Share

Chapter 3 - Baliw Ka At Hindi Makaintindi

NAGPUPUNGAY akong bumangon sa kama at lumingon sa kanan ko para silipin kung anong oras na.

Seven twenty-four ng umaga.

Tuluyan na akong umalis sa kama at uminat sandali bago ko naisipan na lumabas sa kwarto at dumeretso sa ibaba para mag-almusal.

Sabado ngayon at wala kaming pasok sa school kaya mananatili lang ako dito sa loob ng mansyon. P'wera na lang kung may kailangan akong bilin sa labas ay lalabas talaga ako.

Dumeretso ako sa malaki kong kusina at pumunta sa fridge. Pagka-bukas ko pa lang nito ay bumungad na sa 'kin ang iba't ibang pagkain. Chocolates, chips, drinks, fruits, ect.

Pinupuno ko talaga ang fridge ko ng ganitong mga pagkain nang sa ganoo'y hindi na ako lalabas sa tuwing walang pasok sa school. Hindi ko alam pero nasanay akong kinukulong ang sarili sa mansyon na 'to plus hindi ko gusto makihalubilo sa iba.

Nilabas ko yung bread na nabawasan ko kahapon at yung peanut butter na mukhang tumigas na sa lamig. Nilapag ko ang bread sa platong nakahanda na sa lamesa at nagsimula ng maglagay ng palaman sa bread.

Nasa kalagitnaan na ako ng agahan nang biglang tumunog ang door bell sa labas. Napatigil ako at nabitawan ang kutsarang hawak ko. Ramdam ko ang kabang mabilis na bumalot sa aking dibdib. May tao sa labas ng pintuan ko? Imposible!

Napalingon ako sa pintuan kong nakasara. May kapitbahay ako kaya sigurado akong sa kanya ang door bell na tumunog. Malalim akong napabuntong hininga at muli binalik ang mga mata sa pagkain ko.

Tumigil na ang tunog. Pinapasok na siguro siya ng kapitbahay ko. Pero bakit natatakot ako? Bakit kinakabahan ako? Napatingin ako sa tinapay kong hindi naubos dahil hindi ko na nagalaw. Napapikit ako ng mariin. Pilit kinakalma ang sarili. Hanggang sa napadilat ako at napatayo sa gulat nang paulit-ulit tumunog ang door bell ko sa labas.

Sunod sunod tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa pintuan kong maayos na nakasara nguni't walang seradura. Wala akong ka kilala o kilalang tao pero sino ang nasa labas?

Hindi ako makapag-isip ng maayos sa takot na baka hawakan nito ang busol at makapasok ng malaya papunta sa 'kin kinatatayuan. Umiling ako. Hindi pwede.

Dahan dahan akong lumakad palapit sa pintuan. Para bang takot na makagawa ng ingay. Sino ba ang nasa likod ng pintuan ko? Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman kumirot ito.

"Kung ang isang halimaw na katulad mo'y hindi ko mabago, patawad.. Pero kailangan kitang patayin"

"D -dad, no.." pagmamakaawa ko kay dad "p-please.. " at sinubukang lumapit sa kanya para kunin ang bagay na hawak niya nguni't napatigil ako nang makitang umiling ito, "Patawad, prinsesa, patawad"

Napahikbi ako. Tila isang sira na plangka ang paulit ulit na umecho sa aking tainga. "N-no, wag ngayon, p-please" lumalabo na ang paningin ko nguni't pinilit ko pa rin makalapit sa pintuan.

"Die, Alisa, Die!" Sigaw ni Dad kay Mommy na wala nang buhay at hindi makilala ang mukha dahil nababalutan na ito nang sarili niyang dugo.

Tuluyan na akong napahagulhol habang nasa harapan na ako ng pintuan at hawak ko na ang busol. Bakit? B-bakit pakiramdam ko'y nasa harapan ko rin ang taong tatapos sa 'kin?

Nanghihina akong napaupo sa sahig. Hindi na napigilan ang sarili at napahagulhol na. Labis akong binabalot ng takot at hindi ko na kayang pigilan pa. Hindi ko na kayang maging matapang pa.

Nakayuko lang ako at patuloy na lumuluha. Malaya ako sa lahat pero pakiramdam ko'y nakakulong pa rin ako. Na kahit anong pilit mong kumawala nakatali at nakatali ka pa rin sa kadenang nakaraan.

Narinig ko ang malakas na pagpihit ng pintuan sa aking harapan. Napapikit ako. Hinihintay ang sunod na gagawin nito. Dapat ko na bang tanggapin na hanggang dito na lang ako?

"What the fck!?" Rinig kong sigaw ng isang estrangharo na nakatayo ngayon sa aking harapan. Nakatungo ang ulo ko kaya hindi ko makita ang mukha nito.

"Alecia?" Napasinghap ako ng maramdaman ko ang dalawang niyang kamay na lumapat sa aking balikat. "What happened?" Tanong nito subali't parang wala akong narinig dahil agad akong napalayo.

"N-no, please, w-wag mo ako sasaktan.. " umiiling kong wika. Nagmamakaawa.

Napabitaw siya at tila napaso ng sabihin ko 'yon. "N-no, Hindi kita sasaktan." Aniya. "Bakit ko naman gagawin iyon?" Dagdag niya, tila nagtataka. Dahan-dahan kong inangat ang ulo at nagulat nang makita kung sino ang nasa harapan ko.

"Lukas?" Tila natuyo ang aking mga luha at umurong ang aking dila. Bakit nandito siya?

Napahawak ako sa dibdib nang kumirot ito. "Alecia, okay ka lang?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Bakit pakiramdam ko'y ang bigat-bigat ng puso ko? Si Lukas na ang kaharap ko pero natatakot pa rin ako. 'Ano bang nangyayare sa 'kin?

Napagitla ako ng hinawakan niya uli ang dalawa kong balikat. "I'm asking you, Alecia. I said are you-" mabilis kong tinanggal ang kanyang mga kamay sa balikat ko at tumayo.

"Leave." Utos ko at tinuro pa ang malaking pintuan kong nakabukas.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Inuutusan mo ba ako?" Umiling ako. Mahina siyang tumawa dahilan lumitaw ang kanyang malalalim na dimple.

"Gusto mo akong paalisin pagkatapos kitang tulungan at tanongin kung okay ka lang?" Napakunot noo ako.

"Hindi ba uso sayo ang salitang 'Thank you?" Medyo mapanuya niyang tanong.

Nanunumbat ba siya?

"Sandali nga. Ang pagkakaalam ko'y hindi ko hiningi ang tulong mo, Lukas." Mahinahon kong sinabi. "At isa pa hindi rin ako humihingi ng tulong sa iba." Aniya ko.

"What?" Tanong niya.

"Narinig mo na sinabi ko. S-so please, get out." Ulit ko ngunit tumawa lang ito.

"Ibang klase ka rin, grabe!" Singhal niya sa kawalan. "Tama nga sila.." wika niya at tumingin sa 'kin. "Baliw ka at hindi makaintindi." Agad nagbago ang mahinahon kong mukha at ramdam kong tumigil ang aking paghinga ,tila nasakal sa sinabi niya.

Pinilit kong pinatatag ang sarili sa harapan niya at sinubukan buksan ang labi para magsalita subali't umurong ang dila ko.

Bakit?

Rinig ko ang mahinang sipol ni Lukas bago ngumisi. "So, that's true?" Mapanuya niyang tanong. Hindi ako nakasagot.

"Totoong bali-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil tinalikuran ko na siya nguni't bago iyon ay nagsalita ako.

"Umalis kana." Matigas at may babala kong sinabi bago ko siya tinalikuran at dumeretso sa hagdan pataas sa aking kwarto ko.

Nawalan na ako ng gana. Siguro'y mamaya na lang ako kakain.

--

"Bwisit na lalaking iyon!" Inis kong bulong habang nakaupo sa nguso ng kama ko. "Saan siya kumuha ng lakas na loob para sabihin iyon sa 'kin!" Ani ko. Naiinis kong ginulo ang aking buhok. Baligtarin niya pa ang mundo wala siyang karapatan sabihin iyon lalo na't hindi ko siya kilala at trespassing pa!

"Tama nga sila.." Wika niya at tumingin sa 'kin. "Baliw ka at hindi makaintindi." Napapikit ako. At dahil doon ay tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam na gano'n ang tingin sa 'kin ng iba lalo na sa kanya.

"Oo, Baliw ako at hindi makaintindi. Ano bang pakealam nila!? Buhay ko 'to! Kung pangit ang imahe ko sa kanila, wala na rin akong pakealam do'n!" Sigaw ko. Nasasaktan. "M-mahirap para sa 'kin ang ganito.. kahit ako naguguluhan na. Hindi ko na maintindihan ang lahat.." nakikisabay na lang ako sa ihip ng hangin. " Napapagod at nasasaktan na rin ako.." bulong ko sa kawalan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status