Share

Chapter 5

Vexana

Maaga ako ngayon kasi nga ay makikisabay sa akin si Hanabi ang bff ko. Pati na rin ang makulit na kapatid nito na si Layla.

Hayst maisip ko lang ang bata na yun umiinit na kaagad ang ulo ko. Paano naman kasi my goodness manligaw ba naman sa akin e pareho kaming babae. Tsaka hindi naman ako member ng LGBTQ para patulan siya.

Lalaki ang gusto ko no. Tsaka tingin ko naman ay hindi din naman siya bakla dahil mas maarte pa sa amin yun kung tutuusin e.

Sadyang may ubo lang yata sa utak yun kaya ako ang pinag ti tripan nito. Pero halos isang taon na ito mag mula ng mag tapat siya ng nararamdaman sa akin.

Dati kasi nung hindi pa ito umaamin ay puro nakaw tingin lang ang ginagawa nito sa akin lalo na kapag pumupunta ako sa kanila.

Akala ko naman ay gandang ganda lang siya sa akin. Oo gandang ganda nga siya kaya naman gusto na akong syotain. Kapal din ng mukha e no.

Siguro kung hindi lang ako nahihiya sa parents nito pati na rin kay Hanabi ay matagal ko ng sinupla supla ito. Kaya naman kahit paano ay mild lang na pag susungit ang ginagawa ko sa kanya.

Lalo na kung kaming dalawa lang at hindi kaharap ang ate niya at ang kanyang pamilya.

Nandito na ako sa harap ng bahay nila at nag chat na rin ako kay kay Hanabi na lumabas na sila dahil nandito na ako.

Tinignan ko naman ang itsura ko sa salamin syempre gusto ko lang ma sure na maganda ako no. Pero wala akong pinapagandahan ha.

Maya lang ay bigla na lang bumukas ang front seat at gaya ng inaasahan ko ay ang todo ngiting si Layla ang nag bukas nun.

Siya lang naman ang malakas ang loob na sumakay dito sa harap e. Agad ko naman na sinamaan ito ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Good morning love." Bati pa nito sa akin na lalo lang ikina inis ko.

Kapal talaga ng mukha nito at walang hiya ang bwisit. Hindi man lang ako ginalang na mas matanda sa kanya at ganyan kung batiin ako. Akala mo naman ay syota ko siya para tawagin niya ako ng ganyan. .

At dahil si Layla ito at hindi takot sa akin na mukhang sanay na sanay na sa aking attitude sa kanya ay mas ngumiti lang ito sa akin.

"Doon ka sa likod maupo!" Galit na sita ko na lang dito.

Pero bago pa ito makasagot ay siyang pasok naman ni Hanabi sa may likod banda. Mukhang inaasahan na rin nito na dito sa harap umupo ang kanyang kapatid.

Inis naman na nag drive na lang ako. Kaysa naman matuyuan ako ng dugo sa batang ito dahil sa inis ko sa kanya.

Nag kwentuhan na lang kami ni Hanabi habang papunta sa school kaya lang biglang napataas ang kilay ko ng mapansin ko na busy itong si Layla sa panood sa kanyang phone at ng huminto kami saglit sa traffic lights ay napansin ko kung ano ang pinapanood nito.

Mga lalaking half naked at kitang kita ang mga abs habang sumasayaw at panay pa ang heart nito. Kaya naman mabilis na inagaw ko sa kanya yung phone niya sabay sabi dito ng.

"Bawal ang mag phone kapag nandito sa kotse ko." Seryoso na sabi ko dito sabay bulsa nung phone niya para hindi niya makuha sa akin.

Agad naman na nag reklamo ito sa akin na bakit bawal daw e hindi naman siya ang nag da drive pero sinamaan ko lang ito ng tingin.

Nang makita nito siguro na hindi siya mananalo sa akin ay nanahimik na lang ito at itinuon na lang sa labas ang kanyang paningin.

Much better, sa isip isip ko habang pa sulyap sulyap sa kanya. But don't get me wrong ha. Ayaw ko lang na nanonood siya ng mga ganun. My god napaka bata pa nito para manood ng ganoong klase ng video.

Saan ba nag sisimula ang maagang pagka parewara ng ibang kabataan? Dahil sa mga napapanood nila hindi ba? Epikto ng social media.

Kung hindi lang ako concern sa kanya ay hahayaan ko lang ito sa mga maling gawain niya. Pero dahil nga friend ko ang kapatid niya at ayaw ko na sumakit ang ulo ng friend ko dahil dito ay ginagawa ko na lang ang ganito at wala ng ibang dahilan pa. Yun lang.

Mukhang engrossed na engrossed naman ito sa pag tanaw sa mga nadaraanan namin kaya hindi nito napansin na nandito na kami sa school at kailangan na nitong bumaba.

Kung hindi lang ito sinita ng kanyang ate ay baka hindi pa nito namalayan na nandito na kami.

Mabilis naman na bumaba na ito at hindi man lang nito nakuhang tumingin sa akin dahil siguro sa hiya. Hindi tuloy nito nakuha ang kanyang phone.

At hindi ko rin naman na ipinaalala pa sa kanya. Bahala siya dyan. Kasalanan niya yan.

Nang makita namin na nag lakad na ito papunta sa kanilang building ay nag drive na akong muli papunta naman sa aming building ng mga college student.

Medyo malayo kasi ang building namin sa kanilang mga senior high school. kahit sa iisang school din lang naman kami ng mga ito.

Maya lang ay nag salita na muli si Hanabi. "pasensya kana doon sa kapatid ko ha. Alam mo naman na lakas tama sayo yun e. Ewan ko ba naman sa kapatid ko na yun at sa dami ng pwedeng magustuhan na mga lalaki ay sa iyo pa talaga." Naiiling na hingi sa akin ng paumanhin ni Hanabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status