DUMIRETSO si Ensley sa labas, bitbit ang isang galon na vanilla ice cream at pumunta siya sa counter, para doon kainin ang ice cream na kinuha niya dahil pinag ti-tripan na naman siya ng mga tao sa loob ng kusina.
Nakita niya si Xavier kasama na nito ang mga kaibigan niya, at lima na sila. Hindi na lang niya ito pinansin at umupo na siya sa mataas na umupuan sa counter nila, para simulan na ang pag kain ng vanilla ice cream niya.Lumabas na rin si Lucas sa kusina at tinitigan siya nito at tumawa ng saglit. Tinarayan niya ulit ito, hindi na niya pinansin at kinain na ulit ang ice cream.Nang may mag salita sa likuran niya. "Kakainin mo yan lahat? Tataba ka na naman niyan." Pang-asar ni Lucas sa kaibigan.Hindi pinansin ni Ensley si Lucas. "Aray naman, kanina ako yung nag tatampo ah, ang bilis naman bumaliktad." Pang konsensya na sabi ni Lucas sa kaibigan.Sinundot-sundot naman ni Lucas ang tagiliran ni Ensley na mas lalong kinainisan ang dalaga. "Isang sundot mo pa, mata mo na ang tutusukin ko." Brutal na banta ni Ensley sa kaibigan na ikinatawa na naman nito."Kayo talagang dalawa, kaya marami pinag-kakamalan na mag jowa kayo." Asar ni Quinn sa dalawa.Namula naman ang dalawa "Ate Quinn, mag kaibigan lang kami ni Lucas po." Hiyang tanggi nito kay Quinn."Diba, Lucas?" Pag siko ni Ensley sa kaibigan."Opo, ate Quinn. Mag kaibigan lang po kami." Flat na sabi ni Lucas at ngiti ng peke. Nakita iyon ni Quinn, pero hindi na lang niya pinansin pa.Sa kabilang banda naman ay habang kumakain ng merienda ang grupo nila Xavier.Hindi maiwasan ni Xavier mapatingin sa dalawang mag kaibigan na nasa counter. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa nangyayari sa harapan niya."Ate Scarlett, mag snorkeling tayo bukas." Sabi ng kapatid na babae nito."Serenity, hindi lang tayong dalawa ang nandito. Tanungin mo sila kung gusto rin nila." Inis na sabi ni Scarlett sa kapatid."Gavin?" Pag papa-cute nito sa lalaki."Sure, baby!" Pag payag ni Gavin dito.Parehas sila ni Serenity na mahilig sa mga ganitong bagay."Kayo Xavier and Dior? Sumama na rin kayo." Tanong ni Gavin sa kaibigan."Baka saan ka na naman pumunta, Xavier." Habol na sabi pa nito."What time? Hindi ako pwede sa umaga at hapon." Sabi naman ni Xavier."Saan ka na naman mag lalagi?" Tanong ulit ni Gavin pero hindi sumagot si Xavier sa kaibigan."Ate Scarlett and Kuya Dior?" Tanong ni Serenity sa dalawa. Tumingin naman si Scarlett kay Dior na nakangiti habang hinahawakan niya ang braso nito at nilalambing din."Okay" Walang gana nitong sagot. Hinalikan naman siya sa labi ni Scarlett and said "thank you.""Seriously, mate! Right, in front of my salad?" Pang-asar ni Gavin sa dalawa."Hindi naman salad kinakain mo ah?" Takang tanong ni Xavier kay Gavin."What the fuck, mate?!" Murang sagot ni Gavin sa kaibigan.NAKAUPO sa dalampasigan sina Ensley at Xavier at pinapanuod nila bumaba ang araw."Anong plano mo?" Tanong ni Ensley kay Xavier."What do you mean?" Takang tanong naman ni Xavier sa babae."Nakita ko kasi kanina, may mga kaibigan ka naman pero bakit andito ka?" Diretsong tanong ni Ensley sa lalaki at sabay tingin dito sa mga mata nito.Tinitigan muna din ni Xavier si Ensley at tinaasan ito ng kilay at nag smirk sa tanong nito sa kaniya."Bakit? Curious ka ba?" preskong tanong nito sa dalaga. Hindi naman makapaniwala si Ensley sa narinig nito sa lalaki."You know what? I'm trying to have a conversation here oh tapos ganyan lang sagot mo." Inis at tampong sagot ni Ensley."Sorry, you're really just so cute kapag naiinis ka." Paumanhin nito at pang-aasar sa dalaga.Tinarayan na lang siya ni Ensley at nag tanong ulit "Bakit ka nga andito? Why you keep insisting I need someone to talk to?" Pag kukulit na tanong ni Ensley."Because you need to, kahit hindi mo sabihin I can see it in your eyes" Seryosong sagot nito sa babae.Napatitig na lang ulit si Ensley sa binata at nag tatakang nag tanong sa sarili kung bakit? bakit? bakit?Dahil hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. "So, hanggang kaylan kayo rito?" Pag-iiba ni Ensley sa usapan."One week, pero pwede naman mag adjust yon" Sagot ni Xavier habang nakangiti kay Ensley."Huwag niyo na i-adjust. Kaylan kayo dumating dito? Ibig sabihin malapit ka na umuwi." Masayang tanong nito sa lalaki, halatang gusto na ito palayasin."Gusto mo na talaga akong paalisin ha! Baka kapag umuwi na ako, ma-miss mo agad ako." Sagot ng binata sa dalaga."Sus, hindi kita ma-mimiss no! Hindi pa nga kita nakakausap nang ayos, miss na agad." Balik na sagot naman ni Ensley."Mag usap tayo nang ayos kung ayon gusto mo, ano gusto mong malaman?" Diretsong sagot at tanong ni Xavier.Nabigla naman si Ensley dahil hindi niya inaasahan ang magiging sagot nito. Napaisip naman si Ensley kung ano ba ang gusto niyang malaman sa lalaki. Isa lang naman ang tumatakbo sa isip niya, kung ano mapapala nito sa pag-uusap sa kaniya at parang masyado atang mabilis ang nangyayare."Ilan taon ka na? Anong year mo na?" Walang kwenta at simpleng tanong ni Ensley dito.Napatawa naman ang binata dahil parang nag a-autobiography si Ensley tungkol sa buhay niya."Hmm, 19 and I'll be second year next school year. Also, I am studying architecture, if you want to know my course as well." Ngiting asar nito kay Ensley."You're so-" Bitin na sabi ni Ensley."What? Cool?" asar pa rin ni Xavier."Annoying! You're so annoying!" Asar na sagot ni Ensley dito."What did I do? I just answered your questions." Pag maang-maangan nito sa dalaga."I can't wait na umuwi na kayo, sumasakit ang ulo ko sayo." Inis at seryosong sabi naman ni Ensley. Tinawanan lang ulit siya nito.Hindi alam nang dalawa na habang nag aasaran at nag tatawanan sila ay ayon na ang simula nang pagbabago ng kanilang mga nararamdaman sa isa't isa.Hindi nila namamalayan na kahit naiinis na si Ensley kay Xavier ay masaya ang puso niya dahil nakilala niya si Xavier at ganoon rin ang binata sa patuloy na pag tagal ng pag uusap nila ay hindi niya namalayan na mas gusto niya pa ito mas makilala nang tuluyan.Kasama ni Ensley ang kaniyang pamilya sa hapag-kainan. Katabi niya ang kaniyang kuya Logan at nasa harapan naman nila ang kanilang ina at ama."Kumusta Ensley? Sabi ng Mommy mo may bago ka raw kaibigan." Pag kumusta nang kaniyang itay."Ayos lang po ako, Dad and hindi ko po kaibigan si Xavier." Sagot nito sa ama."Lorenzo, hayaan mo na muna si Ensley tsaka mabait na bata si Xavier." Sabi ni Mila sa asawa.Habang tahimik lang naman na nakikinig si Logan sa usapan ng kanilang pamilya. Nasa tamang edad na rin naman si Ensley para makipag-kaibigan sa kung sinong gusto nito pero huwag lang talaga nila sasaktan ang kanilang bunso."Tumawag po pala si kuya Levi kanina, baka raw po bukas ng gabi na siya maka-uwi rito." Sabi ni Logan para maiba na rin ang usapan.Napalingon naman si Ensley sa kuya nito. "Talaga kuya?! Pwede ako gumawa ng oreo macarons for him? Pwede mo ko turuan?" Tanong nito sa kapatid habang nilalambing si Logan.Nagulat naman si Logan kay Ensley. "Bakit mo gagawan ng oreo macarons si kuya Levi? Pero ako hindi mo ginawan? ako pa yung may regalo sayo. Ang unfair non, Ens." Tampong reklamo nito sa kapatid."Edi, gagawan din kita bukas." Nakangiting sabi nito sa kuya Logan niya.Wala na nagawa si Logan dahil tapos na yon at nangyare na, kaya pumayag na lang siya na turuan ang kapatid bukas."Gagawan ko rin po kayo Ma at Pa." Habol na sabi ni Ensley sa mga magulang."Saka kuya Logan, wag ka na mag tampo dahil kaya ko naman naisip gawan si kuya Levi ng oreo macarons dahil-" Bitin nitong saad."Sabihin mo kung bakit? Dali!" Habol na tanong ni Ensley sa kapatid."Bakit?" Kunwari walang gana na sagot ni Logan."Kuya, bigyan mo naman ng energy." Maarteng suway ni Ensley. Habang ang mga magulang nila ay tinitigan lang sila at tumatawa."Okay! Bakit?" Tanong ni Logan."Ayan na yung energy mo?" Pag aasar ni Ensley sa kapatid."Ensley, sabihin mo na lang kung bakit." Seryosong sagot na ng kapatid."Nabasag ko kasi yung frame na binigay ni ate Aria sa kaniya." Pag confessed ni Ensley sa nagawa.Napahinto at tinitigan siya ni Logan. "Seryoso ka ba diyan?" Tanong ulit ni Logan. Tinaas baba naman ni Ensley ang kaniyang ulo na nag sisimbolo na pag oo nito."Lagot ka talaga diyan! Baka kahit bigyan mo siya ng peace offering, magagalit pa rin siya sayo." Ani ni Logan."So, kapag pala may binibigay ka sakin ay dahil may nagawa ka?" Tanong pa ng binata sa kapatid.Nag kibit balikat naman si Ensley "Hindi ko alam yung sinasabi mo, kuya." Maang-maangan nito sa kapatid.NAKAPAG linis na ng katawan si Ensley at nakahiga na ito sa kaniyang kama habang may kaunting ilaw sa gilid ng kama nito.Hindi pa rin siya nakakatulog sa kakaisip sa mga pinag-usapan nila ni Xavier. Hindi rin niya alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya sa tuwing nakakasama niya ang binata.Hindi dapat siya nakakaramdaman nang ganito, lalo na bago lang sa kaniya ang nararamdaman niya. Natatakot siya sa mga gusto nang puso niyang gawin sa susunod at baka may ka-relasyon pala ito pag balik sa Centro.Alam niya rin sa sarili na masyadong mabilis ang lahat, kakakilala lang nila o mas magandang sabihin na hindi niya pa ito ganon kakilala lalo na taga Centro ito.Ngunit, isa lang ang sigurado si Ensley. Gusto niya ito nakakausap kahit naiinis siya rito. Lalo na tuwing tumitingin ito sa kaniya at sa mga mata niya. Parang na hi-hipnotismo siya sa mga mata nito, sa tuwing natitigan niya ito para siya nahuhulog sa mga mata nito palalim.Pati na rin ang mga ngiti nito, She would do everything para makita lang ang mga ngiti nito araw-araw, oras-oras, minu-minuto at sigu-sigundo.D I O R M O O R ESA APAT na sulok ng silid ay maririnig ang tunog ng isang classical song na "La vie en rose" by Edith Piaf. Tumutugtog ito sa isang retro vinyl record player stereo habang si Dior ay busy sa pag pinta sa gitnang bahagi ng silid. Palagi siya nag papatugtog sa tuwing nag pipinta siya. Maraming nakakalat na kagamitan para sa pag pipinta niya at maraming mga canvas rin ang naka display sa dingding at sa sahig. Sa isang banda naman ay may isang cabinet, kung saan nakalagay ang mga vinyl records ng binata. Sa katunayan ay hindi niya talaga gusto maging sunod na mag papatakbo ng kanilang kompanya. Para sa kaniya ay hindi siya para roon. Ngunit wala siyang magagawa dahil sa kaniya umaasa ang ama niya at isa pa ay masyado pa rin bata si Riley para sa ganoong bagay. Pagkatapos nang kaarawan ng dalaga ay hindi ito umuwi sa bahay ni Dior dahil tuwing weekend ay sa kapatid nito ito natuloy. Araw ng linggo. At kanina pa siya rito nakaupo at nag pipinta. Pumunta kahapon ang
T H R E E Y E A R S A F T E RHABANG hawak ni Ensley sa kamay ang palumpon ng boho flowers ay pinag-masdan niya ang buong paligid. Maraming bisita ang makikita, mga pamilya at mga kaibigan. Kita sa mga mata at ngiti ng mga ito ang saya. Nakasuot ang mga ito ng magagarang kasuotan para sa okasyon ngayon. Kasalukuyan din sila nasa isang kagubatan. Dito naisipan ganapin ang importante na okasyon ngayon.Binaling niya ang tingin sa lalaki nasa unahan. Masaya itong naka tingin at makikita sa mga mata nito kung gaano nito inantay ang araw na ito, kahit siya ay hindi na rin mapigilan na ngumiti at maluha sa nakikita sa unahan. Sa tinagal nang pag iintay nila ay ngayon ay mag iisang loob na ang dalawang matalik nilang kaibigan na sina Xavier at Zoey.Naka-suot siya ngayon ng isang kulay kayumanggi na mahabang velvet gown. May slit din ito sa gilid at short sleeve ang gown na may mahabang v cut sa dibdib. Tumuloy na siya sa pag lakad sa aisle. Kahit hindi siya ang ikakasal ay kinakabahan
BINALINGAN niya ang paningin ng umusog si Dior sa tabi niya. Nasa dining area sila ngayon nag gagabihan. Kasama rin nila sina Mikee at Kevin sa hapag. Kanina ay nag pababa si Chloe malapit na Mall at may kikitain pa raw ito. Kanina niya pa rin naririnig nag kukwentuhan ang mga ito. Habang siya ay tahimik lang nakikinig sa mga ito at sumasagot kapag tinatanong siya. "Penny for your thoughts?" Tanong ni Dior sa kaniya na kina-ilinganan niya lang.Sa totoo lang ay naiinis siya sa sarili niya dahil nag seselos siya kay Mikee. Kinu-kompare niya ang sarili rito.Mukha na kasi itong may maibubuga sa buhay. Maganda, matalino at may trabaho na. Natatakot siya na baka bumaling ang atensyon ng kasintahan dito lalo na sobrang angat ito sa kaniya. MAY party na ginaganap sa company nila Dior. Andito sila ngayon sa hotel dahil dito gaganapin ang celebration sa pag managed ng binata sa branch sa States dahil naging successful ang naging deal nito sa isang kilalang company. Kasama sina Mikee at
SA DALAWANG buwan ni Dior sa US ay umuwi rin si Ensley sa Costa para bumisita sa mga magulang niya at hindi niya kasama ang mga kapatid. Umupo si Ensley sa lamesa malapit sa bintana ng resto at inilapag din roon ang laptop at kaniyang libro. 11:30 ng umaga sa kaniya habang 10:30 pm naman kala Dior. Pinag patuloy niya muna ang pag babasa habang inaantay ang binata na tumawag sa kaniya. Umaangat ang kaniyang ulo ng mag lapag ng plato na may pag kain si Lucas sa lamesa niya. "Lunch mo, Ens." "Thanks, Lucas." Tinanguhan lang siya nito bago bumalik sa kusina. Pagkaalis ni Lucas ay doon din ang pag tunog ng laptop niya. Nilingon niya ito at nakita na tumatawag na si Dior sa kaniya. May ngiti sa labi na inaccept niya ang tawag nito. "Good evening, Mr. Dior Moore." Bati niya sa binata na kina-ngiti rin nito. Kita sa mukha nito ang pagod pero nagagawa pa rin nito ngumiti sa kaniya. "Good evening, Misis Moore." Balik na bati ng binata sa kaniya na kina-bigla niya. Tumawa ng mahina si D
ILANG araw na umiiwas si Ensley kay Dior. Alam niyang mali ang pinag gagawa niya pero hindi niya talaga kayang harapin si Dior lalo na na-giguilty din siya sa mga naging desisyon niya rito. Baka nga nag tatampo rin ito sa kaniya. University at bahay lang siya nag lalagi. Kapag tinatanong siya ni Chloe ay palagi niya nililihis ang usapan at sa tuwing nakikita niya si Dior ay mabilis siya umaalis para hindi sila mag tagpo. Hindi rin naman siya nito tine-text o tinatawagan. Ganoon din ang ginagawa niya rito. Nag taklob siya agad ng kumot nang marinig ang pag katok ng kapatid niya sa pinto ng kwarto niya. Narinig niya ang unti-onti nitong pag bukas ng pinto at mga yapak nito patungo sa kama niya."I know, you're awake Ensley." Bumuntong hininga muna siya bago niya tinanggal ang kumot sa pag kakataklob sa buong mukha niya. Nakita niya ang kuya Levi niya nakatayo sa gilid ng kama niya. "Kuya, hindi ako gutom." Pag rarason niya sa kapatid."We'll wait you downstairs in 5." Maotoridad na
PAREHAS na hindi makabasag pinggan habang nanunuod ang mag kasintahan sa loob ng sinehan. Si Ensley ay may hawak na popcorn at kina-kain ito habang tahimik nanunuod at patuloy na umaandar ang palabas sa unahan na pinamagatan na "Harley Quinn: Birds of Prey." Si Dior naman ay tahimik lang din nakatutok sa pinapanuod. "You want popcorn?" Alanganin na tanong ng dalaga rito ngunit tumanggi na kumuha si Dior sa popcorn na kina-kain niya. Binalik na lang ulit niya ang tingin sa unahan at inubos ang kina-kain. Nang matapos ang palabas ay lumabas na sila ng sinehan, kumapit siya sa braso ng binata at tinitigan ito. "Gutom na ako, sa Jollibee na lang tayo kumain, ha?" "Okay." Simpleng saad ni Dior sa dalaga na hindi niya mawari kung bakit kanina pa ito walang gana. Ito naman ang nag yaya na lumabas sila pero kanina pa itong walang imik sa kaniya. Tumango siya at ngumiti rito. Nag patuloy na sila papunta sa Jollibee para roon kumain. "Gusto ko ng fried chicken, spaghetti at burger. Gusto