Share

Chapter 11 SET YOU FREE

ERICA

Nang makalabas sa garahe ang kotse ni Troy ay dali-dali din akong lumabas para sundan siya, hindi na ako nagpaalam pa kay Manang. Dahil alam kong hindi niya ako papayagang lumabas o umalis. Siguradong uusisahin lang ako non. Napansin ako ni Kuya Arman na nagmamadali sa paglalakad.

“Ma'am, saan ho kayo pupunta? Bakit hindi pa kayo sumabay kay Boss? Kakaalis lang niya ah?” Tanong niya sakin ng mapansing sa main gate ang direksyon ko.

“Diyan lang ho ako,” sagot ko at tumakbo palabas. Dahil alam kong hindi niya ako papalabasin dahil bilin sa kanila ni Troy na kapag aalis ako kailangang itawag muna sa kanya para ipaalam. Dinaig ko pa ang preso sa bahay na ito. Sakto namang may dumaan na taxi pinara ko at sumakay. Nilingon ko si Kuya Arman, nakita kong napakamot ito sa ulo habang nakatanaw sa papalayong taxi na sinasakyan ko. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag kay Troy kung pagalitan man siya.

“Uhm, Manong pakisundan niyo po yang puting kotse na nasa unahan." Utos ko sa driver.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status