Home / All / Loving the Beast / CHAPTER FIVE

Share

CHAPTER FIVE

Author: Hiraya Neith
last update Last Updated: 2021-02-26 03:09:28

Pagkatapos maligo at magbihis ay kaagad na lumabas ng inuukopang silid si Abbey. Natigilan siya nang bumungad sa kanya ang tahimik at mahabang pasilyo. May nakasabit na grandiyosong chandelier sa kisame na kanyang ikinamangha. Kakaiba ang disenyo niyon kaya kunot-noong mataman niya iyong sinipat. Napangiwi pa siya nang tuluyang maunawaan kung ano ang disenyo ng malaki at halatang mamahaling chandelier. Sa halip kasi na bulaklak na kadalasang niyang nakikita sa mga chandelier ay mga nakangangang asong lobo ang design niyon. At, napakaganda ng pagkakaukit dito. Truly artistic! 

Napatigil siya sa pag-usyuso at nagulat nang biglang may nagsalita sa likuran niya. "Ay, kuwago!" Tili niyang napatalon pa. 

"What are you doing?" Kunot-noong tanong sa kanya ng isang lalaki.

Matangakad ito at bahagyang nagku-kulay-asul ang mga panga dahil sa balbas na nagsisimula nang tumubo roon. Nakasuot ito ng punit-punit na pantalong maong, loose blue shirt at magulo pa ang buhok. Hindi yata uso ang suklay rito. Pamilyar sa kanya ang mukha ng kaharap na kagaya niys ay nakatitig din sa kanya. Tila siya maliit na organismong sinusuri nito gamit ang mga mata nitong tila microscope kaya umarko ang mga kilay niya kasabay ng pagkunot ng noo. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa na tila hindi natutuwa sa presrnsiya niya kaya tuluyan na siyang napasimangot. 

Ang road ha. Ano ang problema ng kunehong ito sa kanya? 

Umirap siya ngunit kaagad ding natigilan nang mapansing tila pamilyar sa kanya ang antipatikong lalaki na humalukipkip pa at disgustong nakatingin sa kanya. Teka, saan nga ba niya ito nakita? Napakamot siya sa tungki ng ilong at napa-isip. Kumibot-kibot ang mga labi ni Abbey habang pilit na inaalala kung saan nakita ang kaharap hanggang sa bigla siyang mapapitik sa hangin nang may maalala. 

"It's you!" Bulalas ni Abbey sabay turo sa kaharap na kagyat na napataas ang mga kilay.

"Me?" Tanong nitong itinuro pa ang sarili habang naka-angat na makapal na kilay. 

"Yes, you!"

Marahas na napabuntong-hininga ang lalaki bago nagkibit-balikat. "Whatever..." Ani nito bago muling itinuloy ang paglalakad at nilagpasan siya.

Aba't bastos ang walang-hiya! Tama bang bigla na lang siya nitong talikuran? Kinakausap pa niya ito, ah. Hmp! 

Napasunod siya sa supladong kuneho at pilit na sumabay dito. Bakit ba ang bilis nitong maglakad? Akala niya kanina ay mahabang pasilyo lang ang naroroon ngunit nang lumiko sila sa pinakadulo ay bumungad sa kanya ang mas mahaba at pasikot-sikot na mga pasilyo. Pakiramdam niya tuloy ay nasa loob siya ng palasyo. 

"Sandali nga, p'wede mo bang bagalan ang paglalakad mo?" Reklamo niya sa lalaking walang pakialam na patuloy lang sa paglalakad. "Ang sungit mo naman. Ikaw iyong lalaking nakita ko sa convenience store sa tapat ng gasolinahan sa kabilang bayan, hindi ba? Ako nga pala si Abbey. Ikaw?" Bahagya nang hinihingal na sabi niya rito habang pilit pa rin itong sinasabayan sa paglalakad. 

"Roe..." Maiksing tugon nito.

Napanguso si Abbey dahil sa sagot nito. Ang tipid naman ng lalaking ito sa salita. Ang haba ng sinabi niya tapos iyon lang ang sagot nito. Hiningal pa siya sa dami ng kanyang sinabi at ang bilis pa nitong maglakad.

"Ang tipid mo namang magsalita." Angal niya. 

"Sino ba ang nagsabi sa iyong kausapin mo ako?" Sagot na tanong nito bago pinihit ang isang pinto.

Akmang susunod siya rito nang bigla itong tumigil kaya nabangga siya sa likuran nito. Wow ha, ang bango kahit punit-punit ang suot. 

"Are you sure, you still want to come inside?" Nakakalokong tanong nitong tinitigan siya ng makahulugan mula ulo hanggang paa. 

Nanlaki ang mga mata ni Abbey at awang ang mga labing natutop iyon ng kamay. Napasilip siya sa loob at hindi niya napigilang mapangiwi nang makitang isa iyong silid. Namumula ang mukha napairap siya rito.

"Of course not! Malay ko bang kuwarto mo iyan!" Singhal niya rito bago napanguso. "Ituro mo na lang kung saan ako liliko. Baka maligaw ako, eh." Dugtong niya habang nakatingin sa magkasangang pasilyo sa unahan. 

"If you're going down, sa kanan ka dumaan. If you're going to the library, turn left." Tugon nito bago tuluyang pumasok sa loob ng silid at pinagsaradohan siya ng pinto.

Naku! Bastos na lalaki.... 

Nakasimangot na muling naglakad si Abbey at tinapunan pa muna ng matalim na sulyap ang nakasaradong pinto ng kuwarto ni Roe. Ang sungit naman ng lalaking iyon.

Pagkarating sa dulo ng pasilyo ay lumiko siya sa kanan kagaya ng sinabi ni Roe. Bakit kasi laki ng bahay na ito. Palasyo yata ito. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan nang biglang lumitaw sa harap niya ang isang matangkad at magandang babae.

"Ay, kuwago!" Gulat na bulalas ni Abbey at nanlalaki ang mga matang napahawak pa sa dibdib.

Bakit ba parang mga kabuti ang mga tao rito? Bigla nalang sumusulpot nang walang pasabi. 

"I'm sorry." Natatawang ani ng babae. "I just wanna check out on you. Pero pababa ka na rin pala. Let's go. Naghihintay na si Gayle sa dining." Dugtong pa nito.

"Saan ka nanggaling? Wala ka naman diyan kanina, ah." Nagtatakang tanong niya ritong mabilis na napasunod sa babae. 

"What do you mean?"

"I mean, bigla ka na lang lumitaw. Parang si Gayle at si Roe. May lahi ba kayong mga kabute?" 

Natawa ito pagkuwa'y nagkibit-balikat. "Baka hindi mo lang ako napansin. Masyadong abala ang isipan mo kanina." Tugon nito.

Napakunot-noo si Abbey ngunit mas pinili niyang huwag na lamang kumibo. Naloloka na siya sa mga tao rito. Mukhang mga ipinaglihi sa kabute. 

Ilang saglit pa ay nasa dining room na sila at nadatnan ni Abbey na naroon na nga si Gayle. Tahimik itong nagkakape habang may binabasang women's magazine. 

"Hi!" Bati niya rito.

Kaagad namang itinabi ni Gayle ang hawak na magazine at tiningnan siya. 

"There you are! C'mon, have a seat." Wika ni Gayle bago binalingan ang babaeng katabi niya. "Kimmy, pakibigyan siya ng kape, please." Ani nito sa babaeng kaagad namang tumango at tumalikod.

Naks! Ang ganda ng kasambahay nila, ha. Papasang modelo o 'di kaya artista ang babae. At, englisera ang bruha. Parang bigla tuloy siyang nanliit. 

"Gatas na lang, please." Ani niya kay Kimmy bago ito tuluyang tumalikod. "Ang ganda ng kasambahay ninyo, Gayle. Pang-super model ang tindig." Baling niya kay Gayle na napakunot- noo bago alanganing ngumiti.

Sa totoo lang ay wala pa siyang nakikitang pangit sa paligid simula kagabi. 

"Yeah." Tipid na tugon nito. "Serve yourself and please, feel at home." Dugtong nito Gayle bago muling dinampot ang magazine. 

Samantalang kunot-noo namang naglalakad si Luc patungo sa dining area at mula sa labas ay dinig na niya ang malakas na boses ng impaktita niyang pinsan at ng mangkukulam na babae. Ah, speaking of that witch. Marami pa itong dapat na ipaliwanag sa kanya. Pagbungad niya ay kaagad na tumahimik ang babae at pa saglit siyang tiningnan. 

"What's for breakfast?" Tanong niya kasabay ng paghila ng upuan sa kabisera ng mesa. 

"You can clearly see it, Luc. Don't ask some stupid questions, will you?" Sagot ni Gayle.

Napaangil siya dahil sa sagot nito. Hindi na talaga natapos ang pambu-buwiset nito sa kanya. 

"What was that? May malaking aso ba kayo rito?" Nanlalaki naman ang mga matang tanong ni Abbey kanilang dalawa ni Gayle. 

"Don't mind it. It was just my siberian husky." Tugon ni Gayle.

Napatango naman ang babae at muling itinuloy ang pagkain. Pansin niyang tila gutom na gutom ito. Magana itong kumain at walang pakialam sa paligid na nilantakan ang mga pagkaing nasa harap nito. 

"Who are you? And what are you doing in my territory?" Hindi na nakatiis na tanong niya ritong kaagad na napatigil at napatingin sa kanya. 

Teka, ano ba ang pangalan nito? 

"Maka- 'my territory' ka naman diyan, San Pedro—"

"What did just call me?!" Kunot-noong putol ni Luc sa sinasabi ni Abbey na napanguso at napairap pa. 

"San Pedr-"

"It's Luc not San Pedro!" Malamig ang tinig na muling putol ni Luc kay Abbey. 

"Aba, malay ko naman sa pangalan mo. At saka, kanina mo pa ako kina-cut, ah. Pagkatapos mo akong silipan sa banyo, bastos ka talaga!" Gigil na asik ni Abbey ngunit kaagad ring namula ang mukha nang maalalang may mga kasama nga pala sila sa mesa. 

Nabitawan ni Gayle ang hawak nitong kutsara at tinidor samantalang napa-ubo naman ang kapapasok lang sa dining room na si Roe. 

"You did what?" Gulat na tanong ni Gayle kay Luc na kaagad namang umasim ang mukha. 

"Hindi kita sinilipan. Hindi ka naman kasilip-silip! Malay ko bang nadoon ka sa loob ng banyo" Singhal niya sa babaeng muling umirap ng katakot-takot. Mahipan sana ng hangin ang mata nito. "At saka, mukha kang poste. Wala kang shape kaya huwag kang mangarap na sisilipan kita!" Dugtong pa niyang may kasamang gigil. 

Pansin niyang umasim ang mukha nito ngunit maya-maya lang ay mabilis na napalitan ang ekspresiyon ng mukha nito at ngumiti ng nakakaloko. Nangingislap pa ang mga matang sinulyapan siya.

"What's the funny?!" Paasik niyang tanong. 

Napatingin ito sa kanya at nakalabing nagkibit-balikat. "May naalala lang ako. Masama ba?" Tugon nitong tinugon nitong sinamahan pa ng ismid.

Humigop si Luc ng kape sa tasa at muli ay napansin niyang napa-awang ang mga labi ng babae habang ang mga mata ay walang pakundangang nakatitig sa mga labi niya. Napakagat-labi pa ito at mas lalong nangislap ang mga mata. 

"Pervert little woman!" Singhal ni Luc.

Akala yata nito ay hindi niya napansin ang pagkagat- kagat nito sa labi habang umiinom siya ng kape. Umawang pa ang mga bibig nito at napangisi. Puno rin ng kapilyahan ang kislap ng mga mata nitong nakatitig sa mga kanya lalo na sa mga labi niya.

"Tse!" Paasik na tugon nitong pulang-pula ang mukha bago muling itinuon ang pansin sa pagkain. 

Pagkaraan ng ilang sandali ay natapos rin ito sa paglantak sa mga pagkaing nasa mesa. Napaisip si Luc kung saang parte kaya ng katawan nito isinuksok ang lahat ng kinain. Payat pero kung kumain parang lalaki. May sawa yata sa tiyan ang babae. Parang kargador.

"Ano ang kailangan mo sa teritoryo ko at bakit ka naririto? Who sent you here?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving the Beast   CHAPTER TWENTY

    "Ano'ng balak mo ngayon?" Seryosong tanong ni Griel sa kanya.Kasalukuyan na silang nasa loob ng mansyon. Si Abbey naman ay sinamahan ni Gayle sa kuwarto nito para magpahinga.Katulad ng madalas mangyari ay nanghina na naman ang babae pagkatapos nitong magshift at idagdag pang malayo-layo rin ang tinakbo nila.Nasapo ni Luc ang noo at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano nga ba ang plano niya ngayong nagkagulo na lahat? Tiyak niyang hindi palalagpasin ni Akella ang pagpatay niya sa kapatid nito. Ngayon ay kailangan na rin niyang paghandaan ang magiging atake nito."Bahala na, Griel. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako uurong sa anumang laban." Tiim ang anyong sagot niya.Napailing si Griel dahil sa sagot niya. Kilala siya nito na walang inu-urungang laban pero sa pagkakataong ito ay batid nila pareho na dehado siya kapag sabay-sabay ba umatake ang grupo ni Akella at ang organisasyong nasa likod ni Abbey magi

  • Loving the Beast   Chapter Nineteen

    "Ano'ng balita?" seryosong tanong ni Callehan sa kaharap.Isa ang lalaki sa matapat niyang kasama. Marami na silang nalagpasang pagsubok simula pa nang una silang nagkakilala."Mukhang tama ka. Hindi kayang saktan ni Montego si Rashida." tugon nito.Napatango siya at napangisi. Mukhang umaayon ang lahat sa kanyang mga plano. Ilang araw na rin niyang pinasu-subaybayan ang bawat kilos ng alpha ng RedTails. At katulad ng inaasahan, nakamantyag nga ito sa bukana ng Lexus sa buong magdamag kasama ang alpha ng WhiteTails. It seems like his old friends never change, huh. At kilala niya si Luc, walang makakapigil dito kapag may gusto itong gawin sukdulang kalabanin nito ang lahat. He was his friend tho. Kabisado na niya ang likaw ng bituka nito pati ng tatlo pa nitong kaibigang sina Griel, Ronther at Rhonen."Kung ganoon ay maghanda ka. Anumang sandali ay mapapalaban tayo." aniya rito sa sery

  • Loving the Beast   Chapter Eighteen

    Rodan...iyon ang nabasa ni Abbey sa karatulang nakalagay sa gilid ng kalsada. May pasangang daan sa labas ng Wulfgrim at pinili niyang kumanan kung saan napansin niyang tila mas madawag ang mga puno. Naisip niyang kagaya ng Wulfgrim, baka sa bungad lang din ganoon at kapag nasa sentro na siya ay maayos rin ang Rodan. Ngunit hindi kagaya ng Wulfgrim na pakiramdam niya na tila hinahatak siya ng lugar. Kabaliktaran ang nararamdaman niya sa Rodan. Habang papasok siya sa lugar at palayo nang palayo sa pasangang daan ay bigla siyang nakaramdam ng takot. Nanindig ang mga balahibo niya at parang gusto niyang bumalik. Malayo na ang nararating niya at natatanaw na rin niya ang mga kabahayan.Simula nang madiskubre niyang isa siyang chimera ay luminaw na rin ang paningin niya. Kaya niyang makita ang isang bagay kahit gaano pa ito kaliit at natatanaw niya na parang malapit lang ang isang lugar kahit na malayo. Ayon kay Ziv

  • Loving the Beast   CHAPTER SEVENTEEN

    Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Abbey habang patamad na nakadapa sa kama. Hindi pa uli sila nag-usap ni Luc simula kahapon. Hindi naman niya masisi ang lalaki kung galit ito sa kanya. Hindi siya nag-ingat. Sa kagustuhan niyang i-please ito ay nakaperwisyo pa siya. At, muntik pa niya itong saktan."What now, Abbey?" Pabulong na kausap niya sa sarili bago tumihaya.Wala pa siyang isang linggo roon pero ang dami nang nangyari. Maraming nagbago lalo na sa kanya. Hindi niya pa rin lubos na matanggap ang pagiging halimaw niya. Akala niya kapag pumunta siya sa Wulfgrim ay matatagpuan niya kaagad si Callehan at magiging maayos na ang lahat. Pero mali siya dahil mas naging magulo ang sitwasyon. Mas naging komplikado.Natatakot siyang hindi na siya makabalik sa dati niyang buhay. Paano kung dahil sa pagiging halimaw niya ay makasakit siya ng inosenteng tao or worst ay makapatay siya? Hindi na niya alam kung paano at saan mag

  • Loving the Beast   Chapter Sixteen

    Matapos masigurong maayos na ang kalagayan ni Abbey ayon kay Ziva ay niyaya ito ni Luc sa kanyang opisina. May gusto siyang malaman dito. Iniwan nilang natutulog ang babaeng tila naubusan ng lakas at ipinagbilin na lamang niya kay Kimmy na silip-silipin dahil umalis ang pinsan niyang si Gayle para bisitahin ang café nitong kasalukuyan pa ring ginagawa."Mukhang napapalapit na ang loob mo sa kanya, ah." Kaagad na untag ni Ziva nang makapasok sila sa opisina niya.Taas ang kilay na tiningnan niya ito bago umupo sa couch na naroroon."What are you talking about?" Kunot-noo niyang tanong sa kaibigang doctor.Umupo si Ziva sa tapat niya at tinitigan siyang mabuti na tila ba inuuri ang kanyang kabuoan. "Are you falling for her?" Nananantiya at out of the blue na tanong nito.Napa-angat naman si Luc mula sa pagkakasandal at tila napapantastikuhang tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin si Ziva na titig na titig pa rin sa kanya.

  • Loving the Beast   Chpater Fifteen

    Gulat na napalingon si Abbey sa namumula sa galit na si Luc. Nawala sa loob niya ang nabitawang kawali."What the hell are you doing?!" pasigaw pa ring tanong nito sa kanya.Awang naman ang mga labi at namumutlang napatanga siya sa kaharap na lalaki. Madilim ang anyo nito at tila anumang oras ay gusto na siyang tirisin.Hindi alam ni Abbey kung paano siya magpapaliwanag. Nalulon na yata niya ang kanyang dila dahil sa labis na tensyong nararamdaman sa mga sandaling iyon. Napakalaki naman kasi ng anger issue ng lalaking ito. Gwapo nga sana at fafable pero palagi namang may topak."S-sorry..." medyo nabubulol na turan niya nang mahamig ang sarili sa pagkabigla at takot."Sorry? Is that all you can say now? Ano ba kasi ang naisipan mo?!" singhal nito sa kanyang ang mga mata ay nakatutok sa sunog na mga pancakes na nasa harap nito.Aba naman, sumusobra naman yata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status