdurugtong sa property at sa CocoLand?”“Magkaibigan daw po noon ang dating may-ari ng farm at ang may-ari ng CocoLand,” paliwanag nito. “Pareho nilang ginagamit ang daan para sa pagdadala ng mga kagamitan at produkto. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan kaya ipinasara ang gate. Matagal na rin pong hindi ginagamit ang daan.”Yumuko si Damon at sinuri ang lupa. May mga

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 540 Two Years

    Saglit na katahimikan.Nakatukod ang siko ni Victor sa mesa, nakapatong ang mga daliri sa baso ng tubig. Hindi ito nagmamadali. Ganoon ito lagi, parang kahit oras ang kalaban, ito pa rin ang may hawak. Isa sa hinahangaan niya dito.“Kaya, ang tanong” malamig niyang sabi, “tatanggapin mo ba? Two year

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 515 Fake Marriage

    Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huw

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 482 When Giants Clash

    Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 395 Intense Love

    Alam ni Maya na ramdam ni Lucas ang tibok ng puso niya.Uminom siya ng wine, ang pisngi niya ay na-iinit na.Si Lucas ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya, pilit iniiwas ang tingin.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nababasa niya ang pangungulila nito.Hindi niya alam kung lakas ng loob ba o lakas

    last updateLast Updated : 2026-03-29
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status