P R E S E N TMARAMING tao sa loob ng malaking pasilyo na pinag-darausan ng pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang huling baitang sa high school. May mga estudyante na naka suot ng puting toga, magulang na naka-suot nang magarbo para sa okasyon nang kanilang mga anak.Sa harap nang kanilang eskwelahan, maraming mga kapamilya ang nag sama-sama para sa iisang kaganapan ngayon. Makikita sa mga ito ang saya dahil naka pag tapos na ang kanilang mga anak at sa susunod ay sasabak na ang mga ito sa bagong yugto nang kanilang buhay, ang kolehiyo. Lumapit si Ensley sa kaniyang mga magulang para yumakap at humalik sa mga pisngi nito. "Congratulations, anak. Proud kami ng papa mo at ng mga kuya mo sayo" sabi ni Mila sa anak habang nakayakap."Thank you, Mom and Pa!" At humalik sa pisngi ng ina at ama."Bunso, congrats!" Parang bata na sabi ni Logan sa kapatid na babae. "Congrats, bunso!" Sabi naman ng kaniyang kuya Levi na naka-ngiti sa kaniya at hinalikan ang pisngi nito.Nasa likod naman
INAAYOS ni Ensley ang gamit niya at nakapag-ayos na rin ito ng sarili. Tumawag na kanina si Parker, malapit na raw ito sa tinutuluyan niya at tatawag na lang ulit.Nasanay si Ensley na palaging sinusuot ay isang dress or bestida sa Costa, pero ngayon nakasuot siya ng isang high waist na pantalon at maiksing puting blouse na sinuotan nang isang gucci half loafers. "Hello?" Pag kasagot ni Ensley sa kabilang linya. "Nasa baba na ako, ano yung hotel room mo?" Tanong nito sa dalaga. "Ha? Ako na lang baba diyan. Pinababa ko na yung maleta ko diyan, intayin mo na lang ako sa lounge ng hotel." Sagot ni Ensley at hindi na niya inantay sumagot si Parker at pinatay na niya ang telepono.Nasa elevator siya nang maalala na hindi niya pala alam ang itsura nito, kaya tatawagan na lang niya ito mamaya kapag nakababa na siya. Habang nag lalakad si Ensley papunta sa lounge ng hotel ay dina-dial na rin niya ang contact number ni Parker."Alam kong tatawag ka" sagot ng kabilang linya na tumawa pa. "A-a
NAKATAYO lang si Ensley habang nakatitig sa lalaking tinawag ni Parker na Dior. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kaniya, malalagot talaga siya kapag nalaman ng mga magulang niya ito at ng mga kuya niya.Alam niyang madami pa siyang oras para mag isip pero hindi niya pwede sabihin sa mga ito na naubusan siya ng slot sa dormitoryo at ngayon ay nasa bahay siya ng isang lalaki na hindi niya kilala.Hindi niya pwede ma-disappoint ang mga kuya niya at lalo na ang mga magulang niya. Nag sisimula pa lang siya maging independent sa sarili. "Hey!" Tawag sa kaniya ni Dior pero hindi niya ito pinapansin dahil marami ang tumatakbo sa isipan niya. "Hindi ko pwede ma-disappoint sila Mama." Wala sa sariling sabi ni Ensley kay Dior. Hindi alam ni Dior ang gagawin kay Ensley lalo na mukhang nag sisimula na ito mag panic dahil sa naging sitwasyon nito. Malilintikan talaga si Parker kapag nakita niya ito, sabi ni Dior sa sarili. "You can stay here." Walang gana na sabi ng binata kay Ensley a
MAAGA si Ensley nagising dahil sanay talaga ito gumising ng maaga. Iba nga lang ngayon, kung dati nagising siya ng maaga para maabutan ang pag taas ng araw pero ngayon hindi na niya masusubaybayan iyon. Naka suot pa ng pang-tulog si Ensley nang ito'y bumababa sa first floor. Suot niya ang paborito niyang short sleeve checked sa itaas at short checked sa pang ibaba naman na kulay pula. Habang bumababa sa hagdan at tinatali ang maiksi niyang buhok na hirap niya talian ay nakita niya si Dior sa sala na may inaayos na mga papeles at mukha rin itong aalis dahil naka pang alis ito. "Good morning" bati ng dalaga sa binata. "Bago ka kumain, may papapirmahan muna ako sayo." Sagot nito sa kaniya."Ano yon?" Habang nag lakad palapit sa sofa at umupo rito. Inabot naman ni Dior ang mga papeles kay Ensley at sinimulan ito basahin."Oh! Contract?" Tanong ng dalaga more like sa sarili nito. "Don't worry hindi naman kita tatakasan and mag babayad ako. Nabigay na ba ni Parker yung payment ko?" Sabi
SA mga sumunod na araw ay ang ginawa lang ni Ensley ay ang pag iwas kay Dior at hindi naman siya nahirapan dahil ganoon din ang ginagawa nito sa kaniya. Nakaupo at nanunuod naman si Dior sa sala nang bumababa mula sa kwarto si Ensley. Nung mga nakaraan na araw ay nag dadala pa rin si Dior ng mga babae rito sa bahay niya at gabi gabi rin nagigising sa ungol na naririnig ni Ensley sa kabilang kwarto pero ni isang beses ay hindi siya nag salita dito at nag reklamo. "May tirang ulam diyan kung gusto mo kumain." Sabi ng binata sa kaniya. Akala niya hindi siya nito napansin o kung napansin man siya ay akala niya mag kukunwari itong hindi siya nakita."Okay!" Sagot naman ni Ensley "kumain ka na ba?" Habol niya pang tanong pero hindi naman sumagot si Dior. "D-dior, ano kasi—" nahihiyang tawag ni Ensley dito. "P-pwede mo ba akong samahan sa lamesa kumain?" Pag papatuloy ni Ensley sa pag sasalita.Napalingon naman si Dior sa dalaga, hindi makatingin si Ensley dito. Walang sabi sabi ay tumayo
MAY plano na mag kita sina Ensley at Chloe sa isang tea house after class. Itinulak na ni Ensley ang glass door ng tea house at pag pasok niya ay naamoy niya agad ang mabangong aroma ng tea. Dumiretso agad siya sa two-seater na lamesa at hindi muna nag order dahil iintayin niya muna ang kaibigan. May ilan din na mga estudyante ang naroon. Ang ilan ay nag-aaral o kaya nag kukwentuhan.Napansin naman niya si Chloe na pumasok na at tinaas niya ang kaniyang kamay para makita siya ng kaibigan. "Kanina ka pa ba?" Tanong ni Chloe kay Ensley. "No, kakarating ko lang." Sabi nito at ngumiti.Si Chloe na ang nag order para sa kanila, pumunta na ito sa counter at habang si Ensley naman ay nag hintay sa upuan nila.Pagkatapos umorder ay bumalik na si Chloe sa upuan nila, bitbit ang dalawang drinks na inorder nito at tag isang blue berry cheesecake. Madalas sila mag punta sa tea house para mag kwentuhan lang o kaya gumawa ng projects pero ngayon ay kwentuhan lang talaga ang pinunta nila. Sinim
HUMAWAK si Ensley sa jacket na suot ni Xavier para sa suporta. Inalalayan naman siya ni Xavier sa pag yakap sa kaniyang baywang para hindi ito matumba.Kitang-kita sa mga kilos ng dalawa kung gaano sila kasabik sa bawat haplos at halik ng isa't isa. Hindi rin mapigilan ni Ensley ang pag ungol sa loob ng bibig ni Xavier na mas lalong pina-lalim ng binata ang halik sa dalaga. Natauhan na lang si Ensley ng may marinig na ingay sa hindi kalayuan. Tinulak niya si Xavier na hinabol ang kaniyang labi. Napatitig naman si Ensley sa mga mata nito, at pagkatapos ay lumingon lingon sa paligid pero wala siyang nakitang tao. "Ens" pag tawag sa kaniya ni Xavier. Bigla si Ensley napaurong dahil mali ang ginawa nila. MALING-MALI. "S-stop" mahinang sabi ng dalaga sa binata. "B-baka hinahanap ka na sa loob, mauna ka na p-pumasok. S-susunod na lang ako." Habol pa ni Ensley at umiwas ito ng tingin sa kaniya."Ah—" hindi alam ni Xavier ang sasabihin dahil alam niya rin na mali ang ginawa nila at ayaw
NAPASIGAW na lang si Ensley sa gulat at sa nakita nito. Nagising naman si Dior at hinila ni Ensley ang kumot patakip sa kaniyang katawan at mas lalo siya napasigaw ng makita niya ang binata na walang damit maliban na lang sa boxer short nito.Lumaki naman ang mata ni Ensley nang may marinig na tumatakbo papunta sa kwarto kung nasaan sila. Sa taranta ng dalaga ay tinulak niya si Dior sa lapag at sabay nang pagbagsak ni Dior, ang pag bukas nang pintuan ng kwarto kung nasaan sila."ENS! WHAT HAPPENED?" alalang tanong ni Chloe at pumasok na sa loob ng guest room. Nasa harapan naman ng pintuan naka pwesto si Parker. "A-ano! masakit ang ulo ko" which is totoo naman dahil marami siya nainom kagabi. Kinakabahan si Ensley dahil baka malaman ni Chloe ang nangyari. Nakakahiya ang ginawa niya. "Wait! bakit wala kang suot na damit?" takang tanong ni Chloe sa kaibigan. "A-ano, mainit! nainitan ako. Oo, ayon nga!" kinakabahan na sagot ni Ensley.Napansin naman ni Ensley si Parker at kung saan it