Share

Chapter 4

Layla

Malungkot na ibinaba ko na ang tawag. Hayst walang kwenta talaga yung kapatid ko na yun. Hindi maasahan.

"O bat sambakol na yang mukha mo? Anong sabi ng Ate mo?" Tanong naman nito kaagad sa akin.

"Wala daw doon si Ate Vexana at nasa meeting. Kaya puntahan na lang daw natin doon sa may office ng student council dahil di daw sure ni Ate kung anong oras matapos ang meeting nila." Malungkot na sabi ko naman dito.

Pareho naman na kaming problemado nito ngayon. Ito ang maganda kay Melissa e. Kung ano makapag papasaya sa akin ay doon siya.

Maya lang ay dumating na ang teacher namin at bag discuss na ito kaagad habang pareho naman na kaming nakinig nito kay Ma'am.

Mahilig kasi itong si Ma'am mamahiya ng student niya e. Kung hindi ka talaga makinig sa kanya at na tyempuhan na tinawag ka nito at hindi mo nasagot ang kanyang tanong patay ka talaga dahil ipapahiya ka nito o di naman kaya ay papalabasin ka na lang at wag ka ng mag expect pa ng mataas na grades mula dito

Kaya naman kahit na nakaka antok ito mag discuss ay naka focus kami sa kanya. Mahirap na.

Mabuti na lang at sa wakas ay natapos na rin ito at nag dismissed naman na kaagad kaya naman nag ingayan ulit ang mga classmates namin.

Maya lang ay biglang lumapit sa amin si Lancelot ang isa sa malakas ang loob na manligaw sa akin.

"Layla my loves, baka naman pwede sabay na tayo sa breaktime mamaya. Libre ko." Naka ngiti na pag aaya nito sa akin.

Bigla naman na napa ismid si Mel dahil sa sinabi ni Lancelot. Kung tutuusin ay may itsura din naman talaga ito. Sadyang hindi ko lang talaga siya type. Syempre na kay Are Vexana na ang pansin ko e. Kaya kahit anong pag papa cute at pag aaya ang gawin nito ay baliwala na lang sa akin.

Pina lungkot ko naman ang aking itsura bago binalingan ko ito ng tingin. "sorry Lance ha. Sa saglit kasi kami sa building nila Ate e. Naiwan ko kasi sa kanya yung phone ko."lungkot lungkotan na sabi ko naman sa kanya.

Ayaw ko naman na pakiharapan ito ng hindi maganda dahil alam ko ying feeling ng sinusungitan at hindi pinapansin ang feelings mo. Danas na danas ko yun kay Ate Vexana.

Bigla naman nag liwanag ang mukha nito sabay sabi sa akin ng "samahan ko na lang pala kayo. Baka kasi pag tripan pa kayo ng mga college student doon e." Naka ngiti na suggestions nito sa akin.

Bigla naman akong napa ngiwi ng dahil doon. Patay na. Bakit ba kasi ganun pa ang sinabi ko sa kanya. Yan tuloy gusto pang sumama ng h*******k. Kainis.

Sasagutin ko na sana ito na kami nalang ni Melissa ay siya naman na pag pasok sa room ni Sir. Isa din ito na terror kaya naman nag mamadali na umupo na si Lancelot kaya hindi ko na nasabi dito na kami na lang ni Melissa ang pupunta at huwag na siyang sumama at baka makita pa ito ni Ate Vexana.

Ayaw ko pa naman na mag isip pa ito ng kung ano ano sa akin. Baka kasi mas lalo lang akong mahirapan na mapa sagot ito e.

Gaya ni Ma'am kanina ay nag discuss na rin si Sir at nakinig na kaming muli. Pero bago pa matapos ang time niya ay nag assigned muna ito ng mga magiging partner namin para sa gagawin naming report sa subject niya.

Tawang tawa naman ako ng ang maka partner ni Melissa ay si Miya na isa sa kina iinisan nito.

Mayabang daw kasi tapos feeling maganda e mas maganda naman daw siya dito. Pero wala siyang magagawa kasi si sir na ang nag bigay ng partner e.

Kaya naman itong katabi ko ay nang hahaba ang nguso dahil sa inis dito.

Nang mabanggit naman na ang name ko ay hindi ko din maiwasan na hindi mapa simangot ng lihim dahil si Lancelot lang naman ang naging partner ko na ngayon nga ay ang lawak lawak ng ngiti na nito.

Hayst ano ba naman mag distribute itong si Sir. Hindi na lang kami hinayaan na kami na lang mag hanap ng mga partner namin. Mas maganda sana kung si Melissa na lang ang partner ko e. Hayst

Matapos yun ay mabilis ng nag dismissed si Sir habang pareho naman na kaming tahimik ngayon ni Melissa at mukhang mga badtrip na.

Nag labasan naman na ang mga classmates namin dahil breaktime na. Hinihintay lang naman namin na maka labas na halos bago kami tatayo kasi nga ay ayaw namin makipag siksikan sa may pinto.

Nang ang akala namin ay kunti na lang ay tumayo na rin kami ni Melissa at balak na sana namin na lumabas nito pero mabilis na naka lapit sa amin ni Lancelot na may malawak na ngiti sa amin.

"Tara na? Samahan ko na kayo kila Ate mo Layla." Naka ngiti na sabi sa akin ni Lance.

Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na lang dito. Alangan naman na sabihin ko dito na hindi pwede. Nakakahiya naman. Mukha pa naman siyang excited

Nag lalakad na kami ngayon sa may college area at agad na pinuntahan ang building ng student council.

Nang nandito na kami ay agad na akong nag tanong sa nakita kong babae na palabas na ng building.

"Hi po. Pwede mag tanong? Nandyan pa po ba si Ms. Vexana?" Tanong ko naman kaagad kay Ate girl.

"Ah oo nandyan pa. Puntahan mo na lang doon sa office niya." Sagot naman nito sa akin.

Kaya naman binalingan ko na muna sila Lance at Melissa. "Ako na lang ang papasok sa loob ha. Wait nyo na lang ako dito." Paalam ko sa mga ito.

Mas maganda na maiwan na sila dito para ako na lang ang haharap kay Ate Vexana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status