Layla Nandito na kami ngayon ni Melissa sa company at ang laki ng ngiti namin na dalawa lalo na ng pinapasok kaagad kami sa loob matapos na tignan ang mga folder namin. Yung guard nga kanina ay sumaludo pa sa amin. Pati na rin yung sa information disk ay todo pa ang asikaso sa amin at sinamahan pa kami hanggang dito sa office ng HR. Hindi ko alam na napaka bait at napaka galang nila sa mga nag a apply pa lang sa company nila. Kaya nga mas lalong tumaas ang tingin ko sa nag papa lakad ng company na ito. Kaya ngayon ay malaki ang ngiti namin ni Melissa paano kasi ay na interview na kami ng HR at tanggap na kaagad kami. Halos wala nga itinanong na masyado sa amin e. Basta tanggap na kami kaagad at hintayin lang daw namin na matapos yung pinapagawang contract para sa amin ng mga ito. Kaya naman nandito at nag hihintay kami. Ang nakakabilib pa ay binigyan pa kami ng meryenda ng mga ito para daw hindi kami mainip sa pag hi hintay. Maya lang ay lumabas na muli si Ms. Pharsa
Layla Kaya naman mabilis na tumayo na ako sabay sabi dito ng "bukas na lang po Ms. Pharsa total mag e start naman na kami mag work dito bukas e." nasabi ko kaagad dito. Agad naman itong ngumiti dahil doon. " Yung kotse nyo nga pala Ms. Layla ay pasasamahan ko na lang kayo sa isang staff namin upang ituro kung saan ito naka park at ito nga po pala ang susi ng kotse." sabi pa niya sabay abot sa akin nito ng susi. Kaya naman mabilis na kinuha ko yun sa kanya at baka mag bago pa ang isip nito. "Salamat po Ms. Pharsa. Sige po at aalis na po ako." paalam kk na ng tuluyan dito. Pero bago pa ako maka labas ay nag salita itong muli. " Nasa labas na po ng pinto yung staff na mag da dala sa inyo sa parking lot.." sabi nito sa akin habang naka ngiti ng matamis na agad ko din ginantihan naman. Pag labas ko ay nakita ko kaagad si Melissa na mukhang naiinip na at gusto na siguro nitong umuwe na. Ayaw kasi nyang ang pinag a antay siya. Alangan naman na madaliin ko na makipag usap kay Ms
Layla "Oo nga friend e, parang ang swerte ko nga ngayong araw na ito. Kojic lang naman gamit ko na sabon ikaw ba ano gamit mo?" pag sa sakay ko naman sa biro nito sa akin. "Perla lang gamit ko e. Alam mo na nag ti tipid ako. Pagka tapos ko mag laba diritso ligo na ako so yung gamit na sabon ko pan laba ay siya na rin ginagamit ko paliligo. Kung pwede nga lang na kahit sa buhok ay yun na rin ang ginamit ko para lang maka tipid." seryosa na sagot nito sa akin na agad ko naman na ikina tawa. "Para ka talagang sira dyan. Mabuti na lang pala at naki angkas na lang ako sayo kanina di may magagamit na ako pauwe ng bahay nito. Tiyak na mag tataka ang parents ko nito kapag nakita nila ang kotse na gamit ko pauwe." sabi ko naman sa kanya. "Di paliwanag mo na pagamit sayo yan ng company e yun naman ang totoo ay. Yun nga lang at medyo hindi nga lang siya kapani paniwala na bibigyan ka ng ganyan ka gara na sa sakyan." medyo naiiling na sagot naman nito sa akin. Sa condo mo na lang ka
Layla Matapos kong mamili ng mga kailangan ko ay nag pasya na muna na kumain na rin tuloy ako dito sa mall. Sakto at tanghali naman na at saka gusto ko lang na e treat na rin ang aking sarili dahil sa pagkaka tanggap ko sa trabaho. Tiyak na matutuwa nito ang parents ko pag nalaman nila na may work na ang kanilang bunso. Hindi na ako nag chat pa kay Melissa na mag shopping kami kasi naman alam ko na may date sila ngayon ng jowa nito na si Miya. Yun kasi ang usapan ng mga ito na after ng pag pasa namin nga lang sana ng application namin kanina ay di naman namin expected na interview na kami kaagad. Pero napa ganda naman ang nangyari at ito nga at both na kaming may work ni Melissa. Hindi na kami aasa pa sa pera ng magulang namin. Mag iipon talaga ako kapag sumasahod na ako kasi gusto ko naman na makapag patayo na ako ng sarili kong bahay o kaya naman ay maka bili man lang ako ng condo ko na maipag mamalaki ko na galing ang pera na pinambili nun sa sarili kong sikap sa mga nai
Layla Agad naman na naningkit ang mata nito sa sinabi ko sa kanya. Di siguro niya ini expect na ganun ang sa sabihin ko dito. Bakit ba e ayaw ko nga sa kanila at tsaka pakialam ba niya kung hindi ang katulad nito ang type ko. Hindi na ako basta basta na lang pa payag na mangyari ulit sa akin ang ginawa noon ni Vexana. Never na no. "Akala mo naman kung sino kang maganda. Pasalamat ka nga at kahit paano ay nilapitan kita dito." galit na sabi nito sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "Sino ba kasi nag sabi sayo na lapitan mo ako ha? Aba hindi ko na kasalanan pa kung hindi ko like sumama sa mga katulad mo no. Di lahat ng tao ay basta na lang sa sama sa hindi niya kilala. Tsaka umalis ka na nga. Isturbo ka sa pagkain ko e." inis na pag tataboy ko sa kanya. Agad naman na akong tinalikuran nito kaya naman nag patuloy na ako sa aking pagkain. Nakita ko na inaasar na ito ng kanyang mga kasama sa table at mukhang asar na asar naman yung isa dahil ang dilim ng mukha nito. Ka
Layla "Tigil tigilan mo nga ako Layla sa pang go goodtime mo sa akin na yan ha. Saan ba talaga galing ang kotse na yan ha??" maliit na ang tingin na tanong pa rin sa akin ni Mama. Kaya naman wala sa oras na napa kamot na lang ako ng aking ulo at agad ng kinuha mula sa bulsa ko ang phone ko at nag video call ako kay Melissa. Ilang ring lang ay sinagot naman nito iyon kaagad. "Oh best napatawag ka? Bakit?" tanong naman nito kaagad sa akin. Kita ko pa na katabi nito si Miya at nasa isang restaurant sila at kumakain. "Melissa pwede ikaw na nga lang mag explain dito kay Mama kung saan galit itong Rolls-Royce na gamit ko. Kanina pa ako nag papaliwanag pero hanggang ngayon ay di naniniwala sa akin. Parang hindi ako anak kung makapag hinala sa akin e." sabi ko naman sa kanya. Nakita ko naman ang agad na pag tawa nito sa sinabi ko at ng balingan ko ng tingin si Mama upang ibigay sana sa kanya yung phone ko at sila na ang bahalang mag usap ni Melissa ay masama na ang tingin nito s
Layla Kinabukasan Maaga akong nagising kasi ito na ang first day of work ko at ayaw ko naman na ma late pa ako sa trabaho. Sobrang nakakahiya kapag nangyari yun. Baka mamaya ay maunahan pa ako ng CEO na pumasok. Sabi pa naman ay maaga nga daw itong pumapasok. Kahit na medyo late na ako naka tulog kagabi dahil sa walang katapusan na pangungulit sa akin ni Ate at gusto na nga nito na lumipat na sa company na pinag ta trabahuhan ko ng makita nito ang kotse na gamit ko pauwe. Gusto pa nga sana niyang hiramin at e test drive nya lang daw dito sa may village at hindi naman daw ito lalabas at para naman masubukan daw nito ang makapag drive man lang ng ganoong klase ng sa sakyan. Pero hindi ako pumayag. Mamaya may naka tira pala na dito sa subdivision na taga Vexla tapos makita nito ang kotse ma sumbong pa ako sa HR. Nakakahiya naman kung mangyari yun. Kaya naman kahit anong pilit nito sa aki. ay hindi talaga ako pumayag. Kahit mag tampo na siya sa akin nyan. Pero hindi pwede ta
Layla Ipinag handa pa ako ng meryenda ng secretary bago ito nag paalam na lalabas na muna at marami pa daw itong gagawin na trabaho. Binilinan pa ako nito bago pa siya lumabas ng office na kung may kailangan pa daw ako ay sabihan ko lang siya sa labas. Basta wait ko lang daw si Ma'am dito sa office niya at parating na daw ito. Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sundin na lang ito. Kahit na sa totoo lang ay hiyang hiya ako kasi naman bakit dito pa sa office kailangan na mag hintay dito e pwede naman na doon na lang ako sa labas diba. O kaya naman ay turuan na niya ako ng mga kailangan kung gawin dahil sure naman ako na siya din ang mag tuturo sa akin ng mga bagay na yun. alangan naman si boss pa diba? Hindi ko naman na ginalaw ang hinanda nitong coffee sa akin kahit na na te temp ako na inumin na ito. Alam nyo naman na medyo may pagka adik ako sa kape e. Baka lang kasi bigla dumating si boss at makita ako nito na na pa kape kape lang. Baka Hindi pa man ako nag si