NAKANGITING kumaway si Cielo sa kanyang asawa na ngayon ay pababa pa lang mula sa sasakyan nito.
Agad naman ang pag-ngiti sa kanya ng lalaki nang lingunin sya nito. Nagtatalon sya na parang bata bago tinakbo ang pagitan nila.
"Hi, love! Kumusta work?" Masiglang tanong nya rito.
"Nakakapagod." Napabuntong-hininga ito. "How is my babe?" Hinapit nito ang kanyang bewang.
"I miss you." Sagot nya at pinag-dikit ang tungki ng kanilang mga ilong. "Hindi ako sanay na hindi kita laging nakikita."
"Oh my baby is being clingy. I miss you too." Hinalikan sya nito sa noo. Napapikit naman sya dahil sobra nya talagang na-miss ang kanyang asawa.
"Tara na sa loob. Nagluto ako ng foods para sa dinner." Presinta nya.
"Really? I'm already excited so, let's go." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at saka sila naglaka
ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni
SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano
UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s
ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may
WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit
BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad