ERICA
Pagbaba ko ay nakita ko si Fatima at prenteng nakaupo sa sofa. Naka dikwatro ang paa na para bang nasa sariling bahay lang. Nakita niya agad ako. "Hi good morning." Bati niya sakin.Tumayo siya at lumapit sakin."Good morning." Sagot ko. "Balita ko hinahanap mo raw ito?" Sabay abot sakin ng wedding tape namin ni Troy.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kinuha ko sa kamay niya at nilagay sa dibdib na parang niyayakap ko.
"Bakit na sayo to at san mo nakuha to? Paanong napunta to sayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.Sobrang saya ko dahil nasauli na sakin ang tape napakahalaga nito sa buhay ko. Napangiti siya. "Oopps! Dahan-dahan lang someone told me to give it back to you." Sabi niya. Napaisip ako pinakiusapan siguro siya ni Troy na ibalik ito sakin kasi alam niya kung gaano ito kahalaga sakin.
"I can't understand what's going on between the two of you guys hindi pa kayo ganun katagal na kasal. You guys are newly wed don't fight with each other always." Mahaba niyang litanya. Tiningnan ko siya at seryoso ang mukha. "Thanks sa concern and advice mo Fat pero normal lang sa mag-asawa ang magtalo o mag-away." Sagot ko sa kanya. "Talk to each other always para maayos niyo kung ano man ang problema nyo." Dagdag niya.
"Si Troy kasi ang weird niya nitong mga nakaraan hindi ko siya maintindihan bigla-bigla na lang nagbabago ang mood niya sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko alam kung may problema ba siya." Paliwanag ko sa kanya. "Maybe its because you offended him last time sa veranda remember?" Sabi niya.
I shrugged my shoulder bilang senyas na wala akong ideya. "Ikaw baka may alam ka?" Tanong ko sa kanya. Medyo may diin ang pagkakatanong ko. Nabigla siya sa sinabi ko mukhang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. "Paano ko malalaman? Teka you are the closest one to Troy asawa ka niya if you don't know who else does?" Balik tanong niya sakin. "No, you're also close to him." Sabi ko sa kanya.Napaatras siya. "I saw him taking a ride with you." Dagdag ko.Bakas sa mukha niya ang gulat at tumawa lang ito.
"You still remember that? I'm his secretary nakalimutan mo na ba? And last time, he was asking me to help him to arrange for your candle light dinner. Besides, I think he was provoking you. To make you jealous." mahaba niyang litanya."To make me jealous? Bakit niya naman ako pagseselosin?" Tanong ko ulit."I don't know you may please him and say sorry to him and it'll be okay." payo niya sakin.Napaisip ako sa sinabi niya. Please him and say sorry to him? Pero hindi ko na yun sinambit pa sa kanya.
Pero bago umalis si Troy kanina ay may iniwan itong bulaklak sa side table ng kama namin.Sigurado akong sa kanya yun galin at hindi na rosas ang binigay niyang bulaklak. Nginitian ko siya. "Tara sabayan mo na akong mag-almusal doon na tayo mag-usap habang kumakain." aya ko sa kanya.Tumango siya. "Okay!" Naapreciate ko naman si Fatima mabait siya sakin palagi nga lang talaga siya pumupunta sa bahay. "Troy give me a flower to express his apology paano kaya kong ako naman ang magbigay ng sorpresa sa kanya?" Nakangiti kong tanong habang kumakain kami.
"Your husband is a very busy person actually almost everyday halos hindi na nga siya makapagpahinga he is the President and CEO of SGC maybe you let him play some small games and have a relax." Sabi niya. "Alam kong busy na tao ang asawa ko kaya nga gumagawa ako ng way para makapagpahinga siya that's why I'm asking your opinion kasi ikaw naman ang palagi niyang kasama sa trabaho." Sagot ko sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi ko."Well, ahhm why don't you try this application game? It has a lot of funny games siguradong matutuwa siya ano sa tingin mo?" Sabi niya sabay abot sakin ng cell phone niya para makita ko ang app na sinasabi niya. Tumango ako sa kanya. "Wala ka na bang ibang naiisip bukod diyan? What I mean is isang bagay na makakapagpasaya sa kanya?" Tanong ko.
"Well I have no other ideas Troy already has everything in life. Lahat ay nasa kanya na at kaya niyang bilhin lahat ng gugustuhin niya. But wait have you tried to compared him with other men? Parang may kulang sa kanya para bang may bagay or taong napakaimportante sa kanya tapos nawala." Pag-iiba niya ng usapan.
Napatigil ako sa pagkain at tiningnan siya. I stared her for a while at si-nink-in muna sa utak ko ang sinabi niya."Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. "Ha? ah eh... ano... sige ha mauna na ko may pupuntahan pa pala ako nakalimutan ko na by the way thank you sa breakfast. Bye!" Nauutal niyang sagot sakin mabilis siyang tumayo at uminom ng tubig saka nagbeso sakin at nagmamadaling umalis na akala mo ay may naghahabol sa kanya.
"Anong nangyari dun?" Usal ko na lamang. Hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi napailing nalang ako baka next time ko nalang itanong sa kanya kapag pumunta ulit siya dito. Mahaba-haba din ang napag-usapan namin ngayon sinundan ko na lang siya ng tanaw. Ang weird ng mga kilos niya at hinayaan ko nalang. Binilisan ko na ang pagkain at pagkatapos ko ay pupunta ako ng library.
* * * *
Araw ng sabado ngayon habang nagbubukas ako ng bintana ay natanaw ko si Troy nasa hardin siya at nagdidilig ng mga rosas. Alam niyang alergy ako sa mga rosas pero nagtanim parin siya inintindi ko nalang. Mahilig kasi sa mga bulaklak ang mommy niya baka namana niya ito doon ang pagkahilig sa mga halaman. Bumaba ako at pinuntahan siya.
Lumapit ako sa kanya sa bandang likuran niya baka masagi ko ang mga rosas at mamantal na naman ang balat ko. Iwan ko ba kung bakit ako allergy sa napakagandang bulaklak na ito. "Hi good morning! Sinipag ka ata magdilig ngayon?" Bati ko sa kanya. Nilingon niya ako pero tuloy parin siya sa pagdidilig at hindi niya ako sinagot.
"Do you like rose that much? Kasi kapag narito ka lang sa bahay ay palagi mo silang dinidiligan?" Tanong ko sa kanya. "I've put some of my energy into this rose kasi sentimental to sakin." Sagot niya ng hindi ako tinitingnan.He's cold again. "Ahm, well I can give you some gift just equal to the value of these roses gusto kong mag sorry sa ginawa ko sa veranda dapat tiningnan ko muna yung paint mo bago nagsalita masyado lang ata akong assuming." Mahabang sabi ko sa kanya.
Napalingon siya sakin at taka akong tiningna he grinned. At pinatay ang gripo. "I don't like gifts I don't need other things. You know that." Sabi niya. "Then what do you want?" Tanong ko. Lumapit siya sakin at dahan-dahang yumuko palapit sa mukha ko naamoy ko na ang mabango niyang hininga. "You." He paused his words.
Then he grinned again. Nanlaki ang mga mata ko nabigla ako sa sinabi niya. Feeling ko ang pula ng pisngi ko. "I'd like you to help me catch some worms." Halos pabulong niyang sabi. "Parang iba ang pumasok sa utak mo? Forget it at magpalit ka ng damit." Sabi niya sakin. "A-aano? C-catch worms?" Nauutal kong sagot.
Sa isip-isip ko bakit mangunguha kami ng uod? Para saan ang uod? Hindi ko na binanggit sa kanya ang saloobin ko baka sabihin niyang nag-iinarte ako. Nagtataka lang ako kasi ngayon lang to nangyari ang yayain akong samahan siya sa paghuli ng mga uod."Ayaw mo? Akala ko ba gusto mong bumawi pero hindi kita pipilitin bumalik ka na lang sa loob." Daddag niya."F-fine I'm going with you saglit lang hintayin mo ko magpapalit lang ako." Sagot ko.He nodded. "Hurry up ayoko ng pinag-hihintay ng matagal saka baka abutin tayo ng tanghali."Dali-dali akong pumasok sa bahay at kailangan kung magpalit dahil naka white dress ako.
Nang bumalik ako sa labas ay nakita ko siya prenteng nakasandal sa poste at naka pamulsa at mukhang naiinip na siya saglit nga ang ako e. Lumapit ako sa kanya.
"Let's go." aya ko.
"What take you so long?" Nilingon niya ako mukhang nagulat siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Really? Yan ang susuotin mo?Dinaig mo pa ang muslim sa pagbalot ng katawan tumingin ka ba sa salamin bago lumabas? At saka ang init-init napakaexaggerated mo."
Sabay hablot niya sa panyong naka takip sa mukha ko.Tumahimik na lang ako at hindi siya sinagot baka mag beast mode na naman to.
Grabe naman siya para takip lang ee malay ko ba kung mabaho ang amoy ng uod may dala rin akong kutsilyo at timba ewan ko ba kung bakit ko naisipan to.
"Alam mo ba kung bakit ganito kaganda ang mga bulaklak ng rosas?" Bigla na lang niyang tanong out of nowhere.
Nagtaka ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Ano mag dadrama na lang ba kami dito? Akala ko ba mangunguha kami ng uod bakit parang bigla siyang nag-iba. Ano kaya ang nasa isip niya?
"Anong ibig mong sabihin? Sigurado naman akong dahil sayo kaya magaganda sila inaalagaan mo ng mabuti at hindi pinapabayaan." Sagot ko.
"No,3 years ago meron isang tao ang tumalon galing sa pinakamataas na rooftop at nahulog siya sa garden ng mga rosas at itong mga rosas ay doon galing sa hardin na yun kung saan nadiligan sila ng dugo in short blood is their best nutrient." Kwento niya.
Napatakip ako ng bibig sa gulat dahil sa ibinunyag niya. Bigla akong napa tulala at may biglaang pangyayari noon ang sumagi sa alaala ko pero hindi malinaw ang mukha ng babae. Sinisisi niya ako.
"Ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay.Ikaw..!" Galit na sigaw ng babae sakin at pinagsasampal ang mukha ko. Sino siya? Tanong ng isip ko.
"These roses reminds me of someone." Nasambit ko pero hindi ko naman maaninag sa isipan ko.
Lumapit si Troy sakin at umikot papuntang likuran ko at bumulong.
"At ang dinig ko isang babae ang dahilan kung bakit siya nagtangkang magpakamatay."
Nagulat ako sa sinabi niya at bigla na lang lumuwag ang pagkakahawak ko sa kutsilyo kaya naman nabitawan ko ito at muntikan pang mahulog sa paa ko. Mabuti na lang at maagap si Troy at nasalo niya kaagad ito dahil kung hindi siguradong nasaksak na yun sa paa ko. He still care for me kahit ayaw niyang aminin.
Ngunit nasagi niya ang mga tinik ng rosas kaya't nag karoon siya ng mga galos sa braso.
"Natusok ka halika gamutin natin sa loob." Sabi ko.
Hinawakan ko siya sa kamay pero tinabig niya lang ito.
Tiningnan niya ako ng masama."H'wag na, You go back inside." Utos niya sakin
"Ha? Akala ko ba mangu..." Naputol ang sasabihin ko ng sumigaw siya.
"Hindi na nawalan na ako ng gana sige na pumasok ka na. Go!" Pagtataboy niya sakin.
Wala na akong nagawa at sinunod siya iniwan ko siya roon para iwas away na din. Bakit ba siya ganyan? Kahit anong magandang pakikitungo ko sa kanya ay badtrip pa rin siya sakin.
Bakit bigla na lang siyang nanlamig sakin? Hindi na siya ang Troy na nakilala at minahal ko.
Dumiretso ako sa library para magrelax muna at pagsusulat ang libangan ko. Feeling ko kasi kapag nagsusulat ako ay gumagaan kahit papaano ang nararamdaman ko.
Habang nagmumuni-muni ako ay naalala ko yung sinabi sakin ni Troy kanina lang ang tungkol sa lalaking nagpakamatay. Parang may part sakin ang gustong malaman kung ano at sino ang taong yun.
* * * *
@HOSPITAL
TROY
Pumunta ako ng hospital para bisitahin si Rix para tingnan kung ano na ang lagay niya hindi pa rin siya nagigising tatlong taon na siyang bedridden.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay naabutan ko si Dr.Ivan na binibihisan siya. He's a good friend of mine that i should be thankful for. Siya ang doctor ni Rix for almost 3 years at malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil hindi niya pinapabayaan ang kapatid ko.
"What's up man?" Bati ko sa kanya.
Lumingon siya sa gawi ko.
"Hey! Pare nandiyan ka pala? Hindi ka man lang nagsabi na bibisita ka rito. Kakaalis lang ni Fatima hindi kayo nagpang-abot. Oh anong nangyari sa braso mo? Umupo ka rito at gagamutin ko." Napansin niya kaagad ang braso kong nasagi ng tinik ng rosas.
"Never mind malayo yan sa bituka." Sagot ko.
Lumapit siya sakin para suriin ang braso ko.
"Mukhang natinik ka ah ano na naman bang ginawa mo pare? Anong feeling masakit ba o sobrang sakit?" Pang-aasar niyang tanong.
Nilingon ko si Rix sa kama at naaawa ako sa kapatid ko nakaratay siya ng mahabang panahon. Ilang taon pa kaya ang bibilangin namin bago siya magising.
"That roses hurt me so much. Nung tumalon siya sa ganun kataas na rooftop hindi ko maimagine na gagawin niya yun at mahulog sa rose garden na sobrang daming tinik gaanu yun kasakit para sa kanya? At sa araw ding iyon ay naaksidinte si dad, the same day. At saksi ako sa pighati ni mom noong mga panahong yun. That's why I'm telling you don't worry about me wala 'to kumpara sa sakit at hirap na dinanas ng pamilya ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"I know that pare that's why I'm here to help you parang kapatid na rin ang turing ko kay Rix. Isa pa noong nagpatayo ng hospital ang SGC we promised that we're gonna save someone's life.And your family specially Rix will be the one to saved first. Kailangan natin unahin ang kapakanan at kaligtasan ng may-ari para mas marami pa kayong matulungan." Mahaba niyang sagot at totoo lahat ng sinabi niya.
"Bakit naman kasi naiisipan pang gawin ni Rix yun? Ano bang sumagi sa utak ng kapatid mo para gawin niya yon? He tried to finnished his life by jumping on the rooftop while the another one is suffering alive o sadyang nakatadhana na to para mangyari sa kanila? Hindi ka ba naawa kay Erica pare?wala talaga siyang kaalam-alam sa mga plano mo." Dugtong niya.
"Huwag mo ng pakialaman ang desisyon ko Doc, leave it to me just make it sure na ligtas ang kapatid ko. Aalis na ako binisita ko lang si Rix." Sagot ko at tumayo na.
"Pag-isipan mo ng maigi yang plano niyo pare baka sa bandang huli magsisi ka." Pahabol niya pero hindi ko na siya pinansin at tuluyan ng lumabas kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa then I dialed Ryan's number.
ERICA Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagsusulat lumingon ako sa bintana "Tanghali na pala." Usal ko. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at mag-aalauna na ng hapon. Pagkatapos ko sa library ay pumanhik muna ako sa kwarto para magpahinga. Mamaya na lang siguro ako kakain pagbaba ko iidlip lang muna ako saglit dahil medyo masama rin ang pakiramdam ko. Ang bigat ng katawan ko baka dala ng stress nitong mga nakaraang araw. Naalimpungatan ako dahil sa pagbukas ng pintuan and I saw Fatima. She has access sa lahat ng sulok ng bahay na ito at hindi ko alam kung bakit okay lang kay Troy. Hinahayaan niya lang si Fatima kaya hinahayaan ko na lang din baka dahil siguro sekretarya siya ng asawa ko. Pumasok siya at umupo sa tabi ko sa may gilid ng kama. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama parang umiikot ang paningin ko."Anong nangyari sayo Erica? Bakit ang lamlam ng mga mata mo teka may sakit ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong." At saka malapit ng gumabi hindi ka pa
ERICA Dinalhan ako ni manang ng pagkain at gamot. Sumubo lang ako ng kaunti at pagkatapos ko ay tumungo ako sa kabilang kwarto kung saan nakadisplay ang mga branded at mamahaling wine ng asawa ko. Hindi ko ininom ang gamot na binigay ni manang dahil feeling ko hindi iyon ang kailangan ng katawan ko. Hindi ko rin pinakinggan si Fatima. I can't help it anymore hinahanap ng katawan ko ang alak. Simula ng maikasal ako kay Troy ay marami ng nagbago sa buhay ko.May limitasyon na ako bawal na sa ganito, bawal na sa ganyan. Sinunod ko lahat ng gusto niya kasi sobrang mahal ko siya. Gabi na pero hindi pa umuuwi si Troy. Hindi ka pa ba sanay sa asawa mo Erica? usig ko sa sarili. Tinungo ko ang cabinet at kumuha ng isang bote hindi ko na tiningnan ang label kung mataas ba ang dosage ng alcohol basta't bahala na. Bumalik ako sa kwarto at tinungga-tungga ang bote hindi na'ko gumamit ng shotglass para saan pa diba? mag-isa lang naman ako. Nangangalahati pa lang ako ng biglang bumukas ang pinto at
TROY Nakaubos ulit ako ng isa pang bote pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kumuha pa ulit ako ng isa pang bote sa cabinet at binuksan. Sumasakit na ang ulo ko ngunit iniinda ko lang ito. Tumambay muna ako sa wine room hindi ko inalintana kahit basa ang damit ko. Binuksan ko ang bluetooth speaker na nakapatong sa side table ng upuan ko. Then I connected it on my phone at pinatugtog ang VULNERABLE. Gusto kong lasapin ang pait na nangyayari sa buhay ko. Isa iyon sa mga paborito kong kanta. Hininaan ko lang ang volume dahil malalim na ang gabi. I love listening to old songs. Pero itong kanta na to ang tumatagos sa puso ko. Bawat lyrics nito ay nanunuot sa diwa ko. Bawat linya ay masakit pakinggan lalo na sa ganitong sitwasyon ko. At si Erica kaagad ang pumapasok sa isip ko. Ang lungkot ng kantang to para sakin. Ang hirap manimbang sa dalawang taong mahal mo. Kay Rix at Erica. What? Did I say it? Mahal? No, This can't be happening. Hindi mo siya dapat mahalin Troy kasi sa simula pa
ERICA Tumayo ako hindi na ako kumain inubos ko na lang ang gatas na timpla ni manang kahit malamig na. Pagkatapos ko ay bumalik ako sa kwarto para kumprontahin si Troy. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay wala na ito doon sa kama. So gising na pala ang manloloko kong asawa. Tsk! Hinanap ko siya, wala siya sa banyo pumunta ako sa library ngunit wala rin, sunod kong pinuntahan ay yung rose garden pero wala pa din. Saan kaya siya nagpunta? And there, natanaw ko siya sa veranda may kausap itong lalaki hindi ko maaninag kung sino dahil nakatalikod ito sakin. Nakita niya ako at nagpang-abot ang mga mata namin. Nagtitigan kami pero ako ang unang umiwas. Pairap kong tinanggal ang mga tingin ko sa kanya. Naiinis ako, ay hindi nagagalit pala ako sa kanya.Dali-dali akong umakyat para tumungo sa veranda. Sino kaya ang kausap niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may naunang nag bukas nito galing sa loob. Pagkabukas nun ay lumabas si Atty. Galvez dala-dala ang attache' case niya. “Good morning, Mrs
ERICA Nangangawit na ang pwet ko kakaupo at kakahiga sa kama, kaninang umaga pa ako nagkulong dito sa kwarto kaya't naisipan kung lumanghap muna ng hangin mula sa labas naisipan kong sumilip sa bintana.Gusto kong e-exhale muna lahat ng mga nangyari kanina sa pagitan namin ni Troy. Masyado ng mabigat sa dibdib baka sakaling mabawasan man lang o lumuwag-luwag ang pakiramdam ko kapag nakalanghap ako ng sariwang hangin. Nanalamin muna ako at pugto pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina. Hinawi ko ang kurtina ng bintana at nagitla ako sa natanaw ko mula sa rose garden. Si Troy at Fatima at anong ginagawa nila don?Nakalingkis ang mga kamay ni Fatima sa braso ni Troy at nakahilig ang ulo nito sa balikat ng asawa ko. At ito namang si Troy ay balewala lang sa kanya. Nakakainis!Padabog akong umalis sa bintana. Narito pala ang ahas kong kaibigan? Dali-dali akong bumaba at pupuntahan ko ang mga walang-hiya.Ngunit papunta pa lang ako ay nakasalubong ko si Fatima, paalis na siya. “Oh
ERICA Nang makalabas sa garahe ang kotse ni Troy ay dali-dali din akong lumabas para sundan siya, hindi na ako nagpaalam pa kay Manang. Dahil alam kong hindi niya ako papayagang lumabas o umalis. Siguradong uusisahin lang ako non. Napansin ako ni Kuya Arman na nagmamadali sa paglalakad. “Ma'am, saan ho kayo pupunta? Bakit hindi pa kayo sumabay kay Boss? Kakaalis lang niya ah?” Tanong niya sakin ng mapansing sa main gate ang direksyon ko. “Diyan lang ho ako,” sagot ko at tumakbo palabas. Dahil alam kong hindi niya ako papalabasin dahil bilin sa kanila ni Troy na kapag aalis ako kailangang itawag muna sa kanya para ipaalam. Dinaig ko pa ang preso sa bahay na ito. Sakto namang may dumaan na taxi pinara ko at sumakay. Nilingon ko si Kuya Arman, nakita kong napakamot ito sa ulo habang nakatanaw sa papalayong taxi na sinasakyan ko. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag kay Troy kung pagalitan man siya. “Uhm, Manong pakisundan niyo po yang puting kotse na nasa unahan." Utos ko sa driver.
Kasalukuyan..ERICAPagkagaling ko sa ospital at sa mga nalaman ko kay Fatima ay parang nahigop ang lakas ko, bigla na lang akong nanghina. Kay Rix pala nagsimula ang lahat, Si Rix pala ang pinag-ugatan ng galit nila sa akin lalo na si Troy. Magkapatid pala sila, hindi ko yun alam dahil hindi ko binalak noon na alamin ang buhay ni Rix dahil wala akong Interes sa kanya.Pero bakit hindi na lang nila sinabi agad sa akin para nakapag paliwanag ako sa kanila. Hindi na sana hahantong sa ganito ang lahat. Hindi na sana ako masasaktan pa ng ganito ni Troy. Hindi sana ako nagdurusa ngayon dahil wala naman talaga akong kasalanan. Sa pagkakatanda ko ay nagligtas lang ako ng buhay ng tao sa araw ng kaarawan ni Rix.Ako ang sin
ERICA Lumipas ang araw, linggo at buwan ay naging maayos naman ang kalagayan ko kina Tito oscar. Maliban nga lang kay Paula na masyadong tamad at inaasa sa'kin lahat ng gawaing bahay ultimo paglalaba ng damit nila ay sakin inaasa. Hinahayaan ko na lang at hindi na sinabi kay Tito para iwas gulo na rin. Iniintindi ko na lamang siya since ako naman ang nakakatanda. Mabait naman ang pakikitungo sakin ni Tito Oscar kaya pinakikisamahan ko na lang si Paula. Masyadong spoiled ang batang yon ewan ko ba kung bakit. Nasanay siguro na lahat ng gusto ay binibigay ng magulang niya lalo na ni Tita Fe, yung mama niyang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper.Hindi rin nagparamdam sakin si Troy. Baka masaya na siya dahil ito naman ang gusto niya ang maghiwalay kami. Nalulungkot ako minsan tuwing naalala ko siya at ang q taong nasayang lang dahil sa paghihiganti niya. Kung sana naging totoo na lang lahat edi sana masaya pa kaming magkasama ngayon at baka nagkaanak na kami. Tsk! Ilusyun