[RANN] "Uwaaah! Welcome back ma'am Rann!" Napangito ako sa sigaw ni Mirai nang makababa ako ng kotse, agad niya akong nilundag at saka niyakap ng mahigpit. "Oi, Mirai. Sinabi na nga ni Master Spyru na umayos ka ng kilos eh." Inis na saad ni Gael pero nakipag fistbump naman siya sa akin nang makalapit siya sa pwesto namin. Masaya ko naman silang binalingan at saka. Abot tenga ang ngiting binati. "Kamusta kayo rito? Na miss ko kayo ng sobra," saad ko. Nagtinginan naman silang dalawa saka sabay na ngumiti. "Akin na mga gamit mo ma'am Rann. Nakapag handa naman na si Sebastian doon sa loob eh. Kakain na lang tayo." Kinuha ni Gael ang mga gamit na dala ko habang si Mirai nama ay inaalalayan akong makapasok ng mansion. Agad namang may malaking itim na asong tumakbo palapit sa akin. Ang makintab nitong buhok at malaking katawan, agad na nagliwanag ang mga mata ko at sinalubong siya ng yakap. Sabik naman siyang pinaghahalikan ako. "Cerbe! Na miss din kita!" madrama kong sigaw at saka siya
[DAMON] "Ne, Paion." Agad akong nilingon ng kapatid ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Kailan mo masasabing…nagmamahal ka na nga?" Ilang saglit niya lang akong tinitigan bago sumilay ng isang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang nakakairitang mukha. "Heh? Bakit? Umiibig na ba ang aking mahal na kapatid?" batid ang panunukso sa boses niya na lalong ikinairita ng buo kong pagkatao. Ibinaba niya ang librong hawak niya saka ako nginisihan. "Sino ang malas na nilalang na ito? Kilala ba namin? Mas mababa ba sa atin? Succubus? Imp?" Sunod-sunod na tanong niya. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko saka inis na sinara ang aklat na binabasa ko. "Nagtatanong lang ako, pwede ba? Hindi ko kasi maintindihan ang kwentong binabasa ko. Saad ng babaeng bida rito ay ramdam niyang mahal siya ng lalaki, pero hindi naman alam ng lalaki kung mahal nga niya yung babae o hindi–" tumawa lang siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ay, patawad. Hindi ko kasi alam na ganiyan ka pala mahumaling sa
[RANN] "To be honest, I really can't understand your cravings. May mga prutas naman tayo sa mansion, bakit pinapahirapan mo kami na manguha ng manga mula sa puno aber?" inis na hinawi ni Spyru ang mga matataas na damong nadadaanan namin. Tumawa na lang ako dahil sa inaakto niya at saka muling ipanatong ang ulo ko sa likod ni Damon. Naka sakay kasi ako ngayon sa likod niya habang siya ay patuloy lang na naglalakad pababa ng bundok. Lahat kami, maliban kay Sebastian ay pababa ngayon ng bundok, naisipan ko kasing gusto kong mamasyal muli sa Las Flores pero ayaw akong payagan nitong asawa ko. Ngayon ko nga lang siya napilit eh, pero dahil nahihilo ako kapag nakasakay ako sa kotse, naisipan kong bumaba kami sa pamamagitan ng daan na nasa gilid nito. Ito iyong daan kung saan maraming mga puno ng prutas na namumunga. Nang madaanan namin ang isang pamilyar na parte ay humigpit ang hawak ko sa balikat ni Damon. Dito rin kasi ang daan na tinahak ko noon para lang makarating sa mansion upang m
Dilim....Ang lahat ay nababalot ng dilim. Mula sa langit na tila ba'y isang entablado kung saan sumasayaw ang kidlat na sinasabayan ng kulog, sa lupa kung saan dama ng kaniyang h***d na mga paa ang mumunting tinik at mga sangang kaniyang naaapakan hanggang sa kapaligirang animo'y nilalamon ang kaniyang kabuuan. Pagod....Dama na niya ang matinding pagod na gumagapang mula sa kaniyang balikat pababa sa kaniyang paa. Mistulang nagiging pabigat ito upang hindi na siya magpatuloy pa sa pag takbo.Takot...Sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay, takot ang namutawi sa kaniyang kabuuan habang sinisikap na makalayo sa bingit ng kamatayan.Patuloy lang siya sa pagtakbo, hindi na iniinda ang mga matutulis na bagay na kaniyang natatapakan, tanging ang maka-alis lang sa lugar na iyon ang nasa isip niya."Hindi ako mamamatay dito…hindi," mariing anas niya habang pinipilit na hanapin
[RANN]"Sign this paper and you'll be legalized as Rann Donovan." Napatitig nalang ako sa papel na nakalahad sa harapan ko. Hindi ko maiwasang kabahan nang madinig kong nagsalita ang lalaking nasa harap ko habang nakaturo sa papel na nakalahad sa mesang namamagitan sa aming dalawa.Ilang segundo pa akong nakatitig lang sa papel nang madinig ko nanamang magsalita siya."What's wrong?" Tanong niya, doon lang ako nagtaas ng tingin sa kaniyang mukha. Halatado ang iritasyon sa mukha niya at pagka-inip. Lalo akong kinakabahan. Hindi dahil sa iritasyong nakaukit sa mukha niya kundi sa unang sinabi niya. Ang tanging salitang naintindihan ko lang mula sa kaniya ay ang pangalan ko at ang salitang "Donovan" na kung hindi ako nagkakamali ay kaniyang apelyido.
[RANN]"CERBE! WAG MONG HABULIN ANG MGA MANOK! GUSTO MO BANG TULUYAN KA NANG KATAYIN NI SEBASTIAN!?" Nakatitig lang ako sa kisame ng silid kung saan ako dapat na matulog ngayon. Malawak ang kama, malambot at komportableng higaan. Sino man ang mahiga rito ay tiyak na magiging masarap ang tulog na makukuha dahil sa kakaibang lambot ng kama."Ibang-iba sa papag na higaan ko noon sa kubo ni tatang," bulong ko sa isip ko at saka kinapa ang espasyo sa tabi ko. Dama ko pa ang natitirang init nito, patunay na mayroon pang natulog dito maliban sa akin kagabi. "Ibang-iba rin ito sa dati kong kama sa casa." Napabuntong hininga nalang ako at agad nang bumangon mula sa kama, inayos ko muna ang roba na ibinigay sa akin ni Da
[RANN]Isang linggo na simula nang dumating si Spyru dito at isang linggo na rin simula nang mamalagi ako sa mansion na ito. Sa loob ng isang linggong iyon ay walang awang pinahirapan ako ni Tanya sa mga leksyon na tinuturo niya sa akin at sa iba pang mga gawain ng isang may-bahay. Isang linggo na rin simula nung huling pag-uusap namin ni Damon at talagang matapos noon ay hindi na niya ako muli pang pinansin, maliban na lang kung may gusto siyang ipagawa sa akin.Magdadapit hapon na ay nandito parin ako sa tabing sapa sa likod ng mansion. Hindi ako makapaniwalang may ganitong tanawin sa likurang bahagi ng mansion. Tahimik ang paligid at sariwa ang hanging nalalanghap ko. Malayong malayo sa moderno at puno na pulusyong kapaligiran ng siyudad na pinanggalingan ko.Tahimik ko lang
[RANN]"At ayan." Pinunasan ko ang pawis na namuo sa leeg at noo ko gamit ang apron na pinahiram sa akin ni Sebastian matapos kong ihain sa mesa ang mga pagkaing pinaghirapan kong lutuin. Sinilip ko ang reaksyon ni Sebastian na kanina pa pinapanood ang bawat kilos ko. Nakatitig lang siya sa mesa, sa pagkaing inihain ko habang nakapamewang pa."Ayos na ba? Mukha na bang karapat-dapat na kainin?" tanong ko habang pinapanood ang expresyon sa mukha niya. Naningkit ng bahagya ang kaniyang mga mata at saka tumango tango na para bang may naisip na hindi ko mawari kung ano."This is the first time na may naghanda ng almusal for Master, " anas niya at saka ako nilingon. "Well, let's just hope na kainin niya nga ang inihanda mo." Nakangisi na siya habang sin