MasukDesperadang makaalis sa poder ng mapang-abusong tiyahin si Alessia, ang kailangan lang niya ay trabaho lang. Hanggang sa hindi niya inaasahang makilala niya si Veyron Caelmont, ang bilyonaryong CEO at kaibigan ng kanyang yumaong ama. Isang simpleng trabaho ang nauwi sa proteksiyon, paglalapit… at damdaming hindi nila dapat maramdaman para sa isa't isa. At ang pagbabalik init ng katawan na matagal ng nawala. Ngunit si Veyron ay hindi lang boss niya. May asawa ito, at nang mapagtanto ng asawa nitong si Davina na si Alessia ang unang babaeng nagawang palambutin ang puso ni Veyron, isang bagay ang siniguro niya... Maaaring wala na silang pagmamahalan, pero hinding-hindi niya ibibigay ang asawa sa iba lalo na kay Alessia. Gagawin lahat ni Divina ang lahat kahit ikasira pa ng pangalan ni Veyron huwag lang mapunta kay Alessia.
Lihat lebih banyakALESSIA
Tapos ka na bang magayos ng mga damit mo at dadalhin?” Napalingon ako kay tiya Nora, kapatid siya ni papa. Kasalukuyang nagiimpake ako ng mga damit dahil sasama na ako kay Tiya sa Manila, dahil parehong wala na si papa at mama. “Okay na po ako, hindi ko na po dadalhin yung iba ipapamigay ko nalang sa mga kaibigan ko rito.” Tipid ang ngiting sagot ko. “Sige, hintayin nalang kita sa labas para makabiyah na tayo agad mahaba-haba pa ang biyahe natin. Isa pa hinahanap na ako ng pinsan mo.” Tukoy niya kay Vanessa, tumango ako at iniwan niya na ako. Nandito ako sa maliit kong kuwarto, napansin ko ang picture namin ni papa kuha yun bago siya dapuan ng sakit. Napangiti ako at naiiyak na pinasok ko yun sa bag ko. Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko, binenta ko na ang bahay na ‘to para may panggastos ako pagdating sa Manila dahil mag-aapply ako doon, si Tiya ang nag-suggest na doon muna ako pansamantala sa kanila habang wala pa akong trabaho. Sakay na kami ng tricycle ng Tiya ako at habang papalayo kami sa baryo kung saan ako nasanay ay hindi ko maiwasang hindi maiyak. Pinunasan ko ang luha ko at pilit na pinapasaya ang sarili ko. ___ Halos walong oras rin kaming nasa biyahe at ito nga sa wakas nandito na kami lumang bahay ng tiyahin ko. Kinakalawang na ang gate. “Vanessa! Buksan mo nga gate init na init na kami dito!” Sigaw niya at napapalingon ako sa likuran ko dahil sa lakas ng boses niya. “VANESSA!” Muling tawag niya. “Tiya baka po nasa c.r kaya hindi naririnig.” Sabi ko at saglit niya lang akong nilingon. “Hay nako, malamang may ka-video call na naman yun na afam.” Hindi na ako sumagot at kinalampag niya na ang gate na mas lalong lumikha ng ingay. “ANO BA NAMAN YAN! ANG INGAY!” Nadinig ko ang malakas na boses mula sa loob at nang bumukas na ang gate, Isang maputing babae at sobrang ikli ng short, halos lumuwa na rin ang dalawang dibdib niya dahil sa sleeveless na suot. “Ma!” masayang sambit nito. “Ma ka diyan kanina pa ako tawag nang tawag sa’yo napakabingi mo talaga.” Naiinis na sabi ni Tiya sabay pasok. Naiwan ako sa labas ng gate at napatingin sa akin itong si Vanessa, hindi ko na siya masiyadong tanda dahil bata pa kami ng huling magkita. “Ikawa ba si Alessia?” Naka-cross arm niyang tanong. “O-oo Vanessa, kamusta na?” Ngiting bati ko pero tumalikod siya at naglakad. “Pumasok ka isara mo ang gate.” Hindi na ako nakasagot tahimik na sinara ko ang gate at naglakad papasok doon papunta sa may pinakapintuan. Pagpasok ko sa loob nakita ko si Tiya nakaupo nakasandal at nakapikit ang mata, habang si Vanessa naman ay busy sa hawak niyang cellphone. Hindi ko ala kung uupo ba ako o tatayo nalang dahil wala namang nang-aalok sa akin. Saaglit akong nakatayo lang ng dumilat ang mata ni Tiya Nora. “Bigyan mo ako ng pera pambili ng bigas at ulam, wala pa akong pera dahil Isang linggong naroon ako sa inyo.” “Opo Tita bibigyan ko po talaga kayo,” ngiting sabi ko at binuksan ko ang bag ko hinanap ko ang sobre na naglalaman ng pera sa pinabentahan ko sa bahay. “Magkano nalang ba pera mo?” Tanong niya habang binubuklat ko ang sobre. “Thirty five thousand po ito, maghahanap po ako agad ng trabaho.” Sabi ko. “Sige, kahit sampung libo kasya na yan dahil maghahanap-buhay pa ako ulit.” Saglit na natigilan ako pero nagbilang ako ng sampung libo at inabot sa kanya. Pagkakuha niya sabay tayo. “Ma, kailanagan ko ng pambili ng sapatos at uniform.” maya’y sabi ni Vanessa. “Saka na yan sakto lang tong pera pambili ng pagkain natin.” Sagot ni Tiya. “Ha? Hindi puwede kailangan ko na yun ma, ilang araw ko na sinabi yan sa’yo.” Reklamo ni Vanessa. “Kulang nga ‘to, Alessia bigyan mo nga muna ng pera tong babae na ito dahil hindi yan titigil papalitan ko nalang sa’yo.” “H-Ha? S-sige po,” sabi ko lang. “Five thousand ang need ko.” Napalingon ako kay Vanessa at magsasalita sana ako pero hindi ko na ginawa, inabot ko ang limang libong piso kay Vanessa at tuwang-tuwa itong tumayo at nagtungo sa hagdan. “Sige na lalabasa na ako may de lata diyan yun muna ang ulamin mo mamaya nalang, tapos may bakante na maliit na kuwarto sa itaas linisin mo nalang.” “Sige po,” yukong sagot ko at nagmamadali na siyang lumabas. Hindi nagtagal pababa na ulit si Vanessa at nakapagpalit na siya ng damit habang may kausap sa cellphone. “Okay wait me.” Dinig kong sabi niya sa kausap niya na parang hindi niya ako nakita dahil dire-diretso siyang naglakad patungo sa pintuan palabas ng gate. Naiwan akong mag-isa, napabuntong hininga ako at nagtungo sa lababo dahil nagugutom na ako. May Isang sardinas akong nakita at pagtingin ko sa kaldero ay muntikan na akong masuka sa amoy dahil sa panis na ang kanin na naroon mukhang ilang araw ng nandoon lang yun sa kaldero. Nawalan ako ng gana kaya nagtungo nalang ako sa taas para puntahan ang kuwarto na sinasabi ni Tiya. Pagkakita ko sobrang dumi at puro alikabok at tambak na gamit, malalim na napabuntong hininga ako at inisip nalang na magiging okay rin ang lahat. __ Pagdating ng gabi wala pa rin si Tiya at Vanessa, pansamantalang bumili ako ng Isang kilo na biagas at de lata dito malapit sa tindahan dahil biscuit lang ang kinain ko. Tapos ko ng linisin ang kuwarto ko at pati na ang buong bahay dahil sobrang kalat, kakain na sana ako ng marinig ko na tinatawag ako Tiya mula sa may gate. Tumayo ako at nagmamadali na nagtungo doon para pagbuksan siya, pagbukas niya balak ko sana magmano pero dire-diretso lang siyang naglakad. Sumunod ako pagpasok ko nasa lumang sofa siya nakaupo at nakahawak sa ulo. “Tiya, nagsaing ako kakain po ba kayo?” Tanong ko at dumilat ang mata niya. “Pahiramin mo nga muna ako ng limang libong piso ibabalik ko rin sa’yo.” Natigilan ako saglit. “Tiya kakabigay ko lang ng–” “Bigyan mo na ibabalik ko rin, isa pa nakita kasi ako ng pinagutangan ko kaya naibayad ko yung pera ayaw ako tigilan.” Hindi na ako sumagot at tumango lang ako, umkyat ako sa itaas par kumuha ulit ng pera at pagkabigay ko palang ng pera ay bigla itong tumayo. “Huwag mo na ako hintayin isarado mo ang gate.” Sabi niya lang at lumabas na. Naiwang natitigilan ako habang sinasara ko ang gate, inisip ko nalang baka talagang kailangan niya ng pera. Bumalik ako sa loob para kumain dahil maaga akong matutulog dahil mag-apply ako bukas ng maaga.ALESSIA Umaga excited akong gumising at bumaba ako para maligo pero nagulat ako dahil may naamoy ako na ginigisa. “Gising ka na pala Alessia, ito nagluto na ako ng almusal mo. Sige maligo ka na, nagtitimpla ako ng kape mo.” Nagtataka man ako pero napangiti na lang ako at diretso na sa banyo, matapos maligo nagkape muna ako at kumain ng konti at umakyat na ako sa itaas para suotin ang isusuot ko.Kulay gray na palda na hapit sa balakang ko, hindi naman maikli bago dumating sa tuhod. Tapos off shoulder na white v-type, pinatungan ko ng blazer na black at four inches na sandals. Inayos ko lang ang pagkakatali ng lagpas balikat kong buhok, relo at shoulder ba nasa loob na lahat ng mga gagamitin ko.Pagbaba ko naabutan ko si Vanessa gising na may nakasabit na towel sa balikat niya habang nagse-cellphone.“Aalis ka na?” Ngiting tanong ni Tiya.“Opo Tiya kailangan kasi maaga ako.” Sagot ko at napalingon sa akin si Vanessa.Nakita ko na titig na titig siya sa akin simpleng nginitian ko la
VANESSA “Tingnan mo ‘yung mga lagayan ang gaganda mukhang mamahalin ang mga pagkain.” Tiningnan ko ‘yung pangalan na nasa plastic at nag-search ako sa google, nanlaki ang mata ko dahil kilalang restaurant yon na madalas na kinakainan ng mga mayayaman.Bawat isang order ay halos ilang libo ang presyo.“Bakit ayaw mo pang kumain? Ang sasarap nga panay ka cellphone.” “Ma, tingnan mo ‘to.” Pakita ko sa cellphone. “Ano ‘yan?” Hindi maunawaan ni mama.“Ma, diyan galing ang pagkain na ‘yan at isa pa lahat ng mga kumakain diyan kung hindi sikat na artista ay mga bilyonaryo.” Natigilan si mama sa pagsubo dahil sa sinabi ko.“Ibig mong sabihin ‘yung kaibigan ng papa Alessia na sinasabi niya na nagbigay nito bilyonaryo?” Tumango ako at biglang napangiti si mama dahil sa sinabi ko.“Kung ganun baka tulungan siya no’n dahil wala ng papa niya at malay mo bigyan siya ng pera.”“Mukha ka talagang pera.” Sabi ko na natatawa at tumawa rin siya.“Parang ikaw hindi?” “Kanino pa ba magmamana?” Taas
ALESSIA Mugto ang mata ko kahit nakaligo na ako, handa na ako para mag-apply. Simpleng puting long sleeve at palda ang suot ko at black shoes na may mababa takong. Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko si Tiya nagkakape mukhang aalis ulit ito, napatingin siya sa akin.“Pagkatapos mo mag-apply umuwi ka agad dahil walang kasama si Vanessa dito.” “Opo tiya.” Sagot ko at naglakad na ako palabas ng pinto.Paglabas ko pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag, sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan. Madali ko lang nalaman na dito dahil kahapon na umalis ako, habang nakaupo ako nakita ko ang latay ng damit sa braso ko.Sabi ni papa hangga't kayang umiwas, iwasan ko at huwag pumatol ngunit kung argabyado ka na patulan na. Pero kagabi mas pinili kong hayaan na lang dahil wala pa akong mapupuntahan, pero oras na magka-trabaho ako at makapag-ipon ng pera para makalipat aalis ako.___Mahaba-haba ang oras ko na nilaan ko sa pag-aapply, dinamihan ko ang print ng resume ko para magpapasa ako sa laha
ALESSIA Yung maagang plano ko ay hindi nangyari dahil hindi ako pinaalis ng Tiya ko hangga't wala pa si Vanessa, simula kahapon hindi pa siya umuuwi.“Tiya wala na pong bigas nakabili na po ba kayo?” Tanong ko habang nagsusuklay siya at mukhang aalis na naman.“Alessia, bumili ka muna bawasan mo yang pera mo ang dami kong bayarin. Ilaw, tubig at internet. Simula nagpunta ako sa inyo natigil ang hanap buhay kong manicure, kaya ikaw na bumili ang marami ka pa namang pera.” Muli hindi na ako sumagot at binit-bit na niya ang panglinis niya ng kuko, napabuntong hininga ako. Alas otso na ng umaga wala pa rin si Vanessa, lumabas ako dala ang perang pambili ng bigas sa katabi na tindahan.“Pabili po,” tawag ko at agad namang dumating ang tindera.“Ay ano ‘yon?” Tanong niya.“Bigas po mga limang kilo na.” Ngiting sagot ko at bahagya siyang natigilan pero sa huli ay ngumiti.“Mukhang malaki ang panalo ng tiya mo aa, may pambili ng bigas.” Napatingin ako sa tindera dahil hindi ko masiyadong n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.