ANMELDENMATAPOS makausap ni Erin ang pinsan, kaagad siyang natungo sa kusina. Naabutan niyang masayang kumakain ang mga kasambahay. "Seniorita, ano pong ginagawa niyo rito?" gulat na tanong ng isa sa kasambahay. Bigla ring napatayo ito. Ngumiti siya. "Dadalahan ko lang ng makakakain sina Tyler." "Dapat tinawag niyo na lang po kami. Hindi na sana kayo pumunta rito," hayag naman ng isa pa.Nahiwagaan siya. Bahagyang nagsalpukan ang kilay. "Bakit?" "W-wala naman po. Dadalahan niyo ng almusal sina Ma'am Dorothy?" Tila takot ito. Malupit ba ang mga Samaniego sa kasambahay? Pero sa nakikita niyang pag-uugali ng mag-asawa, mabait naman ang mga ito."Oo sana," naisagot niya. Aligagang lumapit sa kaniya ang isa. Ito yung kasambahay na tumawag sa kaniya nang nagdaang gabi. "Ipaghahanda ko na po sila, Seniorita." Napangiti siya. "Hindi na kailangan. Ituloy niyo na ang pagkain niyo. Kaya ko na ito." Hinarap niya ang mga kabinet. "Saan ba puwedeng maglagay ng pagkain?"Tinulungan pa rin siya ng lum
IBINAGSAK ni Erin ang pagal na katawan sa kama. Kasalukuyan siyang nasa mansyon ng Samaniego. Pagod na pagod ang katawan maging ang isipan niya matapos ang mahabang diksyusong naganap sa pagitan ni Victor at Hernan sa hospital. Ipinaglalandakan nito na hindi si Tyler ang ama ng batang dinadala niya. Ilang beses itong nasermunan ng ama, ganoon din ni Dorothy. Umalis itong masama ang titig sa kaniya. Magpahanggang ngayon, hindi niya alam kung bakit galit ito sa kaniya. Wala siyang natatandaang nagawang pagkakamali rito. Isinama siya ng ginang sa mansyon para makapagpahinga, pero babalik din ito agad sa hospital para bantayan si Tyler. Kumuha lang ito ng ilang gamit nilang mag-ina. Gusto sana niyang siya ang magbantay, pero sa kalagayan ng binata ngayon, hindi makabubuting magsama sila sa iisang lugar. Huminga siya, pinakawalan ang bigat na nasa loob. "Nakakapagod din pala." Sa pagpikit ng kaniyang mata, binalikan niya sa isipan ang masasayang alaala nila ni Tyler. Magmula kung paan
NAGLALAKAD sa gilid ng hospital si Erin. Gulong-gulo na ang isip niya. Ilang beses na siyang ipinagtutulakan ni Tyler, maging ang anak nila'y hindi nito kinikilala. Tangin si Katrina lamang ang nasa isipan nito. Pero sa tuwing maiisip na wala lang itong alaala, pansamantalang nakalimutan siya at balang-araw ay maaalala siya nito, pinipilit niyang manatili sa tabi nito. "Erin?" Naudlot ang paglalakbay ng diwa niya. Nilingon ang pinagmulan ng tinig. "Tita Dorothy..." Bumalik siya sa puwesto ng ginang. Nasa tapat ito ng restaurant. "Saan ka pupunta, hija?" Magtatampo ba ito kung sasabihin niyang nais sana niyang umalis, bumalik sa bisig ng ama? Pero may kung anong bagay ang pumipigil sa kaniya na sabihin yun. Umaasa pa rin siyang babalik sa dati ang pakikitungo ni Tyler sa kaniya. "Uhm, naglalakad-lakad lang po, tita," naidahilan niya rito. "Tsaka nagugutom na rin po ako. Parang gusto ko ng mangga." Nahaplos niya ang ibabang tiyan. "Ganoon ba? Sandali, sasamahan kitang humanap ng m
SALUBONG ang kilay ni Tyler. Pinagmamasdan niya ang nakapikit na babae. Magmula pa sa hospital na pinanggalingan, sinasabi ng magulang niya na ito ang kaniyang nobya. Si Katrina, ang asawa niya, mayroon na raw itong iba. No! That's a big lie. Hindi siya maniniwala sa sinasabi nila. Mahal siya nito. Imposibleng lokohin siya. Dalawang taon na silang kasal, bago yun ay ilang taon niya itong naging kasintahan n'ong nasa college pa sila. At ang isa pa niyang hindi paniniwalaan, ang kapatid pa niya mismo ang lalaki ng asawa niya. "Imposible!" Napailing siya. Nagising siyang walang alaala, kahit siya ay hindi malinaw sa kaniyang isipan. Ang tanging naaalala niya, ang asawang si Katrina at ang naging pagsasama nila. Sinabi kung sino ang magulang niya, pero hindi rin niya matandaan. At ngayon kasama niya sa iisang silid ang babaeng sinasabing nobya niya.Matalim niya itong tinitigan, kasing talim ng bagong hasa na kutsilyo. Nagmulat ito. Nakipagtitigan sa kaniya. Pero ito ang unang nag-iwa
MAHABANG paliwanagan ang nagaganap sa pagitan ng mag-ina, habang si Erin ay nakatayo lamang sa gilid. Pinapaliwanag ng ginang ang namagitan sa kanila nang malaman ni Tyler na may iba si Katrina. Para itong musmos na batang pinangangaralan ng ina. "Anak, huwag ka munang magsalita ng ikasasakit ng damdamin ng iba habang hindi pa bumabalik ang alaala mo. Napakabait ng nobya mong si Erin. Hindi siya tulad ng ibang babaeng mapagsamantala. May mababang loob at higit sa lahat mahal ka," paliwanag ng ginang. "Kung ganoon, bakit kami naghiwalay ni Katrina?" Parang sirang plakang paulit-ulit si Tyler. Kahit ilang beses na nilang ipinaliwanag dito ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng asawa ng nito, hindi pa rin ito naniniwala. "Nahuli mo siyang may kasamang ibang lalaki at sa mismong bahay niyo pa." "No!" mariing tanggi nito. "Hindi kailanman gagawin ni Katrina ang bagay na yun sa akin. Mahal niya ako!" Ang mata nito'y nanlilisik sa galit. Marahas na napabuga ng hangin si Dorothy. "Hi
KAGAt ni Erin ang ibabang labi. Nanlilit siya sa sarili. Galit sa kaniya si Tyler, akala nito'y siya ang sumira ng relasyon nito kay Katrina. Sarado ang isipan nito sa katotohanang isinisiwalat nila, o sadyang ayaw nitong paniwalaang dahil ang nasa isipan nito'y isang mabuting may bahay ang dating asawa nito. "Masabi mo pa kaya ang mga bagay na yan sa oras na bumalik ang alaala mo? Masabi mo pa kayang nag-iisa lang sa puso mo si Katrina at siya lang ang gusto mong makasama habambuhay once na bumalik na ang alaala mo?" "Kung ganoon, huwag na sanang bumalik ang memorya ko," katagang lalong nagpadurog sa damdamin ni Erin. Mariin siyang pumikit para pigilan ang panunubig ng mata. "Sana lang, anak, hindi mahuli ang lahat. Sana, bago mo ma-realize kung sino ang nasa puso mo ngayon, sana lang ay nasa tabi mo pa si Erin."Lumapit siya sa ginang. Pinigilan ito sa pagtatanggol sa kaniya. "Tita..." Hinarap siya ng ginang. Humingi ito ng paumanhin sa kaniya dahil sa inaasal ni Tyler. Nauunawa
NAGISING si Tyler na wala na sa tabi si Erin. Gumuhit sa labi niya ang malaking ngiti, naalala niy ang naganap nang nagdaang magdamag. Ilang beses na nag-isa ang kanilang katawan. May siglang bumangon siya, nagtungo sa banyo. Matapos makapaglinis ng katawan ay nagdumali siyang lumabas na ng room. Su
"ORAS na ba para umalis ako? Na iwan ko si Tyler? Susuko na ba ako?" mga salitang namutawi sa bibig ni Erin. Nasa sofa pa rin siya, nakahigang yakap ang mga tuhod. Hindi maampat-ampat ang luha. Humingi siya ng sign sa Maykapal at kung ano ang ibigay Nito'y tatanggapin niya nang maluwag. Sa lalim ng
HUMINGA ng malalim si Erin. Nakaupo na siya sa sofa, hindi alam kung ilang minuto o oras siyang nawalan ng malay. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na ba siyang lumuha. Huminga siya ng malalim, tinitigan ang kabuohan ng bahay. Nang dumating siya, saya-saya niya sa bahay na ito. Sabi ni Ty
Wala kibo si Erin sa loob ng sasakyan, kasalukuyang tinatahak na nila ang daan pauwi. Ang mata niya'y nakatuon ang paningin sa labas at maya't maya rin ang pakawala ng malalim na hininga. Sa tuwing bumabalik sa kaniyang balintataw ang tagpong nakita ay parang sasabog ang puso niya. Parang babaha ng







