Share

Chapter 3

Lyla

Mabilis naman na bumaba na ako ng kotse ni Ate Vexana. Hindi ko na ito nagawa pang tignan dahil nahihiya ako sa pagka tulala ko na naman. Mabuti na nga lang at hindi sa kanyang kagandahan ako natulala e. Mas lalo lang nakakahiya kapag ganun.

Pumasok naman na kaagad ako sa building namin habang sila Ate naman ay sa loob pa banda ang kanila. Mga college na kasi sila at ako naman ay senior high pa lang. Pero iisang school lang din kami ang sa kanila ay sa may dulo banda pa at kami naman ang sa bungad.

Nakita ko naman na kaagad na nasa may labas ng pinto itong kaibigan ko na si Melissa at mukhang ako ang hinihintay nito dito sa labas.

Nang mapansin ako nito ay mabilis na lumapit siya sa akin. Nag beso na muna kami nito bago nag patuloy na pumasok na sa loob.

Pagka upo namin ay kaagad na akong tinanong nito. "oi girl bakit ang tagal mo dumating? Mabuti na lang at hindi kapa late." Tanong nito kaagad sa akin.

"Naki sakay lang kasi kami ni Ate kay Ate Vexana. Sira kasi yung kotse ni Ate Hanabi e. Mabuti na nga lang at pinasakay kami nun at hindi sinumpong ng kanyang sakit. Tapos sobrang traffic pa." Sagot ko naman dito.

Nalingunan ko naman na naka takip ito ngayon sa kanyang bibig at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kanya.

Pero maya lang ay nag salita na rin ito. "weee totoo na kay Ate Vexana kayo sumakay? Mamatay? " Hindi makapaniwala na tanong pa rin nito s akin.

Nangunot naman ang noo ko dahil doon.

"E bakit naman hindi niya kami e sasabay? Dito din lang naman sa school ang punta niya at saka hindi naman siya out of the way dahil madadaanan naman niya ang subdivision namin bago makarating dito sa school." M*****a na sagot ko naman dito.

"Kasi naman diba at inis na inis sayo yung si Ate Vexana kasi nga sobrang kulit mo sa kanya. Pero kinikilig ka malamang nyan. Kaya naman pala hindi ka nag re reply sa mga chat ko sayo kasi naman tulala ka na naman siguro doon kay Ate." Sabi naman niya sa akin.

And speaking of phone. Shit tangina hindi ko nga pala nakuha kay Ate Vexana yung phone ko sa kakamadali ko na bumaba sa kotse niya. Hayst kainis naman oh.

Mamaya makita pa nito kung ano ano ang mga naka save sa phone ko na picture niya na mga kinuha ko sa kanyang epbe at instagra niya.

Tapos hindi lang yun baka mag selos ito kasi nga madami din ako na naka save na picture ng mga crush ko na lalaki na pina follow ko. Wala pa naman password yung phone ko na yun. Kainis talaga.

Sana naman ay hindi niya yun pakialaman at ibigay na lang niya kay Ate Hanabi. Ayaw ko pa naman na mag iisip ito na hindi ako seryoso sa nararamdaman ko sa kanya.

Seryoso kaya ako. Kaya nga hindi ko pinapatulan yung mga nag pa papansin sa akin dito sa school e. Kasi siya talaga ang gusto ko. At alam ko na iba ang nararamdaman ko sa kanya at sa mga crush ko lamang.

Dahil sa kanya ay nararamdaman ko ang mga bagay na hindi ko nararamdaman sa mga crush ko. At crush ko lang mga yun at ilang buwan or weeks lang nawawala din naman. Siya kasi ilang taon na ang nararamdaman kong ito sa kanya at habang mas tumatagal ay mas lalo lang na lumalalim at nag iiba ang tingin ko dito.

Walang araw yata na hindi ito maganda sa paningin ko. Kaya alam ko na kakaiba na ito. Baka nga hindi lang pagka gusto ito e. Baka nga mahal ko na siya. Pero ayaw ko pangunahan ang aking sarili.

"Paano naman ako makakapag reply sayo e wala sa akin ang phone ko. Nandoon kay Ate Vexana. Kinuha niya sa akin kanina nung papunta na kami dito sa school. Mamaya nga pala samahan mo ako pag breaktime ha. Kunin natin sa kanya."sagot ko naman sa kanya.

Nangunot naman ang noo nito sa sinabi ko. "Bakit nasa kanya yung phone mo?" Nag tataka na tanong nito

Napilitan na lang ako na sabihin dito yung sinabing dahilan sa akin kanina ni Ate. "Bawal daw mag phone habang nasa kotse niya kaya yun kinuha niya sa akin." Sagot ko naman dito.

"Paano na naging bawal yun e Hindi naman ikaw ang nag da drive nung kotse siya naman " tanong pa rin nito sa akin.

Pero nag kibit balikat na lang ako. "tanungin mo kaya sa kanya yan mamaya kapag kinuha natin phone ko. Kahit nga ako ay nag tataka din kasi e."

"Paano na lang kung tignan niya yung phone mo? Wala pa naman password yun. Nag send pa naman ako sayo ng picture ng mga crush natin na kita ang mga abs nila." Problemado na sabi naman nito sa akin.

Mas lalo lang naman na kinabahan ako dahil doon. My goodness huwag naman sana niyang tignan.

Nagka tinginan na lang kami ni Melissa dahil doon. Kahit siya kinakabahan din para sa akin.

Maya lang ay hiniram ko na muna ang phone ni Mel upang tawagan na si Ate Hanabi at ipakuha dito yung phone ko. Para mas matahimik na lang ako .

Ilang ring pa ay sinagot na rin ni Ate yung tawag ko. "yes Mel, napatawag ka?" Mabait na sagot ni Ate sa call. Akala siguro niya ay ako ito si Melissa.

"Ate ako ito si Layla. Naiwan ko kasi yung phone ko kay Ate Vexana baka naman pwede paki kuha na lang sa kanya at kunin ko sayo dyan pag breaktime namin." Pakiusap ko naman kay Ate.

"Eh ikaw na lang ang kumuha sa kanya mamaya at wala siya ngayon dito sa room dahil may meeting silang mga student council. Mamaya pa kami mag kikita nun sa lunch. Bakit kasi di mo kinuha sa kanya kanina nung bumaba ka. Wala ka na naman kasi sa sarili mo e." Sermon pa nito sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status