Share

Chapter 4

PAGBUKAS ni Ensley ng pintuan sa kusina ng resto, nagulat na lang siya nang nakaupo sa counter si Xavier habang kausap ang ate Quinn niya.

Nang mapansin ni Xavier si Ensley, na palabas na nang counter dali-dali siya nag paalam kay Quinn at kinuha ang coffee na inorder niya para kay Ensley.

"Ens, wait!" tawag ni Xavier, at huminto naman si Ensley pero hindi pa rin ito humaharap sa binata.

Inaantay niya lang ito makalapit sa kaniya.

"Good morning, I bought you coffee" bati at abot ni Xavier ng kape kay Ensley.

Tinitigan mo na siya ni Ensley at bumati pabalik ng "Morning" at binaling ang tingin sa kape na bitbit ng binata "I don't drink coffee, sorry" sagot ni Ensley.

"Oww, sayang" disappointed na sabi ni Xavier.

"Ays, akin na nga" frustrated na pag kuha ni Ensley sa kape dahil ayaw niya may nasasayang na pag-kain or inumin.

Nag lalakad na sila palabas ng resto, "I thought sabi mo hindi ka nainom ng kape?" Magulo na tanong ng binata.

"Ayoko may nasasayang na pag kain at inumin" flat na sabi ni Ensley.

"Tsaka hindi naman ako mamatay kapag ininom ko ito." Habol na sagot ni Ensley.

Nagulat si Xavier sa sinabi nito, parang madali lang sa babae ang sabihin ang salita mamatay. Napahinto na lang ang binata at tinititigan ang dalaga habang nag lalakad ito palapit sa dalampasigan.

Nang mapansin ni Ensley na hindi niya kasunod si Xavier ay lumingon siya at nakita niya ito na nakatitig na naman sa kaniya na parang may gusto itong malaman tungkol sa kaniya or dina-dissect ang buong pag katao niya.

Pag ganito makatingin ang binata ay hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya.

"Xavier, hindi mo naman ako kailangan samahan dito. Ayos na ako, pwede mo na ako iwan." Pag kuha niya ng atensyon dito.

Umupo na ulit si Ensley sa buhangin at dinadama ang lamig ng hangin habang naka pikit. Lumapit na rin si Xavier sa katabi niya at umupo na rin ito.

"Ano iniisip mo?" Diretsong tanong ng binata sa kaniya. Nakapikit pa rin si Ensley at hindi pa rin sumasagot sa tanong ng binata.

Hinayaan na lang muna siya ni Xavier at humarap na sa dagat para titigan ang araw na paakyat na. Nakatingin na rin si Ensley sa harapan at tahimik silang dalawa na pinag mamasdan ang araw na paunti-unti na umaakyat.

BUMALIK sina Ensley at Xavier sa Paraiso. Napahinto saglit si Ensley at lumingon kay Xavier na nakangiti sa kaniya.

"Bakit lagi ka naka-ngiti?biglang tanong ni Ensley kay Xavier.

"Ha? Ikaw rin naman, lagi naka-ngiti." Takang sagot ni Xavier.

"Pero yung ngiti mo iba" habol na sagot ni Xavier kay Ensley, at dumiretso na ito papasok sa loob ng resto.

Nakalimutan na ni Ensley ang dapat niya sabihin kay Xavier kaya minabuti na lang niya na, huwag na pansinin ang sinabi nito bago pumasok sa loob.

Hinabol niya si Xavier nang magulat siya dahil feeling close ito sa ina niya, "Logan, ito yung sinasabi ko kagabi na kaibigan ni Ensley" pag kwento ng kaniyang ina sa kuya Logan niya.

Lumapit siya agad sa mga ito, "kuya! Hi, good morning" pag bati niya rito para hindi na nito mapansin si Xavier.

"Xavier, right?" Pag babalewala ni Logan sa kapatid at diretso ito nakatingin kay Xavier.

"Yes, po" magalang na sagot ni Xavier sa kuya niya, na kinagulat ni Ensley. Masuka-suka siya sa pag akto ng binata sa harap ng kaniyang kuya.

Mag tatanong pa sana si Logan nang pinigilan na ito ng kaniyang ina, "Logan, tama na yan. Pumunta ka na sa kusina at hindi pa nakain itong dalawa." Pag suway kay Logan ni Mila.

Napahinga na lang si Ensley nang ayos, dahil pag dating talaga sa lalaki nagiging seryoso ang mga kuya niya. Buti na lang at wala rito ang isa niya pang kuya. Kay Lucas pa nga lang, ginisa na ito ng mga kuya niya. Ito pa kayang isa na hindi niya kaibigan.

"Anak, maupo muna kayo doon at intayin niyo na lang yung almusal niyo." Pag tulak ng ina ni Ensley sa kanilang dalawa. Wala na magawa ang dalaga kahit ayaw niya ito kasabay.

Naka-upo sila sa paboritong lamesa ni Ensley sa resto, kaunti pa lang din ang mga customers dahil masyado pang maaga.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong ni Ensley at dahil gusto na rin niya ito umalis.

"Bakit pakiramdam ko, pinapaalis mo na ako." Kunwaring nasaktan na sabi nito habang hawak-hawak ang puso nito sa dibdib.

May pagka-maarte pala ito, pag-isip ni Ensley sa sarili. "Buti naman nararamdaman mo." Mataray na sagot ni Ensley.

Tinawanan lang ni Xavier ang dalaga. "May saltik ka ba?! Palagi mo na lang ako pinag tatawanan." Parang bata na reklamo ni Ensley sa binata.

"Maybe." Pang-asar na sagot ni Xavier.

"What?" Gulat naman ni Ensley.

"Kidding" Sagot ni Xavier at tumawa ulit.

"Kapag hindi ka tumigil diyan, kakain ka mag-isa at hindi ka na makakasama sakin." Banta ni Ensley sa binata.

Tumawa ulit ang binata at nang marealized niya na hindi na natutuwa si Ensley ay tumigil na ito.

"Sorry. Ang cute mo kasi mainis." Diretsong sagot ni Xavier na kinabigla ni Ensley at pag pula ng dalawang pisngi nito.

Nag titigan ang dalawa nang may nag lapag ng pinggan na may laman na pag kain sa harap nila, pag lingon ni Ensley sa taong nag bigay ng pag kain nila.

Nakita niya si Lucas na hindi mapinta ang mukha. "Lucas, ang aga-aga naka kunot yang noo mo." Pag pansin ni Ensley sa kaibigan at hahawakan sana nito ang mukha para alisin ang kunot sa noo nito.

Nang pigilan siya ni Lucas sa pag hawak sa kanang kamay niya, habang nakatitig ito sa kaniya. "M-may problema ba?" Takang tanong ni Ensley sa kaibigan.

Habang si Xavier ay pina-panuod lang ang dalawa. "Wala, enjoy your meals." Sabi nito sa dalawa.

Napanganga naman si Ensley sa naging reaction ni Lucas habang sinusundan niya ito ng tingin hanggang pumasok na ito sa loob.

Nagulat siya nang sinubuan siya ni Xavier ng pag kain sa bibig. "What the-" muntikan na niyang mura.

"Your language, young lady!" Kunwaring tatay na pag sermon nito sa kaniya.

Bumalik na si Ensley sa kaniyang trabaho para sa araw ngayon at nag paalam naman si Xavier na babalik muna ito sa hotel niya dahil baka hinahanap na ito ng mga kaibigan.

Naalala pa ni Ensley ang sinabi ng binata bago ito lumabas ng resto "I'll pick you up later, sabay tayo pumunta sa dalampasigan." Paalala nito sa dalaga bago tuluyan na lumabas na.

Tanghali na at nasa kusina si Ensley dahil inaantay niya ang kaniyang kuya matapos mag luto.

Gusto niya kasi sumabay dito kumain ng tanghalin, yayain niya rin sana sina Lucas at Nora kaso hanggang ngayon hindi pa rin siya pinapansin ng binata.

Iniisip niya kung ano ba yung nagawa niyang kasalanan para magalit ito sa kaniya, ang huli niya maalala ay nilibre pa siya nito ng ice cream kahapon dahil naiinis siya kay Xavier na ngayon ay feeling close na sa kaniya.

"Bunso, doon tayo sa terrace kumain." Sabi ni Logan na nag paalis sa pag-iisip niya.

"Okay!" Masayang sagot naman ni Ensley. Mamaya na lang niya kakausapin si Lucas at hihingi na rin siya ng sorry dahil baka may nagawa nga siya na hindi niya alam.

Masayang nag kukwentuhan ang mag kapatid habang kumakain at nang maalala niya si Lucas.

"Kuya, may alam ka ba kung bakit hindi ako pinapansin ni Lucas?" Pagbasakali ni Ensley kay Logan.

"Lucas?" Tanong nito habang nag iisip.

"Ah! May narinig ako kanina, tungkol ata yon kay Xavier." Hindi siguradong sagot ni Logan.

"Anong meron naman kay Xavier?" Patanong niya sa kuya at sa sarili.

"Kausapin mo na lang si Lucas mamaya baka nag tatampo lang yon-" seryosong paalala sa bunso at "dahil may boyfriend ka na." Habol ng kapatid.

"KUYAA!" inis na sabi ni Ensley sa kuya.

PAGKATAPOS ng shift nila, nilapitan niya agad si Lucas. Nasa likod sila ng resto, katapat ng bahay nila Ensley.

"Lucas, sandali!" Tawag niya sa lalaki at tumigil naman ito para humarap sa kaniya, tinititigan lang siya nito at inaantay ang sasabihin ni Ensley sa kanya.

Nang mapag-tanto na hindi ito sasagot ay nag salita na ulit si Ensley.

"Ano, sorry! Di ko alam kung bakit hindi mo ko pinapansin pero sana wag ka na magalit sa akin." Malungkot na sabi ni Ensley sa kaibigan.

Napabuntong hininga na lang si Lucas, "I'm not mad" sagot ng binata.

Napa-angat naman ang ulo ni Ensley para titigan si Lucas. "Parang baliktad naman yung sinasabi mo sa kinikilos mo!" sarkastik na nag tatampo na sagot ni Ensley.

"Come here!" Pag-aya ni Lucas kay Ensley na yakapin siya.

Lumapit naman si Ensley at niyakap ang kaibigan, kahit babad na ito sa kusina ay mabango pa rin ito.

"Hindi ako galit" paalala nito sa kaniya.

"At saka wala akong karapatan." Mahinang sabi ni Lucas sa sarili.

"Seryoso ka ba diyan? Sabi ko naman sayo kapag may nagawa ako, sabihin mo sakin. Paano ako mag go-grow niyan kung palagi niyo ko bine-baby." Bulong na sagot ni Ensley, pero naririnig pa rin ni Lucas ang mga sinasabi nito.

Bumukas ang pintuan sa back door at lumabas doon si Nora na nagulat sa nadatnan na itsura ng dalawa, nakatalikod ito sa kaniya.

Tinitigan niya muna ang mga ito, at binalewala ang pag seselos. "E-Ensley!" tawag niya sa dalaga.

Nang marinig ni Ensley si Nora, napatulak niya si Lucas nang hindi sinasadya. Nagulat lang talaga siya at baka ano sabihin ni Nora sa kaniya na sinusulot niya si Lucas sa kaniya.

Nagulat din si Nora sa ginawa ni Ensley at si Lucas naman ay agad nakabawi sa gulat at tumayo ito nang ayos, at tumingin na rin kay Nora.

"Ano kasi, hinahanap ka nung Xavier ba yon? Basta ayon. Nasa labas siya." Tuloy na salita ni Nora kay Ensley.

Tiningnan din ni Nora kung ano magiging reaction ni Lucas, pero parang wala lang ito sa kaniya or baka nag kukunwari lang ito na hindi apektado.

Alam ni Nora na matagal na may gusto si Lucas sa kaibigan nito na si Ensley, bago pa lang siya rito sa trabaho niya.

Ayon agad ang napansin niya sa lalaki pero si Ensley, best friend lang talaga ang turing kay Lucas.

Hindi na naka pag paalam si Ensley sa dalawa dahil nag rereklamo na agad ito kung ano na naman ang gusto ni Xavier sa kaniya.

Tuwing nasasaktan si Lucas ay nasasaktan din si Nora pero mas nasasaktan siya kapag masaya si Lucas sa piling ni Ensley na hindi niya magawa man lang.

Nakita ni Ensley si Xavier na nakaupo lamesa na tag four seater, mukhang may inaantay ito. Nang makalapit ito sa lamesa ng binata.

"Ano na naman ang kailangan mo? Akala ko ba mamaya ka pa?" Mataray na sabi ni Ensley.

"Wala man lang Hi diyan? Tinatarayan mo na naman ako." Pakonsenya ni Xavier kay Ensley.

"Gusto mo ata palagi akong nacu-cutan sayo." Preskong habol nito sa dalaga.

"Kung wala kang magandang sasabihin, aalis na ako." Inis na sabi ni Ensley.

Papaalis na sana si Ensley, nang hawakan siya nito sa braso na kinagulat ng dalawa. "Sorry" paumanhin ni Xavier, gulat pa rin si Ensley sa ginawa ng binata.

Bigla siya nakaramdam ng paru-paro sa kaniyang tiyan, nang mag tagpo ang kanilang balat.

Napaiwas agad si Ensley ng tingin sa binata. "A-ano, may s-sabihin ka ba?" hiyang tanong ni Ensley kay Xavier. Hindi makapakali si Ensley lalo na tinititigan siya ni Xavier na naman. "Ayan ka na naman sa titig mo." Nasabi na lang ni Ensley.

"N-nakalimutan ko na sasabihin ko, sige bumalik ka na doon. Papunta na rin mga kaibigan ko rito." Pag tataboy ni Xavier kay Ensley na ikina-gulat nito.

Inis na bumalik na lang si Ensley sa loob ng kusina, kukuha na lang sana siya ng ice cream sa ref nang lumabas si Lucas sa back door, nakapagpalit na ito ng damit.

"Lucas? May gagawin ka ba?" Biglang tanong niya sa kaibigan.

"Wala pa naman, bakit bunso?" Asar nito sa kaniya. Ayaw na ayaw ni Ensley na tinatawag na bunso ni Lucas dahil mga kuya niya lang daw ang may karapatan tumawag sa kaniya non. Sinamaan niya ng tingin si Lucas at tuluyan na kinuha ang ice cream sa loob ng ref.

"Ewan ko sa inyo" inis na sabi ni Ensley, at dinamay pa ang lahat.

"Meron ka ba ngayon, bunso?" tanong ng kuya Logan niya na lalong kinainis niya. Tinawanan na lang siya ng mga tao sa loob ng kusina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status