LOGIN'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
View MoreANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang la
NAPAPAILING na lang si Angelo sa tuwing may nakakasalubong siyang empleyado na parang naninibago sa kanya. Hindi na nawala ang kanyang malawak na ngiti mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa makarating siya sa kumpanya ng ama kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito kapag nakikita siya.Iyon ang unang beses na makita ng mga itong nakangiti siya at siya pa ang bumabati sa mga ito ng 'magandang umaga'. Ibang-iba sa trato niya sa mga ito noon na tingnan lang siya sa mata ay mawawalan na agad ang mga ito ng trabaho. Ibang-ibang ang Angelo na nakikita ng mga ito ngayon kumpara sa Angelo na boss ng mga ito sa nakalipas na taon.Pumasok siya sa elevator at tila nag-aalangan naman ang ibang empleyado na sumabay sa kanya kaya tinanguan niya ang mga ito at bahagyang nginitian para ipabatid sa mga ito na ayos lang na sumabay sa kanya.Nagulat ang mga ito sa ginawa niya at nag-unahan pang pumasok sa elevator para makasabay siya.Nagb
KASABAY nang pag-agos ng tubig sa katawan ni Vanessa ay ang pagbaha sa alaala niya ng mga nangyari sa pagitan niya at ni Angelo sa mga nakalipas na araw.Buhat noong unang araw na may namagitan sa kanila ay walang araw ng lumilipas na hindi siya inaangkin ni Angelo. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung ano ang laman ng isipan nito basta nagpapaubaya lang siya sa asawa. Hindi na isang katulong ang turing nito sa kanya at ramdam niya ang kahalagahan niya ngayon kay Angelo.Hindi na iba ang turing nito ngayon sa kanya bilang Joy kumpara sa turing nito noon sa kanya bilang Vanessa, bilang asawa nito. At hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito sa totoo niyang pagkatao dahil kapag kasama niya si Angelo ay lagi niya itong nahuhuling nakatitig at nakamasid sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao.Ilang araw na ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na iyon ay parang bumalik sila sa dati ni Angelo. Siya bilang Vanessa na asawa
BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya.Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula
KATULAD ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado
PINIGILAN ni Vanessa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya matapos niyang marinig ang sinambit ni Angelo. Nagsalubong ang kanilang mga mata at bumukas-sara ang labi nito na tila napagtanto kung sino siya. Bahagya ring namilog ang mga mata nito na parang nakakita ng multo."V-Vanessa
"PAPA, itigil niyo na po ito. Sumuko na po kayo. Kahit po para na lang sa akin na anak niyo," pakiusap ni Vanessa sa kanyang ama.Ilang araw na siyang nasa mga kamay nito at ilang beses na rin niyang pinapakiusapan ang ama na sumuko at itigil na ang kabaliwan nito. Pero nanatiling matiga
"AYOS ka lang ba? Dalhin na kaya kita sa hospital?" masuyo at nag-aalalang tanong ni Angelo habang hinahaplos ang likod niya.Nasa loob sila ng banyo at katulad ng mga nakaraang umaga ay nagsusuka na naman siya. Wala namang lumalabas sa bibig niya pero ang pakiramdam niya ay tila hinahal












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews