Share

Kabanata XXIV

"PAPA, itigil niyo na po ito. Sumuko na po kayo. Kahit po para na lang sa akin na anak niyo," pakiusap ni Vanessa sa kanyang ama. 

Ilang araw na siyang nasa mga kamay nito at ilang beses na rin niyang pinapakiusapan ang ama na sumuko at itigil na ang kabaliwan nito. Pero nanatiling matigas ang kanyang ama at hindi niya magawang mapalambot ang puso nito at nananaig ang kabaliwan nitong taglay.

"Hindi maaari, anak. Hindi pa ako tapos sa mga Aldover. Hindi pa ako nagtatagumpay na baliwin kahit isa sa miyembro ng pamilya niya. At sigurado akong sa gagawin ko ay mababaliw ang batang Aldover," wika nito at tumingin sa kanyang tiyan. 

Niyakap niya iyon para protektahan sa kabaliwan ng sariling ama. Alam na niya ang masama nitong binabalak sa batang nasa sinapupunan niya at hindi siya papayag na pati ang baby niya ay madamay sa kabaliwan nito.

"Huwag po ang anak ko, papa. Hindi ko po kaya. Ako po ang mababaliw kapag may ginawa kayong masama sa baby ko," umiiyak na paki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status