Share

Chapter One Hundred Seventy 

KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito. 

Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging  abo.

"Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay. 

Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status