Share

Lucy Pearl SPG
Lucy Pearl SPG
Author: Nelia

favoritsm

Maingay na tugtugin at patay sinding mga ilaw. Nakalalasing na inumin at mga usok na nasa paligid.

Masamang masama ang loob mi Lucy Pearl sa kanyang ina at nakatatandang kapatid na si Angelica dahil sa nangyari kaninang umaga. Pakiramdam nya ay parang hindi sya kadugo dahil kung kampihan ng ina nyang si Hailey ang ate nya ay ganu'n ganoon na lang. Hindi ito ang unang beses na pinagbintangan sya ni Angelica tungkol sa mga nawawala nitong gamit at hindi rin ito yung unang beses na kinampihan ni Hailey ang ate nya.

Bilang bunso, nagtatampo talaga si Lucy Pearl. Pakiramdam nya ay may favoritsm sa pamilya at maging ang ama nyang si Justine ay mas pinapanigan palagi ang ate nyang si Angelica. Kaya naman itong si Lucy Pearl ay lumaking malayo ang loob sa kanyang mga magulang. Hinanap nya ang kanyang kasiyahan sa labas ng kanilang tahanan at sa mga barkada nya ito natagpuan.

Lucy Pearl point of view.

Earlier...

"Lucy Pearl! Lucy Pearl, gumising ka diyan!" natutulog ako sa aking kwarto nang biglang pumasok si Ate at si mommy. Sinubukan kong magtulog-tulugan dahil sa tono ng boses ni Ate ay mukhang galit na naman sya sa akin. "Ang sabi ko... gumising ka diyan! May photoshoot ako at kailangan ko ang damit ko. ILABAS MO!" hinampas nya ako ng unan. " Mommy oh, si Lucy Pearl pinakialamanan na naman yung mga gamit ko." Nasa loob din pala ng kwarto ko ang mommy pero hindi ko narinig na inaawat nya ang ate sa pambibintang sa 'kin.

Wala akong alam sa sinasabi ni ate dahil wala naman talaga akong kinukuha. Ayokong makipagtalo kay ate dahil kahit kailan ay never akong nanalo sa kanya. "Ummmm... ano ba yon? natutulog pa yung tao, eh!" nag-inat inat pa ako sa harapan nila.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nanlalaki ang mata ni Angelica sa akin. Siguradong sigurado sya na ako yung kumuha ng damit nya. "Yung damit ko! susuotin ko mamaya sa photoshoot yun, eh! nawawala at alam kong ikaw lang ang pwedeng makialam no'n!"

Napatingin ako kay mommy at umiling. "Mom, si ate, oh!" bilang anak, hinahanap ko ba kay mommy yung maging fair sya. Yung tipong pagsabihan nya ang ate na huwag basta basta nagbibintang kaso hindi ganun, e.

"Lucy Pearl, nasaan ba kasi yung damit ng ate mo? kailangan nya kasi yun ngayon. Sige na. ilabas mo na." Mahinahon naman ang pagkakasabi ni mommy kaso lang nasaktan pa rin ako. Her words, naaahhh!!!

Obvious talaga si mommy na may kinakampihan. Biruin mo lahat ng sabihin ni ate naniniwala sya, ngayong sinasabi ko na hindi ako yung kumuha hindi sya naniniwala. Paano ba naman ang gagawin ko ss pamilya na ito. Puro sama ng loob na lang ang natatamo ko.

"Anong damit ba yon? Wala akong pinakialamanan sa gamit ni ate. Bakit ako yung pinagbibintangan nyo?" Hindi ko na napigilan na hindi maiyak sa harap nila. Alam mo yung feeling na hindi mo maipagtanggol yung sarili mo dahil hindi ka nila pinakikinggan? Simula bata ako napansin ko na na iba sila pagdating kay ate. Hindi ko alam kung bakit iba rin sila sa akin. I always do my best to make them proud to me pero palaging may comparisons and I am sicked of that.

"Kasi ikaw itong inggitera! Pakialamera!"

__________________

Masamang masama ang loob ko, As in! hindi lang dahil sa nangyari kaninang umaga. Naipon na! Imagine? ako yung bunso pero si Ate yung paborito?

Si ate yung mabait!

Si ate yung magaling!

Si ate yung maganda!

Puro si Ate na lang! kulang na lang sabihin nila na Ampon ako, eh! Lahat sila si Ate yung nakikita. Ako, parang hangin lang ako sa bahay. Mapapansin lang kapag malamig o kung kailan mainit. Puro mali yung nakikita nila sa 'kin. 'yung mga Achievements ko palaging ikinukumpara sa Achievements ng ate ko. Biruin mo, minsan na nga lang ako nag top score sa test tapos ang sabi ni Daddy sa akin, yung ate mo perfect score. next time iyon ang gayahin mo.

Like what the fuck! Magkaiba kami ni ate, ayoko syang gayahin pero kaya ko syang tapatan. Iyon nga lang palagi nilang pinamumukha sa akin na hindi ko sya kayang higitan.

Nandito ako ngayon sa isang night club kasama ko ang mga barkada ko. Si Jecka, kaycee, aimee, at kim. Puro kami babae at puro kami tinatawag na pasaway sa pamilya. THE BLACKSHEEPS eka nga ng GC namin. Naging magkakaibigan kami sinced Highschool pa lang dahil palagi kaming na-guiguidance office. At ngayong Colleges Graduate na kami ay dala-dala pa rin namin ang aming samahan na may kaunting kalokohan.

"Oh, bakit nakasimangot na naman 'yang mukha mo? Don't tell me, nag-away na naman kayo ng ate mo? And dont tell us na ang kinanpihan ng mommy is yung ate mo na naman?" Jecka asked. Napansin nya pala na wala na naman ako sa mood.

Ngumuso lang ako sa kanila at tumango. Ito kasi yung paulit-ulit kong sinusumbong sa kanila tuwing may set kami ng inuman kaya sanay na sila. Hindi naman talaga ako mahilig uminom. Sa aming magkakaibigan, ako itong pinaka madaling malasing. Ayoko talaga ng lasa ng alak sa totoo lang. umiinom ako dahil gusto ko lang ng may makausap at malabasan ng mga hinanakit ko.

"Ano ba 'yan, Lucy Pearl?! pang 100 times na ata nating pinag-usapan iyan sa inuman. Until now, hindi mo pa rin tanggap na hindi ka paborito ng parents mo?" singit naman ni Kaycee.

"Hindi pa ba pinagtatapat sa 'yo ng mga magulang mo na napulot ka lang sa tae ng kalabaw? No hurt feelings, ha? paanong hindi magiging paborito ang ate mo? Artista sya, commercial model, maraming followers sa tiktok at I*******m. in short, Famous! eh ikaw, palagi kang may hangover kaya hindi ka kasing fresh ng ate mo. Tignan mo nga ang sarili mo, ni wala man lang nanliligaw sa 'yo dahil palagi kang nakasimangot." Dagdag naman ni Aimee.

"Arayy! forda real talk kayo, ha! pati ba naman kayong mga kaibigan ko? Kaya nga ako sumasama sa inyo para magsaya, eh." Hindi na ako nasasaktan sa mga panlalait ng mga kaibigan ko. Ganoon lang talaga sila kaya sanay na 'ko. Ang hindi ko lang talaga makasanayan is yung pagkakaroon ng favoritsm sa pamilya namin.

"Paano tayo sasaya eh pati sa inuman dinadala mo yung problema. Ang dapat kasi iniiwan sa bahay ang problema. Nasa night club tayo kaya dapat puro masasaya lang ang gagawin natin." Sinalinan ni Kaycee ng alak ang baso ko at pilit na pinaubos sa akin ang laman. "Uminom ka na lang ng uminom para makalimutan mo 'yang problema mo."

"Oo nga! Malay mo, dito mo na rin makilala ang ideal man mo." Payo naman ni Kim. Ewan ko, ha! 'pag talaga si Kim yung umentrada nakakatawa.

Seriously?

"Ideal man? sa bar? kalokohan!" Mas matalino ang ate ko kesa sa akin pero hindi ako bobo. Hindi ko makikita rito ang ideal man ko sa lugar na ito. Ayoko sa lasinggero, naninigarilyo, babaero at mga party goers na lalaki. Kahit naman ganito ako, marunong pa naman akong mag-isip ng tama. Imagine, magpapakilala ako ng lalaki sa mga magulang ko tapos kapag tinanong kung saan kami nagkakilala, ano na lang ang magiging reaksyon nila kapag sinabi kong sa bar? Syempre, disappointed muli sila sa akin. Kaya ang gusto ko, kung may ipapakilala man ako sa bahay yun na siguro yung lalaking kaya kong ipagmalaki at kaya ko ring ipagmalaki. But, sa ngayon, wala pa naman sa isip ko yung mag-boyfriend kahit na nasa tamang edad na ako. Sa ngayon, ang gusto ko lang ay magsaya. Yun lang.

I am wearing a Black tube on top and denim skirt pang ibaba. Hindi alam nila mommy at Daddy na ganito ang mga suotan ko kapag umaalis ako ng bahay. Ang alam nila ay conservative akong pumorma at baduy dahil palaging pinagtatawanan ni ate ang mga ootd ko. Ang hindi nila alam ay mas magaling pa akong magdamit kesa kay ate. Hindi nila alam dahil hindi ko pinapakita. Hindi ko pinapakita dahil sigurado ako na sa mata nila ay si Ate pa rin ang mas maganda.

Kaya naman ngayong gabi, inexpose ko talaga ang ka-sexyhan ko dito sa night club. Marami rami na rin akong naiinom at nakakaramdam na ng init ang aking katawan. Sapat na rin naman ang mga nainom namin para mamanhid ang katawan ko at nakalimutan ko na kaagad ang problema ko sa bahay.

Hinila ako ng mga kaibigan ko sa gitna ng dance floor. The music take my self Control. Inindayog ko lang ang katawan ko sa saliw ng tugtugin at nakaramdam ako ng kasiyahan.

"Wooohhh! yes! aha!" Ang sarap sa feeling habang sumasayaw. nakakawala ng stress. Kahit ngayong gabi man lang ay maramdaman kong napakaganda ko. Nakatingin ang lahat sa akin habang ginagalingan ko ang pagiling. Yung mga kalalakihan dito ay mga lumuluwa ang mata sa akin. Ngayon, mas maganda ako sa ate ko. "Wooohhh!!! wine up!!!"

Habang nagsasayawan at nagkakasiyahan kami ng mga kaibigan ko sa gitna ng dance floor ay may ilan ilang lalaki ang lumapit sa amin para sabayan kaming sumayaw. May mga hawak silang bote ng alak at Chill na inabot sa amin pagkatapos ay nakipagkilala habang patuloy pa rin sa pagsayaw.

"Im, Lester! is it okay with you if you help me drink this wine? I just met you for the first time and I was immediately fascinated by your beauty. I know you are kind and you will not refuse to drink it." Lester looks is very cool. Matangkad, maputi, may dimples at mukhang friendly lang talaga. Swabe rin yung moves nya kaya pinaunlakan ko ang pakikipagkalakalan nya. cute din sya at malakas ang dating sa akin but sorry to say hindi kagaya nyang lalaki ang ideal man ko. Pwede pa siguro yung friends friends lang.

Normal lang ang mga ganitong eksena sa night club kaya hinayaan namin ang mga lalaking gustong makipagsayaw sa amin. I'm a bit tipsy but still i go with the flow. Ininom ko ang alak na binigay sa akin ng lalaking nagpakilalang lester at inubos. Pagkatapos non ay bigla na akong nakaramdam ng pagkahilo. "I'm s-sorry. I need to go to the powder room. bye, Lester!" Masyadong malakas ang tugtugin kaya hindi ko na inintindi si Lester. lumayo ako sa kanila at naglakad patungo sa CR. Dito ko na naramdaman na hindi ko na kayang maglakad ng diretso. My knees turns to jelly. Hindi na ako umabot ng CR at bigla na akong nawalan ng balanse. Sa pagtumba ko ay naramdaman kong may dibdib na sumapo sa akin. Hindi ko alam kung sino yon dahil naniningkit na ang mata ko sa kalasingan. Huling naaalala ko na lang ay binubuhat na ako. Dalangin ko lang talaga ay hindi sya masamang tao at sana at wala syang gawin na masama sa akin.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Abegail Dasco
Ms. A paki update naman
goodnovel comment avatar
Calista Dale
pinatunayan mo na mas matalino ate mo tignan mo ngayon nangyari sayo.. engot lang hihi
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status