Share

Kabanata XIV

PAGKATAPOS ng kanilang umagahan ay mabilis lang niligpit ni Angelo ang ginamit niya sa pagluluto at ang mga pinggan na ginamit nila ni Vanessa. Bumalik agad siya sa kwarto at nanatili roon kasama ang kanyang asawa. 

Tinabihan niya ito sa kama at niyakap ito. Wala naman itong naging pagtutol at yumakap din ito pabalik sa kanya. Lihim na lang siyang napangiti dahil sobrang gandang pagmasdan ng posisyon nilang dalawa. Magkatabi at magkayakap habang nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama.

Dumating ang tanghalian at si Vanessa na ang nagluto ng kakainin nila. Bumuti na ang pakiramdam nito at nawala na rin ang lagnat na ipinagpasalamat niya. Tinulungan na lang niya ito habang binabantayan niya ang bawat galaw nito. Ayaw naman niya itong map'wersa lalo na at masakit pa ang nasa pagitan ng mga hita nito

Napapangiti na lang siya kapag nakikita niyang dahan-dahan ang paghakbang ni Vanessa. She's still sore down there na ikinailing niya. Alam niyang gifted siya pagdating sa bagay na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status