Share

PROLOGUE

Prologue

Malaki ang ngiti ko habang bumababa ng tricycle galing eskuwelahan.

Siguradong matutuwa sila sa balitang dala ko ngayon!

Pumasok ako sa aking kuwarto at agad na nagpalit ng simpleng sando at jersey shorts bago pumunta sa bahay nina inay na nasa likod lamang ng bahay namin.

Agad kong nakita ang tatay ko na nakaupo lamang sa sofa habang nanonood ng balita. Lumapit ako sa kaniya at balak ko pa sana siyang gulatin pero sa kasamaang palad, agad din siyang humarap sa akin na tila kabisado ang presensya ko.

Nakangiti kong ipinakita ang aking report card kay tatay, agad siyang bumaling sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang tuwa at pagka mangha sa mga numerong nakita roon.

"Aba! Napakagaling talaga ng apo kong 'to!" sabay gulo ng aking buhok na parang bata.

Napakataas nang nakuha ko ngayon'g 4th grading at sa awa ng Diyos ay wala namang line of 8 kahit papaano. Siguradong makaka akyat ako sa stage ng may honor at medalyang matatanggap.

Naka-ngiti ako'ng tumango kay tatay bilang pag sang ayon.

"Basta ang bilin ko lagi sa iyo, ineng. 'Wag muna mag nobyo at 'yan ang sisira ng buhay mo. Magtapos ka muna dahil panganay ka," halata sa boses nito ang pangaral na talaga namang sinang ayunan ko.

"H'wag kang mag-alala, tatay, wala naman po akong boyfriend. Kuntento na ako sa labing-tatlo kong asawa," natatawa kong sambit at bahagyang kinilig nang maisip ang itsura ng miyembro ng K-POP group na Seventeen.

"Nand'yan na po ba ang inay?" pag babago ko ng topic. Lampas na rin kasi ng alas singko ng hapon.

"Gagabihin daw ang inyong inay kaya hindi ko pa nasusundo sa bayan," sagot ng tatay at tumango na lang ako bilang sagot.

Labandera ang inay sa bayan at ang madalas niyang amo ay mga doctor. Minsan kung walang pasok ay tinutulungan ko siya bilang part time. Kumikita rin ako roon kaya may naidadagdag ako sa baon ko.

Bumalik na ako sa bahay at nadatnan ang aking kapatid na si Azamy na nag c-cellphone at halos umiyak na habang naka titig do'n, lumapit ako sa kaniya dala na rin nang pagtataka.

"Bakit gan'yan ang itsura mo?' tanong ko at sinilip ang kaniyang cellphone.

Dahil pala sa w*****d, tsk.

Hindi man lang niya ako inimikan, pumasok siya sa kuwarto at iniwan ako sa may salas. Hindi kami gano'ng close ni Azamy pero kahit gano'n ay mahal na mahal ko ang kapatid ko'ng 'yon.

Nang umalis si Azamy ay agad ko'ng nakita ang kalat na gamit sa sahig tulad ng mga notebook, lapis at iba't-ibang kulay ng ballpen. Mukhang may gagawin si Azamy at hindi natapos dahil sa pag w*-w*ttpad niya.

Dinampot ko ang lahat ng kalat at inilagay sa may ibabaw ng aming study table.

Dahil sa mga art materials na nakita ko ay biglang may naisip ako'ng mapag li-libangan dahil wala naman kaming takdang aralin ngayon'g araw na 'to.

Pumasok ako sa aking kuwarto upang kunin ang aking bag na ginagamit ko sa pagpasok at bumalik sa salas. Inilabas ko ang ibang mga art materials pa tulad ng mga colored papers at iba pang pang kulay tulad ng mga color pencil.

Sa maliit na bulsa ng aking bag, kinuha ko ang pina develop kong picture kanina sa computer shop.

"Napaka ganda ng ngiti mo rito, Oreus."

Napatitig lamang ako sa itsura ni Oreus at sa guwapo niyang mukha.

Kilala si Oreus sa aming eskuwelahan. May pagka suplado siya minsan lalo na kung wala siya sa mood o hindi niya gusto ang taong kaharap niya.

Isa siya sa matalik ko'ng kaibigan at ilang taon na rin kaming open sa isa't-isa.

Singkit ang mga mata niya, tipong kapag ngumi-ngiti siya ay nawawala ang mga magaganda niyang mga mata. Mayro'n din siyang manipis na labi, malapad na likod at morenong kulay ng balat dulot na rin nang pagiging varsity sa school.

Swimmer si Oreus at nakaka dagdag 'yon sa charisma at playboy look niya, pero kahit ganoon ay magalang at may respeto siya sa mga babae.

Sinimulan ko na ang pag di-disensyo ng aming picture at balak ko naman itong ilagay sa pader ng aking kuwarto. Ang matitira naman ay ilalagay ko sa photo album na naglalaman din ng iba pang litrato ng iba ko pang mga kaibigan.

May gusto ako kay Oreus, at hanggang doon na lang dapat 'yon.

Kasalukuyan ako'ng nasa ika-sampung baitang sa isang pampublikong paaralan dito sa Bayan ng Pasita. Marami na rin ako'ng naging kaibigan at marami rin ang nagtatangkang ligawan ako. Hindi nga lang sila pinalad dahil wala akong hinayaan kahit isa sa kanila. Bata pa kasi ako at wala pa talaga 'yon sa isip ko.

Nang matapos ako ay binitbit kong muli ang aking bag papasok ng kuwarto 'saka sinimulan ang pagdi-dikit sa pader ng mga litratong inayos ko.

Plain white na pintura lang ang kulay ng pader ng aking kuwarto pero dahil nga sa hilig ko sa arts, napaganda ko naman ito. Nabuhay ang kulay ng aking kuwarto gamit ang mga colored paper, at iba pang mga pwedeng ibang pang disenyo sa kuwarto na nabili ko sa palengke.

Naka-sabit sa pader ang mga diploma ko, mga medals at sa gitna nito ay mga graduation pictures ko. Makikita rin doon ang ibang litrato kasama ang family ko at sa ibabang parte naman noon ay ang pictures namin ng mga kaibigan ko, kasama na roon si Oreus.

Mahilig talaga akong kumuha ng litrato. Sa gano'ng paraan kasi matatandaan natin'g lahat ang mga masasaya at malulungkot alaala na nagdaan sa mga atin'g mga buhay. Ang mga gano'ng bagay ay hindi dapat kinakalimutan, nasaktan man o naging masaya man tayo.

Nang matapos na sa lahat ay humiga na ako sa aking kama at nakitang alas sais na pala. Bumangon na ako at nag tungo sa kusina para mag saing.

Habang naghihintay, kinuha ko ang aking cellphone at nagbukas ng messenger. Sunod-sunod ang notifications na lumabas sa aking cellphone, ang iba ay galing sa group chat naming magkakaibigan pero isa lang ang nakapagpa saya sa akin doon.

Ang chat ni Oreus.

Oreus Vielle Lorenzano:

Narito ako sa may gate niyo, labas ka.

Nagulat ako sa chat niya at tiningnan ko ulit ang oras sa cellphone ko.

Agad nanlaki ang aking mata. Kanina niya pa pala iyong chat at halos 20 minutes na rin ang naka lipas.

Medyo kinakabahan kong tinahak ang daan palabas ng bahay at nakita ko si Oreus na nasa tapat ng aming gate. Nakasandal siya sa poste ng ilaw na malapit doon at patingin-tingin sa kaniyang cellphone.

Dahil na rin sa pagkaka-taranta ay lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na maka punta sa puwesto niya. Bakit kasi ang layo niya?

Akala ko wala na akong maabutan kaya binagalan ko lang ang kilos ko kanina. Malay ko ba na makikita ko pa siya rito?

Kahit hinihingal dahil sa ginawa ko kanina ay nagsalita rin agad ako. "Ahm, Oreus, ano'ng ginagawa mo rito?" pagtatanong ko sa kaniya.

"May gusto lang sana akong sabihin sayo, Saff," seryosong sambit nito at dahan-dahang hinawakan ang kanang kamay ko.

"Bakit pumunta ka pa rito? Pwede mo namang i-chat na lang sa akin, e. Delikado na, Oreus!" halata sa boses ko ang pangaral at pag-aalala sa kaniya.

Natawa siya at maya-maya ay naging seryoso na ulit.

"Saff, I'm leaving. Tommorow to be exact." sambit nito.

Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Bakit siya aalis?

"Ano'ng meron, Oreus? Bakit biglaan?" halata na sa boses ko ang panginginig dahil na rin sa pagpipigil ko na umiyak.

"Aakyat pa tayo ng stage, 'di ba?" dugtong ko pa at hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi niya sa akin ngayon.

"Nakita ko na ang tunay kong mga magulang, Saff. Sa Maynila na kami maninirahan at nasa bahay sila ngayon, inaayos ang mga gamit ko," may bahid ng saya ang boses niya na kabaliktaran naman ng nararamdaman ko ngayon.

"Masaya ako para sayo, Oreus." Kahit masakit para sa akin.

"Basta ba 'wag mo akong kakalimutan, e," nakangiti ko namang sambit sa kaniya kahit nahihirapan na akong huminga dahil na rin sa sikip ng d****b ko.

Ngumiti si Oreus sa akin at niyakap ako. "Oo naman, Saff. Bestfriend kita, e."

Ngayon lang niya ako niyakap nang ganito at mukhang ito na rin ang huli.

Crush lang naman 'di ba, Saffira? Bakit ka nasasaktan?

"May gusto rin akong aminin sayo, Saff. Hindi rin ako mapapatahimik nito kung hindi ko aaminin sayo, e," sabay hawak niya sa batok niya.

"Ano 'yon, Oreus?" tipid kong tanong sa kaniya at tiningnan ang mata niya.

"Saffira Ray Vordez, may gusto ako sa'yo," naka yuko nitong sambit.

Napansin kong namumula ang mga tenga niya nanagpapatunay na nahihiya siya. Totoo ba 'to?

"Ha?" naisagot ko na lamang dahil sa pagkabigla.

"Saff, may gusto ako sayo. Kaya sana pagbigyan mo ako sa munti kong hiling sayo," sagot niya at tumango na lamang ako.

"Please, Saff, hintayin mo ako. Babalik ako, babalikan kita. Just don't fall in love with another man, hindi ko kakayanin." malungkot na sambit nito.

"Paalam, Saff. Hintayin mo ako, please," at tuluyan na siyang umalis.

Dahil doon ay tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Hihintayin kita, Oreus.

Pinang hawakan ko ang pangako ko kay Oreus pero bakit ganito?

"Saffy, nakita mo ba 'yong post na naka-tag kay Oreus sa I*******m?" sambit ni Rowie, isa sa kaibigan namin ni Oreus.

Nagtataka ako'ng bumaling sa kaniya. "Bakit? Ano'ng meron?" sagot ko sa kaniya.

Hindi naman kasi ako mahilig mag i*******m at tamang f******k or messenger lang ako.

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng umalis si Oreus at bukas ay graduation na namin.

" Ito oh," sabay abot ni Rowie ng kaniyang cellphone.

Picture iyon ni Oreus. Ang mukha niyang halata ang saya dahil sa nawawala na naman niyang mata, kasama ang isang babae.

Napaka gandang babae. May singkit din itong mga mata at halata ang magandang kutis nito dahil sa sleeveless na suot nito.

Paano kita hihintayin, Oreus, kung nasa pangangalaga ka na naman pala ng iba?

Hindi ko na tinagalan pa ang pagtingin sa litrato at ibinalik na rin kay Rowie ang kan'yang cellphone.

"Okay ka lang ba, Saffy?" pagtatanong ni Rowie, halata sa boses niya ang pag-aalala at pagtataka.

"Oo naman, Rowie. Bakit naman hindi? Masaya pa nga ako para kay Oreus dahil natagpuan na niya ang babaeng para sa kaniya." sagot ko na lamang.

Nakita ko na lamang ang pagtango ni Rowie bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.

"Tama nga naman, Saffy. Grabe 'no? Ang bilis ni Oreus, tapos ang ganda pa noong babae. Bagay na bagay talaga sila," halata pa sa boses ni Rowie ang kilig at paghanga sa litrato na nakita niya.

Ang bilis nga, Oreus. Paano naman ako rito? Ako na pinangakuan mo?

Hindi na lang ako nagsalita pa at tumingin na lamang sa langit.

"Bakit hindi natin siya i-video call? Miss ko na rin si Oreus, e," saka pumindot ng kung ano sa kaniyang cellphone.

Patuloy pa rin akong hindi nagsalita at hinayaan na lamang si Rowie sa gusto niya.

Maya-maya pa ay dumating na si Raki, isa rin sa kaibigan namin. Agad siyang tumabi sa akin at 'saka umakbay.

"Bakit parang malungkot ka, Saffy? Gusto mo ng ice cream?" sambit niya at inamoy ang buhok ko.

"Okay lang ako, Raki," sagot ko sa kaniya.

Hindi na lamang ako nagpa halatang apektado pa rin sa picture na nakita.

Hinayaan ko na lamang siyang umakbay sa akin dahil sanay na naman ako sa kaniya. He's my friend after all, at normal na rin sa akin 'yon dahil hindi lang naman sa akin gan'yan si Raki.

"Ayon, sumagot din si Oreus!" masiglang sabi ni Rowie at hinampas ang kaniyang kapatid.

"Hoy, kuya! Kung maka-akbay ka kay Saffy, ah, jowa mo?" at siya na ang nag-alis ng pagkaka-akbay sa akin ni Raki.

"Kung magalit ka, ah. Si Saffy nga hindi nagagalit, e. Bakit, nagse-selos ka ba?" at inalis ni Raki ang pag-akbay sa akin tsaka kiniliti si Rowie.

Tumingin ako sa cellphone niya at nakita ang mukha ng isang babae.

"Rowie, 'yong cellphone mo," at tinuro ko naman iyon para makapag focus siya sa ginagawa niya.

Nakangiti ang babae. "Hello, ahm, Rowie?" sagot ng babae sa kabilang linya.

Halos mahulog ang panga ni Rowie sa gulat.

"Umo-order kasi si Vielle ngayon ng pagkain namin and naiwan niya 'yong cellphone niya rito kaya ako na ang sumagot. Nice to meet you!" nakangiting sabi ng babae ng mapansin ang pagtataka sa mukha ni Rowie.

Ngumiti rin si Rowie sa kaniyang kausap. "Ahm, gano'n ba? Sige mamaya na lang siguro kami mag u-usap. Nice too meet you too, bye!" sagot niya.

"Sasabihin ko na lang kay Vielle na tumawag ka. Sige, bye!" at saka namatay ang tawag.

Natahimik kaming tatlo, dala na rin siguro ng gulat at pagka mangha.

Hindi ko alam, naninikip na lalo ang d****b ko.

Nasasaktan, siguro?

Tama bang hintayin pa kita, Oreus?

Tumayo na ako at iniwan na lamang ang magkapatid.

Agad akong sumakay ng tricycle pagka labas ng school at sinabi ang address para maka-uwi na.

Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ako kung sino ang nasa tapat ng gate namin at parang may hinihintay.

Isang lalaki na halos kasing tangkad din ni Oreus pero may maputi naman itong kulay ng balat.

"Ano po ang kailangan, nila?" tanong ko at tumingin sa lalaki.

Ngumiti ito sa akin at napatitig ako sa kaniyang mukha.

"Ikaw ba si Saffira?" pagtatanong nito sa akin at halata ang pag o-obserba niya sa akin.

"Oo, bakit? Ano'ng kailangan mo?" taas kilay kong sagot sa kaniya at gulat ko na lamang nang yakapin niya ako.

Kumalas siya sa pagkakayak niya sa akin. "Saffy!! Ako 'to, si Remus!" masayang sambit nito at pinang-gigilan naman ang pisngi ko.

Nanlaki ang mata ko at agad din niyakap si Remus.

Isa si Remus sa kababata ko, pero sa kasamaang palad ay nagkahiwalay din kami dahil umalis siya rito at lumipat na sa kabilang bayan nang mag grade 7 kami.

"Ay, iba na talaga ang umaalis! Ang pogi mo na, ah?" sabay kurot ko sa tagiliran niya.

"Ikaw talaga ang una kong pinuntahan pag balik namin dito. Kinabahan pa nga ako kanina kasi akala ko lumipat na kayo ng bahay!" sambit nito.

"Atsaka, ano ka ba naman, Saffy! Matagal na akong pogi 'no? Guwapo pa nga, e," sabay pa-cute at pogi pose nito.

Napa-iling na lang ako at marahang napatawa sa sinabi niya.

Nag-usap kami ni Remus at napansin ko na mas matangkad na talaga siya sa akin ngayon.

Nag kuwento lamang siya ng tungkol sa naging past life niya roon sa dating tini-tirahan at dating eskuwelahan niya.

Maya-maya pa ay nagpaalam na siya sa akin at babalik na lamang daw siya bukas.

Bitbit ang ngiting ibinigay sa akin ni Remus, ay pumasok na ulit ako sa loob ng bahay namin at dumiretso papasok ng aking kuwarto.

Nakakapagod.

Kinuha ko ang aking cellphone at balak sanang mag kuwento kay Oreus ng buong nangyari sa maghapon ko pero hindi ko na itinuloy.

Saff, hayaan mo na si Oreus. May bago na nga agad siya, e.

Agad akong napatingin sa pader kung saan naka dikit ang mga pictures namin.

Naalala ko na naman ang lahat ng mga pinagsamahan namin ni Oreus at bumalik din ang mga masasakit na nangyari kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status