로그인Hindi inaasahan ni Cielo San Juan na matapos ang apat na taon ay muli niyang makakaharap ang lalaking minsang naging lihim niyang sugar daddy, si Nathan. Hindi rin niya akalain na ito pala ang Chairman at CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Ngunit may mas malaking problemang kinakaharap si Cielo. Ang lalaking nais ipakilala ng kanyang bibong anak at maging Daddy ay walang iba kundi si Nathan mismo. Sa takot na maagaw sa kanya ang anak, determinado si Cielo na itago ang katotohanan. Hindi niya aaminin na si Nathan ang ama ng bata, kahit pa kitang-kita ang pagkakahawig ng mag-ama. Habang mas nagiging malapit si Nathan sa anak, lalo pang titindi ang damdamin niya para kay Cielo, at hindi niya aakalain na darating ang araw na gagawin niya ang lahat para mahalin siya ng babae at mabuo ang kanilang pamilya.
더 보기Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung gaano siya kapalad na dumating sa buhay niya ang kanyang anak.
“Mommy, goodluck po!” pahabol pang sabi ng bata bago excited na hinila patungo sa loob ng mall ang kanyang Lola Criselda.
Napangiti na lamang siya bago nilingon ang driver. “Sa JNQ Building na po tayo, Kuya.”
Umikot lamang ng ilang minuto ang taxi at ngayon ay nakahinto na sa lobby ng matayog na building ng JNQ Group of Companies ang sasakyan. Nagbayad muna siya bago maingat na bumaba. Inunat niya sandali ang suot na pink above-the-knee-length skirt, white silk blouse na pinatungan niya ng kapares na pink blazer. Sandali pa niyang ibinalanse ang sarili sa suot na puting high heels bago isinukbit sa balikat ang puting shoulder bag.
Tuwid ang likod at bahagyang nakangiti ang mga mata niyang lumapit sa receptionist para sana sabihing may meeting siya sa CEO ng JNQ, nang may babaeng nagsalita sa kanyang likuran.
“Ms. San Juan, did I keep you waiting?”
Paglingon ni Cielo, agad sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi nang makilala si Nora Palma, ang maganda at mabait na Executive Assistant ng Chairman and CEO ng JNQ.
“Naku, hindi po. Kararating ko lang.”
Inaya na siya ng EA paakyat sa opisina ng CEO. Sa dulong elevator sila sumakay at mabilis iyong nakarating sa top floor. Pagbukas ng elevator ay bumungad sa kanila ang malaking reception area, kung saan may isang receptionist na nakatayo sa counter habang nakatayo ang isang lalaki na nakasuot ng itim na long sleeves sa gilid.
Sabay na magalang na bumati ang dalawa sa kanya habang pinagbubuksan sila ng pinto ng lalaki.
“Dito tayo sa conference room,” pagyaya ni Nora sa kanya.
Pinaupo siya ng babae at iniabot ang isang kulay itim na folder. “Here is the contract as agreed upon. Review it first and let me know kung may gusto ka pang ipabago.”
Napatango si Cielo upang sabihing naiintindihan niya ang instruction.
“Ms. San Juan, maiwan muna kita. Would you like some cookies, coffee, or tea?” muling sabi ni Nora.
“Okay lang ako, salamat!” tipid niyang sagot dahil gusto na niyang basahin ang kontrata para masigurong nailagay lahat doon ang kanilang napag-usapan bago pa man dumating ang CEO.
Sa mall, nagtatakbo si Sky nang makita ang isang malaking Toy Store.
“Lala, Toys!”
“Skyler!” pasigaw na tawag ni Criselda pero nagtatakbo na ang bata papasok sa loob, kaya matiyaga na lamang niyang sinundan ang apo.
Agad napukaw ang atensyon ni Sky sa isang set ng rubber playground, agad umakyat doon ang bata para maglaro. Naupo naman sa isang gilid si Criselda kung saan naghihintay ang iba pang nagbabantay sa mga batang naroon. Tumunog ang kanyang cellphone sa bag kaya kinuha niya iyon upang tingnan kung sino ang nag-text. Habang si Sky ay nagtungo naman sa mga shelf ng mga binebentang laruan.
Nakita niya ang isang malaking Mixer Truck sa pinakamataas na bahagi ng shelf, ilang ulit siyang lumingon ngunit walang adult na pwedeng tumulong sa kanya.
“Mixer!” halos pahiyaw niyang sabi, ngunit wala pa ring lumalapit para tumulong.
Nagdesisyon siyang akyatin na lamang ang shelf dahil sa tingin niya ay kaya niyang abutin ang laruang Mixer Truck, pero pagkaapak niya sa unang palapag umalog ang shelf kaya bumitiw siya at napaupo sa sahig. Tatayo na sana si Sky nang tumagilid ang shelf at mukhang babagsak sa kanya. Agad siyang napayuko at hinintay na bumagsak ang shelf sa kanyang ulo pero mga laruan lamang ang bumagsak. Napangiwi siya nang tumama ang dulo ng Mixer Truck sa kanyang ulo.
“Buddy! Are you hurt?”
Pag-angat ng ulo ni Sky isang matangkad na lalaki na papatubo na ang balbas ang kunot na kunot ang noo ang lumapit at agad siyang binuhat.
“Jusko, apo ko ba iyon?” natatarantang sabi ni Criselda na mabilis na naglakad patungo sa lalaking buhat si Sky.
Sa tangkad ng lalaki ay kitang-kita niya ito kahit ilang metro ang layo niya. Abala ang lalaki na sinusuri kung may bukol sa ulo ang bata at saka hinimas ang likod nito at tinanong si Sky kung may masakit.
“Sa head po, bumagsak yung truck,” magalang na sabi ni Sky kahit naiiyak na ito sa takot na naramdaman kanina.
“Are you sure, buddy?” nag-aalalang tanong ng lalaki.
Agad sumiksik si Criselda sa mga staff na nakapalibot para makalapit sa dalawa. “Apo, saan ang masakit? Sabihin sa lola.”
Pagkakita ni Sky sa Lola Criselda niya, agad siyang yumakap sa matanda at hindi na niya napigil ang naramdamang takot at bumunghalit na nang iyak.
Lalong nagdikit ang mga kunot sa noo ng lalaki at puminta ang pag-aalala para sa bata.
“Let’s bring the kid to the clinic,” aburidong sabi nito na agad kinuha kay Criselda ang bata para buhatin.
Sumakay sila ng escalator para bumaba ng floor at dinala sa isang satellite clinic ng isang sikat na ospital ang bata. Pagkakita ng mga staff sa lalaki ay agad silang nataranta at inasikaso ang buhat nitong bata.
“Sir, ano pong nangyari sa anak ninyo?” tanong ng isang doktor.
Ipinaliwanag ng lalaki ang nangyari habang si Criselda ay alalang-alala sa apo. Hindi naman niya magawang tawagan ang anak-anakang si Cielo dahil alam niyang nasa meeting ito.
Kailangan ihiga sa kama si Sky para masuri ng doktor, pero nag-iiyak ang bata at kumapit nang mahigpit sa lalaki.
“Sige po, Sir. Ikaw na lang ang maupo at kalungin niyo na lang po ang bata,” utos ng doktor na sinunod naman ng lalaki.
“Takot po ang apo ko sa doktor dahil iniisip niya, babakunahan siya,” paliwanag ni Criselda.
Kumunot ang noo ng lalaki at saka hinaplos ang likod ni Sky. “Remember the Mixer Truck, you were trying to reach earlier?”
Huminto sa pag-iyak ang bata at saka tumango. “It bumped my head. Super ouch!”
Lumiwanag ang mata ng doktor dahil maayos nang nagkukuwento ang bata.
“Do you like that one?” tipid ang ngiting tanong ng lalaki sa bata.
“Yes!” bibong sagot nito habang tumatango.
Sumingit ang doktor sa usapan ng dalawa. “Your daddy will buy that truck for you if you answer my questions. Do you want that?”
Ibinalik ni Sky ang tingin sa lalaki. Kumunot bahagya ang kanyang noo at saka inabot ang pisngi ng lalaki na may mumunting buhok. Naisip ng bata na ganoon pala ang magkaroon ng daddy. May haharang sa shelf na muntik nang bumagsak sa kanya at magdadala sa kanya sa doktor, at kakalungin siya para hindi siya matakot.
Niyakap niya nang mahigpit ang lalaki bago tumango sa doktor.
“G-Gusto mo ring supsupin?” alanganing tanong ni Nikko at nagsimulang sumibol ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.Tumango si Helga. “Gusto kong matutunan.”Iniabot ni Nikko ang hawak na mangga. Napangiti si Helga na tiningnan lang ang prutas sa kamay ng lalaki. Natawa siya at saka iniangat ang hawak na manggang ibinigay kanina sa kanya.“Turuan mo akong lamugin ito,” ani ng babae.Natigilan si Nikko. “S-Sure.”“Ganito muna, ‘di ba?” tanong ni Helga habang hinihimas ang mangga. Napalunok si Nikko.“Tapos ganito?”Natutulalang napatango si Nikko habang sakal-sakal ni Helga ang katawan ng mangga hanggang sa masigurong lamog na ang prutas. Kinurot niya ang dulo ng mangga at saka isinubo iyon sa kanyang bibig para s!psipin.Muling napalunok si Nikko. Umangat ang tingin ni Helga sa lalaki na nakatayo sa kanyang harapan habang s!psip-sips!p pa rin ang mangga. Hindi na nakatiis si Nikko dahil iba ang tumakbo sa kanyang isipan. Napatalikod siya at lihim na napamura. Pasimple niyang nilaland
Pasado alas siyete na nagising si Helga. Agad niyang nilingon ang couch at napakunot ang noo niya nang mapansing walang nakahiga roon. Wala ring unan at kumot. Umikot siya para tingnan kung may katabi siya sa malaking kama, pero nag-iisa lang siya.Sinuklay lang niya ang mahaba niyang buhok at saka lumabas ng silid upang hanapin si Nikko. Naamoy niya na may nilulutong sinangag sa kusina, kaya nagdesisyon siyang bumaba kahit naka-pajama pa siya.Napasinghap siya ng madaanan ang dining hall at makitang napakaraming prutas doon. Pagdating niya sa Kusina, si Macel ang inabutan niyang nagluluto. “Manang, si Nikko po?” Lumiwanag ang mukha ng babae. “Good morning, Ma’am. Nasa manggahan po sina Sir at Bert. Baka pabalik na rin po ang mga iyon para mag-almusal.”“Bakit po kayo narito ngayon? Sinong nagbabantay sa anak ninyo?” nag-aalalang tanong ni Helga.“‘Yung panganay ko po. Kapag Lunes ay hapon pa ang klase niya, kaya siya muna ang nagbantay sa kapatid niya,” paliwanag ni Macel.“Ilang ta
Napangiti si Nikko ngunit hindi pa rin inalis ang kanyang mga kamay sa mga mata ni Helga. Yumuko siya para bumulong sa tainga ng babae. “Sure ka bang ako si Nikko?”“Kilala ko ang boses mo,” katwiran niya habang alanganin kung ngingiti sa kakulitan ng lalaki.“Malay mo ginaya ko lang ang boses niya,” malambing ang boses na bulong ulit ng lalaki.Pakiramdam ni Helga ay may kuryenteng dumaloy sa kanyang kalamnan. Nagtayuan ang kanyang maliliit na buhok sa katawan, kaya naikiling niya ang kanyang ulo upang harangin ang muling pagsasalita ng lalaki sa kanyang tainga.“Nikko, nakikiliti ako,” ani Helga na hindi na napigilang mapangiti habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ng lalaki sa kanyang mata.Iniangat ni Nikko ang dalawang kamay na sinamantala ni Helga para umikot at harapin ang lalaki na ngayon ay napakatamis ng ngiti sa kanya. Nagtama ang kanilang mga tingin at sa pagkakataong iyon parang walang kakayahan si Helga na umiwas. Inayos ni Nikko ang buhok ni Helga na bahagyang humar
“Kumakain ka ba ng longanisa? Specialty ito rito sa Cagayan, kaya ito ang niluto ko. Siyempre, dapat may sunny-side-up at garlic fried rice,” puno ng enerhiyang daldal ni Nikko habang inilalagay sa harap ni Helga ang plato na naglalaman ng lahat ng nabanggit ng lalaki.Pagkuwan ay humakbang ito patungo sa coffee maker at gumawa ng dalawang kape. Inilapag niya sa harap ni Helga ang isang tasa ng flat coffee bago umikot para kuhanin ang sariling plato at naupo sa isang stool sa tabi ng babae.Mangha namang nakatingin sa kanya ang dalaga. Nilingon ni Nikko ang katabi na nahuli niyang nakatingin ngunit agad ding umiwas at nagkunwaring hinihiwa ang longanisa. Sandaling tinitigan ni Nikko ang magandang mukha ni Helga. Walang anumang kolorete sa mukha, ngunit napakaganda pa rin.“Akala ko ba may hinahabol kang meeting?” kalmadong tanong ni Helga habang sumusubo ng pagkain.Tumango si Nikko. “May oras pa namang kumain.”Hindi na kumibo si Helga at nagpatuloy na lang sa pagkain ng kanyang almus
Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window
“Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
평점
리뷰더 보기