Share

CHAPTER 3: Half Siblings

2 years later

“Akin na 'yan! Ano ba! Ibalik mo sa ‘kin ‘yan! Binili ‘yan ng daddy ko!” umiiyak na wika ni Amanda habang binabawi sa kanyang kaklase ang laruang binili ng kanyang daddy para sa kanya.

“Yumaman ka lang ng konte naging madamot ka na. Akin na ‘to. Kasi gusto ko ‘to!” wika ng babaeng may hawak na laruan.

“Huhu please ibalik n‘yo na ‘yan. Regalo sa ‘kin ‘yan ng daddy ko.” umiiyak na pakiusap ni Amanda sa mga ito.

“Nye nye, sige umiyak ka at magsumbong sa tatay tatayan mo” wika naman ng isang batang babae. “Ang sabi ng mama ko ay hindi mo naman siya tunay na daddy kasi anak ka niya sa ibang lalaki. Lumaki ka nga sa squater kasama namin e. Amanda felingera!” ani naman ng isa pa at nagtawanan silang lima.

“Oo nga naman. Amanda felingera! Tulad ng mama n‘ya!” sabi pa ng isa.

“Amanda felingera! Amanda felingera!” paulit ulit na sambit ng mga ito na may kasamang mapang asar na tawa. Napaluha naman si Amanda dahil hindi niya magawang makuha ang kanyang laruan.

“Huhu ibalik n‘yo na ‘yan please.” umiiyak na ani n‘ya at napaupo na lang sa lupa habang umiiyak.

“Hoy! Hoy! Ano ‘yan! Bakit ninyo inaaway ang kapatid ko!” sigaw ni Zeil nang makita sila nito sa di kalayuan nang naglalakad na ito pauwi.

“Hala andyan na ang kuya kuyahan n‘ya! Tara bilis!” ani ng batang may hawak ng laruan. Mabilis na hinulog nito sa lupa ang kanyang laruan at tumakbo papalayo kasama ng kanyang mga kaibigan.

“Amanda ok ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?” nag-aalalang ani ni Zeil nang makalapit ito sa kanya.

Hindi umiimik si Amanda at patuloy lang itong umiiyak.

“Tahan na Amanda. Andito na ako, di ka na nila aapihin. Tumayo ka na r‘yan at baka marumihan ang ‘yong suot.” wika naman ni Zeil habang inaalo ang kapatid.

“K-kuya Zeil.” ani nito at mabilis na tumayo at niyakap s‘ya. Napangiti naman si Zeil sa ginawa ng batang si Amanda.

“Shhh... Tahan na, andito na ako.” pagpapatahan niya rito. “Tara bili na muna tayo ice cream para di ka na umiyak.” ani ni Zeil sa kanya.

Tumango lang si Amanda bago lumapit rito. Agad namang pinahiran ni Zeil ang kanyang mga luha. “Simula ngayon mananagot lahat nang mang-aaway sa kapatid ko ah. Kaya kapag inaway ka nila ulit isusumbong mo sa ‘kin para maturuan ko sila ng leksiyon.” tapang tapangang ani ni Zeil sa kanya.

Ngayon niya lang napagtanto na. Si Amanda na lang ang nag-iisang makakapitan n‘ya sa buhay. S‘ya nalang ang kanyang maituturing na pamilya. At ayaw n‘ya itong makitang umiiyak o sinasaktan ng iba.

“Eh, ang rami kaya nila. Kaya mo ba?” natatawang wika ni Amanda sa kanyang felling super hero na kuya.

“Oo naman, malakas kaya ang kuya mo.” natatawang sabi ni Zeil kanya at ipinakita ang kanyang brasong wala pang muscles.

“Haha di ko alam ang lakas pala maka joke ng kuya kong parang p**e na ‘di nagsasalita.” natatawang wika ni Amanda. Napangiti naman si Zeil nang makita n‘ya itong tumawa.

“Tsk. Sa bahay lang y‘un. Tara na nga. Bumili na tayo ng ice cream bago dumating si Dad.” ani ni Zeil at pinampag ang suot na uniporme ni Amanda.

Agad n‘ya namang dinampot ang laruang naka lapag na sa lupa bago ibinigay sa kapatid. Isa nga pala itong barbie doll na gawa sa matibay na plastic at hindi basta basta napuputol at nayuyupi. Magansa rin ang paglakaugay ng kulot na buhok nito at naka suot ng cocktail dress. Kaya naman ganoon nalang ang pagkaingit ng umaaway kay Amanda kanina.

“Tara na Amanda.” masayang wika ni Zeil sa kanya at nagsimula nang maglakad.

Hindi lubos akalain ni Zeil na mapapalapit ang loob niya sa kanyang kapatid. Halos hindi niya nga kinakausap ito ng matino sa loob ng halos dalawang taon n‘yang pagtira sa kanilang bahay.

“Anong kulay ba ang gusto mo Amanda?” tanong no Zeil sa kanya.

“Gusto ko ng pink!” masayang wika ni Amanda sa kanyang kuya.

“Isa nga pong strawberry at isa rin pong cookies and cream.” ani ni Zeil sa mamang sobetero.

Sa harapan ng kanilang paaralan sa elementarya ay may nagbebenta ng mga i‘bat ibang klaseng mga pagkain. Dito rin s‘ya kadalasang naglalagi habang wala pa ang kanilang sundo para bumili ng pagkain. Napangiti s‘ya nang makitang masaya ang kapatid na ngayon lang nakalabas ng kanilang paaralan para bumili ng pagkain.

“Kuya di kaya tayo pagagalitan ni Daddy?” tanong ni Amanda sa kanya habang naka upo sila sa gilid ng kalsada at kumakain ng fish ball at ice cream.

Mabilis namang umiling si Zeil. “Maaga pa naman. Mababagot lang tayo sa kakahintay sa kaniya. At ‘saka di naman tayo tatawid sa kabilang kanto dahil siguradong mapapagalitan tayong dalawa kapag tumawid tayo at masagasaan.” dagot ni Zeil sa kanya. Napatango naman si Amanda at nagpatuloy sa pagkain.

Mga ilang minuto pa ay bumalik na sila sa loob ng school at naghintay sa waiting shed na naroon.

“Kuya, totoo bang kapag ga-graduate ka nang ng elementary. Hindi ka na dito mag-aaral? Totoo bang sa malayo ka na mag-aaral?” malungkot na tanong ni Amanda sa kanyang kuya.

“Oo Amanda. Nakapasa ako sa Southern Island University Laboratory School. Ang sikat na paaralan sa gitna ng dagat. Halo na rin doon ang high school at college at may sarili rin silang mga dorms.” ani ni Zeil sa kanya.

“Wow, ang ganda pala. Pero malayo ka na sa ‘min nina Mommy at Daddy.” sagot naman ni Amanda.

“Masasanay ka rin'. At ‘saka uuwi rin naman ako kada bakasyon. Kaya kaylangan mo rin na makapasa roon Amanda.” nakangiting ani ni Zeil sa kanya.

Napahinto siya sa pagkwe-kwento nang makita n‘ya ang kanyang uncle sa ‘di kalayuan.

“Amanda teka lang ah. May kakausapin lang ako sagkit.” ani ni Amanda sa kanya.

“Opo kuya.” nakangiting wika ni Amanda sa kanya bago umalis at tumakbong papalakit sa kanyang tito.

“Zeil ready ka na ba? Kaunting araw nalang ay gragraduate ka na. Kailangan mong masanay nang mas maaga na hindi naka depende sa ibang tao. Na enroll na kita kahapon sa SIU-ULS. At kasama mo roon ang pinili kong makakasama mo sa mga balak natin.” mala demonyong ngiting wika ng kaniyang tiyo.

“Opo tito. Ready na po ako.” sagot naman ni Zeil sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimot si Zeil sa nangyari sa kanyang nakaraan. At hanggang ngayon ay daladala n‘ya parin ang puot na nasa kanyang puso.

“Balang araw maipaghihigante ko rin ang Mommy ko.” ani ng batang si Zeil kasabay ng pagtangis ng kaniyang mga ngipin at magkuyom ng kanyang dalawang kamao.

“Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa ni Dad sa mommy ko.”

R.G ROMIE

Hello my beloved readers, salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa ng aking akda. Kung nagustuhan niyo po ito. Pa dagdag na po sa inyong mga library 😊😊😘😘 thank you!! 😘

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status