Laglag ang panga ng gwapong waiter nang pakawalan ko siya mula sa pagkakahalik. Kumunot ang noo nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na tila nagtataka at sinusuri ako. Nagtaas ako ng kilay at nilinga ang paligid para makasigurong wala na roon ang lalaking tinatakbuhan ko.
"Miss, ano yun? Hindi ako madadaan sa halik bilang kabayaran sa mga inuming itinapon mo no." Sabi nito habang inginunguso ang tray. Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya. "Parang ikaw pa yung nalugi a. I'll pay you! Magkano ba iyan?" Iritado kong utas. "Limang libo. Tsaka, yung halik, hindi libre iyon. May bayad din 'yun kasi ginamit mo 'ko para layuan ka nung gym instructor na may British accent, hindi ba?" Sagot nito na tila may malaki akong atraso sa kan'ya. Napakurap-kurap ako sa akusasyon niya ngunit hindi ako makaangal dahil tama naman siya. "Magkano ka ba?" Tanong ko habang pinagtataasan siya ng kilay. "Ay, hindi ako nabibili, miss. Yung serbisyo kong halik ang babayaran mo." Paliwanag niya. I rolled my eyes. "Magkano nga?" Tanong ko pabalik na ikinahalakhak niya. "Joke lang, miss. Libre na iyon para sa'yo. Basta bayaran niyo na lang po itong natapon, limang libo po kasi ang ikakaltas sa'kin e hindi na nga sapat ang perang kinikita ko." Paliwanag nito habang ang isang kamay ay nasa likod ng batok. Nakaramdam ako ng bahagyang awa sa lalaki kaya nagpaalam ako sa kanya na babalikan ko ang bag sa table namin nina Kurt para mabayaran na siya. Pumayag naman ito ngunit nang makabalik ako sa kinatatayuan namin kanina ay wala na siya roon. Naisip kong baka nag-serve ito sa ibang table kaya sinikap ko na lang munang punasan ng tissue ang parte ng dress ko na nabasa. Naupo ako sa counter at naghintay matapos bahagyang matuyo ng dress ko. Umorder na lang muna ako ng drinks at tinanong ang bar tender. "Nakita mo ba kung saan nagpunta yung matangkad na waiter kanina? Yung g-gwapo?" Tanong ko sa bar tender. "Ah si Baste. Opo, kinausap lang po nung manager sandali. Hintayin niyo na lang po muna riyan." Paliwanag nito. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Ilang minuto ang lumipas ay walang Baste na nagpakita. Nahanap na rin ako ni Kurt at Amy pero hindi ko pa rin nakita ang waiter. Nang bumalik sa dancefloor ang mga kaibigan ko ay sinubukan kong lumabas ng bar na iyon. Balak kong magpahangin muna tutal ay mukhang mamaya pa matatapos ang usapan ni Baste at ng manager nila. Nang makalabas ako ay nakaramdam ako ng ginhawa mula sa mataong bar. Maya-maya pa ay nakita ko si Baste na naglalakad sa sidewalk. Bagsak ang kanyang balikat habang sukbit ang itim na bag pack. Hindi na rin nito suot ang uniporme, malamang ay natapos na sa shift niya. Hinabol ko siya ngunit malalaki ang mga hakbang nito. Tinawag ko ang pangalan niya kaya napalingon at napatigil ito. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha nang lingunin ako, marahil ay nagtataka dahil alam ko ang kan'yang pangalan. Patakbo akong humakbang at nang makahabol sa kan'ya ay nagsalita ako. "Tapos na ba ang shift mo? Paano yung bayad sa natapong drinks?" Tanong ko. "Hayaan mo na, miss. Nasisante na rin ako dahil raw sa pakikihalubilo ko sa mga customer." Paliwanag nito na ikinagulat ko. Bahagyang sumilay ang guilt at konsensya ko sa tinuran niya. "Ano? Seryoso?" Nagtataka ko ring tanong. Tumango siya. "Parokyano na kasi namin iyong tinatakbuhan mong lalaki sa bar, Miss. Trip na trip ka po yata kaya nang makita niyang naghahalikan tayo, ayun, isinumbong ako sa management." Sagot niya na may lungkot sa boses. "Sorry, ha. Nadamay ka pa sa pinasok ko." Nakukunsensya ko namang tugon. Hindi siya nagsalita ngunit patuloy kaming naglakad sa sidewalk. "Uhm babayaran ko na lang sa'yo yung natapon na drinks." Basag ko sa katahimikan. "Naku, miss, ayos lang. Hindi ko rin naman gusto yung ginagawa ko roon. Pinadali niyo lang ang pag-alis ko. Sa katunayan, pa-resign na po talaga ako roon." Seryoso nitong paliwanag. "E ano bang gusto mo?" I curiously asked. Nilingon niya akong may halong pagtataka habang patuloy kami sa paglalakad. "Marami akong gustong gawin sa buhay, Miss. Gusto kong libutin ang mundo at ipinta ang magagandang lugar na mapupuntahan ko." Paliwanag niya na ikinatango ko. Our conversation puts me at ease. As far as I know, the more he answers my questions, the more I become curious about him. Mas naging immerse din ako sa mga kwento niya. May kakaiba kasi sa kan'ya na hindi ko nakikita sa iba maging kay Jude. He's honest and kind. "So, pangarap mong maging pintor?" Pangungumpirma ko. "Architect, Miss. Kaya lang hindi pangmahirap ang pangarap na iyon. Ang mahal kaya ng mga dekalidad na art materials at tuition f*e. Mas gugustuhin ko na lang na mapag-aral at mapakain ang mga kapatid ko kaysa ibili ko ng ganun." He answered. He stopped walking and looked at me. Napatigil rin ako sa ginawa niya. "Eh ikaw, Miss, bakit ka ba nasa bar?" Kuryoso niyang tanong. "Naghahanap ng lalaki." Sagot ko kaya nalaglag ang panga nito. Hindi niya yata inaasahan ang isasagot ko pero bago pa niya ako akusahan nang kung ano ay nagsalita na ako. "Hindi ko naman ginusto iyon, nagkataon lang na inaya ako ng mga kaibigan ko para magsaya." Karagdagan kong paliwanag. Tumango-tango siya. "Maghahanap ka ng lalaki para sumaya?" Kunot noo at naguguluhan niyang tanong. Hindi ako nakasagot sa kan'ya kaya humingi ito ng pasenysa. "Pasensya na, Miss. Na-offend ka yata sa tanong ko." Nagpatuloy kami sa paglalakad sa maliwanag na sidewalk na iyon. Hindi namin alintana ang magagarang sasakyang nagdaraan maging ang mga taong naglalakad. "May pupuntahan ka pa ba, Miss? Kasi pauwi na ako." Tanong niyang bumasag sa katahimikan. Umiling ako bilang sagot. "Gusto mo bang itawag kita ng taxi?" He offered. "Huwag na. Nag-dinner ka na ba?" I asked. Umiling ito. "Hindi pa, Miss. Sa bahay na lang." Kaswal na sagot nito. "N-no, let's go somewhere else. Libre ko na para makabawi ako sa'yo. May malapit bang resto rito?" I offered. "Hindi na talaga, Miss. Uuwi na lang ako." Pagtanggi nito. Lumingon ako sa paligid at nang makakita ng steak house ay hinila ko na siya. Ramdam ko naman ang pagsunod niya ngunit pilit pa rin siyang tumatanggi. Mabuti na lamang at nahila ko siya papasok roon. Binati agad kami ng waiter at inihanap ng mauupuan dahil wala naman kaming reservation. Nang makaupo kami ay roon ko nakitang nakayuko lamang si Baste. "Okay ka lang?" Tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa'kin pagkatapos ay bahagyang inilapit ang mukha para bumulong. "Ang sosyal naman dito, Miss. Hindi bagay itong suot ko." Sabi nito. Napatingin naman ako sa damit na suot niya. He's wearing a baggy shirt, a pair of jeans, and a worn out sneakers. "Wala naman silang pakialam basta may pambayad tayo no." I assured him. Napangiti ito kaya ibinigay ko na sa kan'ya ang menu. Habang pumipili siya ng pagkain doon ay napatanong ako. "Ilan ba kayong magkakapatid?" Natigilan siya at napatingin sa'kin. "Tatlo, Miss. Parehong babae yung mga kapatid ko. Isang 18 at isang 15 years old." Sagot nito at nagpatuloy ulit sa pamimili ng pagkain. "Ang hirap namang bigkasan ng mga pagkain dito, Miss." Kumento pa nitong bahagyang natatawa habang nakatingin sa menu. Nang makapili ito ay tinawag ko na ang waiter para sa aming order. Nag-buhos rin ng wine ang waiter sa aming mga wine glass. Habang naghihintay kaming dumating ang order namin ay nakapag-kwentuhan pa kami hanggang sa matigilan ako nang makita ang pagpasok ni Jude sa restaurant kasama si Catherine. Gusto kong magtago pero nagkatagpo na ang mata namin ni Jude. Matalim ang kanyang mga tingin habang hawak sa baywang ang babae. Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya at ibinaling na lamang ang atensyon kay Baste na kasalukuyang nagke-kwento tungkol sa mga naging karanasan niya sa mga customers nila sa bar. Hindi na ako makapag-focus roon kaya nagpaalam akong magtutungo sa rest room.I survived that first day at work. I was so exhausted because aside from dealing with work, I was also overthinking the rumors. After my worries about my supposed confrontations with Baste, I'm here again to worry about something. This is an emotional and a mental torture. I wanted to raise it to Perry but it was obvious that she was also clueless about the rumors. Mukhang walang alam yung mga employee ni Baste. Or maybe, they are just silent about it. Friday came and Ate Caroline wanted me to join her and the kids to lunch. Kaya nagpaalam na muna ako kina Perry na hindi ako makakasabay sa kanila. Kahit na nahihiya akong mag-lunch out nang maaga ay nagpaalam pa rin ako Kay Sebastian. It was so hard entering his office. Para akong yelo na nanigas na lang sa hamba ng pintuan ng kan'yang opisina. Kumakatok pa lang ako ay ramdam ko na ang kaba. Most days, hindi naman kami nagkaka-engkwentro dito sa trabaho dahil pareho kaming may pinagkakaabalahan. It's a good thing not to see him
"A-ate Gabby?" Halos pabulong na nasabi ng gulat na si Macy. Tila hindi pa siya nakakaahon mula sa mga nakikita. Nangilid ang mga luha sa mata ko dahil sa takot. I'm scared that Baste might find out right away since I never prepared myself for this kind of situation. This isn't what I expected. Bumping into Baste's sister isn't on my bingo card. I froze at the moment at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I want to run away and hide. "Y-you have kids." Kumento nito na lalong ikinatuyo ng lalamunan ko. This girl has a hunch already. My kids look like her brother. She was a bright girl, as I remember. At alam kong hindi na maikakaila lalo pa at siya ang nakakita sa'min. She knew the moment she saw me with them. "T-they look like Kuya..." She said, almost like a whisper. Doon na tumulo ang mga luhang pinipigilan ko sa pagtulo. Hindi ko na malaman ang gagawin ngunit dumating si Kurt at tinawag ako. Nilingon ko siya kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha. Ha
Every time I see Sebastian, it's like I'm walking on thin ice. He almost busted me when he saw me carrying Josiah at the party. Parang divine intervention na nga lang ang pagdating ni ate Caroline para iligtas kaming mag-ina sa sitwaston na iyon. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa'kin ang susunod na magiging hakbang ni Dad. Pero, dahil nakuha na niya ang gusto niya, naniniwala ako na malayo pa sa katotohanan si Sebastian. My dad won't let me down unless he's got something from it. "What are you thinking?" Tanong ni Jude upang mabasag ang katahimikan. Halos hindi ko na namalayan na nakatulala pala ako at hindi ko na nagagalaw ang pagkain ko. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at hilaw na ngumiti. "Wala naman," tugon ko na medyo nahihiya. After weeks of calling me, napaunlakan ko rin si Jude para sa isang dinner. It's just a friendly dinner for me. But I know that deep within him, it's something different. Ito pa ang isa sa mga hindi ko maintindihan- how my feelings for him chan
Hindi na rin ako nagtagal sa lunch na iyon. Nagpaalam na ako agad pagkatapos kong kumain dahil alam kong kapag nagtagal ako ay baka pumayag ako sa trabahong inaalok sa'kin ni Sebastian. Hindi iyon kasama sa plano ko. Dalawang buwan lang kami dapat rito ng mga bata. Baka kapag nagtagal pa kami ay malaman ng lahat ang tungkol sa kanila. Ngayon pa lamang bumabango muli ang pangalan ni Daddy sa mga investors. At natatakot ako na baka kapag nakarating na naman sa media na nagka-anak kami ni Sebastian ay hindi na makaangat muli ang negosyo ng pamilya namin. "Think about it. I'm willing to wait." Seryosong sabi ni Baste bago ako bumaba ng kan'yang sasakyan. Hindi madaling makasama ulit siya. Hindi pa rin malinaw kung bakit iniwan niya ako sa ere noon. At ayoko nang ungkatin pa iyon. It's best not to be involved with him again. Pagdating ko sa unit ay wala pa ang mga anak ko roon maging si Manang Lydia. Wala rin namang mensahe kaya tinawagan ko na si Ate Caroline. Ngunit hindi rin ito s
What? A-are you sure about that, Ms. Brenda? Is that what he told you?" Sunod-sunod kong tanong sa amo ko habang unti-unting kumukulo ang dugo dahil sa nalamang impormasyon mula rito. "He liked you. And I don't see the need to turn down the offer. It will be more convenient for you. You are already there in the Philippines." Paliwanag ni Miss Brenda. Kagat-kagat ko ang aking labi at pakiramdam ko'y magdurugo na ito. "I will think about it, Miss." Sagot ko at mabilis na tinapos ang usapan. Ayon sa kan'ya, Sebastian learned a lot of insight from me and he wanted to hire me as his marketing executive. As far as I know, we didn't talk about business last night and he kept rubbing salt on my wounds. What a liar?! Halos magngitngit ako sa galit kaya nang matapos ang tawag na iyon ay malakas kong nasipa ang basurahan sa kwarto ko. Mabilis ko rin namang itinayo ang kawawang basurahan at lumabas na ng kwarto para ipagluto ng breakfast ang mga bata. "Para kang may kakatayin dahil sa
My mouth went dry as I sat down. His low voice is full of authority. Ano ba itong pinasok ko? I faked my composure habang hinihintay siyang makaupo sa harapan ko. Hinubad niya ang kan'yang suit at isinabit iyon sa likod ng kan'yang upuan pagkatapos ay niluwagan nang bahagya ang kurbatang sumasakal sa kan'yang leeg. Naupo siya sa upuang nasa harap ko pagkatapos ay nilingon ako. Our gazes met each other. Unlike before, I felt uncomfortable with his stares right now. Something has changed, I know. He's not the same anymore. "Do you want to order first before we talk about business?" Nagtaas siya ng kilay sa seryosong ekspresyon at tono ng pananalita. "Sure." Tipid kong sabi habang tinatantsya ang taong kausap. Tahimik ang paligid habang nakatingin ako sa menu. Ang totoo, walang pumapasok sa kokote ko dahil sa presensya niya. Hindi ko rin binabasa ang mga putaheng naroroon dahil ramdam ko ang bawat pagsulyap niya sa direksyon ko. I want to act casual as much as possible.