FAZER LOGINMALAYANG pinagmamasdan ni Tyler ang silid na naging kanlungan nila ni Erin. Ang silid na minsan ay naging masaya. Kasalukuyan siyang nasa sariling tahanan. Nang nagdaang gabi ay doon siya dumiretso pagkagaling sa bar. Pinili niyang magpalipas ng gabi sa halip na harapin si Erin sa tahanang naging piping saksi sa lahat ng nangyari, magmula sa pagsasama nila ni Katrina. Buong akala niya'y dalisay ang pag-ibig nito, pero ang lahat pala'y palabas lamang. At si Erin, ang babaeng nagbalik ng kulay sa madilim niyang mundo, pero nawala rin sa kaniya. Hindi lang ito ang nawala, maging ang kanilang anak at ngayon ay ang Green Ivory. Pinagbalakan niyang ibenta ito, pero ngayon ay nagdalawang-isip na naman siya, dahil ang tahanang ito na lamang ay mayroon siya, kasama ang masasaya at pangit na alaala.Tila matutumba habang tinatahak niya ang kama, ang higaang naging sandalan nila ni Erin. Gumilid siya ng upo, dinampot ang unan na ginamit ng dalaga. Magpahanggang ngayon ay hindi pa niya pinalalaba
MATIYAGANG binabantayan ni Erin si Dorothy, magpahanggang sa oras na 'yon ay wala pa rin itong nagkakamalay. Si Tyler, hindi niya alam kung nasaan ito. Matapos ang engkuwentro sa pagitan nila ni Katrina at nang mailipat ang ginang ay hindi na niya ito nakita pa. Marahil, umuwi muna ito sa mansyon. "Galit siguro sa ginawa ko sa Green Ivory," anang isipan niya. Sa naisip ay hindi niya naiwasan ang mapangiti. Sobrang mahal ni Tyler ang Green Ivory at alam niyang nagdamdam ito. Nang mangyari ang insidente. Naantala ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Carla. Lumabas ito ng hospital para bumili ng kanilang pagkain at kulang dalawang oras itong wala. "Ang tagal mo!" reklamo niya. Nagkunwaring galit at nagdadabog na tumayo. "Siguro, sa Sta. Barbara ka bumili ng food 'no?" dagdag niyang biro rito.Ngumuso ito. "Sorry naman po, kamahalan. Sa sobrang exotic ng gusto mong kainin, muntikan na akong makarating sa kabilang bayan," pagalit nitong tugon pero alam niyang nagbibiro ito. "Exagge
KITANG-KITA ni Erin ang galit sa mata ni Tyler matapos niyang ipakita ang video. Pinapalabas ni Katrina na siya ang may kasalanan kung bakit ngayon ay nasa hospital si Dorothy. Pinagsalitaan siya ng kung anu-ano. Minura rin ni Victor, pero kapwa nabahag ang buntot ng dalawa matapos mapanuod ang video. "Ipinadala ko na kay Papa ang video na 'to. Narinig niyo naman ang aming pinag-usapan. Pero sa oras mapanuod ito ni Hernan, tiyak na magagalit ito." Hindi siya nanakot, pero kahit sinong makapanuod ay tiyak na magagalit at ngayon ay siya pa ang pinalalabas na salarin.Mabilis na lumapit sa kaniya si Katrina. Nagmakaawa ito. Halos lumuhod na sa harapan niya. "Please, Erin! I'm begging you!" Halos maiyak na ito. Pero base sa nakita niyang pag-uugali ng babaeng kaharap, hindi bokal sa loob nito ang paghingi ng tawad at kung patatawarin niya ito tiyak na mauulit ng ginawa nito. Mas tumalim ang titig niya rito. "You provoke me to do this, Katrina! Ikaw ang nagsimula ng gulong ito--"Agad
BUONG byahe patungong hospital ay sinisigawan si Erin ni Katrina, sinisisi sa nangyayari kay Dorothy, at ang lahat ay tinatanggap niya dahil may maganda diyang plano. Hindi pa oras para ilabas ang kaniyang alas. Nang dumating sila da hospital ay agad na inasikaso ang ginang. Sinuri ang katawan nito sa ER. Wala pa ring tigil ang panenermon ni Katrina, ipinapahiya siya sa mga taong nasa paligid nila. Kung anu-anong salita ang lumalabas sa bibig nito. "Hindi ko akalain na magagawa mong saktan si Mama!" patuloy nitong sermon sa kaniya. Tahimik lang siyang nakaupo. Hindi sumasagot sa pakulo nito. Maghihintay pa siya sa tamang oras. Mahigit isang oras siyang naghintay sa paglabas ng doktor na sumuri sa ginang. Si Katrina, sa wakas ay tumahimik na rin. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ang doktor. "Stable na ang kalagayan ng pasyente, mabuti at dinala niyo agad dito sa hospital, dahil kung hindi, tiyak na inatake na siya. Sa ngayon, iwasan niyo muna ang makakapagpagalit sa k
HINDI makatulog si Erin, kanina pa siya pabiling-biling sa higaan. Babangon at hihigang muli. Malapit nang sumapit ang hatinggabi pero magpahanggang ngayon ay hindi pa dumarating si Tyler. Ang sabi sa kaniya ni Carla, umalis na ito sa bar. "Pero bakit ngayon ay wala pa rin ito?" Ilang beses na niyang naitanong yun sa sarili. Aaminin niya, sa kabila ng ginawa ni Tyler, sa kabila nang sinabi sa sariling paghihigantihan ito, nasa loob pa rin niya ang pagmamahal para rito. Hindi pa rin nawawala. "Kung tutuosin, wala naman siyang kasalanan sa nangyari sa anak namin at maging sa aksidenteng nangyari sa kaniya. Pumunta siya sa hacienda para humingi ng tawad sa nagawang pagkakamali, pero ano ang ginawa ko? Nag-inarte ako at sa halip na patawarin ay pinalayas ko pa... kaya siya na-aksidente." Mabilis siyang bumangon. Hihingi siya ng tawad kay Tyler. Malapit na siya sa kabinet para kumuha ng susuotin, bigla siyang napahinto. "Wait!" pigil pa niya sa sarili. "Bakit ako ang hihingi ng t
MARAMING masasarap na pagkain ang nakahain sa mesa. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, may lasagna, pizza, burger, fries, salad, at mayroon ding matamis na inumin. In-order ni Dorothy para kay Erin, ngunit may isa siyang na-mi-miss na pagkain... ang mangga. Nang maisip ang dating kinakain ay nahaplos niya ang ibaba ng tiyan. Kung hindi kaya nawala ang sanggol sa sinapupunan niya, ano kaya ang nangyayari ngayon? Okay na kaya sila ni Tyler? Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Klea, may dala itong polder. Iniabot nito yun kay Dorothy."Ma'am, heto na po ang pinapakuha mong document.""Thank you, Klea. Maaasahan ka talaga. Why don't you join us?! I'm sure na hindi ka pa rin kumakain. Kanina pa subsob na subsob ang ulo mo sa computer mo," nakangiting alok ng ginang, inilahad nito ang mga nakahaing pagkain."Huwag na po, Ma'am," tanggi nito. Para talaga itong babaeng nakulong sa aparador sa mahabang panahon. Pino ang bawat galaw. Maging ang pananalita, at ang pagngiti. "Magtat
HINDi alam ni Erin kung bakit ganoong salita ang lumabas sa bibig niya, kung bakit ngayo'y naging matalas ang dila niya. Siguro'y nadala lamang siya ng bugso ng damdamin. Ngumisi ang babaeng kaharap niya. Humakbang pa ito palapit sa kaniya. "Relax, baka atakehin ka sa atay-atayan. Hindi ako kalaba
"TYLER...""Yes, mahal?""Sigurado ka ba na sa bahay mo na ako titira?"Narinig niya ang paghinga nito ng malalim. "At anong gusto mong gawin ko? Pabayaan kita sa lugar na 'yon? Paano kung hindi niyo ako kasama? Tiyak na napahamak na kayo!" galit nitong himig."Puwede naman akong humanap ng ibang m
MASAYANG nag-uusap si Erin at Dorothy sa terrace. Isinasalaysay ng ginang kung gaano kabibo si Tyler noong bata pa. Lagi itong nasa top sa klase. Marami pa itong sinabi na ikinatuwa niya. "Siyanga pala, iha, huwag mong kalilimutang dumalo sa birthday ko. Two months pa naman bago ang birthday ko,
MATALIM ang tinging ipinupukol ni Tyler sa kapatid. Hindi niya akalaing tatawagin nitong cheap si Erin, sa harapan pa mismo ng kaniyang ina. "Hiyang-hiya naman ako sa inyo, Victor," ngising saad niya. Nakalimutan na yata nito ang kasalanang nagawa at kung makaasta ay parang santo. Ngumisi rin ito







