LOGINLumaki akong salat sa lahat ng bagay. Ang pangangalakal ng basura ang tanging ikinabubuhay ng pamilya. Salat man sa buhay, marami mang kakulangan sa lahat ng bagay, buo naman ang pamilya. Ngunit, isang trahedya ang magbabago sa simpleng mundong kinalakhan. Trahedyang nanaisin na lamang panatilihin, at hindi na gugustuhing harapin ang katotohanan sa kasinungalingan...
View MoreTahan na/ Father's DayNakatunghay sa labas ng bintana ang batang si Cia. Mula sa kinatatayuang bintana tahimik naman siyang pinagmamasdan ng kanyang ina. Hinihintay niya ang pag-uwi ng kanyang ama. Nasa Maynila kasi ito at naghahanap na ng kanilang malilipatan. Walang paglagyan ang kaligayahan ng batang umaasa. Naipangako kasi ng kanyang ama na makakapag-aral na siya. Sa hirap ng buhay nahinto ulit siya sa pag-aaral. Walong taong gulang na siya at kahit bata pa, malawak na ang tinatahak ng kanyang kaisipan.Hindi lingid sa kanya ang kahirapang dinadanasan ng kanyang mga magulang. Mahirap man, nagpupursige naman ang ama na maitaguyod sila at parating nangangako na ma-i-aahon sila sa kahirapang tinatamasa. Ngunit salat man sa maraming bagay, busog naman sa pagmamahal sa mga magulang.Umihip ang panggabing hangin, tanaw niya mula sa kawayang bintana ang madilim na kalan
SorpresaSinipat ko ang sarili sa salamin. Simpleng bestida ang suot, sa lambot ng tela bawat galaw ay napapasunod. Hinayaan kong ilugay ang mahabang buhok. Umabot sa tuhod ang puting bestidang suot. Regalo ito ni Nanay Lucy noong bumisita. Ngumiti ako sa harapan ng malaking salamin. Ang sabi ni Nanang mas pumuti pa lalo at hiyang sa pagkakaroon ng asawa. Sang-ayon ako dahil alagang-alaga ako ng asawa ko. Maingat siya, mapagmahal.. at kailanman hindi ako iiwanan.Bitbit sa kamay ang mga dadalhin upang sorpresahin ang asawa sa kanyang oposina. Nasa kalagitnaan ng hardin ng makita si Harrell. Nahinto ako sa paglalakad at nakangiting pinapanood ang anak. Mas gusto niyang maglaro sa hardin kaysa sa loob ng kanyang silid. Maliksi siyang gumalaw at kunyari pinapakain ang manikang binigay ni Brianna. Dalagang-dalaga na si Brianna. Noong walong taong gulang siya hindi siya k
EpilogueIt's been fucking five months since the disappearance of my god damn wife! I feel useless, dahil kahit ako ay walang maibigay na sagot sa mga anak na naghahanap..Pinasadahan ko ng tingin ang nakahilirang tauhan.. one of them has the courage to speak.."I tracked them. Pasimple kong nilagyan ng tracking device ang sasakyan na kanilang ginamit." He's my best one.. Dominic Villaflor.."Where are they?" Mahina ang boses dahil ayaw ng madagdagan ang kahihiyang ibinibigay ng aking asawa.."Somewhere in Bulacan.. ang dinig ko sa isang damp site sila magtatagpo. And.."My brows furrowed.. Dominic's a bit hesitant.. I clenched my jaw after sighing."Your wife.."Kumuyom ang mga palad ko. Galit ako hindi dahil naninibugho.. but damn it! Ipagpapalit niya ang mga anak niya sa kalagu
My eyes widened at the sight of my best friend. She waved at me and smiled widely. Naglalakad ako bitbit ang mga lumang damit at ilang gamit na hindi na nagagamit. We often visit here, at sa tuwing bumibisita hindi pupuwedeng hindi ko sila makikita.. They are my friends.. my trusted friends. Gab and the gang are all smiles. Titig na titig na animoy bagong padpad sa lugar na kinalakhan.Nagkatitigan ulit sila bago ako binalingan. Lumapit si Jack, isa sa matagal ng may kursunada sa akin. Tumango at ngumiti.."Kumusta ka?" Malapad ang ngisi niya bago pamulahan ng mukha. He's tall, matikas ang katawan, but we remained friends kahit alam nang may asawa na."Mabuti naman. Kayo?" Pinsadahan ko sila ng tingin. Si Gab lang ang may lakas ng loob na tumitingin pabalik."Nasaan ang asawa mo?"Nakasanayan na nila ang presensiya ni Thomas. Kaya






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore