KASAL na sila ni GB kaya ilang beses sinabi ni Hannah na dapat ay mayroon na siyang lakas ng loob na humarap sa Lolo Luciano nito. Kahit naman kasi ilang beses na niya itong nakita noon at magiliw naman ito sa kanya, may kaba pa rin siyang nararamdaman ngayon. Iba na kasi ang sitwasyon. Hindi na siya bestfriend lang ni GB, asawa na niya ito.
"Nervous?" Hindi makapaniwalang tanong ni GB sa kanya ng buksan nito ang pintuan ng RAV4 nito sa kanyang gawi.
Hindi na siya nagtaka kung paanong nahalata ni GB ang tunay niyang nararamdaman, siyempre kilalang-kilala siya nito. Kung hindi negatibo ang nararamdaman niya ay mabilis lang ang magiging pagkilos niya. Makakaya niyang bumaba agad ng sasakyan pero dahil kinakabahan siya'y kailangan talaga niya ang suporta ni GB.
Alam na alam kasi niya talaga kung gaano
SA panig ni Hannah ay walang magiging problema kung hindi muna siya makakabalik ng Manila dahil dala naman niya ang kanyang laptop at may mga damit din siyang nakaempake na inihanda ng kanyang mister. Oh, talagang hindi niya mapigil ang kanyang pagngiti kapag naiisip niya ang katagang iyon. Talaga kasing sinasabi nu'n na hindi na sila magkakahiwalay pa ni GB."I'm sorry.""Anong kasalanan mo?" Nagtatakang niyang tanong kay GB. Hindi niya tuloy napigilan ang labis na mag-alala. Baka mamaya ay sabihin nitong may iba na itong babae na natitipuhan. Shucks, kakakasal pa lang nila."Na matetengga tayo rito.""Iyon lang?" naninigurado niyang tanong.Kumunot ang noo nito. Wari'y nagsisimula na magtaka ku
MUNTIK na humagalpak nang tawa si Hannah nang makita niya ang reaksyon ni GB. Biglang nanlaki ang mga mata nito sabay inhale. Hindi siguro nito akalain na dadakmain niya ang sandata nito.Ang totoo niyan, hindi naman niya talaga akalain na gagawin niya iyon. Talaga lang umandar ang kanyang kapilyahan. Saka wala namang mali sa ginawa niya, asawa niya si GB kaya natural lang na hawakan niya ang sandata nito. Dapat nga ay masiyahan pa ito dahil talaga naman gusto niya itong sambahin."Hannah…" daing nito." I want this," wika niya.At bago pa man makapagsalita si GB ay natanggal na niya ang butones at zipper ng pantalon nito. Naisuksok na rin niya ang kamay niya sa garter ng brief nito."Shit
"TALAGA?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hannah nang sabihin ni GB na hindi na rin muna ito pupunta sa firm. Ngunit, nauunawaan naman niya siyempre ito. Masyadong malayo ang Nueva Ecija sa Manila saka kailangan naman talaga nitong bigyan ng oras ang lolo nito. Kahit naman hindi na magsalita si Lolo Luciano ay alam niyang nasasabik ito sa pagmamahal ng apo nito.May pakiramdam siya na hindi lang talaga iyon maipahayag ng matandang lalaki dahil may guilt itong nararamdaman. Sa mahaba kasing panahon ay hinayaan lang din nito si GB na mag-isa halos naninirahan sa Manila. Mabuti na lang at nandoon sila ng kanyang mga lola kaya’t hindi nito namalayan na wala itong pamilyang kasama. Or, baka naman magaling lang talagang magtago ng hinanakit si GB.“Mami-miss mo ako ‘no?” nanunudyong tanong sa kanya ni GB.
KAILANGAN kong busugin si GB, ito ang paulit-ulit na sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Naalala niya kasi ang payo sa kanya ni Aling Adelaida. Kailangan niyang matuto ng gawaing bahay lalo na ang pagluluto para hindi magkamali si GB na maghanap ng ibang tagapagluto.Kahit daw kasi tanggap ni GB ang kanyang katamaran dahil bespren niya ito, hindi pa rin siya dapat maging kampante. Lalaki pa rin daw ito kaya dapat niyang asikasuhin ang mga pangangailangan nito. At ang responsibilidad niya kay GB bilang asawa ay hindi lang dapat magtapos sa sex.Ibig sana niya itong biruin ito pero pinigilan na niya ang sarili. Talaga naman kinabahan siya na maaaring magkaroon ng iba si GB. Hindi niya yata kakayaning isipin na mangyari iyon. Ibig niya, luto lang niya ang kakainin ni GB.Kaya naman ngayon ay naririto si
"JEAN…" gilalas na bulalas ni Gray nang makita niya ang kanyang kababata. Siyempre natutuwa siyang makita ito dahil naging malaking bahagi rin ito nu'ng buhay niya noong bata siya.Kahit naman kasi naninirahan na silang mag-ina sa Manila ay madalas pa rin silang nagpupunta ng Nueva Ecija para bisitahin ang kanyang lolo. Ngunit, habang tumatagal ay dumadalang iyon nang dumadalang. Hanggang sa hindi na rin siya nakakauwi sa kanilang probinsiya.Kahit madalas silang maglaro noon ay parang agad niya itong nakalimutan ng tuluyan na siyang nanirahan sa Manila. Marahil dahil nandoon na si Hannah at nagawa na nitong punan ang nawalang kaibigan niya sa probinsiya."Sabi ko na, eh hindi mo pa rin ako nakakalimutan," wika nitong parang ayaw umalis sa pagkakakapit sa kanyang braso.&nbs
Shucks, wika ni Hannah nang humarap siya sa salamin. Namamaga ang kanyang mga mata kaya ngayon hindi niya alam kung paano pa siya lalabas ng silid. Talaga kasing nagugutom na siya at pakiramdam niya'y wala na siya talagang lakas. Masyado ng nasaid ng sakit na nararamdaman niya."Ang pangit mo. Paano ka pa magustuhan ni GB niyan?" Naiinis niyang tanong habang nakaharap sa salamin.Tumigil na rin sa kakakatok si GB. Dapat sana ay masiyahan siya dahil hindi na siya nito kinukulit. Iyon din naman ang gusto niya pero bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Parang gusto niyang buksan ang pintuan, tumakbo pababa ng hagdanan at tingnan ang ginagawa ni GB.Nais niyang siguraduhin na hindi na magkasama at magkausap sina GB at ang babaeng iyon. Napangisi siya sa naging pagtukoy niya sa babaeng iyon. Walang
KANINA pa nakatayo si Hannah pero hindi niya magawang kumilos. Nakita niya kasing kausap ni GB ang babaeng iyon sa may terrace. Siyempre hindi naman niya maiwasan ang magselos. Ngunit, ang lahat ng negatibong nararamdaman niya ay parang tinangay ng hangin dahil sa mga sinabi ni GB.Tinanggihan niya ang babae na iyon at buong diin pa nitong ipinamukha sa babaeng iyon kung gaano siya pinahahalagahan ni GB. Kaya naman, parang gusto niyang umiyak. Sobra siyang nakaramdam ng pagsisisi. Para tuloy gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili. Masyado niyang naging makasarili. Ang inintindi lang niya ay ang kanyang damdamin kaya naman naramdaman na lang niyang nagsisikip ang kanyang dibdib.Dahil kilala niya talaga si GB, alam na alam niya ang dahilan kung bakit nakatingala ito sa kalangitan. Dahil namumublema ito at alam siya ang nasa isipan nito
BATA pa lang si Jean ay sinabi na niya sa kanyang sarili na si Grayson Brian Lee ang gusto niyang pakasalan. Hindi lang dahil sa kaibigan niya ito kundi dahil iyon ang palaging sinasabi ng kanyang mga magulang. Kaya, maging siya ay napaniwala na rin ang sarili na ito talaga ang itinadhana sa kanya.“Ang cute-cute mo naman,” nakangiting sabi kanya ng isang batang lalaki. Nagpunta sila ng nanay niya sa malaking bahay ng mga Lee. Tutulong daw kasi ito sa paglilinis para sa nalalapit na birthday ni Luciano Lee na laging maraming handa kapag kaarawan. Kaya naman nandoon din siya para tumulong. O maaaring para ipagmalaki sa lahat na may magandang anak ang kanyang magulang."Ako nga pala si Grayson Brian Lee. Ikaw, anong pangalan mo?""Jean Tamayo."