Share

CHAPTER 29

[RANN]

Nakatitig lang ako sa ibinigay na papel sa akin ni Nathan, nandito ako ngayon sa hospital kung saan niya ako dinala nang mawalan ako ng malay sa shop. Nakaupo ako sa kama habang si Nathan naman ay nakatayo lang sa gilid ng silid, nakasandal sa pader habang nakahalukipkip pa at masama ang tingin sa taong nakaupo sa tabi ng kama kung saan ako nakaupo ngayon.

Mataman akong tinignan ng taong nasa tabi ko ngayon, ramdam ko iyon pero sa papel lang ako nakatingin. Hindi ko pa kayang harapin ang mga mata niya, lalo na kapag naaalala ko ang mga pangyayaring nakita ko bago ako nawalan ng malay. Seryoso lang siyang nakaupo roon, walang imik na lumalabas sa bibig niya, pero alam kong sa akin lang siya nakatitig. Ramdam ko iyon.

"What do you think you're doing, Rann Donovan?" Halos mapapitlag ako dahil sa talim ng tono niya, pero nanatili lang na sa papel ang tingin ko. Hindi na ako umiimik. Ayoko munang magsalita.

"How many times do I have to tell you to stay away from that man?" si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status