Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 88 Meetup in the Park

Share

Kabanata 88 Meetup in the Park

last update Last Updated: 2025-08-21 16:56:01
“Kyle, gabi na. Wala ka bang ibang gagawin? Kailan pa lumuwag ang schedule mo? Sobrang galing yata ng bago mong assistant,” patuyang sabi ni Mira.

“Madami akong gagawin,” mabilis na sagot nito, “pero gusto kong magpahinga saglit. At ikaw ang pahinga ko sa mundong magulo.”

Parang kumislot ang dibdib niya ngunit agad din niya itong pinigil. Hindi na siya dapat natitinag sa mga matatamis na salitang galing kay Kyle. Kaya pinilit niyang tumawa.

“Hindi na tayo magkaibigan para magkuwentuhan ng kahit ano. Kung tungkol ‘yan sa annulment, bukas na lang sa opisina. Tsaka, anong ginagawa ng assistant slash girlfriend mo?”

“Hindi. Ngayong gabi. Pupuntahan kita.”

Natigilan siya. Halos mabitawan niya ang cellphone. “Ano? Kyle, huwag kang… huwag kang pupunta rito. Pagod ako at gustong magpahinga.”

“Sabihin mo ang address.”

Napatayo siya bigla ng maalalang kasama niya si Katie, parang gusto niyang itapon ang cellphone. “Huwag mo akong kulitin!”

“Mira, alam mong makakahanap ako ng paraan. Gusto ko lan
Maria Bonifacia

Mula sa puso maraming salamat po sa inyong pagsubaybay. Kayo po ang inspiration ko sa pagsulat!

| 35
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (27)
goodnovel comment avatar
Merlita Regalario Dela Cruz
dapat mag kaanak isang lalaki hahaha
goodnovel comment avatar
Brook Lee Deldoc Mante
Ms. Author bakit wala pang update ngayong Friday?
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
maraming salamat po!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 146 Wedding Preparation

    Napilitang lumapit si Sebastian, halatang alanganin, pero sa tindi ng sigaw at tuwa ni Katie, wala na siyang nagawa. Dahan-dahan siyang lumapit, mabigat ang hakbang, ngunit pinipilit maging maayos ang reaksyon ng mukha.Pagdating niya sa harap nina Mira at Kyle, pinakawalan niya ang isang pilit ngunit magalang na ngiti.“Congratulations… Kyle, Mira.” sabay tingin kay Katie“At ikaw, Katie… ang galing mong sumayaw ah.”Tumakbo ang bata at niyakap si Sebastian sa bewang, masaya itong makita ang tiyuhin.“Happy ako kasi nakita po kita, Uncle Seb! Ang saya-saya po namin.”Nagkatinginan sina Mira at Kyle. Lumuhod si Sebastian para yakapin ang bata pabalik.“Oo, Katie. Masaya ako para sa inyo.”Sandali siyang tumingin kay Mira, may bakas ng lungkot, pero malinaw din ang pagsuko at pagtanggap. Tapos ay inabot niya ang kamay kay Kyle.“Congratulations. Alagaan mo sila.”Tinanggap ni Kyle ang kamay ng kapatid. Ang simpleng pagkakamayan na iyon, bagama’t puno ng bigat, ay tanda ng unti-unting p

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 145 Marry Me Again

    Nakaupo si Kyle sa sofa, hawak ang telepono at kausap si Lucas.“Bro, sana nandito ka bukas. Malaki ang parte mo sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Pero naiintindihan ko kung hindi ka makakauwi. Alam kong busy ka.”“Pasensya na, Kyle. Hindi ako makakabalik agad. Nasa France ako para i-finalize ang branch ng perfume business. Pero tandaan mo, kahit wala ako dyan, buong puso ang suporta ko. Gawin mo ‘yan para sa pamilyang bubuuin mo,” anang kaibigan sa kabilang linya, may halong lungkot at tuwa ang tinig nito.“Salamat, Lucas. I’ll make sure na magiging espesyal ang proposal. Para sa babaeng pinakamamahal ko.”“I’m happy for you, bro.”“Ikaw kailan ka maghahanap ng babaeng papakasalan? Baka akala mo bumabata ka.”“Hindi hinahanap ang pag-ibig, kusang dumarating. Tsaka ang dami kong reserba. Huwag mo akong alalahanin,” himig biro nito.“Bro, iba kapag mahal mo talaga ang kasama mo tapos bubuo kayo ng pamilya. Priceless ‘yung saya.”“Sige bro, tama ‘yan, inggitin mo pa ako,” anitong natata

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 144 Baby Number Two

    Maaga pa lang ay abala na si Kyle sa kusina. Nakasuot ito ng apron at seryosong nagpiprito ng bangus habang may sinangag sa kalan. Malakas ang amoy ng pritong isda.Pumasok si Mira na kakagising lang, naka-duster at inaantok pa. Paglapit niya sa kusina, bigla siyang napasinghap.Kunot-noo siya habang hawak ang ilong.“Kyle… ano ba ‘yang niluluto mo? Ang… ang baho.”Napalingon si Kyle, napakamot ng batok.“Daing na bangus! Special ‘yan, paborito mo ‘to, hindi ba? Masarap ‘to, promise.”Ngunit habang papalapit siya, napakapit siya sa counter, parang umiikot ang paligid.“Mira? Oh, teka, anong nangyayari sa’yo?” ani Kyle na nag-aalala.Hindi na siya nakasagot agad, sapagkat sumugod siya sa lababo at nagsimulang magsuka. Agad na lumapit si Kyle, hawak ang buhok niya para hindi mabasa, habang hinahagod ang likod niya.“Mira! Okay ka lang ba? May sakit ka ba? Anong nararamdaman mo?” natatarantang sabi ni Kyle.Huminga siya ng malalim, pinahid ang luha sa gilid ng mata, at umupo sa isang sil

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 143 Family is Love

    Natigilan si Jenny, napalunok at hindi na nakasagot. Tatawagan na lang niya si Mira para makahingi ng tulong.“Boss, tikman mo. Bukas makakabangon ka na ‘pag naubos mo ‘to. Special recipe ko ‘yan, nakakapagpalakas ng sugatang balikat at puso. Boom!” aniyang siya lang ang natawa.Inayos niya ang tray sa harapan nito at inihain ang lugaw ngunit hindi ito gumagalaw.“Kain na po.”“Subuan mo ako ng masulit naman ang ibinabayad sayo ng kumpanya.”Huminga siya ng malalim. Kinuha ang kutsara at sinubuan ang boss.Sa una, tahimik si Sebastian habang kumakain. Kinabahan siya. Parang hindi yata nito nagustuhan ang lasa. Ngunit maya-maya ay bigla siyang napatigil at nakakunot ang noo. May kung anong sumabit sa bibig ng amo. Hinugot nito gamit ang daliri.“Buhok?! Jenny! May buhok sa lugaw mo! Nilalason mo ba ako?!” bulyaw ni Sebastian.Halos matawa si Jenny pero pilit niyang pinigil at nagkunwaring inosente.“Baka nahulog habang nagluluto ako. Malinis po ang buhok ko! Amoy conditioner pa ‘yan. E

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 142 Monument for the Hero

    Pwersahang binasag ng mga pulis ang pinto. Sabay-sabay silang sumugod, sabay tutok ng baril.“Freeze! Drop your weapon!”Nagulat si Tamara, agad na hinila si Mira at itinapat ang baril sa ulo nito. Ang apat na tauhan nito ay nakorner na ng mga pulis.“Huwag kayong lalapit. Babarilin ko si Mira! Diyan lang kayo!” desperadong sabi ni Tamara.Tumigil ang mga pulis. Tumaas ang tensyon.“Mira!” sigaw ni Kyle na hindi nakatiis sa nakitang lagay ng babaeng minamahal.Nagpupumiglas ito. Ngunit mas idiniin ni Tamara ang baril. Samantala, dahan-dahang gumalaw si Sebastian na nasa bandang hulihan, umiikot sa gilid upang makahanap ng tiyempo.Nagkatinginan silang dalawa, isang bihirang sandali ng tiwala. Nakaunawa siya na dapat niyang i-distract si Tamara.“Tamara! Sumuko ka na. Kailangan ka ng Megawide. Tsaka babalik ka pa sa showbiz, hindi ba?” aniyang nililibang ito.“Huwag mo akong utuin, Kyle. Bigyan ninyo ako ng sasakyan para makaalis dito. Papakawalan ko ang babaeng ‘to.”Nanginginig ang k

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 141 Rescue Mission

    Muling bumalik ang sigla sa gusali. Malinis na ang pangalan ng kumpanya, at pormal nang naibalik sa pamunuan si Kyle Alvarado, kasama ng kanyang ama na si Don Renato at si Lolo Mario.Sa harap ng mga kamera at mamamahayag, nagsimula ang press conference. Puno ang hall ng reporters, investors, at mga empleyadong sabik marinig ang opisyal na paglilinaw.“Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa lahat ng mga empleyado ng Megawide na, sa kabila ng mga pagsubok, ay nanatiling tapat at nagtiwala. Hindi ko itatanggi na dumaan tayo sa madilim na yugto, nilason ng kasinungalingan, ng kapangyarihang ginamit sa maling paraan. Pero heto tayo ngayon… buo, at mas matatag,” ani Kyle.“Bilang isang ama at dating pinuno ng kumpanyang ito, inaamin ko ang mga pagkukulang ko. Pero ngayon, tinuturing kong isang bagong simula ito, hindi lang para sa kumpanya, kundi para sa pamilya. Sa pamumuno ni Kyle, naniniwala akong darating ang bagong yugto ng Megawide, isang yugto na malinis, makatarungan, at mas maunl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status